Close
 


Ang Agawan Ng Asawa Festival
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang Agawan Ng Asawa Festival Ang "Agawan Ng Asawa Festival" ay isang tradisyon ng Wodaabe Tribe ng West Africa. Sa festival na ito, ang mga kalalakihan ay naglalaban upang makapang-akit ng dalaga o makapang-agaw ng babaeng may asawa na. At ito ay normal lamang sa kanilang tribo. Paano kaya nila ginagawa ang pang-aagaw ng asawa? Alamin sa vidyong ito! Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and
Awe Republic
  Mute  
Run time: 05:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang mga taong ito ay naglalaban upang makapangakit ng dalaga o makapangagaw ng babaeng may asawa na.
00:20.0
At ang pangagaw ng asawa ay normal lamang sa tribong ito at tanggap ito ng kanilang lipunan.
00:26.0
Kaya ang festival na ito ay binansagang Agawan ng Asawa Festival.
00:31.0
Pagdating sa sex, ang mga babae ang nasusunod dito.
00:35.0
Maari silang magkaroon ng maraming boyfriend at magpalipat-lipat sa ibat-ibang asawa.
00:41.0
At normal lamang ito sa kanila.
00:43.0
Tara at alamin natin ang kakaibang tradisyon ng Wudabit tribes sa West Africa.
00:50.0
Ito ang Giriwal Festival ng Wudabit tribe.
00:53.0
Kung titignan mo, aakalain mong sila ay mga bading na sumasayaw dahil sa kanilang outfit at make-up.
01:00.0
Ngunit ang totoo, sila ay mga barako at tunay na lalaki.
01:05.0
At ito ay hindi isang ordinaryong performance lamang, kundi isa itong beauty contest.
01:11.0
Sa tribong ito, imbes na mga babae ang nagpapagandahan ang kanila.
01:16.0
Sa tribong ito, imbes na mga babae ang nagpapagandahan ang mga lalaki ang naglalaban sa pagwapuhan.
01:29.0
Ang Giriwal Festival ay nagtatagal ng pitong araw, puno ng sayawan at kantahan.
01:35.0
Ngunit may isang espesyal na pagtatanghal na ginagawa nila.
01:39.0
Ito ay ang sayaw na yake.
01:41.0
Sa ilalim ng matinding inip ng araw, ang mga lalaking contestants ay sasayaw sa loob ng ilang oras.
01:48.0
Pinapakita nila ang kanilang mga puting ngipin habang nagja-chanting.
01:53.0
Iniikot-ikot ang kanilang mga mata na parang luluwal na sa kanilang eye sockets.
01:59.0
At tatalon-talon upang ipakita sa mga babae na mataas ang stamina at malakas ang kanilang katawan.
02:07.0
Para sa mga Wudabe, mas attractive ang lalaki kung maputi ang kanilang mga mata at puting-puti ang mga ngipin.
02:15.0
Mas attractive din ang isang lalaki kung payat at malapad ang kanyang noo.
02:20.0
Ang judges sa contest na ito ay tatlong high status na mga babae.
02:24.0
Sila ang magdidesisyon kung sino ang pinakatalintado at pinakagwapo sa lahat.
02:30.0
Paano kaya ninanakaw ang may asawa na sa festival na ito?
02:34.0
Bago natin niyan sagutin, nagustuhan niyo po ba ang video natin ngayon?
02:38.0
Kung oo, ay mag-comment po kayo ng yes.
02:47.0
Matindi talaga ang kumpetisyon sa contest na ito.
02:50.0
Dahil kung mananalo ka, bukod sa fame o kasikatan sa buong tribo,
02:55.0
sa maraming taong darating, magkakaroon ka rin ng karapatang pumili ng pinakamagandang babae sa tribo
03:03.0
upang maging asawa.
03:04.0
At ito pa ang mas matindi.
03:06.0
Ayon sa Vice, ang mananalo ay maaaring makipagtalik sa babaeng judge na pumili sa kanya,
03:13.0
kahit pa ang babaeng judge ay may asawa na.
03:16.0
Kung talagang magugustuhan ng judge ang lalaki,
03:19.0
ay maaari siyang magpasya kung iiwan ba niya ang kanyang kasalukuyang asawa
03:24.0
o magpapaagaw at sasama na sa lalaki at maging bagong asawa nito.
03:29.0
At ang kanilang pagsasama ay rerespituhin ng kanyang dating asawa at ng mga katribo.
03:35.0
O kaya naman ay ituturing lang ng babae na isa lang itong one night stand
03:40.0
at babalik sa kanyang asawa kinaumagahan na parang walang nangyari.
03:44.0
Normal ito sa kanila, kaya tatanggapin siya ng kanyang asawa
03:48.0
at walang panghusga ng mga CCTV kapitbahay.
03:52.0
Bawat jurado ay pipili ng isang lalaki na kanilang winner.
03:56.0
Ituturo o hahawakan ng judge ang napili niyang panalo.
04:04.0
Maraming kalalakihan ang sumasali sa contest na ito
04:08.0
dahil kahit hindi ka man mapiling panalo ng mga judges,
04:11.0
ay may chance ka pa rin maka-score sa mga babaeng nanonood.
04:15.0
Bukod kasi sa tatlong judge,
04:17.0
ang mga babaeng nanonood ay maaari din pumili ng lalaking kanilang matitipuhan.
04:22.0
Maaaring ang isang babaeng wudabe ay may asawa na
04:26.0
at naghahanap ng mas gwapong ipapalit sa kanyang asawa.
04:29.0
Ituturo, tatapikin o magbibigay ng signal ang isang babae sa kanyang napiling lalaki.
04:36.0
Maglalakad ito palayo at susunod naman ang lalaki sa kanya.
04:40.0
Ang iba ay pumupunta sa talahiban o damuhan,
04:43.0
kung saan nangyayari ang romantic o intimate contact.
04:47.0
Maaaring magdesisyon ang babaeng na iwan ang kanyang kasalukuyang asawa at sasama na sa lalaki.
04:53.0
Kaya ang mga lalaking ayaw ipaagaw ang kanilang mga asawa sa iba,
04:57.0
hindi nila ito pinapayagan makilahok sa pista.
05:00.0
Dahil wala rin namang kapangyarihan ang mga kalalakihan nila,
05:03.0
nalimitahan ang mga desisyon ng kanilang mga asawa.
05:07.0
May mga babaeng na pumipili sa contestant upang makasiping sa isang gabi lamang.
05:12.0
Ngunit meron din namang mga dalaga na naghahanap ng magiging asawa at makasama panghabang buhay.
05:18.0
Ikaw ka Awesome! Gusto mo bang makilahok sa festival na ito?
05:22.0
Pagilagay ang inyong opinion sa comment section.
05:25.0
This is your Ate O from Our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!