Video Transcript / Subtitles:
About AI Subtitles »
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Bago pa mag-pandemya, huling nakatanggap ng mga bagong textbook ang Aurora A. Quezon Elementary School sa Maynila.
00:07.0
Kaya ang diskarte ng mga guro, gaya ni Teacher Lorraine, gumamit ng modules na mas updated na ang ilang aralin kumpara sa textbooks.
00:16.0
Dahil nga kung ano man yung mga nangyayari sa paligid, yun na yung nilalagay talaga na mga examples.
00:24.0
Unlike sa books, siyempre noong time na ginawa yung mga books na yun, let's say year 2000 yun, siyempre yung mga examples doon hindi na siya appropriate sa mga nangyayari ngayon 2023.
00:39.0
Aminado ang pamahalaang may katagalan sa pagbili ng bagong textbooks para sa public schools.
00:46.0
Ayon sa National Book Development Board, dapat 180 days lang ang procurement process, pero umaabot ito ng tatlo hanggang limang taon.
00:55.0
Paliwanag ng NBDB, batay sa Manual of Procedures ng Government Procurement Policy Board, sa halip na bumili ng textbooks, binibili ng DepEd ang rights para ipaimprinta ang manuscripts,
01:07.0
saka magkakaroon ng hiwalay na bidding para sa printing at delivery.
01:12.0
Because some of the work is assigned to people who have other functions, hindi nila naka-prioritize.
01:22.0
One of the things actually that we're working on with DepEd is really to push for people dedicated to just evaluating these textbooks.
01:31.0
Pero ayon KD, ang paulit-ulit na revision talaga ang nagpapatagal sa proseso.
01:37.0
Katanggap-tanggap naman aniya ang limang taon bago magpalit ng textbook, kaya lang...
01:43.0
By the time na darating sa mga bata yung textbooks, dapat for revision na siya.
01:48.0
Sometimes yung mga ibang comments actually conflicting.
01:51.0
Kunwari lang, itong part na ito kailangan habaan ito, kailangan i-emphasize pa ito.
01:55.0
And then another reviewer might say, itong part actually kailangan ikisian mo.
02:00.0
Sa nakaraang pulong ng EDCOM 2, isang congressional body na layong busisiin at magpasa ng mga batas para sa sektor ng edukasyon,
02:08.0
inisa-isa ni DepEd Bureau of Learning Resources, Director Ariz Kawilan,
02:13.0
ang mga pagsubok sa paggawa ng mga textbook sa public schools,
02:17.0
kabilang ang pangailangan sa mas maayos na procurement process, failure of bidding, at late deliveries.
02:23.0
Paliwanag naman ni Dee, talagang teknikal ang paggawa ng mga textbook.
02:27.0
Kaya naman magkatuwang sila ng DepEd sa pagpapabuti sa sektor,
02:31.0
kaya ng pagpapatupad ng capacity building, pagbubukas ng mga error watch portal
02:36.0
para sa monitoring ng paggawa ng textbooks at pagsulong sa isang multiple textbook adoption policy.
02:43.0
Ang ideal actually is a school or basically the closer to the students as possible, siya yung pipili ng textbooks.
02:52.0
Hindi yung one textbook, ito yung same textbook para sa buong bansa.
02:58.0
Because kada region, kada division, baka may kanya-kanyang needs.
03:02.0
Hinimok naman ni Edcom2 Co-chairperson, Sen. Sherwin Gatchalian,
03:07.0
ang DepEd at concerned agencies na tingnan ng mga pwedeng ayusin sa pre-selection process ng textbooks,
03:13.0
gayon din ang mismong procurement process upang mabigyan ng libro ang bawat estudyante.
03:19.0
Maglalabas ang DepEd ng grades 1, 4 at 7 textbooks sa pagsisimula ng rollout ng revised K-10 Curriculum sa school year 2024-2025,
03:30.0
habang patuloy ang review ng senior high school curriculum.
03:34.0
Ara Perez, ABS-CBN News.
03:49.0
Thank you for watching!