Close
 


Higit 84,000 trabaho alok sa Independence Day job fair | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mahigit 80,000 ang job vacancies na puwedeng aplayan sa Independence Day Job Fair ng DOLE na gaganapin sa mahigit 50 lugar sa bansa sa Lunes (Hunyo 12). For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:37
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Tatlong buwan nang naghahanap ng bagong trabaho si Rodel, kaya bit-bit lahat ang lisensya at certification sa crane operation, electrical at automotive repair.
00:12.0
Nais niya lang makapasok sa isang maayos na construction company. Pero tila hindi pa siniswerte hanggang ngayon.
00:20.0
Nag-aral pa ako, nag-testa pa ako. Para sa akin, mahirap pa rin. Kasi lahat, puro simula, puro simula. Tapos pag nakapasok ka naman sa isang kumpanya, pangit pala. Magulo, kaso tulad na walang overtime.
00:35.0
Para makasiguro sa maayos na employer, maaaring mag-apply si Rodel sa job fair ng Department of Labor and Employment sa Lunes, June 12, Independence Day.
00:46.0
Dumaan na kasi sa pagsasala ng DOLE ang mahigit isang libong employers na mag-aalok ng mahigit 84,000 na job vacancies.
00:56.0
Pangunahin pa rin kailangan ang BPO workers, pero masigla rin ang hiring sa manufacturing, retail at sales, financial and insurance, at construction.
01:06.0
Nagre-recover na yung mga companies eh. At talagang unti-unti, open up na yung companies. Yung iba siguro nag-expand. Yung mga employees nila na wala noon, they're getting them back and they're re-employing them.
01:23.0
And then of course, I'm sure kasi they're opening up new positions. Kaya marami tayo ngayon vacancies na nakikita.
01:32.0
Fifty-one lahat ang job fair venues nationwide kung saan pinakamarami ang sa NCR na may labing dalawang venues sa Caloocan, Pasig, Marikina, Mandaluyong, Paranaque, Taguig, Las PiƱas at Quezon City.
01:46.0
Pero bago pumunta sa venue, kailangan ng pre-registration sa mga DOLE regional office. Ito ay para na rin maagang makapagsagawa ang DOLE ng job matching.
01:57.0
Makita namin kaagad yung profile ng mga job seekers. Then makita namin yung profile ng mga vacancies. Pagdating nila sa job sites, i-mamatch na namin na talaga para to make sure na ma-hire sila.
02:11.0
Kung hindi man yung hired on the spot, magiging near hires. Near hires meaning na konti na lang yung kulang. Baka may kulang lang ng papeles o may kulang lang ng orientation.
02:23.0
Para naman tumaas ang chance ang makalanding ng trabaho, may ilang tips ang DOLE sa mga aplikante. Magsuot ng presentabling kasuotan. Siguraduhin kumpleto ang mga dalang dokumento mula resume, education at employment records, pati na certificates mula sa mga training.
02:40.0
Paghandaan din ang interview sa pamamagitan ng research sa posisyong ina-applyan o sa kumpanyang naispasukan. Hindi rin bawal magtanong sa sahod pero hindi inire-rekomenda ang pagdidikta ng halaga.
02:55.0
Kadalasan 11% na mga aplikante ang natatanggap o hired on the spot sa mga nakalipas na job fair ng DOLE. Ito ang target na maitaas dahil isa ito sa indikasyon na efektibo pa rin ang mga job fair sa pagbibigay ng trabaho sa mga tao. Zen Hernandez, ABS-CBN News.