Close
 


Ang MAKA-ANGKIN sa lupaing ito, MAKOKONTROL niya ang buong mundo!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang Western Sahara ay isang disyerto sa Africa. Ito ay pinag-aagawan ng Morocco, Mauritania, Algeria, at ng mga Saharawis. Sa ilalim kasi ng gabundok na buhangin ay matatagpuan ang isang bato na napakaimportante sa sangkatauhan. Ano kaya ito? Alamin sa vidyong ito! Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infri
Awe Republic
  Mute  
Run time: 09:14
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa Afrika ay matatagpuan ang disyerto ng Western Sahara.
00:05.0
Napapalibutan ito ng mga bansang Moroko, Moritenya at Algeria.
00:10.0
Sa kasalukuyan, 80% ng disyerto ito ay nasa kontrol ng bansang Moroko.
00:16.0
Ngunit ito ay matagal nang pinoprotesta ng mga saharawis,
00:20.0
ang katutubo na naninirahan sa Western Sahara.
00:24.0
Sa katunayan, sa loob ng 16 years ay nagkaroon ng labanan sa pagitan ng Moroko at Polisario Front,
00:31.0
ang rebelding grupo ng saharawis.
00:34.0
Halos 100,000 katao ang namatay at mahigit 200,000 ang lumikas dahil sa labanan ito.
00:41.0
Ayaw bitawan ng Moroko ang Western Sahara dahil sa ilalim ng gabundok na buhangin
00:48.0
ay matatagpuan ang isang klase ng bato na napakaimportante para makasurvive ang populasyon ng mundo.
00:56.0
Sinasabing sa pamamagitan ng batong ito,
00:59.0
ang isang maliit na bansang Moroko ay magkakaroon ng kapangyarihang kontrolin ang buong mundo.
01:06.0
Ano nga ba ang nyamang tinatago ng Western Sahara?
01:10.0
Yan ang ating pag-uusapan ngayon!
01:18.0
Ang Western Sahara ay matatagpuan sa Northwest Africa.
01:22.0
Meron itong land area na 252,120 square kilometers.
01:28.0
Mas maliit ito ng kaunti sa Pilipinas.
01:31.0
Malaking bahagi ng teritoryo ay disyerto at ito ang tirahan ng mga katutubong saharawi.
01:37.0
80% ng disyertong ito ay nasa kontrol ng bansang Moroko
01:42.0
at 20% naman ang nasa kontrol ng Polisario Front,
01:46.0
ang rebelding grupo ng mga saharawi na tumutuligsa sa Moroko.
01:50.0
Pero paano nga ba na pa sa kontrol ng Moroko ang malaking bahagin ng Western Sahara?
01:57.0
Ang Western Sahara ay dating sakop ng Espanya.
02:02.0
Taong 1975, nung nakuha ang teritoryong ito ng Moroko at Mauritania.
02:08.0
Sa sumunod na 16 years ay ipinaglaban ng mga saharawis ang kanilang lupa.
02:13.0
Bumuo sila ng isang rebelding grupo na tinatawag na Polisario Front
02:18.0
at nakipagdigmaan sila sa mga bansang ito.
02:21.0
Sila ay supportado ng Algeria.
02:24.0
Bilang pagtatanggol, idiniklara ng mga saharawi ang teritoryong ito
02:28.0
bilang Sahrawi Arab Democratic Republic noong 1976.
02:33.0
Ngunit hindi ito kinilala ng kalapit na bansang Moroko.
02:37.0
Sa parehong taon din ay sumuko ang Mauritania at umalis sa Western Sahara.
02:43.0
Ngunit sa kasamaang palad ay inangkinaman ng Moroko
02:47.0
ang teritoryong iniwan ng Mauritania.
02:50.0
Patuloy na ipinaglaban ng Polisario Front ang kalayaan ng Western Sahara mula sa Moroko.
02:56.0
Ngunit nireject ng Moroko ang hiling ng mga saharawi.
03:00.0
Sahalip ay bibigyan lang sila ng autonomya
03:03.0
o ang karapatang magkaroon ng sariling pamahalaan.
03:06.0
Ngunit sakop pa rin sila ng Moroko.
03:09.0
Giit ng Moroko ay meron di umano silang karapatan sa Western Sahara
03:14.0
dahil dati na daw silang may kontrol nito
03:16.0
bago pa man nasakop ito ng Espanya.
03:20.0
Subalit hindi sumang-ayon ang Polisario Front sa propusal na ito ng Moroko.
03:25.0
Ang labanan ay natigil lamang nung magkaroon ng ceasefire agreement
03:29.0
ang dalawang panig na pinamunuan ng United Nations noong 1991.
03:34.0
Ang kasunduan ito ay may kaakibat na pangakong referendum
03:38.0
o pagboto sa kalayaan ng Western Sahara sa pagitan ng dalawang panig.
03:43.0
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagagana.
03:47.0
Halos 100,000 katao ang namatay at mahigit 200,000 ang lumikas dahil sa labanan.
03:54.0
Pero ang tanong, bakit nga ba hindi mabitawan ng Moroko ang Western Sahara?
04:00.0
Ano ba ang ginagawa nila dito?
04:02.0
Sa bayan ng Bukra sa Western Sahara ay makikita ang napakalaking minahan ng Moroko.
04:10.0
Ang kanilang minimina dito ay ang Phosphite Rock.
04:14.0
Ang minahan ay nagtataglay ng pinakamahabang conveyor belt sa mundo
04:19.0
na siyang nagdadala sa mga bato patungo sa daungan
04:22.0
para i-export sa ibang bansa gaya ng Israel.
04:26.0
Ang baybayin naman ng Western Sahara ay nagsisilbing fishing grounds na sagana sa mga yamang dagat.
04:33.0
May posibilidad rin na mayroong offshore oil deposits na hindi pa nadidiskubre sa Western Sahara.
04:39.0
Dahil sa taglay na likas na yaman nito, hindi nakakapagdaka kung bakit pinag-aagawan ang teritoryong ito.
04:46.0
Maraming mga sahabang mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga
04:54.0
maraming mga saharawis ang nagpuportesta sa ginagawa ng Morocco.
04:59.0
Mahigit 40 years na daong iligal na kumukuha at nage-export ng phosphate rock ang Morocco.
05:06.0
Masakit para sa kanilang makitang pinagsasamantalahan ng ibang bansa ang kanilang resources,
05:12.0
habang ang mamamayan ay hindi nakikinabang.
05:15.0
Bago tayo magpatuloy, nagustuhan nyo po ba ang content natin ngayon?
05:19.0
Kung oo, ay mag-comment po kayo ng yes!
05:28.0
Ang bansang Morocco ay nagtataglay ng pinakamalaking phosphate reserves sa buong mundo.
05:33.0
Tinatayang nasa 72% ang total reserves nito.
05:37.0
Although maliit lang na bahagi ang nakukuha sa Western Sahara, ay kumikita pa rin sila dito.
05:43.0
Noong 2021, tinatayang mahigit $6.4 billion ang kinita ng Morocco mula sa pagmimina ng phosphate rocks.
05:52.0
Ang phosphate rock ay napaka-importante para mabuhay ang tao.
05:56.0
Sa paglobo ng populasyon, ay kasabay na tumataas ang demand para sa pagkain.
06:02.0
Isa sa kinukuna natin ng pagkain ay ang agrikultura.
06:05.0
At upang magkaroon ng masaga ng ani, ay kailangan natin ng fertilizer sa lupa.
06:11.0
Ang fertilizer ay gawa sa tatlong elemento, nitrogen, potassium, at phosphorus.
06:17.0
At ang phosphate rock na nakukuha sa Western Sahara ay nagtataglay ng phosphorus na isang pangunahing kailangan para sa produksyon ng fertilizers.
06:27.0
Ngunit ang phosphate rock ay itinuturing na finite resource, o yamang lupa na nauubos at hindi napapalitan.
06:35.0
Dahil sa mataas na demand, patuloy rin ang pagmimina sa mga phosphate reserves.
06:41.0
Ayon sa mga scientist, darating ang panahon na mauubos natin ang supply ng phosphate at maaaring makaapekto ito sa food production.
06:50.0
Ayon sa United States Geological Survey, tinatayang nasa 71 billion tons na lamang ng phosphate rock ang natitira sa buong mundo.
06:59.0
Sa taong 2014 nang ideklara ito bilang critical raw material ng European Commission.
07:05.0
Sa kasalukuyan, ang mga global superpowers na China, India, at United States ay umaasa sa phosphate rock para sa kanilang food production.
07:15.0
At kung sino mang bansa ang may kontrol sa rare commodity na ito, sila rin ang magtatagda ng supply at presyo.
07:22.0
Maaari nilang makontrol ang food production ng mundo sa hinaharap.
07:27.0
So sa laki ng reserves ng Morocco, marami ang nagsasabi na kalaunan ay makokontrol nila ang mundo.
07:35.0
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang territorial at political conflict sa Western Sahara.
07:41.0
Matapos ang ilang taong ceasefire sa pagitan ng Polisario Front at Moroccan military,
07:46.0
nitong nakaraang 2020 lamang ay muli na namang nagkainitan ang magkabilang panic.
07:52.0
Ito'y matapos magpadala ng military patrol ang Morocco sa tinagurian nilang No Man's Land o Bavar Zone sa Gergirat.
08:00.0
Ito rin ang nag-trigger sa Polisario Front at Bansang Algeria na muling magkaisa
08:06.0
upang pigilan ang lumalakas ng military presence ng Morocco sa Western Sahara.
08:11.0
Ayon sa Polisario Front, ito ay isang paglabag sa naging kasunduan nila noong 1991.
08:17.0
Nadagdagan pa ang tensyong ito noong kinilala ng dating U.S. President Donald Trump
08:22.0
ang karapatan at kapangyarihan ng Morocco sa Western Sahara.
08:26.0
Maraming saharawis ang masama ang loob dahil sinusuportahan ng ibang bansa ang Morocco.
08:32.0
Dahil sa bantang panganib, ang mga residente ng Western Sahara na naipit sa hidwaan
08:38.0
ay napipilitang lumayo at tumira sa mga refugee camps.
08:42.0
Hindi na rin mabilang ang mga sibilyan na binuwian ng buhay dahil dito.
08:47.0
Nakakalungkot isipin na ang disyertong ito na siyang nagbibigay ng biyaya sa bilyon-bilyong tao
08:53.0
ay siya rin magiging sanhi ng kamataya ng iba.
08:57.0
Sana ay magawa na ng United Nations ang pangako nitong referendum sa status ng teritoryo
09:03.0
para matigil na ang labanan sa Western Sahara.
09:07.0
This is your Ate O from our Republic, hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.