News ExplainED: CPP-NPA-NDF bilang isang lehitimong political party? | Frontline Tonight
Video Transcript / Subtitles:
About AI Subtitles »
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Sinara ng bagong talagang Defense Secretary Gilbert Chedoro ang posibilidad ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front at ang Communist Party of the Philippines o yung CBP.
00:10.0
Ang tinutulang kasi ni Chedoro magrehisto na lamang ang Communist Party bilang isang legitimate political party at itigil na rao ang armadong paglaban sa gobyerno.
00:20.0
Oo po, pwede yun.
00:21.0
Sa buong mundo, maraming mga Communist Parties na legal sa mga demokrasya.
00:26.0
Ang iba nga sa kanila, bahagi pa ng ruling coalition.
00:29.0
Ilan lamang sa mga halimbawa niyan ay ang Partido Komunista de la Argentina na bahagi ng ruling frente de todos koalisyon ng Argentina.
00:38.0
Ganoon din po ang mga Communist Parties sa Chile, Brazil, Colombia, Nepal, South Africa, Spain at Venezuela.
00:44.0
Meron din mga Communist Parties na bahagi naman ng oposisyon pero legal pa rin.
00:49.0
Gaya po ng sa Cyprus, France, Uruguay at maniwala kayo hindi, ang Communist Party of the Russian Federation ay ngayon nasa oposisyon sa Russia.
01:00.0
Dito sa Pilipinas, legal ba ang Communist Party of the Philippines?
01:03.0
Sa technical po, legal pa rin siya dahil noong taong 1992 binawi ng administrasyo ni Fidel Ramos ang anti-subversion law.
01:12.0
Pinagbawal ang Partido Komunista ng Pilipinas o ang Communist Party of the Philippines panahon po ni Pangulong Carlos Garcia.
01:18.0
Ang Act 1700 pinasa ng Kongreso noon pang June 20, 1957.
01:24.0
Sa section 2 ng batas na ito, ginigit ng Communist Party ay isang conspiracy para pataubin ang gobyerno at iisailalim mga Pilipinas sa control ng isang banyagang pwersa or foreign power.
01:36.0
Tandaan po kasi na panahon pa ito ng Cold War kung saan naglalaban pa rin ang mga ideya ng Kanluran at ng Soviet Bloc.
01:43.0
Sa section 4 po ng batas, pinagbawal ang anumang asosasyon o relasyon sa Partido Komunista at mga kaalyarin tong grupo.
01:51.0
Ngayon, toong 1981 panahon na ni Pangulong Marcos, lalo pang pinalawak ang batas na iyan laban sa Communist Party.
01:59.0
Sa Presidential Decree 1835, inulit ang pagbabawal sa pagiging bahagi ng Communist Party of the Philippines.
02:04.0
Pero sa section 6 ng batas na ito, tinuturing na prima fasi evidence ng pagiging miyembro ng isang subversive group,
02:11.0
ang simpleng pakikipag-usap o meeting sa mga kasapi ng pinagbabawal na grupo in furtherance of any plan.
02:21.0
E tinuturing ding ebidensya ang simpleng pagdistribute ng propaganda material para sa mga grupong ito.
02:26.0
Pero toong 1992, pininabahan ni Pangulong Fidel Ramos ang RA 7636 na nagre-repeal ng lahat ng mga anti-subversion laws.
02:35.0
Ibig pong sabihin niyan, hindi na po bawal maging miyembro ng Communist Party of the Philippines o maniwala sa komunismo.
02:42.0
Kaya po mapapansin po ninyo, pag may nahuling mga rebeldeng komunista,
02:46.0
ang sinasampas sa kanila ay mga criminal case kahit po ng murder or illegal possession of firearms.
02:53.0
At yan na lang din ang sinasambang kaso tuwing may nahuhuling mga miyembro ng mga militanteng grupo.
02:58.0
Panahon naman ni Pangulong Duterte, binubuhay o binuhay ng ilang opisyal ang panukala na ibalik ang anti-subversion law at ipagbawal muli ang Communist Party of the Philippines.
03:09.0
Pero kahit ang dating Justice Secretary na si Menado Guevara, sinabi na walang dahilan para ipagbawal ang isang paniniwala.
03:16.0
Ayon kay Guevara, karapatan ng sinuman ang manalig sa isang paniniwala basta't hindi humahawak ng armas ang mga miyembro ng grupo nito.