Close
 


10 Bad Effects ng Constipation (Hirap Dumumi). - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
10 Bad Effects ng Constipation (Hirap Dumumi). Na Hindi Mo Alam. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Panoorin ang Video: https://youtu.be/xqt-rd_uR90
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 14:11
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
Meron tayong very important topic. Bagong tip natin ito.
00:05.3
Ang constipation, pagiging constipated, hirap dumumi, binabaliwala natin yan.
00:12.6
Minsan sasabihin natin, constipated lang, baliwala yan.
00:16.1
Pero meron na pong mga bagong pag-aaral.
00:19.5
Marami palang possible complications ang constipation na hindi binabaliwala.
00:25.2
Heart attack, minsan marami pa ibang mga sakit, lalo na mga bowel obstruction.
00:31.7
Papakita ko sa inyo. Kaya huwag natin nahahayaang constipated kayo.
00:36.5
Ano ba ang constipation? Yung iba, mas maganda talaga daily.
00:41.5
Kung araw-araw, once a day, pinakamaganda.
00:44.5
Kailan pinakamaganda dumumi? Sa umaga.
00:47.9
Sa umaga kasi talagang automatic yan, kasama yan sa circadian rhythm ng katawan.
00:53.5
Sa umaga, mas gagalaw ang bituka.
00:56.5
So, pinakamaganda sana, morning ang pag-dumi nyo, every day.
01:00.5
Pero kung hindi nyo kaya every day, huwag naman yung once a week o every four days.
01:06.7
Medyo hindi maganda.
01:08.7
Papakita natin, pag-hirap dumumi, maraming komplikasyon.
01:12.7
Ganito ang itsura ng dumi natin.
01:15.7
Ituro nyo, anong number ba kayo?
01:18.9
Ang normal na dumi, type 4, parang sausage.
01:23.9
Pag ganito na, type 3, type 2, parang may batubato na matigas na yan.
01:30.9
Yung ganito ang type 1, sobrang tigas na siya.
01:34.9
Ayaw na lumabas yung dumi, parang matigas.
01:37.9
Ito naman, sa kabila naman, ang LBM 2, nagtatai, tubig na.
01:43.7
So, pag nandito na kayo, type 1, type 2, constipated na yan.
01:48.7
Ito yung sampung bad effects ng constipation at meron pang dagdag na mas malala pa kaysa dito.
01:56.7
Tingnan nyo, number 1, laging masakit ang tiyan.
02:00.7
Laging malaki ang tiyan.
02:02.7
Bloated, ayaw lumabas yung dumi.
02:05.7
Ito, number 2, Dok Liza, pwede mo focus.
02:08.7
Hemorrhoids, almoranas.
02:10.7
Ang dami sa atin may almoranas.
02:13.0
Grabe, kakairi yan.
02:17.0
Tapos pwede pang dumugo.
02:19.0
Pag may dugo ang dumi natin, yan ang problema.
02:22.0
Almoranas ba yan o colon cancer?
02:25.0
Hindi natin sure. Paano? Dugo eh.
02:27.0
So, almoranas.
02:28.5
Number 3, ito napakasakit.
02:31.0
Anal fissure.
02:33.0
Anal fissure, ano yan? Sugat yan sa puwit.
02:37.0
Sugat.
02:38.5
Yung labasan ng dumi.
02:40.7
Paglabas na pupunit, sobrang sakit nitong anal fissure.
02:44.7
Hindi ka nga makakaupo sa silya nito.
02:47.2
Kailangan malambot yung kutsyon.
02:49.2
Number 4, fecal impaction.
02:52.2
Nagbara.
02:53.2
Minsan, nangyayari nga sa bata.
02:55.2
Nagbara ang dumi, hindi na matanggal.
02:59.2
Kaya kami, sa hospital, ginagawa namin sa pasyente.
03:02.7
Dinudukot pa namin.
03:04.7
Manual extraction.
03:06.7
Mahirap maging doktor.
03:09.0
Sa gloves kami, dudukotin mo.
03:11.0
Para mahilam mo.
03:12.5
Kasi nga, hindi na niya madumi.
03:14.0
Hindi na niya ma-push.
03:16.0
Fecal impaction.
03:18.0
Number 5, ito delikado.
03:20.0
Rectal prolapse.
03:21.5
Bumaliktad na yung tumbong.
03:23.5
Yung rectum bumaliktad na.
03:25.5
Kasi nga, parang nalus-lus siya.
03:27.5
Sa tigas ng dumi.
03:29.5
Number 6, pwede magkaroon ng diverticulitis.
03:34.2
Yung large intestine natin, meron siyang mga parang pouch.
03:39.2
Yung wall, nagkakaroon ng parang pouch.
03:42.2
Nagkakaroon ng mga usli-usli.
03:44.2
Tapos nag-i-infection.
03:46.2
Masakit din yan.
03:48.2
Number 7, kung talagang sobrang tigas ang dumi,
03:51.2
bawal obstruction, barado na.
03:53.2
Ito, baka may sakit ito.
03:56.2
Hindi na ito normal constipation.
03:59.2
Number 8, pwede kang magkulang sa nutrisyon.
04:03.0
Number 9, pwede mag-bad breath.
04:06.0
Kasi laging barado yung kinain mo.
04:09.0
Number 10, laging hindi maganda ang pakiramdam.
04:13.0
Pati mental health mo affected.
04:16.0
So, ito lang yung usual bad effects ng constipation.
04:20.0
Pero meron pang mas matindi.
04:22.0
Mamaya meron tayong mga home remedies.
04:25.0
Paano lulunasan ito.
04:27.0
Pwede pang mag-cause ng heart attack.
04:29.0
Ito, delikado.
04:30.0
May pag-aaral, mas constipated, mas umiire,
04:34.8
mas mataas ang chance ng heart disease at heart attack.
04:37.8
Hindi pa naman sya 100% proven.
04:40.8
Pero maraming ganyan.
04:42.8
Sa banyo, namamatay. Kakaire.
04:45.8
Kakaire, hindi maganda sa puso.
04:47.8
Ganito nangyari.
04:49.8
Pag meron kayong sakit sa puso,
04:51.8
ako po bilang internist cardiologist,
04:53.8
lagi ko sinasabi, bawal umire.
04:57.5
Kasi pag iire tayo, mahihirapan ang puso.
05:01.5
Tumataas yung pressure.
05:04.5
Yan yung mechanism.
05:06.5
Pati blood pressure, tataas.
05:08.5
Yung daloy ng dugo sa puso, kumukonte.
05:12.5
Pag-strain, pagpunta sa banyo, doon ang nangyayari.
05:17.5
Constipation causes heart attack.
05:21.5
May mga pag-aaral yan.
05:24.3
Bukod sa heart attack,
05:26.3
pwede rin magkaroon ng colon cancer.
05:29.3
Hindi pa ito 100% proven.
05:31.3
Pero may konting pag-aaral.
05:33.3
Pag lagi kang constipated,
05:35.3
siguro lagi nakaimbak yung dumi.
05:37.3
Dumi yun.
05:38.3
Siyempre yung dumi nakadikit sa wall ng intestine natin.
05:43.3
Minsan nagiging cancer.
05:46.3
Hindi pa clear, pero mukhang yung
05:48.3
waste products, yung toxin, yung dumi
05:52.0
sa bituka, yun ang nagkakontribute sa colon cancer.
05:57.0
Meron pa pag-aaral.
05:58.0
Demensya.
06:00.0
Mas nag-Alzheimer's ang may constipation.
06:03.0
Kaya hindi siya talaga binabaliwala.
06:05.0
So, hindi pa rin clear bakit,
06:07.0
pero parang marami rin nagkaka-Alzheimer's.
06:10.0
And number four, prostate cancer.
06:13.0
May possibility din.
06:15.0
Ito hindi pa clear, pero may konting pag-aaral.
06:17.0
Baka itong demensya, prostate cancer,
06:21.8
may possibility.
06:22.8
Itong heart disease, mukhang connected sa constipation.
06:25.8
Colon cancer, mukhang posible din connected.
06:29.8
So, anong gagawin natin?
06:31.8
First, ang kakainin natin dapat high fiber.
06:35.8
Yung mga fiber.
06:37.8
Fiber-rich foods, prutas at gulay na mga high fiber.
06:42.8
Pinakamaganda talaga gulay.
06:44.8
Yung mga kangkong natin, maganda yan.
06:46.8
Oatmeal, pwede rin.
06:48.8
Ito, mga high fiber foods.
06:51.6
Pati yung balat ng apple, pwede yan.
06:53.6
Sari-saring gulay, kangkong, broccoli, cabbage,
06:58.6
ampalaya, basta gulay napakaganda.
07:01.6
Lettuce, pechay, pwede-pwede yan.
07:05.6
Malunggay.
07:06.6
Ito nga sa akin, ang kodigo ko.
07:08.6
Kodigo ko para maka-dumi agad.
07:11.6
Apat na P.
07:12.6
Pakwan, papaya, pears, peras, prunes.
07:17.6
Ito, prune juice. Prune juice, malakas.
07:21.3
Pero wala tayong prune juice. Bibili ka ng prune juice.
07:24.3
Apple and carrot.
07:26.3
Apple and carrot, pwede yan.
07:28.3
High fiber foods.
07:31.3
Kale.
07:32.3
Ah, mga brown rice, nakakadumi din pag high fiber.
07:35.3
Ngayon, pati ang munggo.
07:37.3
Ang problema lang dito,
07:39.3
pag nag high fiber kayo,
07:41.3
ulitin ko ah, makinig maigi.
07:44.3
Pag nag high fiber foods kayo,
07:48.1
Kailangang kailangang uminom ng maraming maraming tubig.
07:55.1
Ito, wala kayong choice. Dapat dadamihan ng tubig.
07:58.1
Gano'ng karami? At least, sabi ko ah, minimum.
08:01.1
Walong baso hanggang sampung baso ng fluid o tubig.
08:06.1
Pinakamaganda tubig o iba gusto nyo.
08:08.1
Medyo sabaw, tubig na rin yun.
08:10.1
Fluid in a day.
08:12.1
Bakit?
08:13.8
Pag maraming kang kinaing fiber,
08:15.8
hindi pwede tatlong basong tubig lang.
08:17.8
Kasi, fiber sya eh.
08:19.8
May iimbak sya lalo sa tiyan mo.
08:21.8
So, marami syang fiber,
08:23.8
parang ganito, very fibrous sya.
08:26.8
Kailangang maraming tubig kang inumin,
08:28.8
para lumambot sya
08:30.8
at mailabas ng maganda.
08:32.8
Para ma-push.
08:34.8
Kahit yung maminom ng fiber supplement,
08:36.8
kailangan nyo maraming maraming tubig.
08:38.8
Hindi pwede, hindi maraming tubig.
08:40.8
Yan ang pang flush.
08:42.8
Papanagpa-flush kayo ng kubeta,
08:44.8
kailangan maraming tubig.
08:46.8
Ganyan din yung katawan natin, kailangan maraming tubig.
08:48.8
Home remedy.
08:50.8
Ito nga, 3 liters.
08:52.8
12 glasses in a day.
08:54.8
Pero sa atin, depende naman.
08:56.8
Sa Amerika kasi,
08:58.8
malalaki silang tao.
09:00.8
Matatangkad, mabibigat.
09:02.8
12 glasses in a day.
09:04.8
Pero kung dito naman, payat ka lang,
09:06.8
lagi ka lang sa office, may aircon,
09:08.8
siguro 6 basong tubig, pwede na.
09:10.8
Pero kung nagtatrabaho kayo sa labas,
09:12.8
magsasaka, naglalakad lagi sa init,
09:14.8
siguro 10 basong tubig, pinakamaganda.
09:18.8
Pero pag sinabi ko 10 baso,
09:22.8
hindi naman lahat tubig.
09:24.8
Baka yung isa gusto mo kape,
09:26.8
isa gusto mo iced tea,
09:28.8
isa soft drinks,
09:30.8
isa gusto mo pakwan, tubig din yun,
09:32.8
isa buko, isa sabaw,
09:34.8
counted rin yun na fluid or tubig.
09:36.8
Mabibilang mo yun sa 10 glasses mo.
09:38.8
Ang problema lang,
09:40.8
pag ginawa mong juice or soft drinks or kape,
09:42.8
tataba ka pa.
09:44.8
Kaya ayaw natin.
09:48.8
Meron pa ibang mga tips.
09:50.8
Sa pagkain nyo,
09:52.8
dapat regular.
09:54.8
Hindi pwede yung
09:56.8
kakain lang konti,
09:58.8
tapos sa gabi kakain ng marami.
10:00.8
Hindi maganda sa bitukay.
10:02.8
Mas maganda yung regular.
10:04.8
Umaga, tanghali, gabi,
10:06.8
high fiber foods,
10:08.8
para masanay ang tiyan natin.
10:10.8
Tulad na sinabi ko, prune juice.
10:12.8
Ito yung mga natural na laksatig.
10:14.8
Ako, prune juice, kahit
10:16.8
mga
10:18.8
1 fourth glass lang,
10:20.8
o mga 2 ounces lang,
10:22.8
madudumi ka na.
10:24.8
Hindi pwede isang basong prune juice,
10:26.8
baka mag-LBM kayo.
10:28.8
Mga 1 fourth lang na baso,
10:30.8
madudumi ka na yan.
10:32.8
Processed foods, nakakatigas ng dumi.
10:34.8
Puro protein,
10:36.8
puro yung mga
10:38.8
sugar.
10:40.8
Tulad ng mga
10:42.8
doughnut,
10:44.8
o mga pang fast food, nakakatigas ng dumi yan.
10:46.8
Physical exercise,
10:48.8
pinakamaganda, jogging.
10:50.8
Tinakita ko ba dito, jogging?
10:52.8
Jogging, exercise,
10:54.8
pinakamaganda.
10:56.8
Kasi, pag naaalog nyo
10:58.8
ang tiyan nyo, mas gumagalaw
11:00.8
ang bituka.
11:02.8
Para madumi kayo sa umaga,
11:04.8
lakad-lakad o talon-talon konti.
11:06.8
Talon-talon pwede.
11:08.8
Yung iba nga, ginagalaw-galaw yung tiyan.
11:10.8
Pwede rin yan. Kasi naaalog mo yung tiyan mo.
11:12.8
Lalo na sa mga matatanda,
11:14.8
mga senior citizen,
11:16.8
laging constipated, bakit hindi gumagalaw?
11:18.8
Tsaka mabagal na ang galaw
11:20.8
ng bituka pag senior na.
11:22.8
Kaya dapat mas i-gagalaw-galaw.
11:24.8
Minsan, after mag-exercise,
11:26.8
after mag-jogging,
11:28.8
biglang madudumi ka.
11:30.8
Naaalog gumagalaw yung bituka.
11:32.8
So, physical activity,
11:34.8
toilet routine,
11:36.8
dapat regular ang pagdumi nyo
11:38.8
everyday, same time.
11:40.8
Ito, may technique pa sila
11:42.8
sa mga may almoranas,
11:44.8
sa may anal fissure,
11:46.8
hirap makadumi.
11:48.8
Itong normal na kobeta natin,
11:50.8
minsan, hindi ganun kaganda.
11:52.8
Pwede, pero hindi diretso yung
11:54.8
angle ng paglabas ng dumi.
11:56.8
Minsan, mas maganda,
11:58.8
may bankito.
12:00.8
May bankito,
12:02.8
nakataas o yung iba,
12:04.8
nakasquat pa nga, medyo squat.
12:06.8
Para paglabas ng dumi,
12:08.8
diretso.
12:10.8
Pag ganito ang position,
12:12.8
less fecal stagnation,
12:14.8
less strain,
12:16.8
mas nakakadumi,
12:18.8
mas less constipation,
12:20.8
pati hemorrhoids, hindi.
12:22.8
Pero pag sa hemorrhoids, dahan-dahan lang
12:24.8
yung labas ng dumi.
12:26.8
Hindi mo ipilit na isang buga.
12:28.8
Kasi pag binigla mo,
12:30.8
dati pag binigla ko,
12:32.8
dudugo talaga yan.
12:34.8
Mapupunit.
12:36.8
Kung matigas, unti-unti mo ilabas.
12:38.8
Minsan, pwede palagyan ng
12:40.8
K-Y jelly.
12:42.8
Ako lagi, ako may K-Y jelly.
12:44.8
Lagyan yung paligid ng
12:46.8
puwet, pwede a little sa loob
12:48.8
para medyo madulas.
12:52.8
Kangkong pwede din.
12:54.8
Yung kangkong, meron syang malapot sa loob.
12:58.8
Ah, hindi pala kangkong, sorry. Okra.
13:00.8
Yung okra, meron malapot sa loob.
13:02.8
Mucilage yun.
13:04.8
Yung malapot na yun, maganda rin yun.
13:06.8
Para dumulas
13:08.8
ang pagdumi.
13:10.8
Iwas sa pag-strain.
13:12.8
Probiotics.
13:14.8
Bibili pa kayo ng probiotics.
13:16.8
Pero may tulong ang probiotics.
13:18.8
Suplement sya.
13:20.8
Meron mga exercise,
13:22.8
nakatulong din.
13:24.8
At minsan,
13:26.8
meron mga gamot
13:28.8
nakakatigas ng dumi.
13:30.8
Antacid,
13:32.8
para sa ulcer, nakatigas ng dumi.
13:34.8
Mga may aluminum.
13:36.8
Ang mga pain relievers,
13:38.8
nakakatigas din ng dumi.
13:40.8
So, baka meron mga tableta, mga iron.
13:42.8
Mga iron supplement.
13:44.8
Nakakaitim, nakakatigas din ng dumi.
13:46.8
Sana po nakatulong ito.
13:48.8
Mga tips natin.
13:50.8
Water intake.
13:52.8
More vegetables.
13:54.8
Probiotics.
13:56.8
At regular ang pagdumi,
13:58.8
para mas relaxed tayo.
14:00.8
Sana po nakatulong ang video.
14:02.8
Dapat pinakamaganda,
14:04.8
daily ang pagdumi natin,
14:06.8
para umiwas sa maraming sakit.
14:08.8
Salamat po.