Close
 


ANG IMPERYALISMONG U.S. AT CHINA BILANG IKATLONG DAHILAN NG MGA PROBLEMA NG LIPUNANG PILIPINO
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANG IMPERYALISMONG UNITED STATES AT CHINA BILANG IKATLONG DAHILAN NG MGA PROBLEMA NG LIPUNANG PILIPINO #bunyog #AttyRPT #EnzoRecto #pmtjr #duterte #pbbm #saraduterte #lenirobredo #dds #kakampinks
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 34:05
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
01:00.0
... Okay mga kabunyog, mga kababayan, magandang araw sa inyong lahat. Ngayon ipagpatuloy natin ang aking leksyor, ang aking pagtalakay ng mga topics sa ilalim ng Bunyog Orientation Seminar...
01:30.0
... Tayo sa bunyog, ang mga sumasali sa bunyog o kahit hindi sumasali gusto nilang sumuporta sa bunyog, kung gusto ninyong malaman kung ano ang aming pinaninindigan, principles, analysis nangyayari sa ating bayan, yan ay pinag-aaralan sa Bunyog Orientation Seminar o BOS...
02:00.0
... May apat na pangunahing topics. Ang una, pinapasadahan yung maikling kasaysayan ng bunyog. Pangalawa bilang political party, ang bunyog ay isang national political party, inaanalyze ng bunyog kung ano ba ang mga pangunahing dahilan bakit hindi umuunlad ang Pilipinas at bakit naghihirap ang mamamayang Pilipino...
02:25.0
... So sa pag-aaral ng bunyog may apat na pangunahing dahilan ng problema ng lipunang Pilipino. Ano ba itong apat na ito? Ang apat na pangunahing problema ay ito po ang apat na pangunahing problema ng lipunang Pilipino...
02:55.0
... Ibig sabihin ang problema ng Pilipinas hindi tayo industrial, pre-industrial tayo, hindi tayo maunlad. Wala tayong pagawaan ng makina, sasakyan, barco, aeroplano, heavy equipments, computers. Kaya ang nangyayari sa atin kulang ang trabaho ng inibang bayan. Na-discuss ko na po yan.
03:25.0
... Sa ngayon ang nagdo-dominate sa atin halos maraming negosyo sa atin at ating buhay sa lipunan kontrolado ng imperialismong China at United States. Nag-aagawan sila sa atin sa Pilipinas. Yan po ang pangatlong problema natin at yan ang tatalakayan ko ngayon dito sa bahaging ito.
03:55.0
... Pagkatapos yan, siyempre ang tanong paano ba nakikita ng bunyog na susolusyonan yan? Yan po yan sa pangatlong topic, ang plataforma ni gobyerno ng bunyog bilang solusyon sa mga problema ng lipunang Pilipino.
04:25.0
... Yan po ang bumubuo ng aming Bunyog Orientation Seminar. Sa ngayon pag-uusapan natin ang pangatlo sa mga problema, pangunahing problema ng lipunang Pilipino, ang imperialismong China at United States.
04:55.0
... So yan po ang ating topic sa ngayon. Ito ang ikatlong dahilan ng problema ng lipunang Pilipino, ang imperialismong China at United States.
05:25.0
... Pero sa mga bansa po na yan hindi naman nila tayo dinodominate, hindi naman nila tayo kinokontrol. Ang ating sources of raw materials hindi naman nila kinokontrol, hindi naman tayo dinodominate nila ang ating market. Maayos ang kalakalan natin sa mga bansang maliliit.
05:44.0
... Hindi, bagamat maunlad na silang bansa rin tulad ng South Korea at Taiwan, Singapore, pero ang ating pagkikipagkalakalan sa kanila ay patas, hindi ang nagdodominate sa atin. Pero pagdating sa China at United States iba. Iba itong dalawang bansang ito, dinodominate tayo.
06:14.0
... Ang mga bangko ng US na pag-aari nila ang IMF World Bank, pag umutang ang Pilipinas sa dami na inutang natin sa IMF World Bank, International Monetary Fund at World Bank, ganoon din sa Japan ang Asian Development Bank.
06:44.0
... Ang mga inuutang natin sa kanila, ang condition diyan hindi natin gagamitin para mag-industrialize ang Pilipinas. Actually pwede naman sana tayong mangutang para matulungan tayo na mag-industrialize na. Ibig sabihin makakagawa na tayo ng mga makina, sasakyan, barko.
07:03.0
Pero bakit hindi pwede nagamitin iyong utang na iyon sa ganoon mga pag-iindustrialize ng Pilipinas? Ay kasi pag nagkaroon na tayo ng mga sasakya, pagawaan ng sasakyan, barko, hindi na tayo bibili sa Japan, hindi na tayo bibili sa US, sa China.
07:18.0
Kaya iyong mga pautang nila pwede lang yan sa mga pagpapaunlad ng pagpaganda ng mga kalsada, transportasyon, komunikasyon para mapabilis iyong flow ng kanilang produkto at paglabas din ng raw materials mapabilis. Pero iyong gamitin sa mga industrialization hindi.
07:36.0
Kaya hanggap hawak tayo ng dayuhan, hindi tayo makapag-decide kung ano talaga ang dapat sa bansa natin, hindi tayo uunlad. Kaya sinasabi natin ang ikatlong dahilan bakit hindi tayo uunlad ang control ng imperialismong China at United States.
07:55.0
Kasi hindi natin nababanggit iyong ibang bansa tulad ng Japan, European Union, imperialist ang bansa rin. Itong dalawang bansang ito ang nagdo-dominate sa atin. Ilinaw ko rin lang, ibang usapin ang EDCA. Hindi po natin dito pinag-usapan ng EDCA.
08:14.0
Ang pinag-usapan po muna natin dito, itong dalawang makapangyarihang bansang ito nag-aagawan sila na edominate tayo. At dahil diyan, yan ang dahilan bakit tayo hindi uunlad. Yan po ang gusto nating i-discuss dito.
08:29.0
Okay. Ano ba kasi ang imperialismo? Mga kabonyog ang imperialismo galing sa terminong imperyo. Kumbaga pag sinabi natin imperialismo, ang kapangyarihan mo ay para ka ng empire. Saklaw mo na ang mga bansa sa mundo.
08:44.0
Kaya may mga bansang kapitalista tulad ng South Korea, tulad ng Taiwan, tulad ng Singapore, kapitalista yan. Pero hindi naman sila imperialismo. Bakit naman hindi sila imperialista? Kasi hindi naman sila nagsasaklaw ng kapangyarihan na kinokontrol na ang mundo. Hindi ganun.
09:01.0
Kumbaga ang mga bansa na yan na sinabi ko tulad ng South Korea, Taiwan, Singapore, mauunlad silang bansa. Ganon din ang Norway, ganon din ang Finland, ang Sweden, mauunlad silang bansa. Kapitalista sila pero hindi sila imperialismo. Kasi hindi naman nila kinokontrol ang mga bansa sa mundo. Nakikipagkalakalan lang sila.
09:31.0
Napakayaman na. Umaabot na sa punto na kinokontrol na nila ang mga bansa sa mundo. Yan po ang imperialismo. Paano ba kasi lumilitaw ang imperialismo? Ito ang pinakamataas na yugto ng kapitalismo.
09:44.0
Ang kapitalismo kasi nagsisimula sa mga babang antas, yung medyo gitnang antas tapos mataas na antas. Ang imperialismo ito yung pinakamataas na yugto ng kapitalismo. Umaabot na sa monopolyong yugto ang kapitalismo. Kinokontrol at pinaghaharihan nila ang mundo.
10:02.0
Mga halimbawa ng imperialismong bansa ang China at United States. Bakit sila nag-aaway? Yung kanilang trade war, US at China trade war ay pagkontrol ng kalakalan ng mundo. Yan yung pinag-aawayan ng dalawang bansa na yan.
10:20.0
Paano ba naging imperialista ang mga bansang yan? Nagsimula ang imperialismo o ang kapitalismo sa Europa noong mga taong 1700s to 1800s. Noong mga 1700s at 1800s, yan yung tinatawag nating malayang kalakarang kapitalismo o malayang kumpetisyong kapitalismo, free enterprise capitalism.
10:47.0
Sa maagang yugto ng kapitalismo, yung mga kapitalista nagkukumpetensyahan pa sila. Hindi pa ganoon kaunlad ang production pero may kumpetisyon pa ang mga kapitalista noong 1700s to 1800s sa Europa noong nagsisimula ang kapitalismo.
11:08.0
Pero unti-unting umunlad ang industriya at paglikha ng mga bagay at produkto. Isang alimbawa nito ay ang yugtong dinaana ng pagunlad ng industriya ng mga sasakyan o yung automobile industry. Tingnan nyo siya. Ganyan yung una sa taas, yung nasa kaliwa sa taas. Tapos ganyan, yun na yung Ford. Tapos ganyan na, ngayon robot na ang gumagawa ng mga sasakyan. Yan o. Ganyan ang iniunlad.
11:36.0
Kaya yung production ng sasakyan, malakihan na, mas production na. Subra-subra na ang nalilikhang sasakyan habang umunlad ang teknolohiya. Hanggang sa umabot sa punto na ang pagawa ng mga sasakyan sa mundo ay kontrolado na lamang ng ilang mga malalaking kumpanya ng sasakyan tulad ng Ford ng US, tulad ng Toyota at Honda ng Japan, Benz ng Germany at iba pa.
12:00.0
Naging monopolyo na nila ang industriya ng sasakyan sa mundo. Ito ang yugto ng monopolyo kapitalismo na tinatawag nating imperialismo. Ito yung pinakamataas at monopolyong yugto ng kapitalismo sa mundo. So yan ano.
12:14.0
Ganyan din ang nangyari sa industriya ng langis o petrolyo sa mundo. Kontrolado ng ilang monopolyong mga kumpanya sa langis ang supply at pamilihan ng langis sa buong mundo. Mga halimbawa nito ay ang Shell. Mga Dutch at British ang may-ari niyan. Ang Caltex at Chevron, Amerikano yan. Ang Petron, Arab-American. Ang Total, French yan. Ang British naman, mayroon silang British Petroleum.
12:40.0
Yan yung mga industriya ng petrolyo o langis sa mundo. Sila yung kumukontrol ng industriya ng langis sa mundo. Yan yung tinatawag nating mga monopolyo. Maging sa industriya ng heavy equipments, mga bulldozer, bako, kontrolado rin yan ang mga imperialistang bansa. Yung Caterpillar, US. Yung Hitachi Kubota sa Japan yan. Yung Sunny, yung S-A-N-Y, China yan. China po yan.
13:06.0
Yan yung mga malalaking mga industriya sa heavy equipment sa mundo. Ngayon paano pinagsasamantalahan ng mga imperialistang bansa ang mga atrasadong bansa sa mundo? Kamilang na ang Pilipinas. Iba-iba po ang paraan ng pagsasamantala na yan. Paano na lalamangan ang mga maliliit na bansa ng mga imperialistang bansa?
13:29.0
Una, pananakop at pangangamkam ng mga teritoryo. Yan po ang una, sinasakop o kinakamkam ang teritoryo. Pangalawa, pinipigil ang industrialisasyon at pagunlad ng mga maliliit na bansa. At pangatlo, pinapanatili ang kolonyal nakalakalan o kolonyal trade.
13:50.0
Pangapat, pagpasok ng mga dayuhang puhunan na pabor sa mga imperialistang bayan. At panglima, pagpapautang. Panganim, pangkontrol at pangihimasok sa politika at militar ng mga atrasadong bansa. So yan po ang anim na paraan kung paano pinagsasamantalahan ng mga imperialistang bansa ang mga bansang atrasado tulad ng Pilipinas.
14:16.0
So ipaliwanag po natin isa-isa. Una, pananakop at pangangamkam ng mga teritoryo. Ay diba noong 1900s, noong taong 1890s ang Amerika umuunlad na, umabot na siya sa punto na imperialistang bansa na siya.
14:36.0
So dahil imperialistang bansa na ang US ng mga taon na yan, 1890s, kailangan niya ng mga teritoryong masasakop para pagkukunan nila ng raw materials at pagbabag sa kanila ng kanilang subra-subrang produkto, market. Kaya ang ginawa ng US, inagaw tayo mula sa Spain. Kaya tayo sinakop ng US.
14:55.0
Siyempre ang sabi ng US, para daw triningin tayo sa pamamahala. Hindi naman yun eh. Kasi bago pa dumating ang US, marunong na ang mga Pilipino sa pamamahala. Nakapagtayo na nga tayo ng sariling gobyerno sa pangungunan ni President Aguinaldo. Nakapag-declare na tayo ng independence, may sarili na tayong konstitusyon, ang malulos konstitusyon. May sarili na tayong kongreso, ang malulos kongres. Marami tayong mga galing na mga leader noon, mga abogado, negosyante. Kaya na natin na paunla rin ang Pilipinas.
15:25.0
Hindi talaga totoo na sinakop tayo para triningin. Ang totoo, kaya tayo sinakop ng US kasi maunlad na silang bansa eh. Napakaunlad na nila, subra-subra na ang produkto. Yun ang naging imperialistang bansa na ang US. Kailangan niya ng market na pagbabagsaka ng subrang produkto at ng pagkukuna ng raw materials.
15:47.0
Ganyan din ang ginagawa ng China ngayon. Ang China, umabot na rin siya sa level ng imperialismo. Kaya ang nangyayari, kinukontrol na rin ang China yung pagdadaanan ng mga ruta ng barko sa South China Sea. Gusto niya rin suluhin yung natural gas dyan sa South China Sea kasi kailangan niya yan sa kanyang industriya. Yan yung nangyayari, pananakop at pangangamkam ng mga teritoryo.
16:15.0
Pangalawa, pagpigil ng industrialisasyon at pagunlad ng mga atrasadong bansa tulad ng Pilipinas. Ang US, nang pinasok tayo, pinaunlad ng US yung mga kalsada at komunikasyon pero hindi nila tayo pinayagan na magkaroon ng industriya tulad niyang sakanan. Hindi nila tayo pinayagan magkaroon ng industriya ng bakal, pagawaan ng mga makin at sasakyan.
16:38.0
Kasi pag nakagawa na tayo ng mga makin at sasakyan, hindi na tayo magiging market nila ng sasakyan nila, ng mga makina nila, ng mga computers nila, ng mga heavy equipment nila, ng mga barko nila. Kaya limited lang yung development na pinayagan tayo nang sinakop tayo ng US. Ginawa lang tayong tagasuplay sa kanila ng raw materials at tagabili ng kanilang finished products.
17:02.0
Pinaganda ang mga airports, pinaganda ang mga daungan para mapabilis ang flow ng produkto. Pero yung magkaroon tayo ng sariling industriya na makakatayo na tayo ng sarili nating industrialisasyon, kinontrol yan ng imperialistang US. Ganyan din ang ginagawa ng China ngayon. Tingnan nyo yung NGCP, kinokontrol ng China para hindi tayo umunlad.
17:26.0
Ikatlo, pagpapanatili ng kolonyal na kalakalan. Yung trading, mayroon tayong export at import. Tayo laging ang ine-export natin mga mura, hilaw na materialis. Mura yung hilaw na materialis natin, samantala mahal yung mga finished products na binibili natin galing sa mga imperialistang bansa. So kolonyal trade yan. Ibig sabihin laging pabor sa kanila.
17:52.0
Kasi mahal yung bili natin ang produkto nila, mura ang kuha nila sa mga mineral natin at sa mga exports natin. Yan ang nangyayari, kolonyal trade. Kaya lagi tayong mayroong trade deficit. Lugi tayo lagi. Yan ang relasyon ng isang amo at alipin o ika-apat pagpasok ng dayuhang pamumuhunan sa atrasadong bansa.
18:22.0
Kailangan natin ng puhuna ng dayuhan sa bansa natin. Ang problema lang kung kinokontrol na nila yung ating ekonomiya tulad ng ginawa ng China, yan sa kanan tingnan nyo, NGCP. Nag-invest ang China sa NGCP, kinontrol na yung NGCP. Kahit yung malampaya natin, nag-develop niya ng Chevron at Shell, sayang at ano na sana yan, dapat sa atin na yan.
18:46.0
Nang bininta ng Shell at Chevron, hindi naman natin binili ng Pilipinas, napunta kay Dennis Uy. Kaya napakalungkot ang dayuhang puhunan dito, nakikontrol nila ang ating ekonomiya.
19:17.0
Ang may-ari niyan, US, Canada, European Union. Yan naman sa Asian Development Bank. Ang may-ari niyan, Japan. Yan naman sa pinakakanan, AIIB, Asian Infrastructure Investment Bank ng China.
19:31.0
Pag umutang tayo sa mga bangko na yan ng mga imperialistang bansa, ang kondisyon diyan hindi dapat natin gagamitin ang utang sa pag-industrialize ng Pilipinas. Kasi kung gagamitin natin yung inutang sa kanila para magtayo tayo ng pagawaan ng mga makina sa sakyan barko, hindi na tayo bibili sa kanila, makakakumpetensya natin sila.
19:51.0
Kaya yung mga pautang nila sa atin para lang sa pagtatayo ng mga daungans, kalsada, railways. Bakit? Para mapabilis yung flow ng kanilang produkto at yung pagkuhan nila ng raw materials natin.
20:05.0
Ang pang-anin, kinokontrol at pinaghihimasukan ang politika natin. Alam natin yan lalo ng panahon ni Duterte, kinontrol talaga tayo ng China. Ngayon naman si Marcos bumabaling sa US. Ang nangyayari dyan talagang nakikialam ang dalawang mga imperialistang bansa ito sa takbo ng politika at militar natin.
20:36.0
At paano nila pinagharihan? Paano nila napasok ang Pilipinas? Ito. Sobrang umunlad ang kapitalismo, naganap ang mga krisis sa sobrang produksyon. Kumbaga nung mga panahon 1890 sobrang na yung kaunlara ng mga kapitalistang bansa, umabot na sila sa imperialismo.
20:55.0
Naganap ang mga imperialistang bansa na mga atrasadong bansa sa Asia, Afrika at Latin America upang sakupin ang mga ito para pagkuna ng hilaw na materyalis, murang manggagawa at bagsakan ang kanilang mga sobrang produkto. Kaya sinakup ng imperialismong United States ang Pilipinas, Cuba at Puerto Rico noong katapusan ng 1890s.
21:20.0
Pinaghati-hatian, pinaghati-hatian ang mga imperialistang bansa ang mga mahihirap at atrasadong bansa sa mundo. Noong taong 1914 ganito ang sitwasyon sa Asia. Tingnan nyo po dyan sa kanan.
21:34.0
Yan pong pula, yan yung mga sakup ng British. Ang nasakup ng British ay ang yung India, yung dating Burma na Myanmar na ngayon, nasakup yan. Yung kasalukoyang Malaysia at Singapore, nasakup yan ng British. Yan naman pong nakikitan yung light blue, yan naman yung Indochina. Yan yung Laos, Cambodia, Vietnam. Nasakup naman yan ng French. Itong nasa baba na light brown, yan naman yung sinakup ng Dutch. Yan yung Indonesia.
22:02.0
Yan po yung Indonesia. Yang blue, yan naman ang sinakup ng United States. Yan yung Philippines. Yung Japan, sinakup niya ang Korea. Kaya ang nangyari po, yung mga imperialistang bansa, pinag-agaw-agawan nila ang mga bansa sa Asia. Ganyan po ang nangyari, mga kabunyog, mga kapabayan.
22:22.0
Ngayon, naganap ang Philippine-American War noong 1899 to 1902. Bakit? Kasi nga inagaw tayo ng US mula sa Spain. Matatalo na natin ang Spain. Yung mga Kastila nando na lang nakatago sa Intramuros. Formalities na lang ng surrender pero ayaw tayong papasukin ang mga Amerikano doon sa Intramuros. Yung pala may pasikrito na silang pag-uusap sa Paris, France. Yan po yung Treaty of Paris.
22:52.0
Yan na nasa kaliwa na picture kung saan binili tayo ng US mula sa Spain sa halagang $20M. So yan po ang nangyari. Lumaban ang mga Pilipino, yang nakikita nyo, sa pangunguna ni Antonio Luna, si General Luna. Kaya lang sa Kastila Mabini, mga makabayang leader na pero pinatay si Luna at tinanggal si Mabini sa gabinete ni Aguinaldo.
23:16.0
Kaya ang nangibabaw na ngayon ng mga leader ng mga Pilipino, mga palasuko na sa US. Kaya nasakop tayo ng US noong 1902. Noong 1930s nagkaroon ng sobrang krisis sa sobrang produksyon ang mga imperialistang bansa. Nagagawan sila ng mga sakop. Pumutok ang World War I at II.
23:39.0
Yung Great Depression, yung sobrang produkto sa mundo na hindi na ibibenta, nangyari yan noong 1920s at 1930s dahil sa Great Depression nagkaroon ng World War I. Ganoon din noong World War II. Ang World War I 1914 to 1918, ang World War II 1939 to 1945.
23:59.0
Sa World War II, yung Japan umuunlad na siya na bansa, sobrang nangyaman niya, imperialista na, pero yung Asia gusto niyang kunin. Kasi yung Laos, Cambodia, Vietnam, yung Indochina, nasa France. Yung Pilipinas, nasa US. Tapos yung Burma, yung India, saka yung Malaysia at Singapore ngayon, nasa hawak niya ng British. Tapos yung Indonesia, nasa Dutch.
24:24.0
Kaya ang ginawa ng Japan, ginira yung US, ginira yung British, ginira yung Dutch, ginira yung French para agawin yung mga teritoryo sa Asia. Bakit inagaw ng Japan? Ay kasi marami rin siyang sobrang produkto na hindi nabibinta. Gusto niyang gawing market ang Asia kasi sa tingin niya dapat ang Asia para sa kanya, hindi sa mga Europeans. Yan yung nangyari.
24:46.0
Kaya sinakop tayo ng Japan noong 1941 to 1945. Gusto tayong agawin sa imperialismong US. Ngayon, matapos ang World War II, nagpanumbalik ang imperialismong US. Tapos noong 1946, ginawaran tayo ng independence. Kinilala ng US ang kalayaan natin noong July 4, 1946. Kaya naitayo yung kasalukuyang Republika ng Pilipinas.
25:12.0
Pero yung independence natin, formalities lang. Malaya ang Pilipinas dahil ang bandilang nakikita ay wala na yung US. Pilipino na lang na flag. Tapos ang mga leaders na lakaupo ay Pilipino na rin. Pero yung control nila sa ekonomiya natin, ganun pa rin. Marami tayong mga pinirmahang kasunduhan at tratado sa imperialismong US na nagpapanatili sa control nila sa ekonomiya, politika at militar ng bansa.
25:39.0
Ang halimbawa dyan, ang halimbawa dyan, yung constitution natin inamiendahan kasi nilagyan ng provision ng parity rights. Alam niyo po ba yung parity rights? Binigyan ang US ng parehong karapatan na may-ari at mag-control ng natural resources natin. Kahit hindi na nila tayo sakop kasi independent na tayo. Pero sa parity rights, pareho ang karapatan ng Amerikano at Pilipino sa pag-aari at pag-exploit ng natural resources.
26:07.0
Ganun din yung Bill Trade Act. Yung Bill Trade Act sa Laury-Langray Agreement, yun, mga pinipirmahan dyan, US ang main trading partner at tayo ay magkoconcentrate sa pag-supply ng raw materials at pagbili ng kanilang yaring produkto. Yan ang nangyari po dyan.
26:25.0
Lahat ng mga presidente mula noon lalo na sa ilalim ng kasalukuyang Republika ng Pilipinas hanggang ngayon kay Marcos Jr. ay sunod-sunuran sa kagustuhan ng imperialismo. Tingnan niyo yan, si Marcos, si Cory, nasa likod ni Cory si Reagan, si Ramos, si Erap, kausap si Clinton, si Arroyo, kausap si Bush, si Duterte, kausap ang China, si Marcos, kausap si Biden.
26:53.0
Lahat ng mga presidente ng Pilipinas ay naging sunod-sunuran sa gusto ng mga imperialistang bansa. Yan po ang malungkot. Lalo na kay Duterte, talagang pinapasok ang pag-ahari ng imperialismong China sa Pilipinas. Ngayon ang China, paano ba kasi siya nakapasok sa Pilipinas?
27:13.0
Alam niyo po ang China, dati siyang sosyalista o komunistang bansa. Sa ilalim ni Mao Zedong, komunista yan. Nang komunistang bansa o sosyalistang bansa yan, hindi naman tayo niyan sinasakop. Kasi ang focus ng China noon ay tungkol sa kanilang sosyalismo, ideolohiya ng komunismo. Kung nakikipagkalakalan sila, sakapwa nila komunista o sosyalistang bansa.
27:38.0
Pero ang pakikipagkalakalan, hindi nila priority dyan. Kasi wala namang pribadong negosyo noon sa China. Kasi sosyalista nga. Pag-aari ng gobyerno ang lahat ng kagamitan sa produksyon.
27:51.0
Pero nung mamatay si Mao, si Mao Zedong, namatay siya noong 1976, ang pumalit sa kanya si Deng Xiaoping, yang nasa pinakaliwa, yung cover ng Time, tingnan nyo. Yan po si Deng Xiaoping. Nang mamatay si Mao Zedong, pumalit si Deng Xiaoping, ginawa niyang kapitalistang bansa ang China, nilusaw niya na yung sosyalismo, yung dating mga pag-aari ng Estado o ng gobyerno, nilusaw yun. Yung mga collectivized farms, saka yung mga state industries na pag-aari ng gobyerno.
28:19.0
Pinayagan na ni Deng Xiaoping yung pribadong pag-aari ng mga kagamitan sa produksyon. Sumibol na ang kapitalismo uli sa China. Sabi ni Deng Xiaoping, to get rich is glorious. Tapos pumunta siya ng US, tingnan nyo dyan, kasama niya si Carter. Nag-usap sila tungkol sa kalakalan. Okay naman sa US kasi sabi niya, mabuti naman at ibinukas na ang China sa trading. Ay napakalaking market ang China.
28:45.0
Kaya mula noon, nabuhay na ang kapitalismo sa China. Nag-produce na sila, mga electronics. Hanggang sa ngayon, ang China sobrang yaman na rin niya, kakumpitansyado na siya ng US. Pariho na sila imperialista. Ang pagkakaibangalan ng China, may camouflage na sosyalista kuno.
29:06.0
Ang pangalan niya ay People's Republic of China. Communist Party siya. Pero ang pagiging sosyalista niya o komunista, sa salita na lang, sa gawa, imperialista siya. Kaya sosyalista sa salita, imperialista sa gawa. Ang tawag po dyan, social imperialista. Kakumpitansya na ng China ang US, Japan, European Union. Kaya yung Japan, US, European Union, Canada, mayroon silang G7. Yan nakikita nyo sa kaliwa.
29:33.0
G7. Yung Canada, Germany, America, France, Italy, Japan, British, Britain. Yan yung G7. Sa China naman, mayroon silang BRICS yang nasa kanan. Brazil, Russia, India, China, South Africa. Kaya nagkukumpitansyahan ang China at ang iba pang mga imperialistang bansa.
29:57.0
Kahit sa South China Sea, gustong kontrollin niya ng China kasi yung ruta ng mga barko, gustong kontrollin ang China. Pati yung yaman ng South China Sea kasama ng West Philippine Sea, gustong kontrollin ang China. Kaya yan po ang daylan, bakit kinokontrol ng China ang South China Sea.
30:16.0
Ngayon, kahit kumiling si Duterte sa China, pinanatili pa rin naman ang imperialistang United States sa ekonomiya, politika, at militar ng bansa. Sa ilalim ni Duterte, pinaburan niya ang China. Pero yung mga negosyo ng Amerika sa Pilipinas, hindi niya naman pinaalis, nanatili pa rin naman.
30:33.0
Yung mga kasunduan sa Amerika tulad ng USRP Mutual Defense Treaty, tuloy din naman yun. Yung Balikatan, yung Visiting Forces Agreement. Kaya ang ginawa ni Duterte, pinagpatuloy lang yung US sa Pilipinas pero mas priority niya ng pakikipagkalakalan ang China. Naging amo niya ang China. Yung ang ginawa ni Duterte.
30:58.0
Ngayon kay Marcos, pinagpapatuloy ng rehemeng Marcos Jr. ang pangingibabaw ng imperialismo sa bansa. Lumilitaw na parang mas kumikiling siya sa imperialismong US pero hindi niya pa rin winawakasan ang kontrol ng imperialismong China sa Pilipinas. So yan ang nangyayari po ngayon.
31:18.0
Ngayon ang imperialismo nagiging problema natin kasi hindi nila tayo pinapaunlad. Kinokontrol tayo ng imperialismo. Mabuti pa nga yung mga bansang hindi imperialista, kapitalista lang tulad ng South Korea, Taiwan, Singapore. Nakikipag-trade tayo sa kanila pantay kasi hindi nila tayo dinodominate. Pero itong mga imperialistang bansa talagang dinodominate nila tayo, kinokontrol nila tayo.
31:46.0
At ayaw nila tayong pumunlad. Ngayon, yan po ang pangatlong problema ng Pilipinas. Hanggat hawag tayo ng imperialista, hindi naman tayo mag-i-industrialize. Yung problema ng una na sinabi ko, pre-industrial na kapitalismo, hindi tayo mag-i-industrialize hanggang control tayo ng imperialismong China at US kasi ayaw nila tayo maging kakumpetensya.
32:10.0
So yan po ang mga apat pangunahing dahilan ng problema ng lipunang Pilipino. Ang diniskas ko ngayon ang pangatlo, imperialismong China at United States.
32:40.0
So sana po nakatulong itong talakayan natin ito para maunawaan natin ang problema ng lipunang Pilipino. Mabuhay po tayo, pakishare po nito mga kapunyog mga kababayan.
33:10.0
Nakasama ka, bunyog. Kapag buklot ay may pag-asa, tusong bisayas may tanaw, isang pananaw. Sa bagong Pilipinas ang bunyog, isisigaw. Bunyog, bunyog, bunyog.
33:40.0
Thank you for watching!