Close
 


Rep. Arnolfo Teves, hindi nagpakita sa Kamara ngayong araw sa kabila ng deadline na... | 24 Oras
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Rep. Arnolfo Teves, hindi nagpakita sa Kamara ngayong araw sa kabila ng deadline na itinakda ng Kamara Dumating at lumipas ang deadline, pero hindi nagpakita si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Kamara ngayong araw. Pinasasagot si Teves sa kanyang patuloy na pagliban sa trabaho. Ito'y sa gitna ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo kung saan idinadawit si Teves. 24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mike Enriquez, Mel Tiangco and Vicky Morales. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 6:00 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanetwork.com/24oras. News updates on COVID-19 (coronavirus disease 2019) and the COVID-19 vaccine: https://www.gmanetwork.com/news/covid-19/ #Nakatutok24Oras Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http:
GMA News
  Mute  
Run time: 04:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dumating at lumipas ang deadline pero hindi nagpakita si Negros Oriental Representative Arnolfo Tevez Jr. sa kamara ngayong araw.
00:08.0
Pinasasagot si Tevez sa kanyang patuloy na pagliban sa trabaho.
00:12.0
Ito'y sa gitna ng imestigasyon sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo kung saan idinadawid si Tevez.
00:19.0
Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:22.0
Hanggang alas 4 ng hapon lang ay binigay ng House Committee on Ethics and Privileges kay Negros Oriental Representative Arnolfo Tevez Jr.
00:31.0
para humarap sa kanila ng personal.
00:33.0
Pero hindi nagpakita ng personal si Tevez na sinasabing nasa ibang bansa pa rin kahit na expired na ang travel clearance na mula sa House of Representatives noong March 9.
00:43.0
Dahil dito, isinara na ng kumite ang kanilang imestigasyon at meron na raw silang nabuong desisyon matapos ang isang unanimous vote.
00:51.0
Pero hindi nilabas ng kumite kung ano ang sasapiti ni Tevez. Hintay na lang daw na maihain ito sa plenaryo bukas.
01:13.0
Sa ilalim ng rules ng Kamara, maaaring parusahan ng kapulungan ng isang miyembro nito sa rekomendasyon ng Committee on Ethics sa paglabag ng Code of Conduct at Disorderly Behavior.
01:30.0
Ang parusa maaaring censure or reprimand kung papayagan ng majority ng miyembro ng Kamara.
01:36.0
Pwede rin ma-suspende o mapatalsik ang isang miyembro kung papayagan two-thirds ng miyembro. Kung suspension ang magiging parusa, pinakabatagal na ang 60 araw.
01:46.0
Nauna nang sinabi ng kampo ni Tevez na gusto nilang makilahok sa mga deliberasyon pero sa papamagitan ng teleconferencing. Pero hindi ito pinayagan ng Kamara.
01:56.0
Pag hindi ka allowed by the house, yung travel outside mo, you are deemed absent. E kung absent ka, hindi ka allowed din na mag-join sa mga activity dito sa house.
02:15.0
Kahapon humiling kami na siya magpaliwanag virtually kasi may house rules, puron yung hybrid system. Una ayaw, pumayag, binawi na ang pagpayag.
02:31.0
At pinagtataka nga po namin na sir Egan, ma'am Connie, kasi sabi po nila, sabi silang marinig yung panig ni congressman Tevez. E paano po yun eh? Pero condition silang personal na dumalo.
02:46.0
Hiwalay na usapin ito sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Ruel de Gamo kung saan nadadawit ang pangalan ng isang kong Tevez bilang nasa likod umano ng krimen.
02:56.0
Dati nang itinanggin ni Tevez ang alikasyon. Kanina, sinabi ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio na maglalabas ng pahayag si Tevez kayong araw pero wala pa ito sa ngayon.
03:07.0
Pre-recorded sa kanyang Facebook page at doon po ay sasabihin niya lahat ng nalalaman niya, pati yung kanyang apila sa kanyang mga kasamahan sa kongreso na sana naman ibigyan siya ng benefit of the doubt at yun pong masunod yung presumption of innocence. Ang tono daw ng ibang mga sektor ay parang guilty na siya.
03:30.0
Sabi pa ni Esparez kung biglang magpapakita si Tevez bago magdesisyon ang plenaryo bukas, bahala na ang plenaryo kung bibigyan ito ng konsiderasyon. Hanggang bukas na lang ang sesyon ng kamera. Nakatakdang mag-recess ang House of Representatives sa March 25 hanggang May 7.
03:46.0
Kaugnay nito, inilahad ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakatanggap siya ng text message mula kay Tevez kahapon pero hindi raw niya ito sinagot. Sabi pa ni Remulla, apat na suspect pa sa pagpatay kay Digamo ang sumuko.
04:01.0
Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Oras.