Close
 


Doktor na idinadawit sa Salilig hazing case pumunta sa pulisya | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nagpunta sa pulisya ang doktor na nadawit sa Salilig hazing case. Pinabulaanan niya ang paratang na tinanggihan niya umanong tulungan ang biktimang si John Matthew. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa gitna ng pagdinig sa Senado kahapon, kaugnay ng Salilig-Hasing case, inungkat ng chairman ng komite na si Sen. Francis Tolentino kung natukoy na ang doktor na tumanggi-umanong tignan si John Matthew Salilig.
00:14.0
Sa bahagi kasi ng salaysayan ng isa sa mga sospek na nasa NBI, humingi umulusan ng tulong sa pinsang doktor ng isa nilang kasamahan.
00:23.0
... Yun pong Lee ay sinundo ng kanyang pinsan na isa ring doktor. Buhay pa nito si Matthew. Subalit tinanong kung pwedeng tumulong ang kanyang pinsan na doktor para asistihan si Matthew. Ang sabi ng doktor, hindi pwede. May doktor na pala doon, ayaw magbigay ng assistance. At saka anong ginagawa niya doon?
00:46.0
Siguro inimbita siya para tumulong, nakita niya yung kondisyon nung bata, umayaw siya. That's a violation of his oath as a medical practitioner at pwede siyang kasuhan."
01:00.0
Nang marinig ng mismo doktor na tila siya ang tinutukoy sa pagtinig kahapon, agad siyang nagpunta sa Biniyan City Police kaninang madaling araw para magbigay ng kanyang salaysay.
01:10.0
Kinumpirma niyang siya ang pinsang doktor ni Alias Lee at siyang sumundo dito sa Paranaque. Ayon sa kanya, nang tumawag ang pinsan para magpasundo nasa bahay sa noon at nagpapahinga mula sa duty sa ospital. Habang kausap niya ito, bigla umanong may umagaw ng telepono ng pinsan.
01:28.0
Nung kausap ko siya, mayroong parang nagtanong na kausap ko, kung may taong mawalan ng malay, anong magandang gawin? Kung anong dapat gawin?
01:39.0
Sa tanong na ito, ayon sa doktor, pinayuhan niya na dapat dalin sa ospital ang pasyente. Ikinagulat niya rin ang pahayag ng isa sa mga sospekts sa pagtinig na tumanggi siyang tulungan si John Matthew.
01:51.0
Ang reaction ko nung napanood ko ang hearing nila, bakit sinasabi na may doktor na nakita harap-harapan ang victim na si Matthew na hindi tinulungan?
02:21.0
Dagdag pa ng doktor kung may nagbigay alam lang sana sa kanya ng sitwasyon, posibleng ginawa niya ang tungkulin bilang isang doktor.
02:36.0
Assuming na you have an idea, ano sa tingin mo na gawin? Kung meron kang idea sa doktor?
02:42.0
Kung nakakita ka ng isang humihingi ng tulong, lalo na critical, siyempre as a doctor, may oath tayo na tutulungan ang mga nangangailangan. Pero kung nasa danger ka rin, isipin mo din sa sarili mo.
02:58.0
Pag-aaralan naman ang binyan PNP ang pahayag ng doktor at ikukumpara ito sa mga testimonya ng mga sospekts na hawak nila at hawak ng NBI.
03:07.0
With regards to the hazing, sigurado ako wala naman siyang kinalaman dun sa hazing incident. He is not part of the planning na magkakaroon na initiation. He is not there during the initiation rites.
03:23.0
On my personal view, kung sa hazing pag-uusapan, wala. Ayun lang siguro yung alleged na hindi niya tinulungan yung ating victim during yung hard time ni Matthew na pinagdadaanan.
03:41.0
Handa naman umanusang humarap sa Senado at magbigay ng pahayag sa NBI kung kinakailangan. Sa ngayon, nasampahan na ng binyan PNP ang lahat ng sangkot sa insidente kung saan pito ang nasa kustudiya nila. Nasa NBI naman ang lima sa mga sangkot at pito pa ang pinaghanap.
03:59.0
Jeff Caparaz, ABS-CBN News.
04:10.0
Thank you for watching!