Close
 


COMMUTE EXPERIENCE | JenAnimation
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#RagnarokOrigin #ROorigin #ROO #MMORPG #Ragnarok #RO #Firstlove Mobile: https://app.adjust.com/62exw8o PC: https://bit.ly/3miIX0s Follow Ragnarok Origin official channel here. Discord : https://discord.gg/rooglobal Twitter : https://twitter.com/GlobalRagnarok Instagram:https://www.instagram.com/ragnarokoriginglobal Youtube : https://www.youtube.com/@RagnarokOriginGlobal Facebook : https://www.facebook.com/rooglobal Tiktok : https://www.tiktok.com/@ragnarok_origin_ph THANKS TO OUR TEAM: Background: Jackson: https://www.youtube.com/channel/UCP4kdpXoPvtyUFowcsv_Cgg Animators Mac Ryuu Sen GAMING CHANNEL:: https://www.youtube.com/channel/UCCItN42wqa3vjRrLCUJYIKw FB PAGE: https://www.facebook.com/JenAnimations FB GROUP: https://www.facebook.com/groups/736241873855759 INSTAGRAM https://www.instagram.com/jen_animation BUSINESS EMAIL: projectcollabwithjen@gmail.com
JenAnimation
  Mute  
Run time: 11:40
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ano yung nilalaro mo?
00:02.0
Ragnarok Origin, boy!
00:04.0
Isang bagong MMORPG na mag-e-enjoy ka sa mga quests at dungeons nito.
00:09.0
Makakabuo rin tayo ng guild na may trailing battles tulad ng PvP at Guild versus Guild.
00:14.0
May pet adaption, may stat systems kung saan kontrolado mo ang stats ng karakter mo at marami pang iba.
00:20.0
Ano, pili ka na ng job class mo, boy, at magpa-level up tayo.
00:24.0
Invite kita sa party ko.
00:27.0
Tayo, anong job class nyo?
00:29.0
Archer number one!
00:31.0
Hehe, High Wizard na ako. Level 70.
00:35.0
Ha? Ang gaya?
00:37.0
Kaka-start ko lang eh. Isang dakilang swordsman pa lang ako. Pero Road to Lord Knight na to, yeah!
00:44.0
Sige, sigurado kailangan nyo ng high priest, kaya mag-a-acolyte ako.
00:48.0
Yun, mag-isip na tayo ng guild name.
00:51.0
Ragnarok Origin, isang best Ragnarok mobile version at cross-platform ito.
00:56.0
Available sa PC, App Store, Google Play, Huawei App Gallery, and Oppo Market.
01:01.0
Good news pa, guys. Marami kayong mapapanalunan na in-game items ngayong buwan.
01:06.0
Kaya download na. Link in the description below. Enjoy!
01:10.0
Tara, selfie tayo sa game!
01:13.0
Nung bata ako, hindi ako madaras mag-commute.
01:15.0
Kasi yung pinapasukan naming paaralan, eh walking distance lang.
01:19.0
Wala pa sigurong tatlong minuto, nandun na ako.
01:22.0
Kaya nung elementary at high school days ko, eh hindi ko masyado pinoproblema ang gumising ng maaga at pag-commute.
01:29.0
Naalala ko pa nga, pinaparinggan kami ng mga teacher namin dati.
01:32.0
Kung sino pa yung malalapit ang bahay, sila pa yung late.
01:36.0
Aminado naman ako, hindi ko nga alam kung ilan nanasayang kong one-eight paper kakalista ng pangalan ko sa guardhouse.
01:43.0
Yung baon ko nung elementary, eh nasa 3 pesos hanggang 5 pesos lang.
01:48.0
Dahil sabi ng tatay ko, hindi naman kayo sumasakay ng jeep.
01:51.0
Yan lang ang baon nyo, doon na lang kayo sa bahay kumain.
01:55.0
Okay lang naman sakin, kasi may nabibili pa naman ang 5 pesos na baon nung panahon namin.
02:01.0
Ewan ko na lang ngayon, baka dalawang fishball na lang mabili mo yan.
02:05.0
Minsan, umuwi kami ng probinsya.
02:08.0
At dahil wala naman kaming sasakyan, eh sumasakay kami ng bus.
02:12.0
At alam nyo ba, dito ko unang naranasan masuka, leche!
02:17.0
Wala akong dalang plastic that time, kaya sa bintana ko, pinaglalabas yung pillows na kinain ko.
02:22.0
Eww!
02:23.0
Speaking of nakakahilo, eh ayaw na ayaw nyo din ba yung amoy nung sinasabit nilang car refreshener?
02:29.0
Yung hugis puno, hindi ko alam kung pampabango yun o pantaboy ng masasamang espiritu eh.
02:34.0
Kadalasan, makikita nyo ito pag sumasakay kayo sa harap ng pampublikong sasakyan.
02:39.0
Comment lang kayo dyan guys kung same tayong nahihilo doon.
02:42.0
Ayaw ko din kapag nagko-commute, eh kapag naninigarilyo yung driver.
02:46.0
Leche, yung nakulong na lahat ng usok sa loob ng sasakyan tapos malalanghap mo pa.
02:51.0
Hindi ba nila alam na mas delikado ang second hand smoke?
02:54.0
Meron naman mga responsable na driver na kapag may sasakay na, eh tinatapon nila yung sigarilyo nila.
03:00.0
Mas okay yun, basta huwag lang magstay sa loob yung usok ng sigarilyo dahil nakakainis minsan.
03:06.0
Lumabas kang mabango sa bahay nyo tapos papasok kang amoy sigarilyo.
03:10.0
Walang kwenta yung pagligo at paglagay-lagay mo ng pabangoy.
03:13.0
Nung nag-college na ako at marunong na ako pumunta ng town, eh dito na ako madalas mag-commute.
03:19.0
Isang napansin ko sa amin kapag sumasakay ng jeep, eh ang ginagawa ng mga driver, iniipon nila yung mga taong naghihintay ng jeep.
03:26.0
Kaya kahit gaano kapag haaga gumising, eh malilite ka pa rin kasi pag aantahin ka ng driver.
03:32.0
Ang ginagawa na nga ng ibang nakapila, eh talagang lalakarin na nila hanggang sa terminal.
03:37.0
Yung jeep na mismo ang pinuntahan nila, hindi yung jeep yung pumunta sa kanila.
03:42.0
Kaya swerte din nung mga nakatira malapit sa terminal.
03:46.0
Yung iba naman, ang ginagawa nila, eh lalagpasan nila yung pila at bubuo sila ng bagong pila sa unahan para sila yung unang pick-upin ng jeep.
03:54.0
Leche!
03:55.0
Yung ibang driver, alam yung ginagawa nila, kaya nilalagpasan nila yung pila na yun at pupunta sila sa original na pila talaga ng jeep.
04:03.0
Be, buti nga sa inyo, ayaw nyo pumila sa tamang pilaan ha.
04:08.0
Ayan tuloy, nilagpasan kayo ng jeep.
04:10.0
Sus, parang hindi mo naman ginagawa yan dati.
04:13.0
Shhh!
04:15.0
Speaking of pila, eto yung nakakainis kapag rush hour.
04:19.0
Sobrang haba ng pila.
04:21.0
Kung gaano kahaba yung pila, eh ganun din dapat kahaba ang pasensya mo dito.
04:26.0
Swerte mo kung may kakilala ka na nakapila na at alam nyong magbroke out.
04:31.0
Isang tinginan nyo lang sa isa't isa, eh pasisingitin ka na.
04:36.0
Uy pre, pasingitin mo ko.
04:39.0
Akong bahala pre, lapit ka lang dito.
04:42.0
Grabe, haba ng pila.
04:44.0
Kaya nga eh, buti na una na akong pumila.
04:48.0
Kung wala ka namang pasensya at nagmamadali ka dahil taing-tae ka na,
04:52.0
eh may mga kolorom at taksi naman na humahakot ng mga pasahero.
04:56.0
Yun lang, mas mahal ang pamasahe at unahan ang sakayan dito.
05:00.0
Naalala ko nga, pati bus kumukuha ng pasahero sa pila ng jeep.
05:04.0
Doon ako napaisip na sana bus na lang yung pampasada sa amin,
05:08.0
para mas madami ang maisakay.
05:10.0
Nakakaawa kasi yung mga matatanda at mga pagod na sa trabaho.
05:14.0
Yung oras sana na nakapila sila, eh magagamit nila para makapagpahinga.
05:18.0
Naiinis ba kayo minsan sa konduktor?
05:20.0
Yung magsasabi siya ng isa pa kahit na alanganin na makaupo.
05:23.0
Isa pa, isa pa! Yung single dyan, pasok na!
05:27.0
Potek yan, mapapailing ka na lang talaga eh.
05:30.0
Akala ata ng konduktor at driver magkakaparehas ang mga body size ng mga tao eh.
05:36.0
Naranasan ko nga yan eh, yung ako na lang yung huling sasakay.
05:39.0
Potek yan, kalahating pet ko na lang yung nakaupo.
05:42.0
Tapos yung mga daliri ko na lang sa paa, yung nagiging grip ko para hindi ako mahulog.
05:47.0
Dapat pagka ganun eh, kalahati din yung bayad.
05:50.0
May mga nakakasabayan ba kayong mga ganto sa jeep?
05:53.0
Yung hirap ka na nga makaupo sa jeep dahil masikip,
05:56.0
eh masisikipin niya pa dahil nakabuka kayong dalawang legs niya.
06:00.0
Leche!
06:01.0
Hindi naman mababawasan ang pagkalalaki mo kapag tiniklop mo yan.
06:05.0
Hindi rin maiiwasan na may mga kasabayan kang mga lasing.
06:09.0
Pakiabot nga tong bayad.
06:12.0
Saan tong bente?
06:19.0
Ano po?
06:24.0
Naku, patay tayo dyan. San kaya ito bababa?
06:28.0
Okay lang sakin makasabayan ang mga lasing.
06:30.0
Matitiis ko yung amoy ng alak at ingay nila sa jeep.
06:33.0
Pero yung magsuso ka sila, naku, ibang usapan na yan.
06:36.0
Naawa nga ako minsan sa mga driver eh.
06:38.0
Kasi yung mga basurahan nila, minsan pinagsusukaan ng mga lasing.
06:42.0
Dahil papunta na tayo sa digital world.
06:45.0
Naks.
06:46.0
Digital world. Parang esikay lang ah.
06:49.0
Naimbento ang mga car booking app tulad ng Grab, Angkas at iba pa.
06:54.0
Ang kagandahan ng car booking app ay hindi mo na kailangan magantay sa labas
06:59.0
at magsisisigaw ng para.
07:01.0
Hindi mo na rin kailangan makipagpatayan,
07:03.0
para lang sa taksi.
07:04.0
Para kang may tagasundo kapag gumagamit ka ng car booking app.
07:08.0
Pero yun lang, medyo mapapamahal nga lang ang paggamit nito
07:12.0
dahil kailangan mo rin ng data para makabook ng sasakyan.
07:16.0
Hindi rin lahat ng lugar sa Pinas ay available ang car booking.
07:20.0
Dahil maraming beses na akong sumasakay ng Grab,
07:23.0
eh nakita ko rin ang mga iba't ibang klase ng driver
07:26.0
at ang kanilang mga kwento.
07:28.0
Isa sa hindi ko makakalimutang driver ng Grab ay si Manong Songiris.
07:32.0
Nung una, ine-enjoy lang namin yung mga pinapatugtog niya
07:35.0
at napansin niya ata na naaaliw kami.
07:38.0
Hanggang flinex niya sa amin yung mga kantang kino-cover niya.
07:42.0
Nakwento ni Manong na dati siyang bokalista ng isang banda.
07:45.0
Natigil lang daw dahil nagkaroon na sila ng pamilya
07:48.0
at yung ibang membro naman nila eh naghanap ng ibang trabaho.
07:52.0
Haay, nakakalungkot no?
07:54.0
Isa sa pinakamasakit yung kailangan mong bitawan yung pangarap mo
07:58.0
para sa ibang bagay na mas mahalaga para sayo.
08:01.0
Next naman ay si Manong driver na family-oriented.
08:05.0
Kunento niya kung gaano niya sinusuportahan yung mga anak niya.
08:09.0
Nung pandemic daw kasi eh talagang nagkaroon sila ng financial crisis
08:13.0
to the point na sinabi ng anak niya na titigil muna daw siya mag-aral para bawas gastos.
08:18.0
Maghahanap na lang daw siya ng trabaho para makatulong sa pera
08:22.0
Pero sabi ni Manong driver eh wag daw siyang titigil
08:25.0
dahil isang taon na lang eh gagraduate na ito ng college.
08:29.0
Gagawa na lang daw sila ng paraan para magtuloy-tuloy yung pag-aaral ng anak nila.
08:33.0
Flinex niya rin yung isang anak niya na isang honor student.
08:37.0
Sana all!
08:38.0
At ayaw niya rin daw matigil sa pag-aaral dahil sayang daw
08:41.0
kaya doble kayod si Manong sa pagtatrabaho.
08:44.0
Grabe no? Masarap kakwentuhan yung mga gantong driver pag nagko-commute ka?
08:48.0
Kaya kayong mga nag-aaral ngayon wag nyong sayangin ang sakripisyo ng mga parents nyo.
08:53.0
Sus! Pinangko computer mo ngayong baon mo dati!
08:56.0
Shhh! Dati yun! Kaya wag nyong gayayin yun ha!
09:00.0
Paluin ko kayo sapit!
09:01.0
Next naman ay si Manong tagahatid ng lasing.
09:04.0
Nung sumakay kami sa kanya eh sinabi niya na kami pa lang daw yung matinong pasahero na naisakay niya
09:10.0
dahil puro lasing daw yung mga nahihatid niya.
09:13.0
Kahit daw tanghaling tapat eh may mga lasing siyang nahihahatid.
09:17.0
Nakwento pa nga daw niya na may naisakay siyang babae na mukhang artista
09:21.0
kamukha daw ni Catherine Bernardo.
09:23.0
Tapos yung kasuotan pa daw niya eh medyo revealing
09:26.0
kaya sinabi ni Manong driver baka kung ibang driver daw yun
09:30.0
baka kung ano daw gagawin sa kanya.
09:32.0
Kaya kayong mga babaeng mahilig magparty-party
09:35.0
iingas kayo sa pag-uwi.
09:37.0
Kung maaari magpahatid at magpasundo kayo sa mapagkakatiwalaan
09:41.0
May nakakasama din ba kayong driver na Angry Bird?
09:44.0
Yung grabe nang init ng ulo kapag traffic?
09:47.0
Alam ko naman nakakainit ng ulo kapag heavy traffic
09:50.0
lalo kapag may biglang sisingit sa linya mo
09:53.0
pero grabe kasi minsan eh kulang na lang makipagsuntukan sa mga ibang driver.
09:58.0
Siguro kapag sinabihan ko ng kalma lang Manong
10:01.0
baka ako siguro suntukin nun eh.
10:03.0
Siyempre hindi mawawala si Manong the Fast and the Furious
10:07.0
Anak nang sa sobrang bilis magpatakbo
10:09.0
eh humihiwalay na yung kaluluwa mo sa katawan mo.
10:12.0
Nararanasan ko to kapag sumasakay ako sa mga van eh
10:15.0
na kahit sharp curve nag-o-overtake sila.
10:18.0
Parang laging mga natata eh.
10:20.0
Pre, madami kasi sila hinahabol.
10:23.0
Pero grabe pre, para na din tayong hinahabol ni kamatayan.
10:27.0
Eto siguro karamihan sa atin naranasan na yung gantong taxi driver.
10:31.0
Ayaw ko naman sirahan lahat ng taxi driver
10:35.0
May mga na-experience kasi ako na mga ganyang klaseng driver.
10:38.0
Alam mo yun, yung kapag alam nila na hindi ka taga doon
10:41.0
eh ililigaw ka nila.
10:43.0
Mahabain yung biyahe para mas malaki yung babayaran mo.
10:46.0
Eto pa, hindi na nila ibabalik yung bariya mo.
10:50.0
Okay lang sana kung sabihin nila na
10:52.0
Sir, okay lang po ba sa akin na yung bariya?
10:54.0
Pero wala eh, isnabin ka pa ng mga yan.
10:57.0
Kaya kapag may nangyayari sa akin na ganun,
10:59.0
hinahayaan ko na lang.
11:01.0
Parang tulong ko na lang sa kanila yun.
11:03.0
Kayo, anong kwentong commute nyo?
11:05.0
Alright, thank you nga pala sa mga bumili ng merch namin sa Shopee.
11:10.0
Kay Gian Gabriel Batac,
11:12.0
Gian Patrick Alvero,
11:14.0
Nicole Erica,
11:15.0
Gabby Endrano,
11:16.0
Paulus Babau Baja,
11:18.0
Johanna J. Jaranilla,
11:20.0
Paulo Guevera,
11:21.0
Dane Mico,
11:23.0
Alexandria Michelle,
11:24.0
Jessica Badilla,
11:26.0
Catherine Joy Demaf,
11:28.0
Gian Carlo Vail,
11:29.0
and Ayan Orquiza Manlapas.
11:32.0
Thank you, thank you guys.
11:33.0
Sa mga gusto bumili ng merch namin,
11:35.0
search nyo lang ang Giannellistore sa Shopee.
11:38.0
Alright.