Close
 


Pinay domestic worker sa Kuwait, hinalay at nabuntis bago sinagasaan at sinunog, ayon sa... | SONA
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button.
Pinay domestic worker sa Kuwait, hinalay at nabuntis bago sinagasaan at sinunog, ayon sa mga ulat — Sen. Estrada Ginahasa, nabuntis at sinagasaan umano ang isang Pinay domestic worker sa Kuwait, na kalauna'y natagpuang sunog sa disyerto. Suspek sa krimen ang disi-siyete anyos na anak ng kaniyang employer na hawak na raw ng mga awtoridad doon. May report si Chino Gaston. State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo and Maki Pulido. It airs Mondays to Fridays at 10:30 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation. News updates on COVID-19 (coronavirus disease 2019) and the COVID-19 vaccine: https://www.gmanetwork.com/news/covid-19/ #Nakatutok24Oras Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews GMA Network Kapuso programs on GM
GMA News
  Mute
Run time: 03:52
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
Ginahasa, nabuntis at sinagasaan o mano ang isang Pinay domestic worker sa Kuwait na kalaunay natagpo ang sunog sa disyerto.
00:10.0
Suspect sa krimen ang 17-anyos na anak ng kanyang employer na hawak na raw ng mga otoridad doon.
00:17.0
May report si Chino Gaston.
00:19.0
Ginahasa, nabuntis at sinagasaan ng dalawang beses. Ganyan daw ang sinapit ng 35-anyos na OFW sa Kuwait na si Juliby Cabilis Ranara, base sa mga ulat na lumaba sa media roon.
00:50.0
... and a son of her employer who allegedly raped and impregnated her. The victim was beaten, ran over by the perpetrator's cart twice and was burnt and left for dead in the desert."
01:07.0
Natagpuan ang sunog na bangkay ni Juliby sa disyerto nitong weekend. Sabi ng ating chargé d'affaires sa Kuwait na si Jose Cabrera III, hinihintay nila ang opisyal na ulat ng pulisya tungkol sa sinapit ni Ranara.
01:20.0
Hawak na rin daw ng mga otoridad ang 17-anyos ng sospek. Ayong kay Migrant Workers Secretary Toots Ople, noong biyernes, Jan. 20, huling nakausap ni Juliby ang kanyang pamilya.
01:32.0
Nasabi pa rao ni Ranara na nagkakaproblema siya sa anak ng kanyang employer at tinakot siya nito gamit ng ice pick.
01:40.0
Friday, nakausap ng pamilya. Saturday, tinatawagan nila, hindi na makontak. Sunday, Natagpuan na na patay. Sana may konting panahon pa sana para nailigtas namin kung nalaman lang namin na ganoon ang trato sa kanya noong anak ng employer.
02:02.0
Patuloy rao na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Kuwaiti Government para sa imbestigasyon at mabilis na pangpapauwi sa labi ni Juliby. Tutulong din ang Department of Migrant Workers.
02:13.0
Hindi ito ang unang kaso ng karumaldumal na pamamaslang sa isang Pilipinong Household Service Worker sa Kuwait.
02:20.0
Noong 2018, nagpatupad ng total deployment ban ang ating gobyerno sa Kuwait kasunod ng kaso ni Joanna Demafelis.
02:28.0
Pinatay si Joanna noong 2016 pero February 2018 lang nadiskubre ang kanyang bangkay na isinilid sa loob ng freezer.
02:36.0
May 2018, pumirma ang mga opisyal ng Kuwait at Pilipinas ng kasunduan na pumumrotekta sa kapakanan ng mga OFW sa Kuwait.
02:45.0
Sa kabilaan nito, napatay ng kanyang employer ang pinay worker na si Gina Lynn Villavende noong 2019.
02:52.0
Ilang beses di naggaroon ng deployment ban ng mga OFW sa Kuwait kasunod ng mga insidente pero binabawi rin kalaunan.
03:00.0
Sa kabilaan naman ang nangyari kay Julie V., sinabi ni Ople, wala silang balak na magpatupad ng deployment ban sa Kuwait.
03:25.0
Sugestion naman ni Sen. Raffi Tulfo, dapat may screening din sa mga magiging employer ng ipadadalang OFW.
03:33.0
Dapat may katumbas na security requirements sa mga nais maging employer ng mga OFW. Kung sila'y naninigurado na ligtas sila sa mga kuha nilang OFW, dapat tayo din manigurado na ligtas ang mga kababayan natin.


Become a patron
We love our supporters! :)

© copyright 2023. Do not copy or reproduce content or audio without prior written authorization. Scraping and republishing our data is a copyright violation. We put a lot of hard work and TLC into this website -- please don't copy or publish our content without permission.