Close
 


Pangunahing barko ng amphibious ready group ng U.S. Navy, nakadaong sa pier sa Maynila;... | 24 Oras
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Pangunahing barko ng amphibious ready group ng U.S. Navy, nakadaong sa pier sa Maynila; 'di rin lalahok sa military exercises habang nasa Pilipinas Ipinasilip sa media ang nakadaong ngayon sa maynila na barko ng amphibious ready group ng U.S. Navy na USS America. Galing Japan ang barko kung saan lumahok sa joint military exercises doon ang crew nito. Pero hindi raw 'yan ang pakay nila sa kanilang pagbisita sa bansa. 24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mike Enriquez, Mel Tiangco and Vicky Morales. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 6:00 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanetwork.com/24oras. News updates on COVID-19 (coronavirus disease 2019) and the COVID-19 vaccine: https://www.gmanetwork.com/news/covid-19/ #Nakatutok24Oras Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews I
GMA News
  Mute  
Run time: 03:40
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ipinasilip sa media ang nakadao ngayon sa Maynila na barko ng Amphibious Red Group ng US Navy na USS America.
00:07.8
Galing Japanang barko kung saan lumahok sa Joint Military Exercises doon ang crew nito.
00:12.2
Pero hindi daw yan ang pakeng nila sa kanilang pagbisita sa bansa.
00:15.6
Nakatutok si J.P. Soriano.
00:20.8
Sila ang mga sundalong Amerikano na lumahok sa Joint Military Exercises sa bahagi ng Okinawa, Japan.
00:27.6
Sakay sila ng USS America, ang pangunahing barko ng Amphibious Red Group ng US Navy.
00:35.6
Matapos ang ilang linggong military exercise na yan,
00:39.6
ang USS America nagtungo sa Pilipinas at nakadao ngayon sa pier sa Maynila.
00:46.6
Pero di gaya sa Japan.
00:48.6
Hindi lalahok sa anumang military exercises ang USS America habang nasa Pilipinas.
00:55.6
Bagkos narito sila para magpahinga at makapamasyal sa Maynila ang kanilang crew.
01:02.6
Sa ilalim ng Visiting Forces Agreement ng Amerika at Pilipinas,
01:06.6
pinahihintulutan ang pagpunta sa ating bansa ng mga barko at eroplano ng Amerika.
01:13.6
Habang nakadaong sa pier sa Maynila, inimbitahan ng US Navy ang Philippine media sa isang ship tour.
01:20.6
Dito ipinakita nila ang ibat-ibang bahagi ng USS America.
01:25.6
Ito ang flight deck ng isa sa pinakamalaking US Navy ship sa buong mundo,
01:29.6
ang USS America.
01:31.6
At ayon sa tagapagsalita ng USS America,
01:33.6
kaya rito mag-handle ng 25 aircraft ng US.
01:36.6
Pero kaya rito mag-handle ng 6 aircraft para sa landing at takeoff.
01:41.6
Pangunahing misyon ng USS America,
01:44.6
ang magsilbing backup para sa mga marine flight operations.
01:48.6
May karga ring anti-air missiles ang USS America.
01:51.6
Sabi ng commanding officer ng USS America,
01:54.6
dumaan sila sa South China Sea habang papunta sa Pilipinas.
01:59.6
Nang tanungin kung may mga nakuha silang radio challenge doon,
02:02.6
sinabi ng commanding officer,
02:04.6
naging maayos, ligtas at profesional ang kanilang pakikisalamuha sa anumang bansa habang bumabiyahe pa Maynila.
02:12.6
Any navy, any of the US naval ships are free to operate anywhere in international waters.
02:19.6
And we do that so the waters can remain free for all countries to use.
02:24.6
Ang pagbisita ng USS America sa Pilipinas,
02:27.6
nataon sa gitna ng patuloy na pananatidi ng mga Chinese militia vessels
02:32.6
sa iba't ibang bahagi ng West Philippine Sea
02:35.6
at pagkahahain ng diplomatic protest ng Pilipinas kamakailan
02:40.6
dahil sa panunutok ng laser ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard.
02:45.6
Ang mga ganitong klaseng insidente sa West Philippine Sea,
02:48.6
inaasahang tatalakayin sa Bilateral Consultative Mechanism o BCM sa March 23 at 24
02:55.6
na gaganatin sa Pilipinas para pag-usapan sa mapayapang paraan
03:00.6
ang mga gusot at tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea.
03:05.6
May nakatakda namang high-level meeting ang mga opisyal ng Amerika at Pilipinas
03:09.6
kaugnay sa Defense and Security Cooperation sa darating na Abril
03:13.6
na lalahukan ng Foreign Affairs at Defense Secretaries ng dalawang bansa.
03:19.6
Sa Webes, nakaskedyun umalis ng Pilipinas ang USS America
03:22.6
at hindi man daw lalahok sa balikatan exercises ang barkong ito.
03:26.6
Handa daw silang bumalik ng Pilipinas anumang oras na ipag-utos ito
03:30.6
at kung kakailanganin.
03:32.6
Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano.
03:35.6
Nakatutok, 24 oras.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.