Close
 


Ihi ng Ihi, Sakit ng UTI at Kidney. - By Doc Willie Ong and Doc Liza Ramoso-Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ihi ng Ihi, Sakit ng UTI at Kidney. Libreng Tips at Gamutan. By Doc Willie Ong and Doc Liza Ramoso-Ong Panoorin ang Video: https://youtu.be/asxrH2eZD3w
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 23:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Okay po, ang topic natin, maganda ah.
00:04.3
Ihi ng ihi, mga senyales, warning signs, makikita natin sa ihi.
00:09.5
May sakit ba sa kidney, may UTI ba, meron ba mga ibang sakit.
00:14.6
Tapos bukod dito, magbibigay tayo ng mga libring tips,
00:18.6
yung kaya ng prevention tips, at yung mga libring gamutan para sa kidneys at UTI.
00:24.8
Yes, Doc Lisa?
00:25.8
Yes, ang una nating talakayin eh, kulay pink ba o mapulang inyong ihi?
00:31.4
Matatakot ka na ba?
00:33.0
May mga dahilan ho yan, kadalasan infeksyon.
00:36.4
Infeksyon sa pantog, sa kidney, o kaya sa prostate.
00:41.2
O baka naman nagbike kayo, na disgrasya, na trauma,
00:45.4
syempre pipink o pupula yung inyong ihi.
00:48.6
Sobrang ehersisyon nyo, tignan nyo na rin, baka tumakbo kayo ng malayo.
00:53.8
Yung mga long-distance runners, o kaya sobrang ehersisyon.
00:58.0
Pwede rin, baka naman may regla, o kaya bagong talik, yan ho.
01:05.6
Yes, Doc Lisa?
01:06.6
Possible yan.
01:07.6
So, ang pinag-uusapan ni Doc Lisa ay kung nagpipink o nagre-red yung ihi.
01:14.6
Pero hindi naman talaga pulang-pula yung ihi.
01:17.4
Parang medyo tinge of red.
01:19.8
Syempre, pag umiihi tayo, ang katawan natin, ang trabaho ng kidneys ay ilabas yung ihi natin.
01:26.8
So, dyan dumadaan yung ihi natin sa kidneys.
01:29.2
Tapos meron tayong ureter, bababa dyan yung ihi.
01:33.2
Tapos pupunta sa bladder, sa pantog.
01:35.8
Ito yan, sa pantog.
01:37.4
So, pag sa pantog, kaya yan 500cc bago tayo maiihi.
01:43.0
Pero pag tumatanda, medyo mas konti nilang ang kakayanin, kaya mas madalas na iihi.
01:48.2
Pag 200cc, 250cc na yan, pwede ka na umiihi.
01:52.6
So, titignan natin ang forma ng ihi.
01:55.2
Malalaman kung may sakit o wala.
01:57.6
So, sabi ni Doc Lisa, pinkish o reddish yung mga possibilities.
02:02.4
Ina-explain po niya.
02:03.6
Yes, o baka naman meron kayong mga nakain, nainom na gamot.
02:07.8
At sasabihin po yan lahat ni Doc Willie.
02:11.8
Yes.
02:12.8
So, Doc Lisa, ano pa mga possibilities sa pink na ihi?
02:16.4
Tulay natin.
02:17.8
So, yung UTI, yun po ang isang cause.
02:21.4
Yan ang madalas mangyari.
02:23.8
So, titignan natin.
02:25.8
Pwede rin naman pag orange yung ihi.
02:28.8
Pag medyo kulay orange yung ihi,
02:31.4
Pwedeng refampicin, umiinom kayo ng gamot sa tuberculosis.
02:36.6
Diba, yung pala ang cause.
02:38.6
Meron naman yung ihi kulay blue o kulay green.
02:42.6
O, bihira ito.
02:44.0
Pag blue or green, baka may dye, baka kumain kayo ng gelatin.
02:49.0
O pagkain na may blue o may green na kulay, yun po.
02:54.0
Meron din mga gamot na nagkakos ng blue or green.
02:57.8
Hindi ganun kakomon ang metriptilin, indometasin, at propofol.
03:03.0
Yes, Doc Lisa?
03:05.0
Okay.
03:06.0
Urinalysis na ba ako?
03:08.0
Yes, pwede. Explain mo urinalysis.
03:09.6
So, yung urinalysis po, bibigyan po kayo ng lalagyan ng laboratory.
03:14.0
Kung doon kayo iihi.
03:16.0
Pero kung sa bahay naman kayo iihi,
03:18.4
Meron hong nabibili na malinis na sisidlan o lalagyan.
03:22.4
Mura lang po sa lahat ng botika.
03:24.4
Wala pa hong P30 pesos.
03:26.0
Ang sinasabi ni Doc Lisa,
03:27.6
Pag urinalysis,
03:29.4
Pag meron kayong sintomas, nagbago kulay, nagbago amoy,
03:32.4
Papacheck ng urinalysis.
03:33.8
Mura lang, P50 pesos, P100 pesos.
03:36.6
Marami nang makikita.
03:38.2
Naturo ni Doc Lisa, ano yung,
03:40.0
Paano pag-submit,
03:41.4
At ano yung makikita sa urinalysis.
03:43.6
Okay.
03:44.2
Pag yun hong medtech ang pumunta sa bahay ninyo,
03:46.8
May pagkakataon pa ho kayong maghugas
03:49.2
ng maserang bahagi ng katawan.
03:51.2
Ngayon, kung pupunta naman kayo doon sa laboratory,
03:54.2
Maghugas na ho kayo,
03:55.6
Bago kayo umalis ng bahay.
03:57.6
So, ganito po.
03:58.8
Gamit lang ho, tubig,
04:00.2
Tapos yung mild soap, yung gamit ninyo sa katawan nyo,
04:02.8
Tapos babanlawan,
04:04.4
At tutuyuin maigi.
04:06.2
Kapag sasahod na kayo ng ihi,
04:08.8
Itapon niyo muna yung unang ihi.
04:11.4
Kunin niyo yung gitna ang ihi.
04:13.4
Para yung mga contaminants o yung mga dumi,
04:16.4
May maitapon muna.
04:17.6
Kasi mas tama,
04:18.8
Pag yung gitna ang inyong isinahod.
04:21.2
Ano ba yung mga binabantayan natin?
04:23.6
Paglabas naman yung resulta.
04:26.0
So, titindan ho kung may WBC,
04:28.6
Kung may bakteria.
04:29.8
Ibig sabihin, nagka-infection tayo.
04:32.2
At dyan ho tinitindan yung kulay ng ihi.
04:35.0
Pag RBC naman kasi,
04:36.8
Pupula yung ihi.
04:37.8
Red blood cell.
04:38.8
Oo, red blood cell.
04:40.0
Pero minsan hindi kita ng mata natin.
04:42.4
Yung microscope lang ang nakakakita.
04:45.2
Kaya magkakaroon din ho ng reading kung merong RBC dyan.
04:49.4
Tapos titindan nyo rin ho kung meron mga protina.
04:52.8
Kasi para sa kidneys po yun.
04:55.0
Kung may sugar naman at ketones,
04:57.4
Para sa diabetes naman yun.
04:59.8
So yun ho yung mga tinitindan natin.
05:02.4
Kung concentrated din ba.
05:04.0
Ano bang specific gravity?
05:05.6
Baka kinukulang kayo sa pag-inom ng tubig.
05:09.0
Okay, ulitin ko lang yung sinabi ni Doc Lisa.
05:11.8
Magdadagdag lang ako.
05:12.8
So, depende sa result ng urinalysis,
05:15.2
Marami na kayong makikita doon.
05:17.6
Sa kulay, sa amoy.
05:19.6
Mamiya, i-explain natin.
05:21.2
Kung maraming white blood cell,
05:23.4
Ibig sabihin, may infection kayo doon.
05:25.8
Kailangan UTI yun.
05:27.6
Okay, didiscuss ni Doktora mamiya.
05:29.6
UTI,
05:30.6
Pag meron kayo nakitang red blood cell sa ihi,
05:34.0
Dugo yun.
05:35.6
Kahit ang tingin mo sa ihi,
05:37.4
Medyo light pink lang, dugo na pa yun.
05:39.6
Kung may protina sa ihi,
05:41.6
Plus 1, plus 2, plus 3,
05:43.4
Hindi po maganda yun.
05:45.0
Sign of kidney disease.
05:47.0
So, pwede yung kidney disease na yun.
05:50.0
Tapos, kung may sugar, may asukal yung ihi,
05:53.4
Actually, sa diabetes yan.
05:55.8
Ang isang tip nga sa diabetes,
05:57.8
Yung ihi, amoy matamis.
06:00.6
Amoy sweet smell.
06:02.4
Baka diabetes.
06:03.6
Pag nakita nyo, ihi nyo,
06:04.6
Naging matamis ang amoy.
06:06.2
Tapos, ilagay nyo sa labas ng bahay.
06:08.8
Pag inikutan ng langgam,
06:11.6
Magaling yung langgam,
06:12.8
May diabetes po yung ihi na yun.
06:15.6
Okay, so doon nakikita.
06:17.6
Dati nga ang mga doktor,
06:19.2
Sa lumang panahon,
06:20.4
Hindi na po ngayon, ha.
06:21.8
Tinitikman ang ihi ng pasyente.
06:25.6
Pag nalasahan matamis,
06:27.6
May diabetes.
06:28.6
Pero ngayon, meron ng test, syempre.
06:30.6
Yes.
06:31.6
Next, Dok Liza.
06:33.4
Ako naman.
06:34.2
Pag-usapan natin muna yung kulay pa rin.
06:37.4
Dark-colored ang ihi.
06:39.8
Medyo bihira ito.
06:40.8
Yung dark brown.
06:42.4
O parang soft drinks color.
06:44.6
Diba?
06:45.0
Parang tsa-a din.
06:46.2
Oo.
06:46.6
Meron mga pagkain na nagkakos ng dark brown.
06:49.0
Bihira ito.
06:49.8
Mga fava beans.
06:51.0
Ano pa ba ito, Dok Liza?
06:52.6
Oo.
06:53.4
Tapos, meron din mga gamot na nagkakos ng dark brown.
06:56.6
Pero basically, ang delikado sa dark brown ng urine,
07:00.0
Yung sobrang exercise.
07:02.6
At sinyari, talagang nag-jogging ng malayo.
07:06.4
Nag-marathon.
07:07.6
Yung mga boxers, mga wrestler, nabubugbog.
07:11.4
Oo, nabubugbog.
07:12.8
Tapos, afterwards,
07:14.4
Yung pag nabugbog kasi, nasisira yung muscle.
07:17.8
So, pag nasira yung muscle, may muscle injury,
07:21.0
Naihihirapan lumabas sa kidneys.
07:23.8
Halos baka mag kidney failure.
07:25.8
Kaya pag ihi, dark brown.
07:27.8
Kinakwento yan dati ni Manny Pacquiao.
07:30.4
After a fight,
07:31.6
Ihi daw niya, itim.
07:33.4
Pero siguro, dark brown yun.
07:35.4
Isa rin po, common, yung
07:37.4
Sa fraternity, yung mga hazing.
07:39.8
Yung mga naging hazing, may namamatay.
07:42.2
Di ba namamatay after hazing?
07:43.8
Kidney failure po yun.
07:45.8
So, na-hazing, pinalo ng palo ng paddle yung katawan.
07:49.6
Nadurog yung muscle.
07:51.4
Yung mga muscle protein, hindi makadaan sa kidneys.
07:55.4
Yung pinapakita ko kanina, hindi siya makadaan.
07:58.6
So, brown na lumalabas ng kidney failure.
08:02.0
Dahil doon nga nasira ang kidneys.
08:04.2
So, dapat nga, bago mag-exercise,
08:06.2
o kung may possible muscle injury,
08:08.6
Inom na ng maraming tubig, 2 to 3 glasses,
08:11.6
bago mangyari yung event.
08:13.6
Para kahit papano, ma-push yung sa ihi natin.
08:17.4
Meron din possibility na,
08:19.0
sa kidney failure, nagbabrown yung ihi.
08:21.8
Yung talagang bago mag-dialysis.
08:24.4
At liver failure, nag-iiba din yung amoy ng ihi.
08:28.6
Yes, Dr. Lisa?
08:30.6
Yung UTI po kasi,
08:32.6
ang madalas, doon sa limbawa po,
08:34.6
iniisip nyo, pinakamarami talaga ay nagkakaroon ng infeksyon.
08:38.8
Kapag naranasan nyo na, parang masakit umihi.
08:42.0
O minsan naman, hindi talaga sakit.
08:44.0
Parang nakakapaso paglabas.
08:46.6
Yung medyo mainit, parang ganun.
08:48.6
Tapos nakita nyo, malabo, maamoy.
08:52.6
Yung kulay talagang dark.
08:56.6
Tapos masakit yung tsanyo.
08:58.6
Sa iba naman, kasama yung pag-susuka,
09:01.6
pag-ubo, hirap huminga, parang lito.
09:05.6
Lalo na kapag bata, nangyayari sa kanila yan.
09:09.0
So, ina-explain ni Dr. Lisa yung mga UTI symptoms.
09:12.6
Yes.
09:13.6
Tapos, dagdag ko lang sa UTI,
09:16.6
Pag ang masakit, yung umpisa ng ihi, by symptom naman ito.
09:22.6
Yung umpisa, mag-umpisa palang masakit na possible UTI.
09:27.6
Pag ang masakit naman sa pag-ihi, yung dulo.
09:31.6
Matatapos ka na umihi, one minute ka na umihi,
09:34.6
yung makuubos na ihi, doon pinakamahabdi sa dulo.
09:38.6
Iba naman yun, pwedeng bladder.
09:41.6
Sa pantog ang problema, nandito infeksyon.
09:44.6
O pwedeng may prostate problem.
09:47.6
May prostatitis doon din sa dulo ng ihi.
09:50.6
Tapos ang ihi nga ng may UTI ay maamoy.
09:55.6
Maamoy, ang daming amonya.
09:57.6
Maamoy siya, tsaka yung parang cloudy.
10:00.6
Malabo-labo.
10:02.6
Parang malapot-lapot, malabo-labo.
10:04.6
Pwede rin mag-dark yellow din yung kulay.
10:07.6
Yes.
10:08.6
Siyempre, may gagawin na kayo sa bahay.
10:10.6
E kailangan ho, simulan yun ng uminom ng maraming-maraming tubig.
10:14.6
Sa buong 24 oras, maganda na ka.
10:17.6
Labing dalawang basong tubig kayo.
10:20.6
Huwag hong bigla.
10:21.6
Maganda ang kada oras.
10:22.6
Waking hours, hindi naman ho kailangan magpakapuyat.
10:26.6
Waking hours, inom na ho kayo ng isang basang tubig kada oras.
10:30.6
Para hindi naman kayo parang bondat.
10:32.6
Kasi, ibig sabihin ako, hindi ako makainom ng ganon karami.
10:35.6
So, isa yun.
10:37.6
Ano pa, kung meron kayong prutas, pipili kayo ng prutas.
10:42.6
Pagmura po ang strawberries, nakakatulong ho yan.
10:45.6
Tsaka mansanas, pagpanahon.
10:48.6
Kasi meron siyang mga flavonoids.
10:50.6
Ngayon, kung talagang nagpa-urinalysis na kayo.
10:54.6
Nakita nyo, ang daming WBC, maraming bakteriya.
10:58.6
Bibigyan na ho kayo ng antibiotics ng inyong doktor.
11:02.6
Ano ho yung example ng mga nire-reseta.
11:05.6
Kasi kailangan nyo magpa-reseta para makabili kayo
11:08.6
Ofloxacin, Ciprofloxacin, Amoxicillin, Cefalexin
11:13.6
Yan po yung mga usual, binibigay ng ating mga doktor.
11:17.6
Lagi ko nga sinasabi, pagbabae, maghuhugas lagi ng puerta.
11:22.6
Sa harap, papunta sa likod.
11:24.6
Tapos tutuyuin nyo, harap, papunta sa likod.
11:29.6
Libeng tips pa sa UTI,
11:31.6
Pag konti lang yung bakteriya, konti lang yung white blood cell,
11:35.6
minsan nakukuha ng dalawang basong tubig.
11:38.6
Inom ka lang dalawang basong tubig,
11:40.6
kung medyo mahapdi ang pag-ihi mo,
11:42.6
nakukuha na.
11:43.6
Kasi nagiging mas malabnaw.
11:45.6
Yung bakteriya, nawa-wash off.
11:47.6
Kung bagas sa kubeta, parang flush ka lang ng flush.
11:50.6
Paano ba mag-flush sa kubeta?
11:52.6
Inom ka lang yung tubig para mag-flush.
11:56.6
12 glasses of water in a day, mga 3 litro.
12:01.6
Maximum 4 glasses of water.
12:03.6
Malaking tulong sa UTI.
12:06.6
Lilinaw ang ihi mo.
12:08.6
Pati sa kidney stones, makakaiwas ka.
12:11.6
Maraming mga babae, matigas ang ulo, hindi mo inom ng tubig.
12:14.6
Maraming nagko-comment.
12:15.6
Dok, ang dilaw-dilaw ng ihi ko.
12:18.6
Bakit madilaw?
12:19.6
Number one, dehydration.
12:21.6
Hindi ka umiinom ng tubig.
12:23.6
Pangalawa, baka may UTI.
12:25.6
Patlo, pag madilaw na madilaw, pwede naka-vitamins ka.
12:29.6
Vitamin B-complex, vitamin B2, B12.
12:33.6
Nakakaiyelo ng ihi.
12:35.6
Ibig sabihin, yung ininom mong vitamina, kahit anong vitamin siya na multivitamin,
12:40.6
baka masyadong matapang na lalabas mo naman sa ihi mo.
12:45.6
Delikado ba yun pag naging yelo na yung ihi mo sa taking vitamins?
12:50.6
Hindi naman delikado.
12:51.6
Ibig sabihin, sobra lang yung inom mo.
12:54.6
Yes.
12:55.6
Tapos, mahalagang paalala.
12:57.6
Sinong doktor ang pupuntahan?
12:59.6
Paglalaki po kayo, urologist.
13:01.6
Kapag babae, pwede po sa OBGYN.
13:04.6
O kaya naman kung sa internal medicine,
13:06.6
pwede po internal medicine or nephrologist.
13:10.6
Yung doktor sa kidneys, pwede rin kung yun yung machempohan ninyo.
13:15.6
At mahalagang paalala sa mga nanay na nag-aalaga ng bata.
13:19.6
Lagi nyo mong papalitan ng diapers, ang inyong mga sanggol, ang inyong mga anak.
13:24.6
Alam ko po, nagtitipid tayo, pero baka magkaroon sila ng UTI.
13:28.6
Tsaka, kada palit nyo ng lampin,
13:31.6
hugasan na rin po yung maselang bahagi ng katawan nila.
13:34.6
Doon po sa puwerta o sa maselang bahagi, kahit hulalake, at hanggang puwitan.
13:40.6
Kasi magkukos din yan ng UTI sa bata.
13:44.6
Sa bata, magkaka-UTI.
13:45.6
Tapos, Dok Liza, yung mga tips natin sa pantyliner.
13:50.6
Yung iba, nakukulog, nagkaka-problem.
13:53.6
UTI, nagkaka-discharge sa puwerta.
13:58.6
Tapos, yung hindi nagpapalit ng underwear,
14:02.6
kailangan magpapalit everyday.
14:04.6
Huwag na po tayong gumamit ng pantyliners.
14:06.6
Gagamit lang po tayo ng pantyliners,
14:09.6
tsaka ng pasador kapag may regla.
14:12.6
Ordinary days, kailangan po magpalit na lang.
14:15.6
Magbaon ng extra underwear, extra panty pag pupunta sa trabaho at magpalit.
14:21.6
Kung nasa bahay mo kayo, mas mainam.
14:23.6
Mas makakapalit kayo palagi.
14:25.6
Huwag kong binabaliktad lang kasi pwede pong umakyat yung mga bakterya
14:30.6
doon sa papuntang kidneys natin.
14:33.6
Binabaliktad lang yung underwear.
14:34.6
Side A, side B.
14:36.6
So yes, Dok Liza, ano po yung mga tips mo para doon sa...
14:40.6
Isa pa pala, napakahalaga pag nagtatalik.
14:44.6
Ang dami nang kaka-UTI.
14:46.6
Lalo na yung mga bagong kasal, bagong partner.
14:50.6
Pagkatapos magtalik, dapat iihi afterwards.
14:55.6
Mas maganda nga, minuman mo na maraming tubig bagong magtalik para marami kang maiihi.
15:00.6
Kasi ito po yung organs sa babae,
15:04.6
ito yung pantog, ito yung sa puerta.
15:06.6
Pag nagtalik, maiksil lang ang uretra.
15:09.6
Siyempre, nakakaskas, nagagaskas.
15:12.6
Pwedeng may bakterya umakyat mula sa puerta, pupunta dito.
15:16.6
Sa pantog.
15:18.6
Pag di natin naggamot sa bladder, pwede pumunta sa kidneys.
15:21.6
Ang tawag dyan sa pagkatalik and UTI ay honeymoon UTI.
15:26.6
Or honeymoon cystitis.
15:29.6
So nag-honeymoon, tapos yun, next day may infection na sa ihi.
15:33.6
Kasi nga, dapat uminom na maraming tubig,
15:36.6
Afterwards, pag talik, iihi mo at maghuhugas din yung babae at lalaki din.
15:42.6
Yes.
15:44.6
Next, Dok Liza, yung mga sakit, prostate, at iba pa.
15:47.6
So, napag-usapan na natin ang UTI.
15:50.6
So, ang next naman, kidney stones o yung bato sa bato.
15:54.6
Ito po, masakit umihi.
15:56.6
Mahap di din pag ihi ninyo.
15:58.6
Yung iba, nagkukulay pink yung inyong ihi.
16:01.6
Tsaka, masakit talaga, kailangan nyo pang umire o tumalon para lang maihi.
16:06.6
Nilalagnat, may panginginig.
16:08.6
So, kailangan pong pumunta, mapababae, mapalalake sa urologist.
16:13.6
So, sila po ang gumagamot ng bato sa bato.
16:17.6
Bibigyan po kayo ng mga antibiotics.
16:19.6
At ipapa-ultrasound kayo para malaman kung marami na ba yung bato.
16:24.6
Number three, meron din tinatag na cystitis.
16:26.6
Yun na nga, infection dun sa may pantog.
16:29.6
Pantog.
16:30.6
So, masakit yung puso nyo.
16:32.6
Pwede din dun sa mayari.
16:34.6
Dun sa maselang bahagi.
16:35.6
Tapos, masakit.
16:37.6
Madalas yung pag-ihi.
16:39.6
Pero, konti-konti lang yung lumalabas na ihi.
16:43.6
So, ang doktor dyan,
16:45.6
pwede yung OB-GYN,
16:47.6
pwede yung urologist,
16:49.6
nephrologist,
16:50.6
o internal medicine doctor.
16:53.6
Tapos, sa mga kababaihan naman,
16:55.6
baka yung nagkakaroon kayo ng yeast infection.
16:58.6
Yan yung ginagawa natin pag gumamit ang pantyliners.
17:01.6
Kasi meron din tinatag na vaginitis or vaginosis.
17:04.6
Infection yun dun sa loob ng puwerta.
17:09.6
Ito, binibigyan na yun ng mga vaginal suppositories
17:12.6
katulad ng metronidazole at miconazole.
17:16.6
May adko lang, Dr. Lisa. Pakihawak lang.
17:19.6
Yung sinabi ni Dr. Lisa kanina, kidney stones.
17:22.6
Bakita natin yung model.
17:24.6
Minsang kasi, bakit nangkakakidney stones?
17:26.6
Pag kidney stones, mapula na yung ihi.
17:29.6
Sobra sakit.
17:30.6
Minsan, dito sa likod, masakit.
17:33.6
O pag ihi, pag...
17:35.6
Ang stones kasi nagbabara.
17:37.6
Kung malaki, dito nagbabara sa kidneys mismo.
17:40.6
Pag na-ultrasound, makita may kidney stones.
17:43.6
Minsan, pag maliit yung stone, bababa dito sa ureter.
17:46.6
Lulusot.
17:47.6
Pero pag lulusot, may ipit dito sa kanto.
17:51.6
May kanto ang ureter at yung bladder.
17:54.6
Diyan, may ipit. Napakasakit din yun.
17:56.6
Tapos, minsan pag lumusot dito,
17:59.6
tingnan yung ihi nyo, meron bang mga buhangin?
18:02.6
Pag ihi nyo, meron bang biglang plok?
18:05.6
Kung malaki yun, di.
18:06.6
Swerte, lumabas yung bato.
18:08.6
Baka meron pa kayong mga gravel and sand dyan.
18:11.6
So, titingnan din, nakikita rin kung may stones.
18:15.6
Minsan, sinasalo din yung mga...
18:17.6
So, pwedeng magbara dito.
18:19.6
At pag marami ng stones, hindi po maganda.
18:22.6
May gamot na binibigay.
18:24.6
Merong shockwave at merong opera sa kidney stones.
18:27.6
Bakit ba nagkakakidney stones?
18:29.6
Kulang sa pag-inom sa tubig.
18:32.6
Sabi ko nga, 3 liters to 4 liters a day.
18:35.6
At yung sobrang alat kumain.
18:38.6
Sobrang alat, daming toyo, patis, bagoong, tuyo.
18:45.6
Sobrang alat, high salt.
18:47.6
Mga instant noodles.
18:49.6
Pag high salt, mas nagpo-form ng kidney stones.
18:53.6
Tapos yung sinabi ni doktora,
18:55.6
yung sa vaginosis, dito naman yan.
18:57.6
Yes, Dok Liza.
18:58.6
Okay, tuloy po natin.
19:00.6
Inpeksyon naman sa lalaki, yung prostate.
19:04.6
Sasabihin na lang po ni Dok yun.
19:06.6
Pero usually, pag prostate,
19:08.6
ang mararamdaman nyo, pag-ihi.
19:10.6
Kasi doon dumadaan yung tubo na dinadaanan ng ihi.
19:14.6
So, kapag lumalaki yun o merong mga inpeksyon,
19:17.6
hindi kayo makakaihi.
19:19.6
So, masakit umihi.
19:20.6
Lalo na sa gabi.
19:21.6
Tapos, tayo kayo ng tayo sa gabi para umihi.
19:24.6
Explain natin muna yung prostate.
19:26.6
Ang prostate, nandito yan.
19:28.6
Isa may pantog dito sa babae.
19:30.6
Sa mga lalaki, common, lumalaki yung prostate.
19:34.6
Lalo na po, pag 50 years old and above.
19:37.6
Bakit lumalaki ang prostate,
19:39.6
na mamaga ang prostate.
19:41.6
Misa nag-i-infection.
19:43.6
Lifestyle.
19:44.6
Sabi ito ng urologist, ni Dr. Gatchal Lian.
19:49.6
Siya nagkukwento nito sa akin.
19:51.6
Ang cause niyan, sobrang karni.
19:54.6
Sobrang meat.
19:55.6
Sobrang daming fast foods.
19:57.6
Ayaw nila yan.
19:58.6
Yung mga meat, oil, maraming sugar.
20:01.6
Yung mga unhealthy foods.
20:03.6
O misa, pag sobrang anghang yung kinakain,
20:06.6
na-i-irritate din yung prostate.
20:08.6
Lalo na sa paglabas niyan.
20:10.6
So ang prostatitis, ang nararamdaman, parang UTI.
20:14.6
Mahapdi sa pag-ihi.
20:16.6
Diba yung mga lalaki, nakikita nyo,
20:18.6
hirap na umihi.
20:19.6
Dribbling, pa konti-konti na.
20:22.6
Mahina na yung ihi.
20:24.6
Di ba may kasabihan, pataasan ng ihi.
20:27.6
Pag may edad na, hindi na makataas ng ihi.
20:30.6
Mahina na yung pressure.
20:31.6
Kasi nga, naiipit ng prostate.
20:34.6
So sa urinalysis, i-check din kung may UTI or wala.
20:38.6
Ang prostatitis, pwedeng may UTI.
20:41.6
Pwedeng wala din yung UTI.
20:42.6
So prostatitis na walang UTI,
20:45.6
papa-ultrasound ng tiyan.
20:47.6
Makikita lahat, kidneys.
20:49.6
Makikita ang prostate.
20:51.6
Ang normal size ng prostate ng lalaki, 25 mg.
20:55.6
Pag lumaki, lumaki ng 35 mg.
20:59.6
Sabihin, tumatanda na.
21:00.6
50 and above sa lifestyle natin.
21:03.6
May gamot, ibibigay ang urologist para sa prostate.
21:07.6
Merong dutasteride, finasteride,
21:10.6
pampaliit ng prostate.
21:12.6
Merong gamot na Tamsulosine,
21:14.6
o mga Duodard,
21:16.6
pampaluwag na manandaanan.
21:18.6
Misang combination binibigay.
21:19.6
For several months, binibigay.
21:22.6
Maganda ito, nakakaliit ng prostate,
21:24.6
para hindi maoperahan
21:26.6
at hindi magbara.
21:28.6
Tapos yung mga healthy foods lang ang kailangan natin.
21:31.6
Dito nga sa prostate.
21:32.6
Kaya kung pwede, medyo mas vegetarian.
21:35.6
Kaya yung lifestyle natin ng pagkain,
21:37.6
yun din nakakalala sa prostate.
21:40.6
At sa mga lalaki,
21:42.6
o kaya naman sa mga babae na hindi na nagre-regla,
21:45.6
Pag humihi kayo, tapos nakita nyo merong mapulad,
21:50.6
may pagdurugo,
21:51.6
dapat po magpatingin agad tayo sa urologist.
21:54.6
Kasi ayaw natin ang mga bukol,
21:56.6
bukol sa pantog, bukol sa kidneys.
22:00.6
Ako na lang, final tips ko ito.
22:02.6
Very important.
22:03.6
Yung amoy naman. Sa amoy, mahuhuli mo din.
22:06.6
Very concentrated. Pwede dehydrated o pwede may UTI.
22:11.6
May amoy din.
22:12.6
Yung mga vitamin B, mga antibiotics.
22:15.6
Kung nag-antibiotic sa'yo, nangangamoy din.
22:18.6
Yung mga vaginosis.
22:19.6
Pag diabetes, sabi ko kanina diabetes, sweet smell.
22:23.6
Ito, Dok Liza, organ failure.
22:26.6
Delikado ito, organ failure.
22:28.6
Kidney failure, liver failure.
22:30.6
Nangangamoy din yung ihihih.
22:32.6
Nagda-dark.
22:33.6
Yung kumakain ng asparagus.
22:35.6
Hindi naman masama yung asparagus, pero may smell.
22:38.6
Pag kumakain ng asparagus.
22:40.6
Mga buntis.
22:42.6
Ang mga buntis, may smelly urine din siya.
22:45.6
Kasi usually, mga buntis, very sensitive yung pag-amoy nila.
22:50.6
So, final tips ko.
22:51.6
Dapat kumain ng mas healthy.
22:53.6
Inom ng maraming tubig.
22:54.6
8 to 12 glasses.
22:56.6
Pag naiihihina, pumunta na sa banyo.
22:59.6
At gagamotin yung mga sakit tulad ng diabetes.
23:02.6
At iba pa, Dok Liza?
23:03.6
Yes, apo.
23:04.6
Yung mga buntis, madalas din po silang mag-UTI.
23:07.6
So, balik po sa inyong OB-GYN.
23:09.6
Bibigyan kayo ng mga gamot na katulad ng cefuroxime.
23:12.6
Okay. Maraming salamat po.
23:14.6
💕