Close
 


Bakit Dito Ang Perfect Na Libingan Ng Mga Eroplano?‌
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa isang desyerto sa Amerika ay makikita ang napakaraming eroplano. Ito ay isang Boneyard, o libingan ng mga eroplano. Approximately nasa 4000 aircrafts ang nakaimbak dito. Dahil diyan itinuturing itong pinakamalaking libingan ng mga eroplano sa mundo. At alam nyo ba, nasa $34 to $35 Billion ang estimated na halaga ng mga eroplanong nakatambay dito. Ano kayang meron sa lugar na ito bakit sinasabing perpekto itong pag-imbakan ng napakaraming eroplano? Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair
Awe Republic
  Mute  
Run time: 05:47
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa isang disyerto sa Amerika ay makikita ang napakaraming eroplano. Ito ay isang boneyard o libingan ng mga eroplano.
00:14.7
Napakalawak ng boneyard na ito. May land area na 10.5 square kilometers. Halos kasing laki ito ng buong syudad ng Navotas.
00:24.3
Approximately nasa 4,000 aircrafts ang nakaimbak dito. Dahil dyan, itinuturing itong pinakamalaking libingan ng mga eroplano sa mundo.
00:34.8
At alam nyo ba, nasa $34 to $35 billion ang estimated na halaga ng mga eroplanong nakatambay dito.
00:43.0
Ayon sa mga eksperto, ito daw ang perfect na lugar na pagimbakan ng mga eroplano.
00:49.3
Ngunit kung titignan natin, hindi naman simentado ang pinagpaparkingan ng mga eroplano.
00:54.3
At nakabilad pa ang mga ito sa matinding init ng araw ng disyerto.
00:59.9
Hindi kaya madaling mabulok at hindi na mapakinabangan ang bilyong halaga ng mga parts ng mga eroplanong nakatambak dito?
01:07.6
Ano kaya meron sa lugar na ito? Bakit sinasabing perfecto itong pagimbakan ng napakaraming eroplano?
01:16.9
Sa Tucson, Arizona sa Amerika, matatagpuan ang lugar na kung tawagin ay The Boneyard,
01:23.7
na ang ibig sabihin ay graveyard o sementeryo.
01:27.4
Pero hindi mga puntod ang makikita dito, kundi mga eroplano.
01:32.3
Ito ang 309th Aerospace Maintenance and Regeneration Group o AMARC,
01:38.3
isang maintenance at storage facility kung saan dito dinadala ang mga sirang eroplano ng Amerika.
01:45.1
Nakalagak dito ang libu-libong aircraft at 13 aerospace vehicles mula sa U.S. Air Force, Army, Coast Guard,
01:53.7
Navy, Marine Corps at maging sa NASA.
01:56.9
Naitatag ang AMARC noong 1946.
01:59.9
Pagkatapos ng World War II, kinailangan ang U.S. Army ng lugar na mapaglalagyan ang mga lumang eroplano.
02:06.2
At noon nga napili ng mga experts ang 10.5 square kilometers na disyerto sa Tucson, Arizona
02:13.3
dahil ito daw ang perfectong lugar na pagimbakan ng mga aircraft.
02:18.2
Bakit nga ba?
02:21.5
Bukod kasi sa lawak nito,
02:23.3
nakasya daw ang halos 2,000 football field na kaakma rin ang kondisyon ng lupa at klima sa lugar para sa pagpreserve ng mga eroplano.
02:33.1
Perpekto daw ang mainit na klima dito at ang madalang na pagulan ng disyerto.
02:38.5
Mababa ang humidity level kaya hindi prone sa korosyon.
02:42.7
Ibig sabihin, hindi mabilis kainin ang kalawang at mas madaling ipreserba ang mga eroplano.
02:48.8
May kinalaman din ang komposisyon at uri ng lupa dito kung bakit.
02:53.3
At dahil nga, malawak na disyerto at mababa ang value ng lupa, mas nakakamura din ang mga ibang nangyayari.
02:56.5
Ang alkaline soil kasi nito ay halos singtigas ng konkreto, kaya hindi po problemahin ang paglubog ng mga eroplano.
03:04.6
Hindi na rin kailangan gumawa pa ng mga kongkretong rampa, kaya malaking katipiran ito.
03:10.2
At dahil tuyo at mababa ang acidity ng lupa, nakakatulong ulit ito para maiwasan ang korosyon.
03:16.8
At dahil nga malawak na disyerto at mababa ang value ng lupa,
03:21.1
mas nakakamura din ang mga ibang nais mag-rent at maglagak ng eroplano sa airbase.
03:29.3
Bilyon-bilyon ang halaga ng mga eroplanong nakatambak dito,
03:33.4
kaya mayroong nasa 800 na mekaniko ang nagtatrabaho dito upang ayusin ang mga makina at iba't ibang bahagi ng eroplano upang muli pa itong mapakinabangan.
03:44.4
Nagsisimula ang lahat sa maingat at mabusising preservation process bago ilagay ang mga sasakyan sa disyerto.
03:51.3
Una ay tinatanggalan ito ng gasolina at nilalagyan ng oil ang makina para ma-preserve ito.
03:58.3
Pinipinturahan din ito ng itim na base color para ma-seal ang aircraft.
04:03.1
Pagkatapos ay pinapatungan na ito ng puting pintura para imbes na ma-absorb ay ma-reflect ang init ng araw at ma-protektahan ang laman ng aircraft.
04:12.8
Ang prosesong ito ay ginagawa nila sa isang eroplano every 4 years.
04:18.2
At sa ganitong paraan ay naihahanda ang mga disyerto.
04:21.1
Ang mga sasakyan para sa pagkakataong kailanganing buhayin at paanda rin ulit ay nakaready na ang mga ito.
04:27.9
May isa pang paraan kung paano tila binubuhay muli ang mga sasakyang panghimpapawid.
04:33.4
Ang AMARG kasi ay nagsisilbiring supply center para sa mga parts ng aircrafts.
04:38.6
Karaniwang nagsusupply sila ng 4,000 hanggang 7,000 parts kada taon.
04:43.9
Libo-libong parts na nagbibigay bagong buhay sa iba't ibang aircrafts sa buong mundo.
04:49.4
At ang ilan pang mga sasakyan ay nabibigyan ulit ng panibagong buhay kapag ginagamit ito bilang instructional aircraft,
04:57.2
target sa mga army o air force ranges, o di kaya'y display sa mga museum.
05:02.9
Pero para sa ilang aircraft na hindi na talaga kayang mabuhay o maremedyohan,
05:07.5
ang AMARG ang nagsisilbing kanilang huling hantungan.
05:11.1
Minamarkahan ng D ang mga sasakyan at ipinapasa na sa third party na magsasagawa ng destruction.
05:17.4
At muli ay maingat ng mga sasakyan.
05:19.4
At dahil karamihan sa mga aircraft dito ay pang-militar,
05:26.2
sinisiguro nila na ang mga materyales at teknolohiyang taglay nito ay hindi mapupunta sa mga masasamang tao.
05:33.8
Kung nagustuhan nyo po ang content natin ngayon, mag-comment ng Big Yes!
05:38.2
This is your Ate O from Our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!