Close
 


Residential at commercial area sa Metro Manila, tinutumbok ng West Valley Fault | Frontline Sa Umaga
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Sunod-sunod ang mga naitalang lindol sa bansa ngayong taon. Eksklusibong ipinasilip ng Office of Civil Defense at PHIVOLCS ang lagay ng mga lugar na tinutumbok ng West Valley Fault. #News5 | via Gretchen Ho Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 06:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sunod-sunod, ang mga naitalang lindol sa bansa ngayong taon, nitulang Pebrero, tatlong malalakas na pagyanig ang naranasan sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:09.0
Eksklusibong ipinasilip ng Office of the Civil Defense at PHIVOCS ang lagay ng mga lugar na tinutumbok ng West Valley Fault.
00:16.0
Narito ang report ni Gretchen Holt.
00:24.0
Mahigit isandaang kilometro ang hapa ng West Valley Fault.
00:27.0
Mula-mulakan, tutumbokin nito ang Quezon City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Montilupa, Rizal, Cavite at Laguna.
00:39.0
Ilan din sa matadaanan ay mga residential at commercial areas, mga pangunahing kalsada, highway at ilog.
00:46.0
Base sa datos ng PHIVOCS, higit 3,000 istruktura ang mga peknuhan, oras na tumama ang pinangangambahang The Big One.
00:54.0
Kaya naman muling sinilip ng Office of Civil Defense, kasama ng PHIVOCS, ang mga lugar na dinaraana ng West Valley Fault.
01:04.0
Ang sabi mo sa amin ay maraming tinutumbok na gusali at tahanan ng West Valley Fault. Kaya naman yan po ang titingin natin mula sa ipapakawid.
01:12.0
Ipinaliwanag sa alin ng resident geologist ng PHIVOCS na si Jeffrey Perez kung anong nakita nilang itsura ng Valley Fault system nang lakarin at imapan nila ito.
01:26.0
Sa ilalim ng lupa, parang syang sanga ng puno, na marami syang branches. Tapos pagdating sa ilalim, iisa na lang sya.
01:34.0
Kaya meron tayong tinatawag na five meter na buffer zone kasi meron syang deformation na area.
01:40.0
So pwedeng hindi lang sya eksakto doon kaya meron tayong five meters.
01:44.0
And then, yun nga, using our maps, pwede nating malocate, especially here in Metro Manila.
01:52.0
Kung baga high resolution yung mapa natin. We can use two applications, yung fault finder and hazard hunter.
02:00.0
And then you can easily observe kung nasaan yung trace doon po.
02:04.0
Taong 1658 pa, huling nagkaroon ng malakas na paggalaw sa West Valley Fault.
02:09.0
Ngunit makikita mula sa himpapawid ang fault scarps o ang pagguho na lupa na gawa ng paggalaw ng fault.
02:16.0
Dito sa Carmona, Cavite, kitang-kita ang pagangat na lupa.
02:20.0
So nakita natin sa Carmona. That's a very good example ng pag titrace namin ng fault. May flat house, biglang tumataas sya.
02:28.0
Makikita natin sya in some areas here in Metro Manila.
02:32.0
If you go to Pasig, may parts d'yan along Canly Road, may pataas na parts d'yan.
02:37.0
Dito sa may Pembo area, Embo area na sa may Makati, meron pa rin d'yan mga scarps.
02:44.0
Sa Quezon City naman, nakita rin ang nakaangat na bahagi kung saan nakapuesto ang Lamesa Dam.
02:49.0
Ang Lamesa Dam ang isa sa pinagkukunan na tubig ng mga taga Metro Manila.
02:54.0
Ang mababang bahagi naman na yan ay sakop ang mga lugar.
02:57.0
Gayad ng Rodriguez at San Mateo Rizal, pati na rin ang Marikina River.
03:01.0
Kanina sa may Batasan, mula dun sa may Rodriguez Rizal going to Ateneo,
03:10.0
kitang-kita natin yung maliit na hills, pero punong-puno na ng mga bahay.
03:15.0
Yun yung ano natin, kung saan yung maganda yung view, sa ilalim nun na dun yung fault.
03:21.0
Dito naman sa Muntinlupa, tinutumbok ng West Valley Fault ang ilang subdivisyon,
03:26.0
condominium buildings at simbahan, bagay na ikinababahala ng mga eksperto
03:31.0
dahil highly urbanized na ang kalakhang Maynila.
03:34.0
In terms of developing an area, hindi naman natin pinagbabawalan talaga i-develop yung isang property na may fault.
03:43.0
Iiwasan lang natin siya.
03:45.0
Kung saan may fault, pwede natin siyang gawing no-use facility, parking lot, pwedeng kalsada,
03:51.0
pwedeng open space for parks, pwedeng ganon.
03:55.0
Pwedeng ganon yung gagamitin natin.
03:57.0
Huwag lang natin tatayuan ng mga buildings like hospital, critical facilities,
04:03.0
yun yung sana-sana wala nang magtatayo, dun mismo sa ibabaw ng fault.
04:09.0
Dahil dito, kailangan daw i-review at higpitan pa ang pagpapatupad ng National Building Code
04:14.0
upang mas magkaroon ng epektibong regulasyon sa pagpaplano, disenyo at magtatayo ng mga gusali.
04:21.0
Sa regulatory intervention, maging mas conscious ngayon yung mga magbibigay ng building permits
04:27.0
na kung may iwasan o dapat huwag na nga, magbigay ng construction permit dun sa mga dinadaanan ng fault line.
04:35.0
Pwede mo na rin malaman kung ligtas ba ang inyong tahanan sakaling lumindol.
04:40.0
Gamit naman ang mga mobile app na How Safe Is My House app, pati na rin ang fault finder.
04:45.0
Yung mga markers, nakita namin yan. Yung iba wala na, yung iba negligible na.
04:51.0
Lagyan ulit ng mga markers para magsilbing babala dun sa mga mismong tao na nag-i-interest pang tumira doon.
05:00.0
At yung mga nakatira naman doon, aware sila anong sasayang sila tatakbo, anong gagawin nila kung magkaroon ng lindol, yung markers.
05:07.0
Inan lang yan sa mga nakapaloob sa Contingency Plan o Oplan Metro Yakal Plus
05:12.0
na binubuo ng iba't ibang ahensya na may kinalaman sa disaster response.
05:16.0
Pero ayon sa OCD, may operational gaps o mga detaling dapat pangpunan para mas maging polido ang pagresponde kung sakaling tumama ang pinakamalakas na lindol.
05:27.0
Kailangan i-identify specifically, again, ano yung dapat gawin at sino ang gagawa at sino yung mismong pinunong gagawa noon.
05:35.0
Pangalawa, kailangan ma-secure natin yung panggagalingan ng mga pagkain.
05:40.0
Dahil ang presumption, maaaring magkagulo-gulo. And then, importante yung health services.
05:45.0
Sino rin ang, halimbawa mag-collapse mismo yung mga ospital o clinics, saan natin itatayo yun?
05:58.0
Walang makapagsasabi kung kailan tatamang the big one.
06:04.0
Puspusan man ang paghahanda ng pamahalaan sa nakaambang kalamidad.
06:09.0
Importante pa rin na may sapat tayong kaalaman na mag-uumpisa sa ating tahanan.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.