Video Transcript / Subtitles:
About AI Subtitles »
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Mabuhay kapamilya! Narito ang mga balita mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.
00:13.0
Pwede na ang makapunta sa Canada nang walang visa ang mga kwalifikadong Pinoy.
00:19.0
Ito pa'y matapos mapabilang ang Pilipinas sa tinatawag na Electronic Travel Authorization ng Ottawa.
00:26.0
Nagpapatrol Rowena Papacin.
00:29.0
We're gonna be expanding visa-free travel for known travelers to this country.
00:33.0
It's gonna take $7 and just a few minutes to be approved if you are a known traveler who holds a valid U.S. visa
00:40.0
or has had a valid Canadian visa over the past 10 years.
00:44.0
Maaari nang makapunta ng Canada nang walang visa ang mga eligible na kababayan,
00:49.0
kamilang ang Pilipinas sa labing tatlo na bansa na nadagdag sa Electronic Travel Authorization o ETA program ng Canada na inianunsyo ni Immigration Minister Sean Fraser.
01:00.0
Sa ilalim ng programa, ang mga Pinoy na mayroong Temporary Resident Visas o TRVs na inisyo sa kanila ng Canada
01:07.0
nitong nakalipas na sampung taon o yung mga merong non-immigrant U.S. visas
01:12.0
ay pwede nang mag-apply para sa isang Electronic Travel Authorization sa halip na visa.
01:17.0
Ayon sa Immigration Consultant na si Kaide Kikumoto, pwedeng i-click lang ng mga gustong bumiyahe ang isang link sa website ng Government of Canada
01:26.0
at agad din nilang makikita kung aprobado sila sa loob lang ng ilang minuto.
01:31.0
Ayon sa Immigration Canada, mapadadali at magiging abot kaya para sa libu-libong gustong bumisita ng Canada
01:38.0
ang pagdaragdag ng mga bansa sa ETA program nito.
01:42.0
Bukod dito ay makababawas din ito sa kanilang backlog sa visa processing.
01:46.0
Ikinwento ni Kikumoto na marami agad siyang natanggap ng mga tawag matapos lumabas ang balita.
01:52.0
Maraming question agad, kasi syempre marami akong nakaprocess na mga application for Visitor Visa.
02:00.0
Ngayon, syempre yung iba doon parang sabihin, oh so kung pwede na agad silang kumunta dito.
02:05.0
Dagdag pa ni Kikumoto, malaki ang matitipid sa visa application at processing ng mga kwalifikadong kababayan
02:13.0
dahil 7 dolyar na lang ang ibabayad nila sa ETA na valid hanggang 6 buwan.
02:18.0
Pero dagdag niya, maaaring hingian ng iba pang detalye ang ilang applicant.
02:24.0
Kailangan mo ipakita na financially stable ka, meron kang ibivisit doon or dito sa Canada.
02:30.0
Depende kung hihingi pa sila ng parang magiging home ties mo na talagang ang purpose mo is magvisit lang.
02:39.0
And then upon intended stay, aalis ka ulit ng Canada.
02:43.0
Bagamat magandang balita ito, pinangangambahan ni Kikumoto at ibang immigration consultants
02:48.0
na posibleng may manamantala sa mga kababayang hindi pamilyar sa requirements ng ETA.
02:54.0
Yun lang po yung parang winaworry namin na basta lang i-offer siya,
02:59.0
pagkatapos siyempre yung mga Pinoy gusto nilang pumunta dito,
03:03.0
baka kakagatin nila agad without knowing na meron siyang requirement bago mo ma-applyan or mag-qualify ka.
03:12.0
Sinabi ni Canadian Foreign Affairs Minister Melanie Jolie na ang pagpapalawak ng ETA program ay bahagi ng Indo-Pacific Strategy ng Canada
03:20.0
upang mas mapalapit ang relasyon nito sa mga bansa sa region.
03:24.0
Para sa TFC News, Rowena Papacin, ABS-CBN News, Vancouver.
03:31.0
Nagbabalik ang exciting One Music Festival sa London na One MX London.
03:36.0
Kompleto ng line-up of artists sa world-class entertainment na handog ng The Filipino Channel.
03:42.0
Nagpapatrol, Europe at Middle East Bureau Chief Rose Equerinal.
03:49.0
Noong isang taon sa Surrey, ang kauna-unahang music festival ng The Filipino Channel sa Europa,
03:56.0
kung saan tinutukan, kinagiliwan at di makakalimutan ang walang patid na rak-rakan.
04:04.0
At sa taong ito, pinagsama sa pambihirang pagtatanghal ang world-class artists hatid ng TFC.
04:12.0
Pangungunahan ito ng Queen of Hugot songs, Moira de la Torre.
04:22.0
Sikat na bandang Ben & Ben.
04:26.0
Malaysian singer-songwriter, Yuna.
04:30.0
The sensational singer, Johnny Orlando.
04:35.0
Clara Rosa, habang hahataw din ang tawag ng tanghanan season 2 champion, Janine Berdin.
04:44.0
At Amacabuguera singer, Maymay Entrata.
04:52.0
Ngayong taon, mas exciting ang bagong venue sa Dockyards London.
04:58.0
Kaya naman, super excited na rin ang fans.
05:02.0
We are from Cambridge and we're so excited to watch One MX London.
05:06.0
So join us and let's have some fun.
05:09.0
Tangkilikin po natin ang sariling atin. Magkita-kita po tayo.
05:13.0
Kasama sila Moira, Ben & Ben at iba pa.
05:16.0
Mapapanood ang live music festival sa July 8,
05:21.0
na inaasahang dadayuhin ng mga Pinoy mula sa iba-ibang panig ng Europa.
05:27.0
Kasama si Ernie Delgado, Rose Eclarinal, ABS-CBN News, London.
05:35.0
At yan ang ating mga balita mula sa iba't ibang bansa,
05:38.0
hatiin ng TFC News para po sa mga balita mula sa ibang panig ng mundo.
05:43.0
Maglog on lamang sa news.abs.cbn.com slash tfcnews.
05:48.0
Marami pong salamat kapamilya.
05:57.0
Thank you for watching!