Close
 


Re-resbak ba si De Lima?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
More than six years nang nakakulong si Leila de Lima. Acquitted sa dalawang kaso. Di ba dapat nanagot yung mga nasa likod ng gawa-gawang kaso laban sa dating senadora?
Christian Esguerra
  Mute  
Run time: 07:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Welcome po sa special episode ng Harapan with Christian Esguerra.
00:11.0
Ako po ang inyong host, si Christian Esguerra.
00:13.0
Pag-uusapan po natin ngayong araw si dating DOJ Sekretary at dating Senador Leila de Lima.
00:19.0
Tatlong kaso, acquitted sa dalawa.
00:22.0
This is the beginning of my vindication.
00:30.0
Yung unang kaso, ibinasura ng February 2021.
00:33.0
Wala kasing kwenta yung D.O. na ibidensya.
00:36.0
Yung pangalawang desisyon, mainit-init pa ah.
00:39.0
Dito lang May 12, pinawalang sala ng isa pang korte sa Muntinlupa, si de Lima,
00:44.0
sa bintang natumanggap siya ng 10 million pesos in drug money galing sa mga operasyon sa bilibid.
00:51.0
Allegedly, nakapagsabwatan daw si de Lima sa mga drug lords sa bilibid,
00:55.0
tapos giramit daw yung pera nung tumakbo siyang Senador noong 2016.
00:59.0
At least ito po yung hinabing kwento ng panahon ni dating Presidente Rodrigo Duterte laban sa dating Senadora.
01:06.0
Two down, one to go.
01:08.0
Iniintay natin ngayon kung ibabasura rin yung huling kaso.
01:12.0
Pero may mga nagtatanong ngayon.
01:14.0
More than six years na pong nakakulong si de Lima, acquitted sa dalawang kaso.
01:19.0
Pero ba, hindi ba dapat makasuhan yung mga gumawa ng kwento laban sa kanya?
01:25.0
Kaya ang topic po natin ngayon, Malicious Prosecution.
01:28.0
Paano kung sadya kang kinasuhan, pero ang basihan, gawa-gawa lang.
01:33.0
Kasama natin sa video na ito, isang criminal law professor na si Atty. Theodore T.
01:40.0
At ang dating Chief Presidential Legal Counsel ni former President Rodrigo Duterte, si Atty. Salvador Panela.
01:48.0
Pero bago po ang lahat, paano nga ba tayo napunta rito?
01:52.0
Noong December 2014, ni-raid ang New Bilibid Prison sa pangunguna ni de Lima na noon ay DOJ Secretary.
01:59.0
Then noong July 13, 2016, dalawang linggo after maupo ni then President Duterte,
02:05.0
nagfile ng resolusyon ang nooy Sen. de Lima para embistigahan ang extrajudicial killings.
02:11.0
Tapos nagsimula na doon lahat.
02:14.0
Nilink ng dating administrasyon si de Lima sa iligal na droga.
02:18.0
Hanggang sa inaresto siya sa Senado noong February 2017.
02:25.0
Ngayon tapos na po tayo mag-throwback ang tanong ngayon.
02:28.0
Pwede nga bang gamitin ang dating Senadora ang Malicious Prosecution?
02:33.0
It is something that is recognized by law.
02:35.0
The Supreme Court has ruled on many occasions na yung Malicious Prosecution ay isang remedy
02:43.0
para doon sa isang accused na na-acquit.
02:47.0
Option siya. Available siya kung gusto ni Sen. de Lima to use that remedy.
02:55.0
May reaction dito si Atty. Panelo?
02:57.0
Pwede gawin niya. Tandaan mo, may mga acquittal na nare-reverse.
03:03.0
Sabi nga natin kanina, acquitted si de Lima sa dalawang kaso.
03:07.0
Kaya tinanong natin ang reaction ni Secretary Panelo rito.
03:11.0
Tatanggapin natin yun bilang abugado kasi yun ang training namin.
03:15.0
Whether naniniwala kami o tanggap namin o hindi yung mga pangangatwiran doon,
03:22.0
igalang mo.
03:23.0
But having said that, sa aking pananaw, mali ang desisyon.
03:28.0
Hindi batay sa ebidensya sa loob.
03:32.0
Lumalabas ng ebidensya talagang dapat na-convict pero na-absurdo.
03:38.0
Kung nakaligtas man siya dahil sa maling basa ng buko man,
03:44.0
eh hindi siya makakaligtas sa batas ng karma.
03:50.0
Ang tanong ng bayan, may reaction na ba si dating Presidente Rodrigo Duterte,
03:55.0
yung di o maninagpakulong sa dating senadora?
03:58.0
Sino ako? Oo, sabi niya.
04:01.0
Unang-una, bilang abugado, sabi niya, tanggapin natin yung desisyon.
04:06.0
Pangalawa, hindi ako interesado kung anong resulta ng desisyon
04:10.0
dahil wala naman akong kinalaman dyan.
04:13.0
Hindi ako nakikialam at hindi ako nakialam.
04:17.0
Talaga lang ha? Come ya yarn?
04:20.0
You know, dilemma is undergoing a nightmare now.
04:25.0
Tama na yan para sa akin.
04:28.0
Anyway, paano nga ba mong papatunayan kung malicious ang prosecution?
04:34.0
Ayon sa korte, una, dapat may prosecution na nangyari
04:38.0
tapos yung gusto mong mabalikan, siya mismo ang prosecutor o nagpakana ng pagkakaso sayo.
04:44.0
Second, acquitted ka dapat o napawalang sala.
04:48.0
Tapos, dapat malisyoso yung ginawang pagkakaso sayo at walang tinatawag na probable cause.
04:53.0
Siredya kang kasuhan kahit alam nila na walang basihan o kalokohan yung bintang.
04:59.0
Pero paano ba ito mong papatunayan?
05:01.0
Ayon kay Atty., may pagkakataon na korte na mismo ang nagsasabi na walang basihan ng kaso.
05:07.0
Pwede rin daw gamitin yung ilang ebidensya na lumabas sa paglilitis
05:10.0
para patunayan na kalokohan yung kasong isinampa.
05:14.0
Malice is always difficult to prove.
05:16.0
Pero pag alimbawa gamitin po ni Sen. De Lima po yung malicious prosecution as a basis,
05:23.0
nasa kanya yung burden to show na talagang ang kaso laban sa kanya ay maliciously brought
05:29.0
dahil walang basis from the start at tinuloy kahit na walang basis.
05:34.0
Isa pang tanong, pwede bang papanagutin ang lahat ng involved sa pagpapakulong at sa mga hearings laban kay De Lima?
05:42.0
Malicious prosecution itself would relate directly to those who actively participated in the prosecution.
05:50.0
Mula preliminary investigation hanggang trial kasama doon kung sino man involved doon.
05:57.0
Kung manalo ka sa kasong malicious prosecution, pwedeng makasingil ng damages.
06:03.0
Sabi ng mga abogado ni De Lima, nakafocus muna sila ngayon sa natitirang kaso.
06:07.0
Pero for sure, papanagutin daw yung mga nagpakana ng kung ano-anong kaso sa dating senador.
06:16.0
Teka, kasama ba rito yung mga honorable na pinagpiestahan at kinutsa yung personal life ni De Lima?
06:22.0
Naalala niyo to?
06:23.0
Sa tingin mo ba, pinagsamantalahan mo ang kahinaan ni Laila De Lima bilang isang babae nung kayo'y nagkaroon ng relasyon?
06:31.0
Hindi po sir. Basta umibig ako sa kanya sir. Inibig din niya ako.
06:36.0
Ang iyo bang pag-ibig kay Sekretary De Lima ay wagas, dalisay at matatag.
06:46.0
Anong kulayaw mo?
06:48.0
Sa bahay namin sir.
06:49.0
Hindi, kay Sekretary De Lima.
06:51.0
Junel lang sir, Junel.
06:53.0
Kunwari, tawagin ka ngayon ni Sekretary De Lima, sabi niya, Junel, hoy. Ganon?
06:58.0
Hindi sir.
06:59.0
Ano?
07:00.0
Junel.
07:01.0
Junel.
07:05.0
Hinihintay po natin ngayon na magiging risulta ng huling kaso laban kay De Lima.
07:10.0
Paano kung yung ending, yung mga congressman na nagtawanan ang tatawanan sa dulo ni De Lima?
07:16.0
Malalaman po natin yan sa susunod na episode ng Harapan.
07:20.0
Kasama po ako, si Christian Esguerra.