Close
 


Supply ng lokal na bawang sa ilang lugar, pahirapan | Saksi
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button.
Igan, hindi pa man natatapos ang problema natin sa sibuyas, heto't humahabol ang problema sa supply ng isa pang panggisa-- ang bawang! Sumasabay pa ang tumataas na presyo ng itlog-- na pinaiimbestigahan na ni Pangulong Bongbong Marcos. Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 11:00 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. News updates on COVID-19 (coronavirus disease 2019) and the COVID-19 vaccine: https://www.gmanetwork.com/news/covid-19/ #Nakatutok24Oras Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
GMA News
  Mute
Run time: 04:57
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
Higan, hindi pa natatapos ang problema natin sa sibuyas, eto tumahabol ang problema sa supply ng isa pang panggisa, ang bawang.
00:09.0
Sumasabay pa ang tumataas na presyo ng itlog na pinaiimbisigahan na ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:15.0
Saksi si Bernarda Trejas.
00:22.0
Kapag panggisa ang pinag-uusapan, hindi mawawala sa Ricardo ang bawang.
00:26.0
Pero ang supply ng lokal na bawang, pahirapan na rao para sa ilang nagtitinda sa pamilihang baye ng Mangaldan, Pangasinan.
00:38.0
Ayon sa Department of Agriculture Region 1, kakaunti na lang ang supply ng lokal na bawang sa bansa.
00:43.0
Kung may mga nasa storage facility pa, hindi pa rin ito sapat para punan ang domestic requirement.
00:58.0
Ramdam hagang Metro Manila ang madalang na supply ng lokal na bawang.
01:02.0
Sa monitoring nga ng DA ngayong araw, walang nagtitinda ng local garlic sa pinakamalalaking pamilihan sa Metro Manila.
01:09.0
Tanging imported ang mabibili na naglalaro mula 90-140 pesos kada kilo.
01:15.0
Di hamak na mas mura kumpara sa local harvest na binibenta sa 260-300 pesos ayon sa ilang tinderang aming nakausa.
01:24.0
Hindi po mabili yung native na bawang kasi mataas, malayo yung difference sa imported na bawang.
01:30.0
Dito sa Kadiwa Store sa Elliptical Road sa Quezon City, makakabili ng imported na bawang sa halagang 80 pesos kada kilo.
01:37.0
Pero sa apat na kooperatibang nagtitinda dito ngayong araw, wala ni isang nagbibenta ng native na bawa.
01:44.0
Isa ang group ng progressive farmers of Zambales na nakapagbibenta noon ng local garlic sa Kadiwa.
01:50.0
Yung last na paluwas natin mga November, so naubos na rin. Ninihintay na lang namin yung next harvest nila.
01:56.0
Mga Feb or March, makakapagpaluwas ulit tayo.
01:59.0
Sinusubukan natin kuna ng pahayag ng Department of Agriculture tungkol sa supply ng bawang ngayon, lalo na ang native na bawa.
02:06.0
Ang kakambal naman ng bawang sa panggisa na sibuyas, nasa 200 to 350 pesos pa rin kada kilo
02:15.0
ang presyo sa mga palengke sa Metro Manila, base sa monitoring ng Department of Agriculture.
02:21.0
Sa sobrang mahal ng sibuyas, ang piru na nga sa social media, yayamanin ang mga meron niya.
02:27.0
Imbis nga na bulaklak, eto ang ginamit ng isang ride sa ilo-ilo para sa kanyang bouquet.
02:33.0
Sa ngayon, 1,800 metric tons ng imported na sibuyas ang dumating na sa bansa.
02:38.0
Inaasang maibibenta na ito sa mga palengke ngayong linggo.
02:42.0
Sana huwag naman bumaba sa cost of production na ating magsasaka.
02:46.0
Sabi ng Cold Chain Association of the Philippines, kailangan paghandaan ng dagdag na cold storage facilities para may mapag-imbaka ng sibuyas.
02:55.0
Handa naman kaming makipagtulungan lagi sa gobyerno. Pwede kaming pumasok to enter into a partnership agreement with government
03:04.0
whereby we can offer to run the operations and manage the facilities.
03:11.0
Samantala, iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos, KDA Senior Undersecretary Domingo Panganiban,
03:17.0
na kausapin ng mga egg producer at trader. Batay kasi sa monitoring ng DA as of January 13,
03:23.0
nasa 9 pesos na ang kada-itlog na medium-sized kumpara sa halos 7 pesos lang noong December 2022.
03:31.0
Batay raw sa farmgate price, dapat nasa 7 to 7 pesos and 50 centavos lang ang kada piraso.
03:38.0
Nauna nang sinabi ng DA na may kinalaman sa problema sa produksyon na sinabayan pa ng pagtaas ng demand ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog.
03:47.0
Sa isang poultry farm sa Batangas, problema ang mataas na production cost sa pag-aalaga ng manok.
03:53.0
Ang dating nasa 1,000 hanggang 1,200 pesos na presyo ng feeds, 1,600 pesos na ngayon.
04:00.0
Kaya kainailangan niyang magbawas ng alaga.
04:03.0
Naapektahan din po kami pagtaas ng mga gasolina, apekta din po yung mga gamot namin sa poultry na kainakailangan namin.
04:14.0
Lahat po may domino effect.
04:19.0
At sa mga kapuso abroad, maaaring po kaming masubaybayan sa GMA Pinoy TV at www.gmanews.tv
04:49.0
Thank you for watching!
See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.


Become a patron
We love our supporters! :)

© copyright 2023. Do not copy or reproduce content or audio without prior written authorization. Scraping and republishing our data is a copyright violation. We put a lot of hard work and TLC into this website -- please don't copy or publish our content without permission.