Close
 


Higit P500 dagdag sa minimum wage ihinihirit ng grupo | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
P530 na dagdag sa daily minimum wage sa Metro Manila ang ihinihirit ng isang umbrella group ng labor unions at manggagawa. Para sa mga petitioner, lumalala pa ang krisis na dulot ng mataas na presyo ng mga bilihin, serbisyo, at transportasyon. Nagpa-Patrol, Zen Hernandez. TV Patrol, Martes, 21 Marso 2023 For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2022 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa loob ng 27 years na pagkayod ni Ramil bilang forklift operator, di pa niya natikmang umangat sa minimum ang sahod.
00:10.0
Ngayong may apu pang nadagdag sa pamilya, lalo siyang nababaon sa utang.
00:15.0
Problema pa niya at mga kasamahan ang di pagbabayad na mga benepisyo ng dati nilang agency.
00:22.0
570 hindi nga sapat yan sa paggano, sa gastusin.
00:27.0
Gano'ng ahira?
00:28.0
Mahira po talaga, lalo na noon mo pa, ang tatlong pinapagharan ko.
00:32.0
Yung sahod yun ay 570 kulang pa yan.
00:35.0
Sa datos ng gobyerno noong Enero, 6.65 milyon ang underemployed o mga empleyadong naghahanap ng dagdag na trabaho at kita.
00:46.0
Record high din kasi ang inflation rate na nananatiling lagpas 8% mula sa dating 3 o 4%.
00:58.0
Kanina, sumugod sa NCR Wage Board ang Unity for Wage Increase Now o UWIN
01:05.0
na binubuo ng mahigit dalawampung labor organizations para maghahain ng P530 na wage hike petisyon
01:13.0
Nais ng grupo, iakyat sa P1,100 ang arawang sahod para lumapit ito sa tinaguriang Family Living Wage o nakabubuhay na sahod.
01:24.0
Nagtas yung presyo ng pamasahe at yung nakambang pagtas pa ng pasahe sa LRT-MRT, yung pagtas ng kuryente, pagtas ng singil sa tubig.
01:38.0
Magpatawag sila ng public hearing para maidepensaan din namin yung bakit P530.
01:45.0
Sang-ayo naman ang Employers Confederation of the Philippines na mahirap ang buhay dahil sa mataas na inflation.
01:51.0
Pero katwira nila, 8 milyon lang sa halos 50 milyong manggagawa sa bansa ang nakikinabang sa minimum wage increase.
02:00.0
Nagpaalala din sila na hindi pa tuluyang nakakabangon ang mga negosyo sa pandemia.
02:06.0
Mas pangtasang swerbe natin pero mas pangtasang presyo ng pagkain natin at pure wealth.
02:11.0
Yun ang problema. So we didn't have to solve the problem because of pure wealth and because of some commodities.
02:21.0
Ayon naman sa DOLE, mayroon na ring wage hike petitions sa Region 6 at 7, kaya apat na ang nakatakdang dingging petisyon.
02:29.0
Ipinapaubaya sa regional wage boards ang desisyon.
02:32.0
Nakikita pa rin natin yung pangangailangan na magtoon tayo ng pansin sa manufacturing sector kasi nariyan yung medyo pang matagalan na trabaho, mas magandang benepisyo.
02:44.0
Siyempre nariyan yung IT and business process management sector na sa aming dialogo sa kanila, meron silang potential na sinabing paglikha ng malaking bilang ng employment.
02:57.0
Ayon sa DOLE, may mga trabahong mas mataas ang sahod pero di mapunan, kaya tinututukan din ang training at upskilling ng mga manggagawa.
03:07.0
Isang job fair naman ang iniahanda ng Labor Department para sa paparating na Labor Day sa Mayo a Uno.
03:15.0
Pero ang mga labor group nagbantana ng malaki ang protesta kapag hindi napagbigyan ang kanilang kahilingan para sa umento sa sahod.
03:24.0
Zen Hernandez, ABS-CBN News.