Close
 


3 Chinese huli sa pagbebenta ng pekeng pain relief rub sa Maynila | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Arestado ang tatlong Chinese matapos mahuling nagbebenta ng pekeng brand ng pain relief hub sa Maynila. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Pinaligiran ng NBI Anti-Organized and Transnational Crimes Division ang stall na ito sa Divisoria
00:07.0
matapos mahuling nagbebenta ng mga peking brand ng pain relief rub.
00:11.0
Gawang Pilipino ang produktong binibenta rin online
00:14.0
pero laking gulat umano ng kumpanyang may-ari ng brand
00:17.0
nang makatanggap sila ng reklamo mula sa ilang customer.
00:21.0
Ang major na naging reklamo nila yung amoy,
00:24.0
hindi parehas doon sa mga dating nabili nila.
00:28.0
Maliban din doon, nagkaroon sila ng mga pangangate
00:31.0
nung sinubukan nila yung produkto which is dati naman,
00:35.0
ayos naman yung produkto sa kanila.
00:38.0
Natuklasan ang kumpanya na peke ang nabili ng mga nagre-reklamo.
00:42.0
Humingi sila ng tulong sa online shopping platform
00:45.0
kung saan umano nabili ang mga peking produkto
00:47.0
pero wala umano silang nakuhang suporta.
00:50.0
Noong una, nagre-reply sila, hinihingi nila yung detalye
00:55.0
pero dumating yung panahon na hindi na sila nag-reply.
00:59.0
Tumugon ang NBI sa reklamo at inaresto ang tatlong Chinese
01:03.0
na may-ari ng stall sa Divisoria.
01:05.0
Lumabas sa investigasyon na galing sa China ang peking produkto.
01:09.0
Kinopia lang ang packaging at ang ilang security features nito.
01:13.0
Kinasuha na ang mga dayuhan sa paglabag sa intellectual property rights law.
01:17.0
Ang problema kasi niyan, yung mga bumibili online,
01:20.0
hindi nila alam kung peke ba to or hindi.
01:24.0
Yan din ang isa sa problema, lalo na yung mga online platforms natin.
01:28.0
Parang wala silang ginagawa na ma-screen yung mga binibenta nila
01:33.0
kung peke ba o hindi.
01:36.0
So ang kawawa dyan, yung mga consumer.
01:39.0
Masama naman ang loob na may-ari ng kumpanya
01:42.0
lalo't pinaghirapan nilang simulan at palakihin ang negosyo.
01:45.0
Pero nasisiraan lang at kinukumpitensya ng mga peke.
01:49.0
Of course, this has tremendously affected the business.
01:53.0
Not only the business but also the reputation of our brand.
01:57.0
The formulations that were poured into Creation's massage job
02:01.0
took a lot of hard work, hardships, and soul, love, and prayers into the business.
02:08.0
Sa pahayag naman ng Lazada, nilinaw nilang mahipit ang kanilang pulisiya
02:13.0
laban sa mga peking produkto at tinutugunan nila ang mga reklamo tungkol dito.
02:17.0
Patuloyan nila ang kanilang pagsugpo sa mga peking produkto
02:21.0
at nakikipagugnayan sila sa gobyerno, sa mga negosyante, at mga stakeholders
02:25.0
para efektibong maaksyonan ito.
02:27.0
Sila rin umano ang nagtatanggal ng mga peking produkto
02:30.0
na kanilang natutuntun sa kanilang platform.
02:33.0
Ayon naman, sa Shopee, hindi nila pinahihintulutan
02:36.0
ang pagbibenta ng mga peking produkto sa kanilang platform
02:39.0
at sumusunod sila sa mga regulasyon tungkol dito.
02:42.0
Nakikipagugnayan na rin sila umano sa kumpanyang nagrereklamo.
02:46.0
Paalala lang ng manufacturer na para masigurong hindi peke ang mabili,
02:50.0
sa authorized dealer lamang ng kanilang produkto bumili.
02:54.0
Nico Bawa, ABS-CBN News.
03:16.0
For those who have not yet subscribed to our YouTube channel,
03:18.0
please do so now so that we may continue to bring you
03:20.0
the latest news, updates, and videos.
03:22.0
Thank you.