Close
 


BUNGISNGIS (Inspired by True Story) | HILAKBOT ANIMATED HORROR STORY
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
BUNGISNGIS (Inspired by True Story) | HILAKBOT ANIMATED HORROR STORY WATCH HERE 🔗 https://youtu.be/aVdCUMTlzUE 🔴 EPISODE WRITER ► DRAVEN BLACK Vote this story and Follow our Writer https://www.wattpad.com/user/DravenBlack 🔴 ANIMATOR ► TINTA NG GAGAMBA 🔴 EDITORS ► PULANG LIKIDO PRODUCTIONS 🔴 NARRATOR ► RED #hilakbottv #hilakbotanimation #hilakbotanimatedhorrorstories #tagaloghorrorstoriesanimated #animatedhorrorstories #hilakbotpinoyhorrorstories #htv #pinoyhorrorstories #pinoyanimation #tagaloghorrorstories #tagaloghorroraudiobook 🔴 HILAKBOT Animated Horror Stories Playlist Watch here https://bit.ly/3IO0e7a 🔴 Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 Listen to HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA ► ALL RIGHTS RESERVED #TeamHILAKBOT #TeamPLAKADOTV #SindakProd What this Video is About: BUNGISNGIS (Inspired by True Story) | HILAKBOT ANIMATED HORROR STORY
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 04:38
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
Bagong lipat sina Sophia sa lugar na iyon, lalo siyang nalungkot dahil tuluyang napalayo sa mga kalaro sa dati nilang tirahan.
00:21.1
Sa mga kalaro nalang kasi siya nagiging masaya dahil pagdating sa loob, kung hindi abala sa trabaho ang mga magulang niya, ay lagi rin siyang hinahanapan ng butas o mali para lang mapagalitan.
00:33.6
Tulad ng umagang iyon, pinagalitan na naman siya ng nanay marites niya dahil sa nawawalan itong gamit.
00:40.5
Kahit wala naman siyang kinalaman, siya pa rin ang napagbubuntunan ng galit.
00:46.0
Ugalin na iyon ng nanay niya, na sa tuwing makakagawa ito na pagkakamali ay sa kanya lagi isisisi.
00:52.7
Ang tatay naman niya ay laging wala sa bahay dahil na rin sa nagtatrabaho ito.
00:58.1
Ito rin kasi ang kumakayod para mabuhay sila.
01:01.5
Ngunit ang problema, hindi rin niya ito malapitan dahil tuwing nasa bahay naman ito, mga barkada at alak lagi ang kaharap.
01:10.6
At ang masaklap pa, solong anak lang siya kaya wala rin mga kapatid na makakalaro sa loob.
01:17.7
Kaunti na nga lang ang mga kaibigan niyang nagpapasaya sa kanya, nawalay pa siya sa mga ito dahil sa paglipat nila.
01:26.0
Sa edad niyang iyon, wala pa siyang kakayahang bumiyahe mag-isa para makabisita sa mga ito.
01:32.1
Hindi rin siya makakapunta sa ibang lugar kung hindi rin kasama ang mga magulang niya.
01:37.3
Kaya no choice, ito siya ngayon, lagi na lang nagsasarili sa loob ng bahay.
01:44.2
Wala siyang ibang ginawa kung di harapin ang mga laruan niya kahit sawang sawa na siya rito.
01:51.0
Iba pa rin kapag totoong tao talaga ang kaharap.
01:55.1
Hanggang isang araw, bigla na lang may dumungaw sa bintana niya.
02:00.6
Nagulat siya noong una dahil sa kakaibang itsura nito.
02:04.6
Mabalasik ang muka, malaki ang katawan, itim ang balat at laging nakabuka ang bibig dahil sa mga kapal na mga pangil na laging nakalabas.
02:15.4
Ngunit ewan ba niya kung bakit tila bigla na lang nawala ang kanyang takot sa loob lang ng ilang segundo.
02:22.8
Tila may kung anong hipnotismo ang pumasok sa utak niya at nagawa niyang lumabas ng bahay.
02:29.1
Sumunod siya sa nilalang na iyon at nagsimula silang maglakad sa patay na kakahuyang malabit sa bahay nila.
02:36.7
Diretso lang ang mga titig niya habang hawak-hawak ng nilalang ang kanyang kamay.
02:42.1
Kumintulang sila sa bandang dulo na kakahuyan kung saan makikita ang isang kuweba.
02:47.6
Sa pagkakataong iyon, binuhat na siya ng nilalang papasok doon.
02:53.0
Nananatili lang siyang nakatitig dito pero wala siyang nararamdamang takot o kahit na anong emosyon.
02:59.7
Parang ang hindi rin niya naramdaman ang kanyang sarili.
03:02.9
Ang tanging alam lang niya ay parang lumulutang siya sa isang makatotohanang panaginip.
03:09.1
Habang nasa loob sila ng kuweba, panay ang hawak sa kanya ng nilalang na laging nakabungis-ngis.
03:15.4
Hanggang sa unti-unti siya nitong hubaran at doon na nangyari ang hindi inaasahan.
03:22.2
Mga bandang hapon na siya ay binalik ng nilalang sa bahay nila.
03:26.1
Naabutan pa niya ang kanyang mamagulang na parehong nakatanaw sa labas ng gate at tila malalim ang iniisip.
03:33.1
Nang lapitan niya ang mga ito, nakita niya ang labis na gulat sa kanilang muka.
03:38.9
Maluhaluhang lumapit ang mga ito sa kanya at niyakap siya na mahigpit.
03:43.6
Parang hindi sila makapaniwala na nandoon na siya.
03:47.0
Kung ano-ano rin ang sinabi ng mga ito na hindi niya maintindihan.
03:51.3
Katulad ng,
03:52.9
Anak, bakit ngayon kalhang?
03:55.7
Saan ka ba nagpunta, anak?
03:59.3
Umiiyak na wika ng kanyang ina.
04:02.8
Nagulat na lamang siya sa mga sumunod na sinabi nito.
04:06.6
Lalo ng malaman niyang, mahigit isang taon na raw siyang nawawala.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.