Close
 


BAGONG TEKNOLOHIYANG MAGPAPABILIS NG LAND DEVELOPMENT | MANILA BAY RECLAMATION
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#manilabayreclamation #prefabricatedverticaldrain #dotr
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 06:05
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Good morning guys! So ngayong araw ay pupuntahan po natin ang reclamation project sa bahagi ng Manila Bay
00:13.5
para sa ginagawang prefabricated vertical drain work at sa isyong kinakasangkutan ng mga Chinese tungkol sa mga aktividad sa dagat.
00:22.0
Lahat yan ay atin pong aalamin kaya samaan nyo po ko. Let's go!
00:30.0
At ito na ngayon ang 360 hectares reclamation project sa bahaging ito ng Manila Bay na pagmamayari ng SM Prime Holdings Incorporated,
00:57.0
ang pinakamalaking land developer sa Southeast Asia.
01:02.0
Makikita natin na talagang napakalawak na nitong reclamation project at sa unang islang ito ay halos na nga ngalahati na ang ginagawang PVD o prefabricated vertical drain works
01:15.0
at makikita rin natin itong mandrill na ginagamit sa PVD.
01:20.0
Sa mga nakalipas nating vlog sa ginagawang bagong airport sa Bulacan ay naipaliwanag ko na kung paano ginagawa ang prefabricated vertical drain at kung ano ang purpose nito
01:33.0
pero may ilan pa rin sa mga kababayan natin ang hindi pa alam ang ganitong proseso at may mga iba naman na napagkakamala nila itong soil testing.
01:43.0
So anong nga ba ang prefabricated vertical drain works?
01:47.0
Ito ay gawa sa synthetic core na binabalot ng geotextile filter jacket.
01:52.0
Ikinakabit ito sa mandrill at ibinabaon sa pinakailalim ng lupa gamit ang crane mast para ang mga tubig na naihipon sa ilalim ng lupa ay sisipsipin ito para umangat.
02:03.0
Sa taas naman na bahagi ng lupa ay meron ding mga drain line para makalabas ang mga tubig mula sa PVD.
02:10.0
Ang buong reclamation land ay tantad ng PVD at parte ito ng proseso upang maisiksig ng mabuti at mapatibay ang lupa.
02:18.0
Pag natapos na ang pagkakabit o pagbabaon nitong mga geotextile filter ay tatabunan na ito para sa susunod na proseso, ang pumping.
02:28.0
Pero explain lang natin yan pag nasimula na ang ganong proseso.
02:32.0
Kaya sa mga hindi pa nakasubscribe at bago pa lang sa channel ko ay matik na yan.
02:40.0
At kapag natapos na ang prefabricated vertical drain o tinatawag ding wick drain ay aabutin ng ilang buwan o taon bago simulan ang land development.
02:50.0
Inaasahan na libu-libong mga oportunidad sa trabaho ang mabubuo sa proyektong ito at makakatulong din ng malaki sa parehong lokal at pambansang kaunlaran.
03:02.0
Ang SM Prime ay nananatiling na katoon sa kanilang tungkulin bilang isang katalista para sa pagpapalago ng ekonomiya na naghahatid ng mga makabago at kalidad na pamumuhay, pati na rin ang pagpapayaman ng lungsod.
03:22.0
Ngunit sa kabila na magandang maidudulot ng proyektong ito ay paiimbestigahan naman ng DOTR o Department of Transportation ang ulat tungkol sa isang barkong nag-ooperate sa baybayin ng Manila Bay na may lulan naman ng mga Chinese crew.
03:38.0
Sa isang liham nitulang January 18 na naka-adress kay Hernani Fabia, administrator ng Maritime Industry Authority, ay iniutos ni Transportation Undersecretary Elmer Francisco Sarmiento ang pag-verify ng diumanoy presensya ng mga tripulanting China.
03:57.0
Batay sa isang website ng Philippine Overseas Employment Administration, ang kumpanya ay naka-rehistro bilang isang manning agency upang mag-recruit ng mga seafarer para sa mga sasakyang pang-dagat na may mga internasyonal na ruta at iba pang kaugnay na aktibidad sa dagat.
04:16.0
Tiniyak naman ng OTS o Office for Transportation Security na palakasin ang pakikipagtulungan bilang pagsunod sa mga kinakailangan ng ISPS o International Ship and Port Facility Security para sa isang ligtas na sistema ng transportasyong pang-dagat sa bansa.
04:36.0
So halos wala na po kong ibang masabi sa proyektong ito dahil nasabi ko na sa una nating pagbisita dito so siguro ay babalik tayo uli dito pag meron na uling malaking pagbabago sa proyektong ito.
04:55.0
At kung hindi nyo pa po napapanood ang unang vlog natin dito ay pwede nyo pong panuurin. Ilalagay ko po ang link sa comments section. Pago matapos ang videong ito ay nagpapasalamat po ko sa isa na naman nating kababayan ang nagbigay ng dollar gamit ang superthanks. Maraming maraming salamat po. At syempre shoutout din natin ang ilang mga sulit viewers.
05:25.0
Thank you for watching!
05:55.0
Thank you for watching!