Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3; 10,000 residente, pinalilikas | Frontline Pilipinas
Video Transcript / Subtitles:
About AI Subtitles »
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Itinaas na sa Alert Level 3 ang Bulcang Mayon
00:04.0
dahil diyan sa pilitan ng pinalilikas
00:07.0
ang mga residenteng nasa Permanent Danger Zone.
00:10.0
At live mula sa Cagsawa Ruins sa Daraga, Albay
00:13.0
nasa frontline ng balitan yan si Gio Robles.
00:16.0
Gio, gaano na karami ang pinalilikas diyan?
00:24.0
10,000 mga residente ang kailangang ilikas
00:27.0
sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone
00:30.0
ng Mayon simula bukas.
00:32.0
Yan ay matapos itaas sa Alert Level 3
00:35.0
ang estado ng bulkan kaninang tanghali.
00:38.0
Nakaalerto ang buong probinsya ng Albay
00:41.0
sa malawakang paglikas sa gitna ng banta
00:44.0
ng nagnangalit na kalikasan.
00:49.0
Madaling araw pa lang kanina nakabantay na kami sa Bulkang Mayon.
00:52.0
May lumalabas ng usok sa bunganga nito
00:55.0
pero hindi pa ganun kakapal.
00:57.0
Maya-maya, makikitang dumada-usdos na ang makapal na usok
01:00.0
na may kasamang malalaking kipak ng bato
01:03.0
na sinlaki ng kotse.
01:05.0
Ilang oras naming natungayan yan hanggang sa halos
01:08.0
mabalot na ng usok ang bulkan.
01:10.0
Kaninang tanghali, itinaas ng PHIVOX Alert Level 3 ang Mayon.
01:13.0
Ibig sabihin, nagkakaroon na ng magmatic eruption.
01:16.0
Nangyayari yan kapag natuyot ang tubig sa bunganga ng bulkan
01:19.0
at nagtuloy-tuloy ang pagakyat ng magma.
01:22.0
Oras na lumabas ang magma, tinatawag na itong lava.
01:25.0
Sa ngayon po, mas increased yung chances
01:28.0
na magkaroon ng isang explosion.
01:32.0
It can still go either way na pwedeng magtuloy-tuloy
01:37.0
or ito nga hanggang ganyan lang siya.
01:41.0
Inabisuhan ang lahat na maging alerto sa posibleng
01:44.0
mas madalas na pagyanik. Mag-ingat din sa mga rockfall.
01:48.0
Sa buong magdamad, halos isandaang rockfall events
01:51.0
ang naitala ng PHIVOX sa Mayon.
01:53.0
Pinakamarami yan simula noong lunes.
01:55.0
Simula June 5 hanggang ngayong araw,
01:58.0
267 na insidente ng pagbagsak ng malalaking bato ang naitala.
02:03.0
Bunsod ng bantanang Mayon,
02:05.0
pinag-iisipan ng Albay Governor ang posibilidad
02:07.0
na isa-ilalim sa state of calamity ang probinsya.
02:10.0
At ngayong nasa Alert Level 3 ang bulkan,
02:13.0
sapilitan ng pinalilikas ang mga residente
02:15.0
na nasa loob ng 6-kilometer radius permanent danger zone.
02:19.0
Maraming mga may sumaliti kasi ng ulo.
02:22.0
Hindi naman natin sila masisisi
02:24.0
dahil may livelihood silang have to protect.
02:27.0
Ang importante, pumunta na sila sa evacuation center.
02:30.0
Nakabantay rin ang probinsya sa bantanang ashfall
02:33.0
na may masamang epekto sa kalusugan ng tao.
02:36.0
Maari itong magdulot ng irritation sa mata, ilong at lalamunan.
02:40.0
Gayun din ang ubo, hirap sa paghinga,
02:42.0
pangangati at pamumula ng balak.
02:44.0
Pinag-iingat din ang mga may respiratory condition
02:47.0
gaya ng asma o hika, payo ng Albay Health Office.
02:51.0
Yung ginagawa namin, wearing of mask.
02:54.0
Wag mo nang lalabas lalo na pag maging marami na talaga ang ashfall.
03:02.0
Yung lahat ng mga protective, mga PPEs natin gamitin natin.
03:14.0
Albay Governor Lagman, sinabi nito na mandatory na muli
03:17.0
ang pagsusuot ng face mask sa gitna nga ng banta ng ashfall.
03:22.0
Samantala, inabisuha naman ng PHIVOX,
03:24.0
ang Civil Aviation Authority of the Philippines,
03:27.0
na no-fly zone na o malapit sa vulkan.
03:30.0
2018 pa nang huling mag-alburuto ang Daragang Magayon.
03:35.0
Sheryl at Jester, mula dito sa Kagsawa Ruins.
03:39.0
Sa Daraga Albay, balik sa inyo at Diyos Mabalos.
03:43.0
Ingat kayo dyan. Maraming salamat.