Close
 


Malapit nang maubos ang magsaysay bridge | Nlex Slex Connector | Magsaysay Boulevard
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#magsaysaybridge #decommissioning #buildbuildbuildproject #dutertelegacy
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 06:35
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Good morning guys! So ngayong araw ay pupuntahan naman natin ang ginagawang decommissioning sa lumang flyover na dekada nang ginagamit ng maraming motorista.
00:15.0
So kailan kaya ito itinayo at bakit kinakailangang i-demolish ang tulay na ito?
00:21.0
So lahat yan ay atin pong aalamin pati na rin ang ilang detalye ng proyekto kaya samahan nyo po ako. Tara!
00:30.0
At makalipas ang ilang minutong biyahe ay narating na po natin itong Magsaysay Boulevard dito sa Santa Mesa, Maynila.
00:50.0
Dito ay makikita natin itong Magsaysay Bridge na kasulukuyang ginigiba para magbigay daan sa ginagawang North and South Luzon Expressway o NLEX-SLEX Connector Road.
01:08.0
Itong Magsaysay Boulevard ay ang daanan ng mga sasakyan na nagmumula sa Quezon City, Mandaluyong at San Juan papunta dito sa Maynila.
01:18.0
At ngayon ay ramdam na ramdam ng mga motorista ang bigat ng daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour dahil sa ginagawang demolisyon o yung tinatawag din na decommissioning.
01:32.0
Pero kahit isinasagawa ito ay maaari pa rin makadaan ang mga motorista sa katabi nitong service road.
01:40.0
At isa din sa naisip nila para mabawasan ang traffic ay ang pag-counterflow o pinapadaan muna nila sa southbound lane ang mga motorista na dapat ay dadaan sa northbound lane.
01:52.0
At bukod pa dyan ay mas marami ang aktividad sa gabi para maiwasan ang bigat ng daloy ng trapiko.
01:59.0
Ang mag-size hybrids na ito ay itinayo sa Administrasyong Marcos noong 1970 at malaki ang pakinabang nito sa mga motorista ang dumadaan dito.
02:17.0
So dito ay makikita po natin itong PNR, PNR na PNR.
02:24.0
So dito ay makikita po natin itong PNR at sa katabi nito ay dyan din dadaan po itatayo ang mga poste ng NLEX-SLEX connector hanggang sa bahagi ng EspaƱa.
02:38.0
So kinakailangan talagang gibain itong mag-size hybrids para kumasya yung NLEX-SLEX connector sa taas nito o sa ilalim itong LRT Line 2.
03:08.0
Makikita din natin sa gilid nitong Magsaysay Boulevard itong Altura Market na ayon sa mga nakausap natin dito ay kasama ito sa mga ididemolish para sa pagpapalawak nitong kalsada.
03:33.0
Dalo na dito ang mga banketa tatanggalin po. Eh ngayon, eh nung sabi po namin baka yung iba hindi na rin magtitinda kasi may mga edad na rin eh.
03:42.0
Kaya po yung DPWH, kailan po, nung kailan lang pero nung isang taon pa, nagsukat po sila dyan.
03:48.0
Basta po hintay lang daw yung notice at magpapatawag sila sa lahat ng mga residente.
03:53.0
Kasi noon nagpa-meeting sila para lang dun sa tulay, yung tulay nagigiba yan.
03:58.0
Importante, importante po yung Altura Market dahil isa pa po, malapit po kami sa palengke ay yan po yung napapakinabangan namin.
04:07.0
At least po kami rin, may mga tindaan dyan, nakakapagtinda kami, eh kawawa rin naman po yung mga nagtitinda.
04:14.0
Kasi yan lang po ang nabuhay nila.
04:17.0
At dahil sa nasira ang SD card ng ating kamera ay hindi ko na po maipapakita yung ilang mga video kung saan naglalakad tayo dito sa bahagi ng Altura Market na idedemolish din at yung iba pang mga video. So sayang po.
04:48.0
Itong Redevelopment Project at ang NLEX-SLEX Connector ay parehong naglalayon na maibsan ang trapiko sa Metro Manila
04:58.0
at mapabuti ang daloy ng mga sasakyan sa mga nakapaligid na lugar nito kasabay ng paglilipat ng mga poste ng ilaw at kuryente.
05:08.0
Kapag nakompleto na ang redevelopment ang Magsaysay Boulevard ay makikita natin ang mas malawak na daan para sa mga sasakyan.
05:20.0
Ito ay magiging 3.5 meters bawat lane kumpara sa kasalukuyang 2.5 meters na lapad.
05:27.0
Ang malaking pagbabago at benepisyo pag natapos na ito ay makikita natin kung paano pakinabangan ng maraming motorista at ang mga entry at exit point ng NLEX-SLEX sa iba't ibang lungsod ng Metro Manila
05:43.0
at sa pagpapalawak nitong Magsaysay Boulevard ay napakalaking tulong ito sa pag decongest ng traffic sa maliit na kalsada sa lungsod.
05:53.0
Lalala muna ang mga bagay bago bumuti ngunit hindi naman ito magtatagal.
06:02.0
Ang ilang abala ngayon ay para sa isang mas ligtas at mas mabilis na paglalakbay patungo sa hinaharap.
06:09.0
So yan muna ang update dito sa Magsaysay Boulevard at abangan nyo po ang mga susunod pa nating vlog. Maraming salamat po sa inyong panunod.