Close
 


TIME MACHINE | The Jack Logan Show
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Para sa'yo to. ❤️ #JackLoganShow #TJLS Official Website: http://jackloganshow.com/ SUBSCRIBE TO THE JACK LOGAN SHOW! HOWRAYT! JACK LOGAN SHIRTS NOW AVAILABLE Shopee: https://bit.ly/JackLoganShopee Shirtly: https://bit.ly/JackLoganShirtLy TJLS SOCIAL MEDIA Facebook: http://bit.ly/JackLoganShowFacebook Twitter: http://bit.ly/JackLoganShowTwitter Instagram: https://bit.ly/JackLoganShowInstagram Spotify: https://bit.ly/JackLoganPodcast TJLS SEGMENTS Jack Logan Talks: https://bit.ly/JackLoganTalks Jack Logan Vlogs: https://bit.ly/JackLoganVlogs Jack Logan Reviews: https://bit.ly/JackLoganReviews Jack Logan Music: https://bit.ly/JackLoganMusic Travel Series: http://bit.ly/JackLoganTravelSeries HungHankz: http://bit.ly/HungHankz Coffee And Politics: http://bit.ly/CoffeeAndPolitics Green Planet: http://bit.ly/GreenPlanetwithJackLogan SUPPORT JACK LOGAN: http://bit.ly/SupportJackLogan ABOUT THE JACK LOGAN SHOW: The Jack Logan Show is an internet talkshow created by CJ Santos better known as Jack Lo
Jack Logan
  Mute  
Run time: 05:29
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
Para sa iyo to, at sa mga panahon hindi mo pa naiintindihan ang galaw ng makasalanang mundo.
00:07.0
Habang tumatakbo ka pa huwi galing eskwela na dumudugo ang ilong mo.
00:12.0
Tatakbo ka sa poso para linisin ang mukha mo habang unti-unting lumalabo ang paningin mo.
00:19.0
Natatakot ka kasi isang mata na lang ang gumagana sayo.
00:24.0
Pero baka mawala pa yung isa.
00:27.0
Huwag ka mag-alala, nakakahinga ka pa naman.
00:31.0
Putol nga lang ang litid ng ilong mo sa lakas ng bola ng baseball na sumargo sa mukha mo.
00:37.0
Huwag ka magalit sa nabato.
00:40.0
Pinalo naman siya ng big time ng tatay niyang lasenggero.
00:45.0
Lilipa sa mga araw, naglalaro ka sa gitna ng bukid kasama ang matalik na kaibigan mo.
00:53.0
Siya na tumanggap sayo sa kabila ng kapansanan mo.
00:57.0
Hindi ka niya tinukso at nilait kasi tinanggap mo rin siya kahit hindi siya nagsisipilyo.
01:04.0
Nagpapalitan kayo ng mga pangarap.
01:07.0
Gusto niya maging wrestler pagiging pari naman ang trip mo.
01:12.0
Nagmamadali kang tumakbo patungo ng kumbento kasi maglilinis kayo ng simbahan at masarap ang merienda niyo.
01:20.0
Ang bait ni father, diba?
01:22.0
Kinawa kang sakrista ng parokya kahit hindi niya alam na hindi ka binyag sa katoliko.
01:29.0
At dahil gusto mo na maging pari, madalas kang nakikinig sa kanya tungkol sa buhay sa seminaryo.
01:36.0
Hindi ko sa sinisira ang trip mo.
01:38.0
Kasi lalaki kang babaero na ayop ka.
01:41.0
And yes, huwag na huwag kang gagawa ng listahan ng mga dyowa mo.
01:47.0
Tatlong taon pa lang biniyak na ng tadhana ang pamilya mo.
01:51.0
Salamat sa mga taong nagkusang akuin ka at tumayong gwardya mo.
01:57.0
Pero may intindihan ko na madalas kang umiiyak sa bubungan habang binubulong ang pangalan ng nanay at tatay mo.
02:05.0
At nakikiyehey ka habang nanonood sa mga pinsan mo kasama ang mga magulang nila
02:12.0
habang nagbubukas ng regalo sa tabi ng Christmas tree sa pagsapit ng Pasko.
02:18.0
Sasabit ka sa bus habang nagtitinda ng pastilyas at kendeng gawa sa buho.
02:24.0
Kinagawa mo ang assignment ng bestfriend mo habang nakaupo ka sa kariton at siya naman sumisigaw ng botejaryo.
02:32.0
Kumakanta kayo ng parting time ng rockstar habang namumulot ng tai ng kalabaw sa sementaryo.
02:39.0
Pero huwag ka sanang malungkot.
02:42.0
Kasi sa future, masasagasaan siya ng bus at hindi ka makakatendang borol niya dahil malayo ka na sa lugar na ito.
02:54.0
Dahil paglaki mo, ibang mundo naman ang iyong lalakaran.
02:59.0
At dito mo may intindihan na malaki ito at mas malawak ang nasasakupan.
03:05.0
At may bagong batch ng mga taong handa kang pahirapan at saktan.
03:11.0
Yung bola ng baseball na humampas sa mukha mo, kulang pa yan.
03:15.0
Dahil ibang level ito.
03:17.0
Pati kaluluwa mo, titiyakin nilang aaray kapag nasaktan.
03:24.0
Pero lumaban ka lang.
03:25.0
Huwag kang sumuko.
03:27.0
Magkokrus din ang landas nating dalawa.
03:30.0
Marami kang lalakbayin at makikita kapag kumapit ka sa pangarap at magsisipag ka.
03:36.0
Makakatikim ka ng palakpak at papuri sa mga nagawa mong tama at kakaiba.
03:42.0
Pero huwag lalaki ang ulo mo.
03:44.0
Dahil hindi sa lahat ng oras ay nasa taas ka.
03:49.0
Sa ngayon, tatapikin ko muna ang balikat mo at sasabihin, okay lang yan.
03:55.0
Tanggapin mo muna ang sakit at hirap ng kabataan mo.
03:59.0
Sumandal ka sa mga balikat ng taong nagmamahal pa rin at naniniwala sa kabaitan mo.
04:06.0
At kahit amoy araw at kalabaw ka, sige.
04:09.0
Iayakapin kita kahit sandali lang.
04:13.0
Ipaparamdam ko sa'yo na sa future,
04:16.0
ngingiti ka rin at hindi na muling masasaktan.
04:21.0
Ilaban mo lang.
04:23.0
Nandito ko.
04:25.0
Huwag ka sanang mabigo dahil kapag nangyari yun, mawawala ako.
04:30.0
Kapag umiyak ka, tumigala ka lang sa langit at kausapin mo ko.
04:35.0
Maririnig kita dahil alam kong iisa lang ang puso natin kahit nasa magkaibang dimensyon tayo.
04:44.0
Salamat.
04:45.0
Dahil sa kabila ng lahat, tumindig ka sa gusto mo.
04:50.0
Masakit at matalim man ang mararanasan mo.
04:53.0
Madumi man at maputik ang ibabato nila sa'yo.
04:57.0
Malubak man at masakit ang lalakaran mo.
05:01.0
Pero sa dulo nun ay may mga taong handang yumakap at pumunas ng luha mo.