Close
 


China At Estados Unidos Nagturuan Na, Japan Magbibigay Ng Mga Helicopter sa Militar Ng Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#china #westphilippinesea #us
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 08:24
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Breaking News! China at Estados Unidos nagsisihan kaugnay sa nangyaring insidente sa Taiwan Strait
00:10.3
at Japan magbibigay ng mga helicopter sa Armed Forces of the Philippines.
00:15.3
Iyan ang mga bagong balitang aalamin natin ngayon at para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti.
00:23.3
Simulan na natin!
00:24.8
Matapos ang sunod-sunod na panghaharas ng China sa eroplano at barko ng Estados Unidos,
00:34.8
nagturoan ang dalawa hinggil sa pagsiklab ng tensyon sa Taiwan Strait.
00:39.8
Ito ay ginanap sa Asia's Annual Defense and Security Forum sa Singapore.
00:45.8
Ayon sa Amerika, nilapitan naman noon ng Chinese warship ang kanilang barko na labag sa Rules of Safe Passage sa Taiwan Strait na isang international waters.
00:56.8
Pero giit ng China, ang Amerika ang nagpapainit sa tensyon lalo't sako pa rin ang kanilang EEC o Exclusive Economic Zone ang Taiwan.
01:06.8
Pinaalalahanan din ng China ang Amerika na huwag mang himasok sa ibang teritoryo.
01:12.8
Kung patuloy nagagawa ng hakbang ang Amerika na makakaapekto sa siguridad at teritoryo nila, ay lalaban daw ang China.
01:21.8
To truly avoid these incidents, the best way is for countries, especially naval vessels and fighter jets of countries,
01:31.8
not to take closing actions around other countries' territorial sea and airspace.
01:38.8
To put it your way, mind your own business and take good care of your own people.
01:44.8
Sa kabila niyan, habang patuloy na nagpapalakas ang puwersang militar ng Pilipinas,
01:49.8
ang Japan ay may ipinangako sa Pilipinas sa isang trilateral meeting kasama ang ground forces ng Pilipinas, Japan at United States.
02:00.8
Ayon kay Commanding General Romeo Browner, tinanong siya ni General Yoshida kung ano pa ang mga kinakailangan ng Philippine Army upang palakasin ang kakayahan nito.
02:11.8
At naisip niya nang pumalit siya bilang Commander General ng Philippine Army, ay kailangan ng Philippine Army ng aircraft, particular ang helicopter.
02:21.8
Kaya naman si General Yoshida ng Japan ay ipinangako ang mga ritirado nilang helicopter, ibibigay nila ng libre sa Pilipinas upang mapalakas pa ang kakayahan ng Philippine Army.
02:34.8
Gayon paman sinabi ni Yoshida na habang ang mga helicopter ay ritirado, sila ay magagamit at maaasahan pa rin.
02:43.8
Naiintindihan naman ito ng Philippine Army dahil libreng ibinigay ang mga helicopter mula sa servisyo ng Japan Ground Self-Defense Forces.
02:53.8
Anya, ito ay magagamit pa rin na sa sakyang panghimpapawid.
02:57.8
Sa katunayan sila ay napaka maaasahang sa sakyang panghimpapawid dahil ang Japan ay magpapalit ng mas advance na mga helicopter sa kanilang modernization program.
03:09.8
Kung minsan ay parang hindi maganda sa pandinig ng iba kapag binigyan tayo ng mga ritirado o mga lumang kagamitan mula sa US at Japan.
03:18.8
Dahil sa kakulangan ng budget ay nahihirapan ang Pilipinas na makabili ng bagong kagamitan.
03:25.8
Sa katunayan ang mga ibinibigay ng US at Japan ay hindi naman sobrang luma, maayos na naglalayag at lumilipad.
03:34.8
Nagpapalit lamang ang US at Japan ng mga advance na kagamitan at alam naman natin na mas mayaman ang kanilang bansa kung ikukumpara sa Pilipinas.
03:44.8
At sa ibang balita naman, sa patuli na paghimok ni Pangulong Marcos sa ibang mga bansa na mag-invest o mag-negosyo sa Pilipinas,
03:53.8
inihayag ng Malacanang noong Huwebes ang tycoon o isang mayamang tao sa Indonesia na si Datu Sri Tahir,
04:01.8
na nag-donate ng humigit-kumulang P41.6M sa Pilipinas na may pangakong sosoportahan ang mga programa sa kapakanang panlipunan at pangangalaga sa kalusugan ng Administrasyong Marcos.
04:18.8
Habang ipinapaliwanag ni Pangulong Marcos kay Tahir ang mga programa sa kapakanang panlipunan ng kanyang administrasyon para sa mga bata at matatanda,
04:28.8
gayon din sa mga kasalukuyang proyektong pabahay,
04:31.8
sinabi ni Presidential Communication Office Sekretary Chiloy Garafil na ibinigay ni Tahir, founder ng Indonesian Conglomerate Mayadapa Group,
04:41.8
ang P41.6M kay Pangulong Marcos sa isang pulong sa Palacio ng Malacanang sa Maynila noong Martes.
04:50.8
Sinabi ni Pangulong Marcos kay Tahir na may programa siyang sisimulan para sa mga batang lansangan
04:57.8
at ang kanyang administrasyon ay masyadong agresibo sa programang pabahay nito upang matugunan ang baklag ng bansa na humigit-kumulang 6.5M bahay
05:09.8
at matupad ang layunin nito na magtayo ng 1M unit ng bahay bawa taon.
05:16.8
Sinabi rin ni Pangulong Marcos na iyan ay isang napakahalagang bahagi ng kanyang agenda.
05:22.8
Nagdudulot ito ng napakaraming problema sa lipunan kung walang magagamit na pabahay.
05:28.8
Napakahira para sa mga tao na maging produktibo kung wala silang sariling tahanan.
05:35.8
Kahit na binabayaran nila ang mga pabahay ay iba ito sa pagiging informal settlers o squatters.
05:43.8
Iyon ang dahilan kung bakit ito ay isang malaking prioridad.
05:47.8
Kaya ang pabahay ng Administrasyong Marcos ay patuloy na ginagawa sa ngayon sa iba't ibang mga lugar at mga probinsya.
05:56.8
Matapos yan ay nangako naman si Tahir na tutulong sa Administrasyong Marcos sa pagpapabuti ng buhay ng mamamayang Pilipino
06:05.8
sa pamamagitan ng gawaing panlipunan at pagbibigay ng murang pabahay.
06:11.8
Sinabi niya na interesado rin siyang magtayo ng isang ospital sa Pilipinas
06:16.8
sa pagpuna na siya ay aktibo sa pagbibigay ng soporta sa pangangalagang pangkalusugan sa mga bansang nasa sitwasyon ng krisis.
06:25.8
Dagdag ni Tahir na nagdonate din siya ng humigit kumulang 40 milyon US Dollars sa gobyerno ng US,
06:32.8
tumulong sa United Nation High Commissioner for Refugees at nagpaabot ng soporta sa mga bansa tulad ng Syria, Libya, Afghanistan at Turkey.
06:44.8
Si Tahir ay nagpapatakburin ng pinakamalaking pribadong ospital sa Indonesia
06:50.8
kaya naisipan din niyang magtayo ng malaking ospital sa Pilipinas kaya hiniling nito ang soporta ng Pangulo para makilala pa ang Pilipinas.
07:01.8
Sinabi naman ni Pangulong Marcos na tatalakayin niya ang mga panukalan ni Tahir sa mga kinauukolang ahensya ng gobyerno.
07:10.8
Itinatag ni Tahir ang Maya Dapa Group, isang Indonesian conglomerate na may mga negosyo sa pinansyal,
07:18.8
pangangalagang pangkalusugan, hotel and real estate, specialty retail, media at industriya ng pagmimina.
07:27.8
Sinimulan ng Maya Pada Group ang negosyo nito sa Bank Maya Pada at lokal na partner nito na Duty Free sa Indonesia,
07:37.8
isang multinasyonal na kilalang Hennessy at Louis Vuitton
07:41.8
at iba pang mga subsidarya na nakikabahagi sa pagbibigay ng mga luxury goods noong huling bahagi ng 1980s.
07:50.8
Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ng mga malaking kumpanya na magnegosyo sa Pilipinas ay ang kakulangan ng supply ng kuryente at napakamahal na singil.
08:00.8
Malaking tulong sana sa mga Pilipino ang mga pagtatayo ng negosyo ng ibang mga bansa
08:06.8
dahil magbibigay ang mga ito ng libu-libong trabaho sa mga Pilipino.
08:11.8
At bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang reaksyon mo?
08:16.8
E-commento lamang po ang inyong mga sagot sa iba ba,
08:20.8
i-like ang video at mag-subscribe.