Close
 


24 Oras Express: March 21, 2023 [HD]
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, March 21, 2023: - Lumubog na MT Princess Empress, natunton na ng ROV sa ilalim ng karagatan - 3 barangay sa Verde Island, nakitaan ng langis; bayan ng Bauan at Mabini, binabantayan na rin - Sen. Hontiveros, gustong paimbestigahan ang pag-angkat ng asukal gamit ang tatlong sugar traders na binigyan ng otorisasyon ni DA Usec. Panganiban - Pangunahing barko ng amphibious ready group ng U.S. Navy, nakadaong sa pier sa Maynila; 'di rin lalahok sa military exercises habang nasa Pilipinas - Magulang ng dalawa sa 34 na nawawalang sabungero, dismayado sa mabagal na usad ng kaso at 'di pa pag-aresto sa mga kinasuhang suspek - U.S. Secretary of State Antony Blinken, kinondena ang pagbisita ni Chinese Pres. Xi kay Russian Pres. Putin at tinawag itong "diplomatic cover" sa Russia - Kilig feels na hatid ng pilot episode ng "The Write One", tinutukan at trending online - PAGASA, opisyal nang idineklara ang dry season o tag-init - Basketball veteran
GMA News
  Mute  
Run time: 36:16
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Live mula sa GMA Network Center. Ito ang 24 oras.
00:10.0
Nagandang gabi po, Lujon Visayas at Mindana.
00:14.0
Tatlong linggo matapos sumubog sa bahagi ng Oriental Mindoro,
00:18.0
natunto na ng remotely operated vehicle mula Japan,
00:23.0
ang MT Princess Empress sa ilalim ng dagat.
00:26.0
Sinusuri na rao ng mga eksperto ang datos na nakukuha ng ROV
00:29.0
para sa magiging susunod na hapang para tuluyang mapigil ang oil spill.
00:33.0
Sa gitna niyan, nag-issue ng supina ang Justice Department sa ilang ahensya,
00:38.0
kabilang ang Marina at Philippine Coast Guard para dumalo sa embestigasyon
00:43.0
kaugnay sa lumubog na barko.
00:45.0
Narito po ang sanib puwersang pagtutok ni Nasalima Refran at Chino Gaston.
00:53.0
Matapos ang ilang oras na pagsisid sa madilim at napakalalim na karagatan,
00:57.0
natagpuan na ng remotely operated vehicle o ROV mula Japan,
01:02.0
ang lumubog na MT Princess Empress sa lalim na 400 meters,
01:06.0
may 15 kilometro, mula hilaga silangang ng Mindoro.
01:10.0
Kinokontrol ang ROV na PAMI, pangalang Hakuyo,
01:14.0
mula sa mothership nitong Shin-Nichimaru mula pa sa Japan.
01:18.0
Sinusuri ng ROV ang barko at tinignan kung ano-ano pa ang pinagmumula ng tagas ng langis
01:24.0
na kumalat at umabot na sa napakahalagang biodiversity site
01:28.0
at marine protected area ng Verde Island.
01:31.0
Pero may limitasyon daw ang kayang gawin nito.
01:55.0
Sa Incident Information Center website na nagbibigay ng update sa oil spill,
01:59.0
sinabing patuloy ang ugnayan ng RDC-Ryald Marine Services sa mga otoridad at eksperto
02:05.0
para mapigilan ang paggalat ng oil spill.
02:08.0
Patuloy ding tinatrack ang galaw ng oil spill gamit ang aerial at satellite imagery.
02:13.0
Mayon naman kay Oriental Mindoro Governor Humer Lito Dolor,
02:17.0
hinihintay pa nila sa ngayon ang opisyal na report kaugnay sa nakuna ng ROV
02:22.0
bago magsagawa ng nararapat na hakbang sa barko.
02:26.0
May asahan natin na makakapaglabas ng opisyal na report
02:30.0
ang kumpanya nito in 3, maximum of 5 days.
02:35.0
Sa lukuyan din may dalawang consultants, mga experts na nakasakay sa barko nito
02:41.0
na sasagawa ang pag-aanalisa ng laman ng barko ayon na din sa pagkakapunga ng ROV.
02:50.0
Ang lawak ng pinsalang idinulot ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress
02:57.0
tanaw rin mula sa himpapawid sa isinagawang aerial inspection
03:01.0
ni Justice Secretary Remulia at iba pang opisyal ng gobyerno.
03:05.0
Nangingitim na ang mga pampang sa Bayan ng Pula na pinakaapektado ng oil spill.
03:11.0
Kita rin may malapit na bakas ng langis papunta sa Verde Island.
03:15.0
Paglapag, namuong langis naman ang sumalubong sa kanila sa dalampasigan.
03:20.0
It's bigger than advertised.
03:23.0
Meaning to say, between Batangas and Mindoro, kalat na talaga siya.
03:28.0
And it's really there, very near Verde Island already.
03:31.0
Matapos makausap ang lokal na pamahalaan ng Pula at incident command post sa oil spill,
03:36.0
ipinagutos si Remulia ang mas agresibong cleanup sa pamamagitan ng resolusyon ng NDRMC.
03:42.0
Tayo na mismo mag-undertake ng cleanup by hiring our own ROVs.
03:46.0
And if there are insurance policies that will allow them to reimburse us,
03:52.0
so be it. Kasi habang kung meron pang mahihigop na naroon na makakawala,
03:58.0
it's better that we do something about it.
04:00.0
Nag-issue na rin ng Sabina ang DOJ sa Marina, Philippine Coast Guard at Philippine Ports Authority,
04:06.0
di may bataan na pantalan kung saan kinarga ang 800,000 litro ng industrial oil
04:12.0
para dumalo sila sa case build-up meeting at magpakita ng mga dokumento.
04:16.0
Para sa GMA Integrated News, Sanima Refran.
04:24.0
May mga fish sample na sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill,
04:28.0
na nakitaan ng mababang level ng mga contaminant na mapanganib sa kalusugan,
04:34.0
ayon sa isang grupo, ang pinsala sa supply ng pagkain,
04:38.0
ang isa sa pangmatagal ang epekto ng oil spill na kanilang binabantayan,
04:43.0
lalot ang oil spill ay nakarating na sa Verde Island Passage,
04:48.0
na sentro ng marine biodiversity sa mundo.
04:51.0
Diyan naman tumutok si Mackie Pulide.
04:57.0
14,000 square kilometers ang lawak ng karagatang sakop ng Verde Island Passage.
05:04.0
Sa ilalim nito matatagpuan ang pinakamayamang yamang dagat sa buong mundo.
05:09.0
Nasa 200 na coral species ang matatagpuan dito na bumubuhay
05:13.0
sa halos 2,000 marine species, pati ng mga endangered o nanganganib ng mawala sa mundo.
05:19.0
Also includes mangrove forest, sea grass beds, and world famous coral reefs.
05:25.0
In these coral reefs, you find the highest marine biodiversity on the planet.
05:31.0
Ang yamang dagat na ito ang nalalagay sa panganib sa pagkalat ng tumatagas na langis
05:37.0
mula sa lumubog na empty Princess Empress.
05:40.0
600 kilometers ang kabuang haba ng coastline ng Verde Island Passage
05:44.0
sa limang probinsyang bahagi ng conservation corridor.
05:47.0
Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon.
05:52.0
Nasa gitna nito ang Verde Island.
05:54.0
Tatlong barangay na sa Verde Island ang nakitaan ng langis at kasalukuyan pa rin nililinis.
06:00.0
Pero nang mag aerial survey ang Philippine Coast Guard kahapon,
06:03.0
nakitaan na rin ng oil patches ang dalawang barangay ng Tingloy, Batangas,
06:07.0
isa sa pinakasikat na diving spot sa bansa.
06:11.0
Binabantayan ngayon ang mga bayan ng Bawan at Mabini.
06:27.0
Ang mga kinulektang water samples ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
06:31.0
mula sa Siam na Bayan ng Oriental Mindoro, nakitaan na ng traces ng petroleum products
06:36.0
pero nakapaloob pa rin ang level nito sa standard ng DENR.
06:40.0
Meron na rin low-level contaminants ang mga nakuhang fish sample na mapanganib sa mga tao
06:45.0
at ibang living organism.
06:47.0
Wala pa raw katiyakan ng kanilang pagsusuri sa usaping food safety,
06:51.0
kaya't patuloy nila itong pag-aaralan.
06:53.0
Para sa grupong Sea Institute,
06:55.0
ang pinsalan nito sa food chain ang isa lang sa mga long-term effect ng oil spill.
07:07.0
So these toxins accumulate through the food chain
07:10.0
and as you go higher and higher the food chain,
07:12.0
up to us and the other predators like sharks,
07:15.0
tumataas actually yung concentration ng toxins na ito.
07:19.0
Hindi lang mismong karagatan ang napinsalan ng oil spill,
07:22.0
pero maging ang kabuhayang nakasalalay dito.
07:25.0
Ngayon pa lang, 19,000 na mga mangingisda na ang nawalan ng kabuhayan
07:29.0
dahil pinaiiral pa rin ang BFAR,
07:31.0
ang ban sa pangingisda sa mga apektadong lugar.
07:34.0
Para sa GMA Integrated News,
07:36.0
Mackie Pulido na katutok, 24 oras.
07:40.0
Naghai ng resolusyon si Senadora Risa Ontiveros
07:43.0
para paimbestigahan ang tila pagpabordaw ni Senior Agriculture Undersecretary Domingo Pangaliban
07:50.0
sa tatlong sugar traders na mas mahal pa umano ang benta sa imported na asukal.
07:55.0
Ang paliwanag ng DA,
07:57.0
sa sanib-puwersang pagtutok ni na Bernadette Reyes at Ma'am Gonzales.
08:04.0
Nakarating daw kay Senadora Risa Ontiveros
08:06.0
na ilang industrial users ang gusto sanang mag-import ng sarili lang asukal mula sa Thailand,
08:11.0
kung saan 25 pesos per kilo lang ang bentahan.
08:14.0
Pero hindi umano sila pinayagan ni Agriculture Senior Usec Domingo Pangaliban.
08:19.0
Sa halip, itinuro umano sila sa tatlong accredited sugar traders
08:23.0
ang All Asian Countertrade, Sukden Philippines at Edison Lee Marketing,
08:27.0
ang prinesyo umano ng All Asian, 85 pesos per kilo.
08:31.0
Sa kumputasyon ng opisina ni Ontiveros,
08:33.0
sa 440,000 metric tons na aangkating asukal,
08:37.0
aabot ng 10.5 hanggang 14 bilyon pesos ang ANEA super profit ng tatlong importer.
09:01.0
Na pinaghatian lang ng tatlo, di mahirap isipin kung magkano ang kickback dyan.
09:08.0
Naghaina ng resolusyon si Ontiveros para imbestigahan ito ng Senate Blue Ribbon Committee.
09:13.0
Iprinsinta rin Ontiveros ang larawan ng mga kinatawa ng tatlong sugar importers,
09:18.0
kasama si na Pangulong Bongbong Marcos at Panganiban sa Malacanang.
09:22.0
Is it normal to host sugar importers in Malacanang?
09:28.0
Is the president being manipulated by his underlings who handpicked the importers?
09:35.0
Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng Pangulo,
09:39.0
ni Yusek Panganiban at ng tatlong nabanggit na kumpanya.
09:43.0
Ang sabi naman ng Deputy Spokesperson ng Department of Agriculture,
09:47.0
dati paraw sinagot ni Senior Yusek Panganiban ng mga dahilan
09:51.0
sa likod ng pagpayag ng importasyon ng tatlong kumpanya.
09:54.0
Layunin lang naman daw ng Departamento na mapababa ang presyo ng asukal.
10:04.0
Ayon sa isang opisyal ng Sugar Regulatory Administration,
10:07.0
aprobado na ng Malacanang ang pagbibenta ng mga nakumpisgang smuggled na asukal.
10:12.0
Ibibenta ito sa mga kaniwa stores sa halagang 70 pesos kada kilo.
10:25.0
Sang ayon sa planong ito ang United Sugar Producers Federation of the Philippines.
10:30.0
Ito mga smugglers, hindi na nila ma-re-recycle po.
10:33.0
Kasi ang ginagawa, ang matakip ng authorities, binibiding, in-auction,
10:41.0
eh ang bumibili, ganoon pa rin, sila pa rin ang mga smuggler.
10:45.0
So na-re-recycle. So ito, no chance to recycle.
10:50.0
Pero ayon sa Department of Agriculture, inilalatag pa nila ang mga alituntunin
10:54.0
upang matiyak na walang legal na hadlang dito.
10:57.0
Baka pwedeng sa donation. So kung ido-donate ito sa Department of Agriculture,
11:01.0
from Agriculture to other institution, maybe FTI, then from FTI going to Kadiwa.
11:11.0
Wala po naman. But as long as we have to make it clear doon sa ating mga guidelines.
11:17.0
Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Mav Gonzales, Nakatutok 24 Oras.
11:24.0
Ipinasilip sa media ang nakadao ngayon sa Maynila na barko
11:28.0
ng Amphibious Ready Group ng U.S. Navy, na USS America.
11:32.0
Galing Japanang barko kung saan lumahog sa Joint Military Exercises doon ang crew nito.
11:36.0
Pero hindi daw yan ang pakay nila sa kanilang pagbisita sa bansa.
11:39.0
Nakatutok si J.P. Soriano.
11:45.0
Sila ang mga sundalong Amerikano na lumahog sa Joint Military Exercises sa bahagi ng Okinawa, Japan.
11:51.0
Sakay sila ng USS America, ang pangunahing barko ng Amphibious Ready Group ng U.S. Navy.
11:59.0
Matapos ang ilang linggong military exercise na yan,
12:03.0
ang USS America nagtungo sa Pilipinas at nakadao ngayon sa pier sa Maynila.
12:10.0
Pero di gaya sa Japan.
12:12.0
Hindi lalahok sa anumang military exercises ang USS America habang nasa Pilipinas.
12:19.0
Bagkos narito sila para magpahinga at makapamasyal sa Maynila ang kanilang crew.
12:26.0
Sa ilalim ng Visiting Forces Agreement ng Amerika at Pilipinas,
12:30.0
pinahihintulutan ang pagpunta sa ating bansa ng mga barko at eroplano ng Amerika.
12:37.0
Habang nakadaong sa pier sa Maynila, inimbitahan ng U.S. Navy ang Philippine media sa isang ship tour.
12:44.0
Dito, ipinakita nila ang iba't ibang bahagi ng USS America.
12:50.0
Ito ang flight deck ng isa sa pinakamalaking U.S. Navy ship sa buong mundo, ang USS America.
12:55.0
At ayon sa tagapagsalita ng USS America, kaya rito mag-handle ng 25 aircraft ng U.S.
13:00.0
Pero kaya rito mag-handle ng 6 na aircraft para sa landing at takeoff.
13:05.0
Pangunahing misyon ng USS America, ang magsilbing backup para sa mga marine flight operations.
13:12.0
May karga ring anti-air missiles ang USS America.
13:16.0
Sabi ng commanding officer ng USS America, dumaan sila sa South China Sea habang papunta sa Pilipinas.
13:23.0
Nang tanungin kung may mga nakuha silang radio challenge doon,
13:27.0
sinabi ng commanding officer, naging maayos, ligtas at profesional
13:32.0
ang kanilang pakikisalamuha sa anumang bansa habang bumabiyahe pa Maynila.
13:37.0
Any Navy, any of the U.S. Naval ships are free to operate anywhere in international waters.
13:43.0
And we do that so the waters can remain free for all countries to use.
13:49.0
Ang pagbisita ng USS America sa Pilipinas na taon sa gitna ng patuloy na pananatili
13:55.0
ng mga Chinese militia vessels sa iba't ibang bahagi ng West Philippine Sea
14:00.0
at pagkahahain ng diplomatic protest ng Pilipinas kamakailan
14:04.0
dahil sa panunutok ng laser ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard.
14:09.0
Ang mga ganitong klaseng insidente sa West Philippine Sea,
14:13.0
inaasahang tatalakayin sa Bilateral Consultative Mechanism o BCM sa March 23 at 24
14:20.0
na gaganatin sa Pilipinas para pag-usapan sa mapayapang paraan
14:24.0
ang mga gusot at tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea.
14:29.0
May nakatakda namang high-level meeting ang mga opisyal ng Amerika at Pilipinas
14:34.0
kaugnay sa Defense and Security Cooperation sa darating na Abril
14:38.0
na lalahukan ng Foreign Affairs at Defense Secretaries ng dalawang bansa.
14:43.0
Sa webes, nakaskedyon umalis ng Pilipinas ang USS America
14:47.0
at hindi man daw lalahok sa balikatan exercises ang barkong ito.
14:50.0
Handa daw silang bumalik ng Pilipinas anumang oras na ipag-utos ito at kung kakailanganin.
14:57.0
Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
15:04.0
Dismayado ang kaanat ng ilan sa 34 na nawawalang sabongero
15:09.0
saan nila'y mabagal na usad ng kaso.
15:12.0
May mga kinasuhan naman daw pero wala pa rin ina-aresto.
15:16.0
Nakatutok si June Veneracion.
15:21.0
Dabing apat na buwan ang nawawala ang magkapatid na James at Marlon Bakay.
15:25.0
Sila ang dalawa sa mga nawawalang sabongero nung kainitan ng Isabong.
15:29.0
Gano'n na rin katagal ang kalbaryong patuloy na nararanasan ng mga naghahanap nilang magulang.
15:44.0
Pero ang mas nakakadagdag sa samanan loob ng mga magulang nila James at Marlon.
15:48.0
Hanggang ngayon, wala pang naaaresto sa mga kinasuhang anim na gwardya
15:53.0
ng Isabong Operator na Lucky 8 Starquest.
15:56.0
Tatlong buwan na ang nagdaan mula ng magpalabas ng warrant of arrest ng Korte laban sa Anin.
16:03.0
Kahit malaki sa kaiba, ulit na kanila.
16:05.0
Hanggang sa ngayon, wala pa.
16:08.0
Nanawagan po ako sa mga authority na umahawak sa kaso na pinasalan naman.
16:16.0
Bilis-bilisan naman nila yung pagtugis sa mga yan.
16:21.0
Makikipagpulong sana ang mga pamilya na mga missing sabongero
16:24.0
kay House Speaker Martin Romualdez ngayong araw pero hindi ito natuloy.
16:28.0
Sa meeting, iaabot sana ng mga naghahanap na kaanak ang kanilang sulat kay Romualdez
16:33.0
para hingin sa kongreso ang suporta para huwag nang makapag-operate muli ang Isabong.
16:54.0
Sa biyernes, muling makikipagpulong ang mga pamilya na mga nawawalang sabongero.
16:57.0
Kay Justice Secretary Jesus Crispin Rimulya, alam nilang mahirap ang laban
17:02.0
pero hindi raw sila titigil sa paghahanap ng justisya.
17:05.0
Para sa GMA Integrated News, June veneration na katutok, 24 oras.
17:12.0
Tinawag ng Amerika na pagbibigay ng diplomatic cover
17:15.0
ang pagbisita at pakikipagpulong ni Chinese President Xi Jinping
17:20.0
kay Russian President Vladimir Putin sa Moscow.
17:23.0
Sa kabila ng pahayag ni President Xi na bumisita siya kay President Putin
17:27.0
para tumulong ma-resolve ba ang gulo sa Ukraine,
17:30.0
sinabi ni U.S. Secretary of State Antony Blinken
17:33.0
na tila tinutulungan ng China ang Rasya na gumawa ng krimen.
17:38.0
Matatandaan ding inisyuhan kamakailan lang ng arrest warrant
17:42.0
ng International Criminal Court si Putin dahil sa umunoy war crimes.
17:47.0
Sa informal talks naman ng dalawang pinuno,
17:49.0
tinawag nilang dear friend ang isa't isa.
17:53.0
Nagbigay ng malawak na 12-point proposal ang China
17:57.0
sa pagre-resolve ba ng krisis sa Ukraine,
18:00.0
habang pinapalakas din ang pakikipag-ugnay nito sa Moscow.
18:04.0
Nire-respeto raw ni Putin ang panukala ng China.
18:07.0
At sa gitna niyan, umaas ang China ng mas matibay na energy partnership
18:13.0
sa pagitan ng dalawang bansa kasunod ng pagpapalakas ng China
18:17.0
sa pag-aangkat ng uling, langis at krudo mula Rasya.
18:21.0
Tumagal ng halos apat at kalahating oras ang informal meeting ng dalawang pinuno
18:27.0
na susundan ng formal na pulong ngayong araw.
18:35.0
Good evening mga Kapuso!
18:36.0
Kinakiligan at pinag-usapan ang pilot episode
18:39.0
ng newest Kapuso primetime series na The Right One kagabi.
18:42.0
At hindi lang fans ang nag-abang dyan,
18:45.0
kundi mismong cast and crew kabilang ang lead stars nitong
18:49.0
Senadudo Madrid at Bianco Umali na aminadong kinabahan.
18:53.0
Kung bakit, alamin sa chika ni Nelson Canlas.
19:00.0
Naghihiyawan at nagpapalakpakan bawat eksena.
19:07.0
Undeniably, kilig na kilig ang cast and crew
19:10.0
ng GMA Public Affairs and VIEW Philippines collab na The Right One.
19:14.0
Habang sabay-sabay nilang pinanood ang pilot episode nito kagabi.
19:18.0
Present din sa watch party ang ilan sa cast tulad ng mga bidang
19:22.0
sina Ruru Madrid, Bianca Umali at Mikey Quintos.
19:26.0
Kasama rin nila sina Lotlot Leleon, Royce Cabrera at Kaloy Tinkungco.
19:32.0
Pinuri at pinag-usapan din ito online.
19:35.0
Dahil sa reaksyon ng mga manonood, nabawasan ang kaba ni Ruru at Bianca.
19:40.0
Aminado kasi ang real-life couple na kinabahan sila
19:44.0
kung magkakaroon sila ng on-screen chemistry.
19:47.0
Sobrang masaya na ako.
19:49.0
I didn't expect na ganito yung magiging reaksyon din ng tao
19:53.0
while watching this series, yung eksena namin na nagkiss kami.
19:58.0
So, to be honest, yun yung challenge for me.
20:01.0
Dahil nga sa sobrang komportable namin sa isa't isa,
20:05.0
syempre gusto namin maparamdam sa tao yung kilig,
20:09.0
yung feeling na parabang hindi sila sanay na makita kami.
20:16.0
Ibang-iba raw ang atake ni Ruru at Bianca sa pag-arte sa kanilang kauna-unahang tambalan.
20:22.0
Mula sa facial expression at galaw, maaari raw maihalin tulad sa mga k-drama series.
20:29.0
Mabilis din daw ang paggalaw ng istorya, kaya't payo ng mga bida.
20:34.0
Don't miss any episode.
20:36.0
Actually, sa show na ito kasi kuya, I think it pushed us beyond our limits
20:42.0
kasi lahat ng genre na pwede naming gawin at pasukin,
20:47.0
ginawa namin and binigay namin because we want to give our best
20:52.0
and for the show to look na sobrang ganda at siksik sa Ricardos.
21:00.0
Kilig feels din ang binigay ng pilot episode ng Matunghaya ng Masayang Buhay ni Leah Matjoys.
21:07.0
Nag-isip ka ba?
21:08.0
Sana na-isip mo na hindi natin kailangan ito.
21:11.0
At abangan daw sa mga susunod na episode kung paano mababago ang kanilang tadhana
21:16.0
sa pamamagitan ng isang magical typewriter.
21:20.0
Para kay Mikey, dahil challenging ang pagganap,
21:23.0
focused ang cast sa pagpapaganda ng kanilang roles.
21:27.0
Sumasabay na rin sa kanilang maturity sa pag-arte ang kanilang real-life relationships.
21:33.0
Yung hindi na patagalin para hindi na ma-apektohan yung trabaho,
21:38.0
hindi na kayo mag-overthink din.
21:40.0
So, if one of us needs talk time, respect namin yung time na yun.
21:46.0
Nagigilid kami kahit kailan pa yan, kailangan natin pag-usapan doon
21:49.0
para maging maganda pa rin yung trabaho namin.
21:52.0
Nelson Canlas updated sa Shoebiz Happenings.
21:56.0
I am ready!
21:58.0
GMA Weather, servisyong totoo ng GMA News.
22:05.0
Mga kapuso, official na ngang i-deneklarahan ang pag-asa
22:09.0
ang simula ng dry season o tag-init.
22:12.0
Wala na rin kasing epekto ang hanging amihan o northeast monsoon
22:17.0
o yung malamig at tuyong hangin.
22:19.0
Ang umiiral na ngayon, ridge o extension
22:22.0
ng isang high-pressure area na magdudulot ng maaliwala sa panahon
22:27.0
particular sa northern at central Luzon.
22:30.0
Kasabay nito ang pag-iiral ng Easter Lays o yung mainit at maalinsangang hangin
22:35.0
sa silangang bahagi ng southern Luzon, Visayas at Mindanao.
22:39.0
Base sa datos, ang metro weather, napakababa ng chance ng ulan
22:44.0
sa halos buong Luzon at Visayas, maliban sa ilang lugar sa Bohol, Cebu at Negros provinces.
22:51.0
Maliit din ang posibilidad ng ulan sa Metro Manila kung saan inaasahan ang mainit na panahon.
22:57.0
Gaya po kanina na umabot sa 36 degrees Celsius ang init factor
23:02.0
bandang 150 ng hapon sa Quezon City.
23:07.0
Dahil naman sa posibleng localized thunderstorms, may pagulan sa Mindanao
23:12.0
kabilang ang Basilan, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
23:16.0
Gayun din sa Soksargen at Davao region na makakaranas naman ng matitinding ulan.
23:22.0
Maging I am ready po sa mantanang baha o pagguho ng lupa.
23:26.0
Sa ngayon, wala pa namang namamata ang sama ng panahon
23:30.0
na posibleng mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
23:34.0
Nadiagnosed na may stage 3 colon cancer ang Pinoy basketball player na si L.A. Tenorio.
23:41.0
Sa isang pahayag, sinabi ng basketball veteran na sumailalim na siya sa initial testing
23:46.0
sa nakalipas na tatlong linggo kaya hindi raw siya nakadalo sa mga practice at laro.
23:51.0
Nakumpleto na rin daw niya ang kanyang surgery at sasailalim naman ngayon sa treatment.
23:57.0
Ipinagpapa sa Diyos na raw ni Tenorio ang pagsubok na kanyang pinagdaraanan ngayon.
24:02.0
Gayunman, hindi pa raw siya magre-retiro.
24:05.0
Umaasa raw siya na sa tulong ng mga doktor sa Pilipinas at sa Singapore,
24:10.0
muli siyang makakapaglaro at makakabalik sa basketball.
24:14.0
Ngayong nagsimula na nga ang panahon ng tag-init, may paalala ang mga eksperto.
24:19.0
Hindi lang daw bakasyon ang dapat paghandaan,
24:22.0
kundi ang pangangalaga sa kalusugan laban sa mga sakit tuwing mainit ang panahon.
24:27.0
Pakinggan din natin ang boses mo sa Sunny Puerzang Pagtutok ni na Mark Salazar at Maryse Umali.
24:35.0
Napansin niyo bang mas napapadalas na ang pagtagaktak ng inyong mga pawis?
24:39.0
At ramdam niyo na rin ba ang alinsangan ng paligid?
24:42.0
Tama po ang inyong hinala.
24:44.0
Dahil opisyal na ang idineklara ng pag-asa,
24:46.0
tumigil na ang northeast monsoon na nagdadala ng malamig na hangin.
24:50.0
At nagumpisa na ang panahon ng tag-init.
25:00.0
Kapag tag-init, syempre magbabago ang outfit.
25:02.0
Dahil out na ang mga jacket at balik na ang mga sando, shorts at mga mas maliwalas na kasuotan.
25:08.0
Ilabas na rin ang mga pamatid-init gaya ng sama-lamig.
25:11.0
Dahil sa mas mainit-init na temperatura pa ang mararanasan natin sa mga susunod na buwan,
25:16.0
pinapayuhan ang publikong uminom ng maraming tubig
25:20.0
at mag-ingat sa posibleng heat stress at heat stroke.
25:26.0
Pero wait, huwag daw masyadong magpakasaya.
25:28.0
Hindi naman daw palaging maaraw.
25:33.0
Lalo sa dahong hapon na gabi na tulad ng mga thunderstorm.
25:36.0
And we're not also ruling out the possibility na for the month of March, April, and May
25:41.0
ay maha-monitor tayo ng at least isang bagyo o tropical cyclone.
25:46.0
Dahil summer time na, gala time na rin para sa marami nating kababayan.
25:50.0
Si Borna Tagamarikina ay nagbo-book na ng summer outing sa resort na ito sa San Mateo Rizal.
25:56.0
Revenge gala daw talaga sila.
25:59.0
At sa malalapit lang muna para makarami.
26:14.0
Siyempre, excited din ang mga travel agency at tour operators
26:18.0
dahil na-miss nilang maging busy sa pagtanggap ng mga booking.
26:22.0
Halos fully booked na raw ang mga kilalang beach dahil maraming maagang nagpabook.
26:29.0
For this year, medyo 80% kaysa yung last year.
26:34.0
More picking up usually Boracay, Bohol, Palawan, Siargao.
26:42.0
Yung mga protocol, it's more convenient ngayon. No more antigen or ano.
26:47.0
Not like last year, medyo marami pa hinihingi eh.
26:51.0
Pero ang panahon ng tag-init, panahon din ang sakit.
26:55.0
Kaya sabi ng Department of Health,
26:57.0
magsuot po kayo ng sumbrero kung kayo po ay lalabas ng bahay
27:02.0
o di kaya ay magdala ng payong.
27:06.0
Yun pong direct sunlight.
27:08.0
Ang pinaka-mainit po talaga na oras sa ating panahon ay 10 a.m. to 3 p.m.
27:14.0
So, iwasan po natin na sa mga ganyang panahon tayo
27:17.0
o ganyang oras tayo lalabas ng ating bahay.
27:20.0
Kung di naman makakaiwas para diyan,
27:22.0
maglagay po tayo ng sunscreen.
27:24.0
Kung meron po tayo para mas maproteksyonan ang ating mga balat,
27:28.0
pati na rin po magdala po tayo ng tubig.
27:31.0
Lalo lalo na yung mga nakakatanda,
27:33.0
because of the heat, nagkakaroon po sila ng dehydration.
27:37.0
And that can lead to heat stroke.
27:39.0
Para raw masulit ang pinaka-aantay na bakasyon simula nung magpandemya,
27:44.0
iwasan ang mga banta sa kalusugan at nakapaghanda ang katawan.
27:50.0
Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar.
27:54.0
Maryse Umali na Katutok, 24 Oras.
27:58.0
Pakinggan naman natin ang boses ng ating mga kapuso online.
28:02.0
Dahil mas maluwag na ang travel restrictions,
28:05.0
maraming netizen ang excited ng mag-outing at magtampisaw sa tubig.
28:10.0
For the food trip at sa malamig naman,
28:12.0
ang inaabangan ng iba gaya ng milkshake, ice cream,
28:16.0
at ang paborito nating halo-halo.
28:18.0
Kung ang ilan ay cool lang sa tag-init,
28:21.0
meron namang tila nagsisimula ng uminit ang ulo
28:23.0
dahil sa nakambaro na pagsipa ng bill sa kuryente.
28:27.0
Kaya naman ang ilang kapuso ngayon pa lang daw ay magtipid-tipid na sa pagkonsumo.
28:32.0
Brownout, sunog at kawala ng tubig naman
28:35.0
ang kinababahala ng mga maiiwan sa kanika nilang bahay.
28:39.0
Ang iba namang may lakad,
28:41.0
nagre-ready na raw ng proteksyon sa init para iwas heat stroke.
28:45.0
Extra productive naman ang summer para sa iba
28:48.0
na gusto raw ilan ang oras para mag-advance learning,
28:51.0
umaten ng youth camp,
28:54.0
at maglaba ng damit.
28:56.0
Mga kapuso, pwede mo rin iparinig ang boses mo
28:59.0
sa social media accounts ng 24 oras.
29:04.0
Inirereklamo ngayon ng isang kalsada
29:06.0
sa loob ng isang subdivision sa Cavite na animoy expressway
29:09.0
kung makasingil ang toll fees sa mga dumaraang sasakyan.
29:12.0
Ang paliwalag na pamunoan ng subdivision tukol dito,
29:15.0
tinutukan ni Dano Tingcongo.
29:42.0
Five pesos ang singel nila sa mga tricycle,
29:45.0
ten pesos naman sa ibang uri ng sasakyan
29:47.0
kabilang ang mga motorcyclo, kotse at jeep.
30:12.0
Ito dinadaanan po naman po eh.
30:16.0
E paano yung mga nakatera po dyan?
30:19.0
E ikot po kami ng malayo.
30:21.0
Hindi po kasi naan dyan po yung bahay ko.
30:24.0
Ano, lagi na lang akong magbabayad ng ano?
30:27.0
Ten pesos?
30:28.0
Paliwanag ng pamunoan ng subdivision,
30:30.0
sakop ng private property ng subdivision ang daan
30:33.0
at pinapayagan umano sila ng city government
30:35.0
ng Bacoor na maningil ng toll
30:37.0
sa mga dumaraan na walang tinatawag na solidarity sticker
30:40.0
na ibinibigay sa mga taga Bacoor.
30:42.0
It's a big misconception
30:44.0
that that road is a national road.
30:47.0
Well, in fact, hindi.
30:48.0
Ito ay parte ng aming subdivision,
30:51.0
meaning ito ay pribadong daan ng aming subdivision
30:54.0
at meron kaming mga hinahawakang dokumento para dito.
30:59.0
Kung sino man ang walang sticker ng solidarity,
31:02.0
ang private subdivision na nagpapagamit
31:06.0
ng kanilang pribadong daan ay may karapatang maningil
31:09.0
ng karapatang koleksyon sa paggamit ng aming kalsada.
31:15.0
Kinailangan din daw maningil ng subdivision
31:18.0
para mapanatili ang seguridad sa lugar.
31:20.0
Ang unang-unang matinding reklamo po diyan
31:23.0
ay yung pollution.
31:24.0
So, isipin niyo naman oh,
31:26.0
kayong tumira diyan sa main road
31:28.0
at 24 hours na daanan po yan
31:31.0
ng mga publiko at pribadong mga sasakyan
31:35.0
kasama na mga motor na may maiingay na muffler
31:38.0
na papasukan din po tayo ng mga magdanakaw.
31:41.0
Pero paalala ng Bacoor City Legal Office,
31:44.0
nakasaad sa Rule 14 ng Magna Carta for Homeowners
31:47.0
and Homeowners Associations,
31:49.0
bawal maningil ng tola mga subdivision
31:52.0
maliban kung sila ang nag-aayos ng kalsada.
31:55.0
Tama naman sila na sinabi nila that is a private property.
31:58.0
But to collect fees at saka tolls,
32:01.0
medyo alanganin kami doon because we know naman
32:03.0
na meron tayong department order from DISUD
32:09.0
na bawal ang toll.
32:11.0
Ina-acknowledge natin na yung pwedeng gawin
32:14.0
ng mga subdivision ay i-regulate lamang
32:18.0
yung pumapasok sa kanila for purposes of security.
32:21.0
Ang dapat nilang gawin,
32:23.0
i-honor nila yung solidarity sticker
32:25.0
para mabilis makadaan yung mga tao,
32:27.0
ma-ease yung traffic,
32:28.0
at saka yung kanilang sticker din sa subdivision nila.
32:32.0
And all others,
32:33.0
hindi yan dapat pasukin ng mga tao
32:35.0
na hindi naman talaga taga BACOR.
32:37.0
Dahil sa mga natatanggap na raw nilang reklamo,
32:40.0
may ikipag-ugnayan daw ang BACOR-LGU
32:42.0
sa Department of Human Settlements
32:44.0
at Human Settlements Adjudication Commission.
32:46.0
Para sa GMA Integrated News,
32:48.0
Dana Tingkung ko na katutok, 24 horas.
32:53.0
The long wait is over dahil magbabalik teleserye na
32:56.0
sina prime time king and queen,
32:58.0
Dingdong Dantes at Marian Rivera.
33:00.0
Pero sa makiwalay na proyekto yan,
33:03.0
ang mga abangan sa kapuso-royal couple
33:05.0
ituchike sa atin ni Aubrey Carampel.
33:11.0
Magbabalik teleserye si kapuso-prime time king
33:14.0
Dingdong Dantes.
33:15.0
At this time, bibida si Dingdong sa isang
33:18.0
murder mystery drama na Royal Blood
33:20.0
na nagsimula ng mag-story conference ngayong araw.
33:23.0
First time gagawin ni Dong
33:25.0
ang whodunit genre sa telebisyon
33:27.0
na katulad ng naunang pinag-usapang
33:29.0
kapuso-serye ng Widow's Web.
33:44.0
Mini-reunion nga raw ito ni Dong
33:46.0
kasama ang ilan sa bigating cast ng serye
33:49.0
tulad ni Natriso Cruz III,
33:51.0
Rian Ramos,
33:52.0
at celebrity couple na sina Megan Young
33:54.0
at Mikael Daez.
33:56.0
Kasama rin nila sa serye
33:58.0
si Miss Universe Philippines 2020
34:00.0
at Tekto Clock host Rabia Mateo,
34:02.0
Sparkle star Leon Valentin,
34:04.0
Dion Ignacio,
34:05.0
Arthur Solinac,
34:06.0
at Benji Paras.
34:20.0
Good news pa sa fans,
34:22.0
dahil hindi lang si Dong ang may proyekto
34:24.0
at magbabalik drama.
34:26.0
Kundi pati na rin ang misis niyang
34:28.0
si primetime queen Marian Rivera.
34:30.0
Sobrang ganda ng story niya
34:32.0
tapos very light lang
34:33.0
at mapapanood ng mga anak ko.
34:35.0
So yun ang mahalaga sa akin.
34:37.0
Alam daw ni Yan Yan
34:38.0
na mahihirapan siyang mag-adjust
34:40.0
pati ang mga anak na sina Zia at Sexto.
34:42.0
Lalo at matagal daw siyang
34:44.0
naging stay at home
34:45.0
dahil sa pandemic.
34:47.0
Sabi ko rin kay Dong
34:48.0
kapag nagkataon na
34:49.0
na kailangan ko na mag-taping
34:50.0
siguro kailangan natin silang isit down
34:52.0
especially Zia
34:54.0
na parang explain natin kung bakit
34:56.0
gusto kong magtrabaho
34:57.0
or ano tong trabaho na to.
34:58.0
At lahat naman ito ginagawa namin
34:59.0
para sa kanila.
35:00.0
Obligarampel,
35:02.0
updated sa Showbiz Happenings.
35:06.0
At dito yung mga chika ko
35:07.0
this Tuesday night.
35:08.0
Ako po si Ia Araleano.
35:10.0
Miss Mel, Miss Vicky, Emil.
35:12.0
Thank you Ia.
35:13.0
Salamat sa'yo Ia.
35:14.0
At yan ang mga balita ngayong Martes.
35:16.0
Ako po si Mel Tiangco.
35:17.0
Ako po si Emil Sumayo.
35:19.0
At ako po si Vicky Morales,
35:20.0
buong puso para sa Pilipino.
35:22.0
Ito ang GMA.
35:23.0
Walang kinikilingan,
35:24.0
walang pinoprotektahan,
35:26.0
walang kasinungalingan,
35:27.0
serbisyong,
35:28.0
totoo po lamang.
35:29.0
At dahil hindi natutulog
35:30.0
ang balita,
35:31.0
nakatuto kami,
35:32.0
24 oras.
35:35.0
Good news mga kapuso!
35:36.0
Maaaring niyong mapanood
35:38.0
ang 24 oras
35:39.0
at iba pa naming mga news ka
35:41.0
sa aming YouTube channel.
35:43.0
I-click lang ang subscribe button
35:45.0
na lalabas sa screen.
35:47.0
Sa mga kapuso abroad,
35:48.0
maaaring niyong kaming masubaybayan
35:49.0
sa GMA Pinoy TV
35:51.0
at sa www.gmanews.tv