Close
 


ANG TOTOONG NAGANAP KAY STEVE IRWIN
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANG TOTOONG NAGANAP KAY STEVE, SAMA SAMA NATING TUKLASIN MGA KATINAGALOG. SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 06:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Naalala ko ito nung nakikinood pa ako sa bahay ng pinsang ko dahil may cable sila at sa bahay namin ay wala.
00:07.3
Sa isa sa channel nila ay tinatampok ang mga hayop.
00:10.8
May isang lalaki na matapang na hindi natatakot sa buwaya.
00:14.4
Ang mamang ito ay sikat na sikat sa bansa ng Australia at Steve Irwin ang pangalan niya.
00:20.5
Kaya naman lahat ay nabigla nang marinig nila ang balita ng ika-Septiembre ng taong 2006, si Steve Irwin ay namaalam na.
00:29.2
Ngunit anong nga ba talaga ang nangyari sa kanya?
00:32.4
Ito ang buhay ng tinagurian na ang Crocodile Hunter.
00:36.5
Bago pa ito nabansagan na ang Crocodile Hunter, ipinanganak ito bilang Stephen Robert Irwin.
00:43.2
Ito ay ng ika-22 ng Pebrero ng taong 1962.
00:47.8
Ito ay sa Victoria sa bansa ng Australia.
00:51.1
Bata pa lamang ay matindi na ang malasakit nito sa mga hayop na siya namang malamang nanakuha nito sa kanyang mga magulang.
00:59.2
Nang taong 1970, ang noon ay walong taong gulang pa lamang na si Steve ay kasakasama na ng ama na si Bob.
01:07.6
Ito ay sa pagpuprotekta sa mga hayop sa bansa nila.
01:11.4
Kaya naman mula sa Victoria ay lumipat ang pamilya sa Queensland,
01:15.6
kung saan ang mga magulang nito ay nagtayo ng tila ba isang tahanan para sa reptilia na tinawag naman nila na ang Beer Wax Reptile Park.
01:25.0
Sa edad na siyem na taong gulang, si Irwin ay nakikipagpambuno na sa mga buhaya.
01:31.0
Walang nagbago kahit pa nagbinata na ito.
01:33.7
Mahilig pa rin ito sa mga hayop, ngunit mas malawak na ang nasasakupan niya.
01:38.4
Kung noon ay nanunood lamang ito sa ama, ngayon ang binata na si Irwin ay sumasabak na sa pagtuklas at pangangalaga sa mga nakakalasong mga reptilia.
01:48.9
Buko doon ay nakakasalamuhan na rin niya ang mga ahas, gagamba at maging mga buhaya.
01:54.8
Kasama rin ito na nagsisilbing magulang ng mga ulilang kuala at kangaro sa nasasakupa nila.
02:01.6
Unang napansin ng Channel 10 sa Australia ang husay nito nang mapanood nila ito sa isang palatastas na gawa ni Irwin.
02:09.5
At doon ginawa nila ang sangpong oras na dokumentaryo ang buhay nito bilang isang Crocodile Hunter.
02:16.3
Ito ay ng taong 1992, kalaunan ay naging matagumpay ang kanyang show na nagsimula ng taong 1996, opisyal na na ito ay inaabangan ng masa.
02:27.5
Kailangan parehong taon kinuha na ito ng Discovery Channel.
02:31.5
Nang taong 1992 ay nakipag isang dibdib naman ito sa kanyang manager ng kanilang pinangalagaang zoo.
02:38.9
Habang lumalakad ang taon parami ng parami ang mga bansa na nahuhumaling sa istilo nitong si Steve pagdating sa pakikisalamuha sa mga hayop na kadalasan ay iniiwasan at kinatatakutan.
02:51.9
Kasabay nito ay nagkakaroon din ang malawak na kaalama ng mga tao patungkol sa dapat nilang gawin sa oras na ang sitwasyong ganito ay kanilang kaharapin.
03:02.2
Pagdating ng 2006, napanood na ang programa ni Steve Irwin na ang Crocodile Hunter sa mahigit sa isang daang mga bansa sa buong mundo.
03:12.2
September ng taong 2006, nagpunta ang grupo ni Steve sa Great Barrier Reef sa Australia upang kuhanan ang segment na ang Ocean's Deadliest o ang pinakamamatay sa karagatan.
03:25.2
Sa original na plano, ang hinahanap sana nila ay ang uri ng pating na tinatawag na ang Tiger Shark.
03:31.7
Ngunit naaliw si Steve nang makita ang isang walong talampakan na lapad na page.
03:37.7
Ayon sa crew na masama ang panahon ng panahon iyon, kaya naman hindi muna nila itinuloy ang paghahanap sa pating na original sana na pake nila.
03:46.7
Bumaba itong si Irwin sa mababaw na parte ng karagatan para malinaw na siya ay bakuhanan nang makita nito ang nakalalason at ang pinakamalaking uri ng page na ang Bull Stingray.
03:59.7
Ito ay may haba na 6.5 talampakan.
04:02.7
Ayon sa mga saksi at mismong kasama nito sa show na palagi ang inuutos sa kanila ni Steve na isa lang ang kanyang batas.
04:11.7
Kahit na anong mangyari, kahit pa nag-aagaw buhay na siya o maski papanaw na, ay huwag na huwag hihinto sa pagkuha ng kamera.
04:20.7
Kung kailangan niya daw ng tulong, ay hihingin niya iyon.
04:23.7
Kaya naman walang poknat din ang pagkuha ng kameraman, dagdag pa nito nang makita ng page na papalapit si Steve ay agad na inangat nito ang kanyang buntong.
04:33.7
Ngunit hindi rin natinag si Steve at patuloy niya ito na nilapitan at sa isang iglap isang malakas na hampas ang tumusok sa dibdib ng Crocodile Hunter.
04:43.7
Nang makita nila ito, ay agad na iinahon itong si Steve sa tubig at saka paulit-ulit na sinabihan na isipin mo ang iyong mga anak, malapit na tayo kapit lang.
04:54.7
Habang tinatangka naman takpa ng Cro ang dibdib ni Erwin na walang tigil sa pagtagas ng pulang likido.
05:01.7
Ayon sa Cro na si Justin Lawrence na kahit pa sana kung nadala nila si Steve sa ospital ay malamang na hindi na rin nila ito maisasalba pa dahil matapos ang lahat nakita sa otopsia na talagang matindi ang naging tama sa mismo puso niya.
05:18.7
Matapos na makailang beses na ito ay tamaan ng buntotpage, si Steve noon ay 44 na taong gulang lang at ang kanyang mga supling noon ay 8 at 2 taong gulang pa lamang.
05:31.7
Ihinimlay ito limang araw matapos ang insidente na kumuha sa kanyang buhay.
05:36.7
Naiwan ito ang kanyang supling na si Bindi na ngayon ay 24 na taong gulang na at si Robert na 11 na taong gulang na.
05:45.7
Kung buhay pa sana si Steve, siya ay lolo na dahil sa pagsilang ng apo niya sa panganay na si Bindi.
05:52.7
Mga katinagalog ko, isa po ba kayo sa masugid na manunood noon ng segment na ang Crocodile Hunter na Katulad Ko?
06:00.7
Ano naman po ang pinaka naaalala niyo sa taong ito?
06:03.7
Isulat po ang inyong sagot sa comment section sa ilalim upang sama-sama na ito ay ating basahin.
06:09.7
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.