Close
 


Pagdiriwang ng World Oceans Day idinaan sa Manila Bay cleanup | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nagsama-sama sa paglilinis ng Manila Bay ang iba't ibang sektor kasabay ng paggunita ng World Oceans Day. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Unang tingin pa lang, alam na kung ano-anong klaseng basura ang naiipon sa isang bahagi ng esterong ito sa Maynila.
00:07.0
Pero hindi ito nilalapitan ng mga nangangalakal.
00:11.0
Maganda yung may mga trash traps gaya nito dahil naiipon niya yung mga palutang-lutang na basura,
00:16.0
lalong-lalong na yung mga plastic.
00:18.0
Pero dead man sa mga iyan yung mga nangangalakal dahil ang mas gusto nilang kinukulekta ay yung mga bakal.
00:23.0
Bukod kasi sa mabigat, ay malaki rin ang halaga nito kapag binenta na sa mga junk shop.
00:28.0
Masaya lang po mga junk shop.
00:30.0
At saka bukod pa sa amin, makapa sobrang antala po sa amin dahil gilinis ka pa.
00:35.0
Tapos pag tinimbang po, napag-agahang.
00:37.0
Baka wala pong bariya.
00:39.0
Baka pang is-tube din yata pag palamig lang.
00:43.0
Ang daloy ng mga basura ang hindi naiipon, palabas ng dagat.
00:47.0
Kaya ngayong World Oceans Day,
00:49.0
sabay-sabay na namulot ng mga basura sa dagat ang iba-ibang sektor,
00:53.0
hindi lang para malinis ito, kundi para malaman kung saan nagsisimula ang basura
00:58.0
at ano-anong produkto ang pinakakaraniwang sanhinang polusyon.
01:03.0
May paalala rin si DNR Secretary Tony Uloloizaga sa mga manufacturer ng mga produkto.
01:09.0
If we can profile kung saan po nanggaling itong mga ito,
01:13.0
we can trace back where the prevention should actually happen.
01:17.0
They must also take responsibility for the impact nung ginagawa po nila.
01:22.0
Hindi po lang yung fence line nila talagang ipoprotekta nila.
01:26.0
We need to go beyond the fence line because the ecosystem that supports their business
01:31.0
is beyond their fence line.
01:33.0
And the communities that are supporting their business is also beyond their fence line.
01:39.0
Hindi lang masakit sa mata ang pulusyong dulot ng plastic.
01:43.0
Lumalabas din sa pag-aaral na may mga bagay gaya ng microplastics
01:47.0
ang pusibling magdulot ng piligro sa kalusugan.
01:50.0
Sa pag-aaral ng Mindanao State University Iligan Institute of Technology,
01:55.0
nakitaan ng microplastics sa hangin ang lahat ng lunsod sa Metro Manila.
02:00.0
Ang microplastics ay ang mas maliliit na plastic particles
02:04.0
na kadalasan ay nangyayari sa pagkasira ng mga mas malaking plastic.
02:08.0
Wala pang 0.5 mm, kaya maaaring malanghap ng isang tao na delikado,
02:14.0
lalo na kung nakapitan ng mga bakterya, virus at iba pang kemikal.
02:19.0
Kung maramihan na ang malanghap ng microplastics,
02:22.0
maaaring rin itong magdulot ng stress at iba pang sakit sa respiratory system.
02:28.0
Yung microplastics, hindi lang sa water.
02:30.0
Napansin niyo, pati sa hangin.
02:32.0
To address that microplastics, dapat sa source natin sasagutin.
02:36.0
Hindi natin kagad malilinis dahil napakaliit.
02:38.0
Wala tayong equipment to recover those microplastics.
02:42.0
Para maiwasan ang perwisyong dulot ng plastics sa kapaligiran maging sa kalusugan,
02:47.0
mainam na bawasan na ang paggamit ng mga ito.
02:50.0
Tingin ng iba, mahirap itong gawin ng palagian.
02:53.0
Pero napatunayan ng pandemya na ang pagbabago sa nakagawian ay pusible.
02:59.0
Kung nasanay ang mga tao sa palagiang pagsuot ng face mask,
03:03.0
hindi imposibleng kayanin din ang pag-iwas sa paggamit ng plastic.
03:08.0
Rafael Bossano, ABS-CBN News.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.