Video Transcript / Subtitles:
About AI Subtitles »
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ilang bulkan sa bansa ang nakataas sa ang Alert Level?
00:04.8
Paliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o ng PHIVOX,
00:10.0
hindi naman ito pambihira.
00:12.2
Nagpa-patrol Rafael Bosano.
00:16.9
Tatlong bulkan sa Pilipinas ang kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level
00:20.9
dahil sa mga aktividad ng mga ito.
00:22.9
Kapwa Alert Level 1 ang Bulkang Taal at Kanlaon,
00:26.2
habang Alert Level 3 naman ang Bulkang Mayon.
00:29.6
Dalawamput-apat ang aktibong bulkan sa Pilipinas.
00:33.1
Sampu sa mga ito ang minomonitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology
00:38.1
kaya hindi na nakagugulat na magsabay-sabay ang aktibidad ng ilan sa mga ito.
00:43.1
Statistically, kapag marami po tayong active volcanoes,
00:46.8
mataas po yung chances na meron po tayong mga periods na magkakasabay po ang activity ng mga bulkan.
00:57.5
Hindi po related yung activity ng Mayon, sa activity ng Kanlaon, sa activity ng Taal.
01:03.8
Magkakaiba po yung mga systems na bumubuhay sa mga bulkan na ito.
01:08.8
May binabantayan ang PHIVOC sa bawat bulkan.
01:11.8
Sa Mayon, bukod sa lumalabas na lava,
01:14.3
ay pinag-iingat din ang lahat sa Pyroclastic Density Current o USON.
01:19.3
Ito yung pagragasa ng mainit na abo at volcanic gas,
01:23.5
basag-basag na lava at iba pang material na mapapasama sa Agos nito.
01:28.5
Nakakapagdulot siya ng pagsunog.
01:30.8
Kaya pag nalanghap natin yung cloud na yun, kahit madaplisan lang tayo nun, mamamatay tayo.
01:36.3
Pangalawa, ang PDC ay nagpo-flow o rumaragasa ng mabilis.
01:43.4
Nasa between 30 to pwedeng 700 kilometers per hour ang speed niyan.
01:48.8
Kaya pag tayo ay tinamaan ng PDC, para tayong nabundol ng kotse.
01:53.8
Sa ngayon, hindi pa nakikita ng PHIVOCs ang pangangailangang itaas ang alert level 4 sa Mayon
01:58.8
dahil hindi pa lubusang tumataas ang ibinubugan itong sulfur dioxide o asupre.
02:04.2
Pag nag-i-increase yung SO2, nag-i-increase yung seismicity,
02:10.8
tapos namamagat na yung edifice ng bulkan,
02:13.8
nagkakaroon ng minor explosions, tapos meron na tayong nakikita ang longer lava flows,
02:18.8
nagiging frequent na yung pyroplastic density currents and yung lava fountaining,
02:24.8
then itataas na po natin ito to alert level 4.
02:27.8
Binabantayan naman ang ibinubugang asupre ng Taal Volcano.
02:31.8
Netong June 5, naglabas ang bulkan ng higit 9,300 tons ng asupre,
02:37.8
pinakamataas para sa taong 2023.
02:40.8
At kahit noon pang 2020 nakataas ang alert level 1 sa Kanaon Volcano,
02:45.8
mahalaga pa rin patuloy nabantayan ang aktibidad nito.
02:49.8
Tumataas ang tsansa ng pagpotok yung phreatic or steam-driven eruption mula sa crater nito.
02:57.8
Ang problema sa phreatic eruption, maraming ganitong klaseng pagpotok
03:04.8
ang nagaganap ng walang precursory signals.
03:09.8
At sa mga nakalipas na taon,
03:13.8
pawang mas maraming pinapatay ang mga phreatic eruptions,
03:16.8
kaysa dun sa mga magmatic eruptions.
03:19.8
Matagal na rin anyang hindi nagkakaroon ng magmatic eruption ang Kanaon
03:24.8
kaya nananatili itong posibli.
03:26.8
Patuloy namang naghahanda ang Office of Civil Defense
03:29.8
para sa anumang posibleng mangyari sa mga bulkan.
03:32.8
Paalala nila sa publiko, dahil sa alert level sa tatlong bulkan,
03:37.8
bawal ng pumasok sa Permanent Danger Zone.
03:40.8
Ito ay ang Volcano Island para sa Taal,
03:43.8
6-kilometer radius naman para sa Mayon,
03:46.8
at 4-kilometer radius para sa Kanaon.
03:49.8
Rafael Bossano, ABS-CBN News.
04:07.8
To be continued...