Close
 


Mga bansang nais kumuha ng Pinoy skilled workers, dumarami | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Dumadami ang mga bansang gustong kumuha ng Pinoy skilled workers gaya ng Hungary at Austria. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:35
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Teacher si Bench, pero nag-a-apply sa isang agricultural position sa Japan.
00:06.0
Gusto man niyang magservisyo sa bayan, kailangan niyang maging praktikal.
00:11.0
Pag mas nag-a-aim ka, mas magandang maging hawang buhay.
00:17.0
Siguro po, going abroad yung solution.
00:20.0
Lalo pang lumalawak ang mga oportunidad ng mga Pilipino na makapagtrabaw sa ibang bansa.
00:26.0
Nakikipag-usap na ang Department of Migrant Workers sa United Arab Emirates, Qatar at Oman
00:32.0
para sa hiring ng mas maraming Pinoy skilled workers.
00:36.0
Inihahanda na rin ang Special Recruitment Program para sa hiring ng isang milyong Pinoy skilled workers
00:42.0
na kailangan naman sa Saudi.
00:44.0
Naumpisahan na rin ang mga pakikipag-usap sa Hungary at Portugal
00:49.0
at nakatakda ng pirmahan ang isang kasunduan sa Austria.
00:53.0
Of course, alam natin yung high demand for our healthcare workers.
00:57.0
Pero sila nagsabi rin sila that they would also need dun sa kanilang bansa
01:03.0
ng around 200,000 workers spreading sa I think 98, nakalagay dito 98 occupations.
01:12.0
Nererepaso rin ang deployment ng OFW sa Israel.
01:16.0
Ina-appela ng DMW na huwag nang singilin ng tax ang Pinoy workers.
01:21.0
Sa kabila nito na isang DMW, dagdagan pa ang quota ng caregivers mula 5,000 sa 6,000 kada taon
01:29.0
at palawigin sa tatlong taon ang kanilang kontrata.
01:33.0
Maganda kasi ang sitwasyon ng mga OFW sa Israel at tumaas pa ang minimum wage
01:38.0
mula 5,300 shekels o 84,800 pesos sa 505,71 shekels o mahigit 89,000 pesos.
01:49.0
Wala kasing halos welfare cases talaga sa Israel.
01:54.0
And tumatagal sila ng 10 years or more habang buhay pa yung inaalagaan nila.
02:01.0
So at least kung 3 years yung contract, they would be able to save more.
02:08.0
Para naman sa dagdag na proteksyon ng mga OFW, pinirmahan ng DMW ang bagong regulasyon
02:15.0
para sa recruitment at deployment ng land-based workers.
02:18.0
Pangunahing pagbabago ang one-strike policy at panghabang buhay na kansilasyon ng lisensya
02:24.0
ng mga recruitment agencies na lalabag sa 20 serious offenses.
02:30.0
Kabilang na ang deployment of minors, pamimiki ng mga dokumento,
02:34.0
pag-aalok ng mga peking trabaho, hindi pag-responde sa mga manggagawang humihingi ng tulong,
02:40.0
human trafficking at ang pinakabago, panunuhol sa mga tauhan ng gobyerno.
02:46.0
Sikat ka man na agency o nag-uumpisa ka pa lang na agency,
02:50.0
basta isa sa dalawampuna ito ginawa niyo, eh tigok yung lisensya niyo.
02:56.0
Suportado na mga recruitment agency ang mga bagong regulasyon,
03:00.0
pero humihiling na pabilisin ang proseso sa deployment.
03:04.0
Welders, in demand po yan sa Europe.
03:08.0
Technicians, kasi may marami pong electronics companies sa Europe
03:15.0
na nangangailangan po ng operators, technicians sa mga manufacturing companies.
03:22.0
And food processing. Like Hungary, they need about 10 to 20 thousand.
03:29.0
Padalihin yung mga proseso para mapabilis na magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan.
03:36.0
Siniguro naman ang DMW pabilisin ang proseso para sa mga recruitment agency
03:42.0
na maingat na sumusunod sa lahat ng regulasyon bilang insentibo.
03:47.0
Mula Enero hanggang Abril, lagpas 800,000 na ang deployment ng mga OFW.
03:53.0
Kaya inaasahan na malalagpasan ang deployment noong isang taon
03:57.0
at makakabalik sa pre-pandemic levels na 2 milyon kada taon.
04:02.0
Kaya tingin ang DMW ay napapanahon ang paglalabas nila ng bagong regulasyon
04:08.0
sa recruitment at deployment ng mga OFW.
04:12.0
Zen Hernandez, ABS-CBN News.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.