Philippine forest dog, isinusulong bilang kauna-unahang dog breed mula sa Pilipinas! | Brigada
Video Transcript / Subtitles:
About AI Subtitles »
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Shih Tzu, Chihuahua at Poodle. Ito yung mga dog breed na madalas nating inaalagaan.
00:06.0
Pero alam nyo ba na kamakailan may ipinakikilalang isang uri ng aso na yung dog breed dito daw talaga galing sa Pilipinas.
00:14.0
Yan ang istoryang tinutukan ni Lala Roque.
00:17.0
Hi Lala! Uy ano nga bang klaseng aso ito?
00:21.0
Karaan tawag sa kanila aso ng gubat o Philippine Forest Dogs.
00:25.0
At ayon sa pag-aaral, sila yung kasakasama ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang pangangaso.
00:31.0
Salamat sa iyo Lala. Kilalanin ang aso ng gubat o Philippine Forest Dog sa ulat ni Lala Roque.
00:41.0
Meet Arbunso, mochi na isang Bichon Frise.
00:50.0
Makulit at super playful.
00:53.0
Pero higit sa lahat, napakalambing sa aming pamilya.
00:57.0
Ngayon ako naniwala na iba talaga yung effect ng may aso, may dog sa bahay.
01:04.0
Mas naging close kami.
01:06.0
Tapos alam mo, pagpagod na pagod kami, yan.
01:08.0
Pag nakaupo lang o nakahiga kami dito, parang nararamdaman niya.
01:12.0
Mugla siyang lalapit sa iyo, tapos gagaroon siya sa shoulders mo.
01:16.0
Tapos isan talagang yayakap pa siya, tas hahalikan ka niya.
01:19.0
Nakakawala siya ng pagod. Kahit sino sa family namin, parang nararamdaman niya.
01:26.0
Pero ang strong bond natin sa mga aso, pwede palang nagsimula noon pang sinaunang panahon.
01:35.0
Matikas ang pangangatawan.
01:38.0
Astig ang galawan.
01:40.0
Ang furry friend na ito, hitik hindi lamang sa pagmamahal kung hindi mag-gain sa ambag neto sa ating kasaysayan.
01:49.0
Sila ang Philippine Forest Dog o mas kilala sa tawag na mga aso ng gumat.
02:04.0
Sa kauna-una ang pagkakataon.
02:06.0
Ipresenta sa isang international dog show ang mga aso ng gumat na nanggaling pa sa iba't ibang sulok ng bansa.
02:15.0
Meron mang maliit at malaki, lahat sila game na game sa pagrampa.
02:23.0
Napansin ko rin karaniwan sa kanila ang pagkakaroon ng mga batik at guhit na pattern sa kanilang balahibo.
02:30.0
Ang Philippine Canine Club Incorporated, katuwang ang aso ng Gubad Breeders Association o AGBA.
02:37.0
Nagsusulong at nagrerekomenda na kilalanin ang Philippine Forest Dog bilang kauna-una ang aso na pure breed mula sa Pilipinas.
02:48.0
Nag-umpisa na tayo at kasalukuyan ay tinetrace na tayo.
02:53.0
Eventually, pupunta ang mga tao yan para i-research at kukuha na ng samples, ang DNA, isa lang sa mga proseso.
03:03.0
Pero na-umpisa na and hopefully, ma-aprubahan.
03:08.0
Ipipresenta natin yan pagka-kompleto na ang datos.
03:11.0
At magkakaroon na tayo ng sariling lahing ng aso, pwedeng tawagin na original o talaga nagmula sa atin.
03:21.0
Ia-apply ng Philippine Canine Club yan sa world body na tinatawag nating federasyon, sinologic group.
03:29.0
At ito, ito, ito, ito, ito, ito, ito.
03:32.0
At itong organisasyon na ito ang nagkokontrol ng lahat ng mga canine clubs sa mundo.
03:41.0
Ang membership neto ay mga 98 countries worldwide.
03:46.0
Kung sakali, walang ibang halong lahi ang aso ng gubat, kaya ito tinawag na pure breed.
03:53.0
Ang tagal na po kasi silang ginagamit na pure breed.
03:55.0
Walang ibang halong lahi ang aso ng gubat, kaya ito tinawag na pure breed.
04:02.0
Ang tagal na po kasi silang ginagamit na mga dinuno po natin.
04:06.0
Ginagamit po silang pang hunting.
04:09.0
Ang tawag nga po sa kanila, bird catcher po sila.
04:13.0
Masaya din po kasi, syempre magkakaroon na po ng sariling bansa natin, Philippine Forest Club.
04:20.0
Nakikisama po sila kung ano po yung manual sa tao.
04:25.0
Mabilis po sila matutok. Basta i-train lang po.
04:29.0
Maari raw abuti ng lima hanggang pitong taon ang bubunuin bago matapos ang proseso.
04:35.0
Mahaba talaga yung proseso, pero kagaya ng ating mga kapitbahay sa Asia, Thailand, Vietnam, Indonesia, Taiwan,
04:45.0
meron silang mga asong na napatunayan nila na sa kanila nagmula.
04:51.0
So meron sila silang kanya-kanya mga breeds na dumahan sa proseso.
04:56.0
Tayo ngayon lang natin parang nagkaroon tayo ng basihan na ito ay pwedeng naging ating sariling breed ng aso o lahi ng aso.
05:07.0
Kung sakaling magtagumpay, makikilala na ang aso ng gubat bilang pure breed mula sa Pilipinas
05:13.0
at maaari nang makipagkumpetensya sa mga dog show.
05:21.0
Oras na para paliguan ni Joven ang kanyang alagang aso ng gubat na si Tupi.
05:34.0
Halos tatlong buwang gulang pa lamang si Tupi nang mapunta kay Joven.
05:39.0
Simula, puppy pa si Tupi, makulit na talaga.
05:43.0
Siguro dahil sa bloodline nila, sa genes nila as originally hunting dogs na kasama ng mga katutubo sa pag-a-hunt,
05:51.0
energetic sila, makulit.
05:53.0
Puppy pa lang siya, sobrang kulit na pero malambing din siya sa tao.
05:58.0
Pwede siyang ipet-pet kahit na sobrang kulit niya.
06:02.0
Kabilang si Tupi sa mga rumampang aso ng gubat sa dog show ng nakaraang linggo.
06:06.0
Nung nag-walk kami ni Tupi sa showcase pa rin ng mga aso ng gubat sa Philippine Dog Show Circuit,
06:13.0
tuwang-tuwa ako noon, proud na proud ako sa kanya kasi ang galing niyang maglakad at mag-illusa sa mga tao.
06:21.0
Masaya sa pakiramdam na nagkaroon ako ng aso na hopefully and possibly na maging first Filipino dog breed.
06:29.0
Sa ngayon, si Tupi ang bantay ng car wash shop na ito sa Babalacat, Pampanga.
06:35.0
So si Tupi meron din siyang specific characteristic na wala sa iba.
06:40.0
Dahil originally si Tupi, ang lahi ni Tupi ay hunting dog.
06:44.0
Ang function niya, pwede siyang maging hunting dog.
06:47.0
Ngayon dahil malakas yung katawan niya, mataas tumalon, pwede siyang maging matapang kung ginakailangan.
06:52.0
So pwede siyang maging guard dog. Tapos mabait siya sa mga tao so pwede rin siyang maging house pet.
06:59.0
Mahigit dalawampung taod ang pinag-aaralan ni Father Dante ang mga Philippine Forest Dog.
07:05.0
May posibilidad rao na bago pa man madiskubre ang Pilipinas noong 1521, ay nandito na sila sa ating mga kalupaan.
07:14.0
So nag-research na ako kasi sabi ko imposibleng wala tayo.
07:17.0
Kasi even before na madiskubre ang Pilipinas, doon sa kasaysayan natin ayon sa tinuro sa atin,
07:23.0
meron na tayo dahil sinabi ka rin yung mga ita, ang isa sa mga ginagawa niya ang pangangaso.
07:28.0
Makikita rin daw ito sa kanilang physical features.
07:32.0
Kita mo sa aso ng gubat, sila is spade shape headed. Parang yung pala, pag nakita mo yung araro parang ganun yan.
07:39.0
So definitely ang adaptation nila is due to adaptation.
07:43.0
So definitely ang adaptation nila is due to mga activities na ginagawa, hunting.
07:47.0
That's why in my research, nakita ko so these are primitive dogs.
07:51.0
Pag sinabi mong primitive dogs, hindi silang wild dogs. But through the process of natural selection, nag-adapt sila.
07:58.0
Mapapasindi na merong peak ears ang mga aso ng gubat.
08:02.0
Ibig sabihin ng peak ears, diretso yung tenga nila.
08:05.0
Pag nag-aral ka ng canine anatomy, at the same time yung reason ba't ganon, tumutugma.
08:10.0
Kasi primitive dogs should have peak ears o kaya standing ears.
08:14.0
Hindi sila pwedeng baba. Kasi bakit? Dahil lalo na pag primitive dog, they need to hear.
08:20.0
Sumusun sila sa butas eh.
08:22.0
Ang tendency, pag yung tenga nakababa, mas marami yung chance na mapasukan na maraming dumi at magform yung bakteriya.
08:30.0
Pagdating sa bite nila, it is a scissor bite, parang gunting.
08:34.0
Ibig sabihin yung pangtaas na mga ngipin, talabang akma.
08:37.0
Na nakapatong sa iba mga ngipin.
08:40.0
Ang purpose ng forced nafting.
08:42.0
Kasama ko ngayon at tatlong aso ng gubat na sina Amianan, Sinegrito at Sairog.
08:48.0
Kung inyong mapapansin, Pilipinong-Pilipino ang kanilang mga pangalan.
08:52.0
At ito, si Amianan, siya yung may brindle o yung parang tigre.
08:57.0
Ang kanyang kulay, meron din siyang stripes na itim.
09:01.0
Tapos Sinegrito naman, mirl o yung merong batik-batik.
09:03.0
At si Sairog ay yung purong itim.
09:07.0
Yan yung mga color variation na mga aso ng gubat.
09:10.0
At ayon kay Father Dante, sinusuportahan daw nito ang kanilang pagiging primitive dogs.
09:16.0
Dahil ang mga aso ng gubat ay ginagamit sa hunting.
09:19.0
At nakatulong daw ang kanilang mga kulay para mag-blend sila sa kagubatan.
09:26.0
Ayon sa Agba, masusin nilang sinusuri ang mga lumalapit sa kanila
09:30.0
na gustong mag-alaga ng Philippine Forest Dogs.
09:33.0
Libre ang aso, ngunit kailangang bayara ng ilang bagay,
09:37.0
kagaya ng registration fee, microchip, at medical expenses kagaya ng vaccines para sa aso.
09:43.0
Required din maging miyembro ng kanilang grupo ang sinumang gustong mag-alaga ng aso ng gubat.
09:49.0
Nilalagyan nila ng microchip ang bawat aso ng gubat dahil dito inilalagay ang contact details ng owner.
09:55.0
Kaya namang sa pagkakataon na naligaw ang aso sa ibang lugar o kaya'y iligal na ibinenta,
10:01.0
maaaring makuha ang informasyon ng amo nito sa pumagitan ng pag-scan nito.
10:06.0
Bakit po sobrang higpit nyo para piliin yung mga tagapag-alaga ng mga aso ng gubat?
10:13.0
Siyempre iniiwasan po natin yung magkaroon ng selling
10:18.0
kasi marami na po kasing mga buy and sell na nangyayari sa black market.
10:22.0
Maaapektohan po yung standard, yung kanilang totoong features.
10:27.0
Pwede silang mag-crossbreed sa iban.
10:30.0
Sa katunayan, pagkatapos ng showcase nila sa dog show noong nakaraang linggo,
10:35.0
halos umabot na sa 580 ang nag-i-inquire sa kanila para mag-adopt.
10:41.0
Isa sa mga pinopromote namin, responsible pet owners.
10:46.0
So may screening kami at siguro ito yung role ng office ng owner.
10:49.0
Tignan nyo mabuti if they could take care of the dog's health at needs niya.
10:54.0
Kahit siguro hindi aso ng gubat, you have to be responsible to what you have.
10:58.0
Ano yung basic? Food, tirahan nila.
11:01.0
Siyempre may mga for medical reasons, dapat minsan nagkakasakit.
11:05.0
You have to be ready sa mga expenses.
11:08.0
Pwede palang bawiin kapag napatunay na hindi ka pala maayos mag-alaga ng aso ng gubat?
11:14.0
Medyo mahigpit kami pagdating sa market.
11:16.0
Ito yung evaluation.
11:19.0
Para sa mga nagmamahal at nag-aalaga ng mga aso ng gubat,
11:23.0
napapanahon na para kilalanin din ang pinakamamahal nilang mga alaga
11:27.0
at mabigyang buwang sa puso ng ipapang dog lovers sa bundo.
11:31.0
Ang tingin ng mga ibang tao sa mga aso ng Pilipino ay asong kalya lang yan.
11:36.0
Hindi siya puro bread dog.
11:38.0
Bedyo mababa yung tingin ng ibang tao sa mga aso ng Pilipino.
11:41.0
Kapag nagkaroon tayo ng mga aso ng Pilipino,
11:44.0
kapag nagkaroon tayo ng sarili nating dog breed, which is the Philippine Forest Dog,
11:49.0
tingin ko mababawasan yun din yung mga dog meat industry.
11:53.0
Tataas yung tingin ng ibang tao sa aso natin.
11:58.0
Sabi nila, makikilala mo ang puso ng isang tao sa kung paano niya itrato ang mga hayo.
12:05.0
Kung mula sa ating mga ninuno ay makikilala na ito ngayon sa buong mundo.
12:09.0
Ating malalaman na sa pagtakbon ng panahon, ang pagmamahal ng mga Pilipino sa mga aso, hinding-hindi nagbabago.
12:18.0
Hindi lang pet dog to. Ito ay bahagi ng kasaysayang Pilipino.
12:23.0
Siguro pag sinasabi natin, yung kasaysayan natin ay isang kayamanan.
12:27.0
Bahagi na to ng ating kayamanan.
12:29.0
Hindi lang pet lovers pero ugat din siya ng ating katauhan.
12:31.0
Ako si Lala Roque, kasama sa iisa, Brigada.
13:01.0
LALA ROQUE PRESENTS