Close
 


LAPID FIRE NI ROY MABASA (FIRST PART) JAN 13, 2023
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Usapang Sabah at iba pa!
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 35:53
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang gabi po mga kaibigan. Ngayon po ay araw ng birnes, ikalabing tatlo ng Enero 2023.
00:09.0
Muling sumasa inyo ang programang Lapid Fire ni Capper C. Lapid na inyo pong napapakinggan tuwing lunes hanggang birnes,
00:17.0
ganap na alas 10 hanggang alas 11 ng gabi dito po sa impilang DWBL 1242 sa inyo pong talapitan.
00:42.0
Ito po muli si Roy Mabasa na humalili kay Capper C upang isulong ang kanyang programang Lapid Fire na tumatalakay sa mga mahalagang issue ng bayan na atin pong pag-uusapan sa kabuuan ng ating pagtatanghal sa gabing ito.
01:12.0
Sa bayan niyo pong napapakinggan ang programang ito sa pamamagitan po ng Facebook Live doon po sa Percy Lapid Fire Facebook account,
01:32.0
pati na rin po dito sa aking personal Facebook account na Roy Mabasa.
02:03.0
Okay tayo po magpapatuloy mga kaibigan at magsisimula ng tumalakay ng ating iniandang issue sa gabing ito.
02:14.0
Kanina lang kasi marami tayong pinuntahan at ginawa, mga kinausap ng mga kaibigan at ito siguro may kinalaman sa iba't ibang bagay kasama na rin ang nangyayari sa ating kapaligiran sa larangan ng politika.
02:33.0
Isa sa mga tampulan ng aming mga napapagusapan kanina ang tungkol doon dito kay former Sen. Laila de Lima.
02:45.0
At inaasahan natin na ginawa ay makita ng pamahalaang Marcos na itong pagkakapiit kay former Sen. de Lima ay isang napakalaking injustice mga kaibigan.
03:04.0
At paulit-ulit natin sasabihin yan sa pagkat ang kaso na isinampah kay Sen. de Lima ay gawagawa ng kunsinong mga demonyo.
03:18.0
May mga kaibigan na hindi natin alam kung ang mga anyo nito ay kunyari tao lang pero ang totoo mga budhi at kaisipan ay mga demonyo.
03:34.0
May nakakausap din na isa pang kapitagpitagan na kao kanina at sinasabi niya na inaasahan nila sa loob ng susunod na panahon ay mapapalaya na itong Sen. de Lima sa pamamagitan daw ng pagbibigay ng bail.
04:00.0
So nawa yan ay mangyari sapagkat kapag yan po ay nangyari mga kaibigan palagay ko medyo magahalo ang balat sa tinalupan.
04:13.0
Kasi pabayaan nyo naman ang taong ikinulong ninyo dahil sa gawagawang kwento ay mabigyan ng justisya at siya ay humanap ng justisya para sa sarili niya sapagkat ito naman ay abugado rin, isang magaling na human rights lawyer.
04:32.0
So inaasahan natin yan araw ay dumating sapagkat sa kadiliman na kinakaharap natin ngayon magiging balance of power itong si former Sen. de Lima.
04:49.0
Kaya kayong mga maitimang budhi na sa likod ng kanyang pagkakakulong sana maganda-handa na rin kayo mga kaibigan."
05:14.0
Sabi nating balance of power dahil pwede rin naman itong si Sen. de Lima ay siyang mismong mag-represent sa mga kaso na dapat isampa sa former administration.
05:44.0
Kaya inaasahan natin magkakaroon siya ng pagkakataon na tumulong sa pag-usad ng kasong yan sapagkat naniniwala tayo sa kakayahan at galing nitong si Sen. de Lima.
06:14.0
Bueno mga kaibigan, tayo pupunta sa isang usapin kasi mahalaga ito dahil may kinalaman sa ating ugnayan sa kapitbahay natin sa ating paligid.
06:32.0
Nung isang taon po, ito yata kung di ako nagkakamali ang early part of 2022, ay inutusan ng isang korte sa Pransya, ang pamahalaan ng Malaysia,
06:50.0
na magbayad ng US $14.9 billion dito po sa mga tagapagmana ni Jamalul Kiram II.
07:04.0
Siya po yung unang-unang sultan ng Sulu dahil sa paglabag ng gobyerno sa Kuala Lumpur sa isang international at pribadong kasunduan sa Paupah.
07:20.0
So mamaya ipaliliwanag natin yan. Pinagbigyan po ng korte sa France ang kahilingan ng heirs, ito yung mga tagapagmana ng Sultan of Sulu, matapos ihinto o huminto ang Malaysia sa pagbabayad ng taonang session money.
07:41.0
Ang halaga nito ng mga panahon na iyon ay PHP 5,300. Ito ay ibinibigay kung di ako nagkakamali, kung hindi buwan-buwan, taon-taon sa mga tagapagmana ng Sultanate.
07:58.0
Parang kakapirasong pinapay lang itong ibinibigay sa kanila, pinutol pa.
08:04.0
Ngayon ito pong gobyerno ng Pilipinas nung lumabas ang desisyon na yan, sa ilalim na nga po, doon pa kay Duterte kasi early part of 2022 hanggang pumasok na po ito si BBM, hanggang sa ngayon patuloy pa rin nilang pinag-aaralan...
08:24.0
... kung anong posisyon ang kanilang gagawin o representasyon ang kanilang aakuin upang pumapel dito sa napaka-kontrobersyal na desisyon tungkol sa Saba.
08:39.0
Gusto mo nang tiyakin ng administration nito si BBM na ang pagpasok ng Pilipinas sa usapin ito ay kung may kinalaman ba sa ating patuloy na pangangkin sa teritoryo, yung tinatawag natin sa Baclaim, o ito ay simple usapin lamang ng pag-aari ng mga tagapagmana ng Sultanate of Sulu.
09:06.0
So yan ang mga areas na tinitignan ng Marcos administration kung saan sila lulugar diyan.
09:14.0
Pero kaiba ang dialog ng kanyang ate si Manay Aimee sa usapin ito dahil gusto nitong malaman kung bakit tilaan niya napakahina ng posisyon ng gobyerno sa usapin ng Saba claim, lalo na sa naging desisyon ng Korte sa France na nagbigay ng award dito sa mga heirs ng Sultanate.
09:43.0
So ang ginawa ni Manay Aimee, ni Manang Aimee noong 10 August na karaang taon habang dumaraan sa Commission on Appointments itong si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, abay sabi ni Aimee, kine-question ni Aimee ang pagiging umanuy-uwik nitong si Enrique Manalo.
10:12.0
Sabi niya, mahina ka pala, ganoon. Kung ako tatanong ninyo dahil tayo matagal din nag-cover sa Department of Foreign Affairs, talaga usap-usapan sa loob at labas ng kagawara na yan ang pagiging wik nitong si Manalo sa napakaraming issue.
10:39.0
Kasama na yan hindi lang tungkol sa Saba claim. Bibihira mo ring maringgan ng ni Aimee o si Manalo kapag pinag-uusapan ay tungkol sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.
10:57.0
Talagang ang hirap pipitin po na ito, parang humuhugot ng bayawak sa lungga mga kaibigan. Ganoon kahirap pagsalitain yan. Kaya ang payo natin sa kanya sir, wag kang patay-patay at sige ka may nag-aabang sa pwesto mo na andyan lang sa mga gilid mo.
11:22.0
So kailangan magpakitanggilas ka naman. Hindi naman na display lang ang iyong pagupo sa DFA. Kailangan may pangil ka rin kahit papano.
11:52.0
Kailangang kukulangin ang isang libro para maisulat mula sa pagkat maraming naganap, maraming nagsalita sa loob ng halos 500 taon mga kaibigan.
12:07.0
So sisimula natin ang timeline. Kailan ba nagsimula itong usapin na ito? So noong 1640 mga kaibigan, kinilala ng España, tayo ay nasa ilalim ng España, ang isang kasunduan sa pagitan ng mga Sultan ng Sulu at Maguindanao para sa kalayaan ng dalawang sultanate na ito.
12:33.0
So meron tayong dalawang sultanate. Ito yung Sulu at Maguindanao. Noong 1704, ang Saba, ang dating pangalan nito ay North Borneo, ay nadating pinamumunuan po ito ng Sultan ng Brunei, yun pong mga Bolquilla. Hanggang ngayon Bolquilla pa rin yung nakaupo dyan.
12:58.0
So yung Sultan ng Brunei noong 1704 ay ibinigay sa Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram II, iyong lupain ng North Borneo bilang pasasalamat po sa pagtulong nito na supilin yung isang pag-aalsa o rebeliyon na nangyayari sa Brunei noong mga panahon na iyon.
13:25.0
So ito ang tipo ng relasyon ng mga panahon na iyon. Pag kinamot mo yung likod ko, makati, kamotin mo yung likod ko, bibigyan kita ng lupa. Lalo na ito, rebeliyon. Isipin ninyo mga kaibigan, nag-rebeliyon at sasakupin sila kaya tinulungan sila ng sultanate ng Sulu kaya sila nakalibre, nakalaya sa rebeliyon.
13:51.0
So binayaran sila ng kapalit, ito nga po yung North Bruneo na ngayon ay mas kilala natin na Saba.
14:22.0
Kinatawan po ito ng isang Englishman na si Alfred Dent. Kasama po niya yung isang German na si Gustavus Baron de Overbeck na sa ilalim ng isang kasunduan na tinatawag noon Padjakan.
14:44.0
Padjakan ay Malay word na ang ibig sabihin ay lease o upah.
14:51.0
So kapalit po ng lease agreement ang pagbabayad ng kumpanyang Britannia ng halagang 5,300 piraso ng Mexican na ginto kada taon po doon sa kaharihan ng Sulu o sultanate ng Sulu. So malaking halaga yan noong panahon na yan, 5,300 piraso ng Mexican gold.
15:19.0
Alam niyo naman yung mga panahon na yan ang isa sa pinakamalalaking maglalayag ay itong mga Meksikano. Hindi ba yung ating galleon trade ay na-establish si Meksikan. Sano po natatandaan ninyo.
15:49.0
At nang matay po si Sulu Sultan Jamalul Kiram II. Ito na yung heir na rin ito. Nang matay ito, tumigil. So ang nangyari, yung prinsipe ng Sulu na si Sultan Pundjungan Kiram ay pumunta sa konsulado ng Britannia dito sa Maynila.
16:16.0
Pumunta siya kasi di na sila nakakatanggap nga naman ng bayad. So siya lumuwas ng Maynila. Ang tawag riyan noon, luwas ng Maynila upang hilingin ang pagpapatuloy daw ng pagbabayad.
16:46.0
I-recommend na ng British Consul sa Maynila ang pagsuspinde ng pagbabayad ng UPA. Alam niyo kung bakit? Anong taon yan? 1936. So nandyan tayo sa panahon na yan. Dahil hindi kinilala ni Pangulong Manuel L. Quezon itong pumalit kay Jamalul Kiram II.
17:11.0
So hindi niya kinilala, hindi na rin nagbayad itong mga Britannia, mga kaibigan itong mga British.
17:42.0
So kinilala po yan ng isang desisyon sa hukuman ng North Borneo. Pagkatapos ng desisyon ng Korte, sumunod ang British North Borneo Company sa loob ng ilang taon na ibig sabihin kinilala rin niya. Pero in between that may problema pa rin.
18:04.0
Fast forward tayo sa 1962. Ito ang panahon na ng Presidente ay si Diosdado Macapagal, ang tatay ni Aling Gloria.
18:18.0
So nangyari po mga kaibigan, pinagkalooban po ng mga tagapagmanan ng Sulu, Sultanate, ang gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ni Macapagal ng isang legal authority.
18:34.0
Kasi may problema na, strategy ito, may problema kami hindi namin kayang isolve. Siguro binigyan nila ng authority itong gobyerno ni Diosdado Macapagal para mamagitan para sa kanila. Iyan ang nangyari.
18:49.0
Kasunod nito ay sinimula naman nitong si Macapagal ang paghahain ng claim ng Pilipinas sa soberenya, hurisdiksyon at pagmamayari ng North Borneo o ng Saba noon pong June 22, 1962.
19:10.0
Ito ay sa pamamagitan ng isang diplomatic note ng Department of Foreign Affairs kung saan iginiit ng Pilipinas na inaangking ng mga kaanak ng Sultan ng Sulu ang Saba at nais nilang mapabilang ito sa teritoryo ng Republika ng Pilipinas.
19:33.0
So ganoon po yung development at that time. Siguro dahil nahihirapang makipag-deal itong mga sultanate heirs, lumapit sila sa gobyerno.
19:46.0
At ang ginawa ng gobyerno, inirepresent sila at sinasabi na itong mga ito ang may-ari at kami nagkiklaim din ng aming hurisdiksyon, soberenya at pag-aari sa napakalaking lupainayan ng Saba.
20:04.0
So dumating po yung 1963, a year after, matapos matamo ang kalayaan mula sa Britania, nabuo po yung bansang Malaysia. So 1963 pala sila nabuo at ang Saba ay isinama bilang bahagi nila.
20:28.0
So huminto na ang pagbabayad ng British North Bordeo at inilipat na nito ang obligasyon sa bagong tatag na Federation of Malaysia.
20:44.0
So yan ang nangyari. Inaakuna ng bagong pamahalaan, ang Malaysian government na katatatag lang noong 1963, inaakuna nito ang pagbabayad. Ngunit ito ay nareduce.
20:59.0
Mula doon sa salapig ginagamit ng mga naunang panahon, ito ay naging ringgit na lamang. Ibig sabihin naging bulenggit na rin ang halaga ng UBA. Kasi sino ba naman nakakakilala sa ringgit at that time mga kaibigan?
21:16.0
Malayong malayo naman ang ating peso ay mas kilala kesa sa ringgit ng panahon na yan. So in 1964, sinulatan nito si Presidente Macapagal, si Malaysian PM Tungko Abdul Raman...
21:36.0
... Sabi niya dali na lang natin sa World Court o International Court of Justice ang issue ng Saba. Kasi merong hindi pagkakasundo, kaya pag hindi magkasundo dali sa Korte. Ito naman ay sa World Court or International Court mga kaibigan.
22:00.0
Pero sa sinawing palad mga kaibigan obviously hindi ito natuloy at natapos na lamang ang termino nito si Diosdado Macapagal na hindi naayos ang gusot. So fast forward tayo to 1968 mga kaibigan.
22:18.0
Noong 1968, ito ay isang napaka-importanting bahagi ng ating kasaysayan. Noong 1968, bumuupo si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ng isang lihim na puwersa na kinabibilangan ng mga Filipino Muslims...
22:39.0
... ang objective nito ay paraagawin ang Saba mula sa Malaysia mga kaibigan. Ganoon po talaga mag-isip si Ginoong Marcos. Mamaya sasabihin ko sa inyo kung ano pa ang isang ginawa niya na halos kapareho niyan.
22:57.0
So bumuupo siya ng grupo. Pero ang problema noong tinetrain na itong mga ito, may nagreklamo doon sa mga ni-recruit mga kaibigan kasi mga bata pa itong ni-recruit na ito.
23:12.0
So ang nangyari, nagreklamo sila. Alam nyo nagkaroon ng insidente na ang tawag ay Javida massacre. Yan po ay kasama diyan itong mga recruit na ito at 23 sa kanila ang namatay mga kaibigan.
23:33.0
So nung ito po ay sumambulat itong balita na ito, abay nagalit ang Malaysia mga kaibigan. So ayon doon sa isang libro na ang title ay Under the Crescent Moon, Rebellion in Mindanao...
23:52.0
... at niya kinupkok at tinulungan ng Malaysia ang mga rebelling Moro National Liberation Front. Bilang gante dito na nagsimula mga kaibigan 1968.
24:06.0
Karamihan sa mga ito ay nag-training sa Saba. Ito ang MNLF na kinabibilangan unang-una nila Nur Misuari kung inyong natatandaan mga kaibigan.
24:22.0
So magbula ng panahon na iyon, sunod-sunod na yan talagang maligalig na sa bandang area ng ating bansa, sa South. Panay na ang patayan, bombahan. At 1977, panahon pa rin ito ni P. Marcos Sr.
24:52.0
Ito ang Association of Southeast Asian Nations. Doon mga kaibigan ay inihayag ni P. Marcos ang plano na ang Saba ay isuko sa Malaysia mga kaibigan.
25:10.0
So alang-alaw daw po iyon sa pagkakaisa ng kabubuo lamang o ng 10-year-old ASEAN. Ito ang association ng mga bansa sa Southeast Asia. Tayo po ay isa sa 10 membro ng association na yan at tayo ay isa sa mga founding members mga kaibigan.
25:35.0
So sa mahabang panahon, walang nangyari sa Saba claim na yan ng mga heirs ng sultan. Kaya po noong 1999, sino ba ang presidente noon mga kaibigan? Hindi po ba si Joseph Estrada?
25:50.0
Sumulat po yung prinsesa. Ang pangalan niya ay si Prinsesa Denchurain Kiram. Anak po siya ni Prinsesa Tarjata. Sumulat po sila kay Malaysian Prime Minister Mahathir Muhammad at ito ay pinadaan nila kay Pangulong Joseph Estrada.
26:13.0
Mga kaibigan, siguro ito yung mga kung hindi bilateral meeting between the Philippines and Malaysia, ito ay maaaring isang pagtatagpo siguro sa ASEAN meeting o iba pang mga meeting international na dinalohan itong si Pangulong Estrada during that time.
26:33.0
Ang laman po ng sulat na iyon mga kaibigan, 1999 ito, ang laman ng sulat na iyon ay humihiling itong tagapagmanan ng Sultanate ng Sulu ng pagtaas sa tao ng UPA.
26:51.0
Gusto nila, tumaas ang UPA, sana naman ipagbigyan nyo kami dahil parang kakarampot lang ang tinatanggap nila mga kaibigan. So noong 2003, walang nangyari doon, 1999, hindi sila pinansin, wala silang natanggap.
27:08.0
Noong 2003 mga kaibigan, that was four years after, muli na naman nagpadala ang mga heirs ng Sultanate ng panibagong sulat sa pamamagitan naman ni Aling Gloria na presidente na noon.
27:22.0
At sa sulat na iyon, humihiling na naman ang heirs na ito sa pamahalaan ng Malaysia na taasan ang UPA. So ibig sabihin, dalawa na ito na hindi sila pinapansin.
27:38.0
Ang masakit nito mga kaibigan, 2003, five years after, kumalat ang fake news. Hindi nga ako makapaliwala nung binabasa ko ito mga kaibigan, 2008 pala uso na ang fake news.
27:54.0
Isipin nyo, kumalat ang fake news na nagsasabi na binitawan na raw nitong pamilya o nitong heir ng Sultanate ng Sulu ang kanilang claim sa Sabah.
28:09.0
So galit na galit ang pamilya. Sabi nila, isang malaking kasanud kasinungalingan yan. Sabi nila ganoon mga kaibigan, talagang nagsisisigaw sila sa galit.
28:39.0
So nilusob nila yung Sabah, galing sila sa Tawi-Tawi at sinakop nila yung isang lugar dyan sa lahat dato para igiit ang pag-aangkin ng kanilang mga ninuno at angkan dyan sa Sabah.
29:08.0
Ang masakit dyan mga kaibigan, yung paglusob na yan ay kumantong sa isang standoff sa pagitan ng mga lumusob at mga pwersa ng Malaysia na nagtapos sa pagkamatay ng 56 na militante at 10 Malaysian security forces.
29:34.0
Yan ang pinagtapusan yan. So siyem, dito sa mga lumusob ay nahatulan pa ng bitay sa Malaysia. So parang ang nangyari dito ay last ditch effort na po yan dahil sunod-sunod na po ang kanilang kabiguan sa buhay.
29:56.0
So ang ginawa nila noong 2018 mga kaibigan, very recent lang ito dahil 23 ngayon. So 5 years ago, almost 5 years ago, naghahain ang mga tagapagbana ng Sultanate of Sulu ng isang international na kaso o ito ang tinatawag na arbitration dito po sa bansang Paris laban sa gobyerno ng Malaysia.
30:25.0
Alam niyo sa pamamagitan po ng kanilang abogado na isang British national, kumingi ng kabayaran ang mga tagapagmana para sa mga nahintong pagbabayad ng session o UPA at sinasabing nilabag ng British Borneo Company ang kasunduan maging itong Malaysia.
30:50.0
So yan ang nangyari 2018. 2019, bumisita dito sa ating bansa si PM Mahathir Muhammad. Talagang iginigit niya. Tinanong kasi siya dito sa television sa ANC, napanood ko ito.
31:08.0
Tinanong siya tungkol sa claim ng natin sa Saba. Alam mo ang sabi ni Walang Gatol na sinabi ni PM Mahathir na wala anyang claim ang Pilipinas sa Saba.
31:38.0
That's the position of Malaysia but the position of the President meron tayong claim. Yan lang sinagot niya mga kaibigan. Wala naman siyang sinagot na iba pang explanation, sinabot lang niya may claim. Nasaan?
32:08.0
Sa loob ng Department of Foreign Affairs kasi ito pang kanilang sekretaryo si Teddy Boy Luxin ay inaway mga kaibigan sa Twitter ang Embahada ng Amerika.
32:38.0
Kaya nagputok ang butsya at uminit ang ulo ni Teddy Boy mga kaibigan at inaway ang US Embassy. Alam niyo, pumasok rin diyan isang membro ng Bangsamoro Parliament dito yan sa ating lugar sa Biddanao.
33:00.0
Sabi niya, tama lang na igit na ng Pilipinas ang karapatan nito sa Saba pero dapat idaan nito sa diplomasya. Alam niyo naman noong panahon ni Digong, kanyang foreign affairs sekretary si Luxin wala pang ginawa yan kundi mag-Twitter.
33:19.0
Ang trabaho niya sa Twitter maghapon po yan, magdamag pa. Madaling araw nakikita ko mga kaibigan nag-tweet siya kasi pinagmamasdang ko ang kanyang tweets.
33:49.0
Hindi po ba? Marami talagang nabubuhisit kay Teddy Boy ng mga panahon na iyon dahil sa kayabangan. Nakakala mo siya lang ang pinakamarunong na tao sa buong mundo. Marami na din sumupalpal kay Luxin dahil sa kayabangan niya.
34:08.0
Kasama na ang inyong lingkod mga kaibigan. Dahil bihirang nakakausap ng media yan si Luxin, palagi umiiwas yan. Pag nakikita namin yan dumadaan lang pero pag hahabulin mo biglang nawawala. Hindi nakikipag-usap.
34:29.0
So mas nakikita namin na mas gusto niya pang nagbababad sa Twitter. So tinanong natin yan minsan. Nainis sa atin yan pero nagtataka ko bakit siya nainis sa atin.
34:41.0
Tinanong natin siya sapagkat noong nagkaroon ng sigalot sa bansang Libya, nagkaroon ng civil strife, civil war. Siyempre na-alarma ang pamilya ng ating OFW. Tinanong ko siya sa Twitter, nag-tweet ako.
34:59.0
Tinatanong ko siya kung ano ba ang plano ba ng Philippine government na itaas o maglikas ng mga kababayan natin at itaas ang alert level sa mas mataas na numero para ang mga Pilipino ay makapaganda.
35:16.0
Nagalit si Teddy Boy mga kaibigan. Minura ko ng PI. So hindi ko maintindihan bakit siya magagalit. Tinatanong ko naman siya ng isang legitimate question. So ang ginawa ko binalik ko sa kanya ang PI.
35:32.0
Tinabi ko sa kanya tinatanong kita ng maayos, huwag ka magmumura, PI ka rin. Kailangan dyan sa mga ito. Gugulatin mo rin paminsan-minsan para malaman nila kung saan nakalagay ang mga paa nila.