Video Transcript / Subtitles:
About AI Subtitles »
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Kalahati ng kinikita ni Christine sa pagtitinda ng gulay
00:04.4
na pupunta sa pagbabayad ng kuryente.
00:07.6
Mabigat para sa kanya ang 1,200 pesos nilang bill buwan-buwan
00:12.6
kaya itinigil na nila ang paggamit ng ilang appliances
00:16.6
gaya ng electric kettle.
00:18.8
Siguro po hindi na po kami makakakain kapag tumaas po yung single numeral ko.
00:24.4
Kagaya po nang sabi ko maliit lang po yung sinasahod
00:27.2
tapos mahal pa po yung mga gastus.
00:29.8
Ang kapitbahay niyang si Lynn sinisikap magtipid ng kuryente kahit na mainit.
00:35.4
Umaabot kasi sa 2,700 pesos ang bill niya kada buwan.
00:40.4
Mahirap po magbayad kasi mahal na nga po yung bilihin
00:45.6
tapos mahal pa yung mga bills, tumataas pa yung mga bills.
00:49.4
Kanina, inanunsyo ng meral ko na may pagtaas sa singil sa kuryente ngayong hunyo.
00:55.0
Nasa 42 sentimo ang dagdag kada kilowatt-hour.
00:59.0
Katumbas ito ng 84 pesos na dagdag sa bill sa pamilyang nasa 200 kilowatt-hours ang konsumo
01:05.6
at aabot naman sa 209 pesos sa mga malalakas gumamit.
01:10.8
Paliwanag ng meral ko, bumaba naman ng nasa mahigit 40 sentimo ang generation charge
01:17.6
dahil sa mababang singil mula sa mga power supply agreement
01:21.2
ng meral ko at mga independent power producers.
01:24.8
May pagbaba din sa singil sa transmisyon.
01:27.8
Yun nga lang, natapos na ang distribution related refund o yung tinatawag na DRTU
01:34.2
na ipinagutos ng ERC na nagsimula pa noong March 2021.
01:39.6
Kaya ang resulta, mas mataas na bill ngayong hunyo.
01:43.6
Ito po yung matagal na namin ipinaliwanag kaya expected na din po sana natin ito.
01:51.0
Subalit, nais ko lamang pong banggitin
01:53.6
na noong panahon naman po na itong mga refund na ito ay nasa bills ng electricity consumers,
02:01.8
kahit pa pano sa aming pananaw, ay nakatulong din maibsan
02:06.4
lalo na po noong panahon ng pandemia.
02:11.6
Sabi ng meral ko, tumaas man ang singil sa koryente ngayong buwan,
02:15.6
kadalasan ay bumaba naman ang konsumo kapag pumapasok na ang tag-ulan.
02:19.8
Dahil hindi na masyadong mainit.
02:22.0
Pero hindi lang naman singil sa koryente ang inaasahang tataas,
02:25.4
dahil may inaasahang taas presyo din sa produktong petrolyo simula sa susunod na linggo.
02:31.0
Nasa piso ang pusibleng itaas sa gasolina,
02:34.0
1 peso and 20 centavos naman sa diesel,
02:37.0
at 1 peso and 26 centavos naman sa kerosene.
02:40.6
Pwede pa itong magbago.
02:42.6
Sabi ng Department of Energy,
02:44.8
dahil pa rin ito sa pagbabawas ng oil production output ng OPEC Plus,
02:49.4
lalo na ng Saudi Arabia,
02:51.4
na magsisimula na sa July 1.
02:54.2
Jervis Manahan, ABS-CBN News.