Close
 


MARAMIHANG PAGKAWALA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
TINATALAKAY ANG MGA BAY BAYGAY NA NAKAKALIW SA WIKANG TAGALOG, DAGDAG KAALAMAN
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 06:44
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nakagugulat na taon-taon mahigit sa kalahating milyong mga tao ang nawawala sa buong mundo.
00:06.0
Kung saan sila nagtungo o kung sila ay nakabalik pa ay talaga naman na misteryo na.
00:11.2
Ngunit sa ating talakayan ngayong araw ating pag-uusapan ang maramihan at sabay-sabay na pagkawala ng halos buong bayan pa.
00:20.2
Walang nakaaalam sa kanilang kapalaran saan kaya sila napunta at ito ang kwento na nangyari sa kanila.
00:27.6
Ang mga nawawalang mga tagalawa.
00:30.4
Nobyembre ng taong 1930, nang ang manlalakbay na si Joe Labelle ay mapadpad sa tirahan ng mga katutubong Indoo
00:38.4
at malapit sa lawa ng Anjikuli sa probinsya ng Canada.
00:42.4
Katakataka na may mga pagkaing nakasalang sa apoy at ang iba ay natutong na.
00:48.0
Sa pag-ikot nito sa paligid mas lalo pa itong nalito na ang lahat ng gamit ng tao sa lugar lahat ay naroon.
00:55.4
Kasamang naiwan ang kanilang mga damit, sandata at mga gamit ng sangkol na bit-bit nila.
01:01.6
Dali ang itinilegrama ito ng manlalakbay sa mga otoridad sa syudad.
01:06.0
Sa kanilang pag-iimbestiga, mahigit sa 30 mga katutubo ang tilaba naglaho na lamang ng parang bula.
01:12.8
Kasama sa naglaho ay ang katawan sa simenteryo na pinakasagrado para sa kanila.
01:18.2
Ayon sa report na ilang araw bago ang pagkawala ay may mga nakikitang kakaibang liwanag sa himpapawid.
01:25.4
Ito ay napansin ng mga tao na malapit sa bukid.
01:29.4
Pitong taon na ang nakaraan.
01:31.2
Moderno na ang siyensya.
01:32.8
Wala pa rin makapagsabi kung saan napunta ng sabay-sabay ang tribong biglang naglaho ng parang bula.
01:40.2
Ang kolonya ng Roanoke
01:42.0
Nangyari ito sa isla ng Roanoke na ngayon ay ang North Carolina na.
01:47.2
Ito ay sa bansa ng Amerika.
01:49.0
Ang mga naninirahan dito ay ang pinakauna na lumipat sa Amerika mula naman sa bansa ng Inglaterra.
01:55.0
Nang taong 1587 nang humayo ang kanilang gobernador kasama ang ilang mga kalalakihan upang kumuha ng supply sa Europa.
02:04.2
Ngunit laking gulat ng gobernador na si John White na sa pagbalik nito ay nawawala na ang lahat ng kabaryo niya.
02:12.0
Ang tanging natira ay isang kalansay at ang ukit sa puno na mayroong salita na ang Croatoan.
02:18.6
May mga nagsasabi na baka sila ay inataki ng isang tribo ng Indian na tinatawagaan na Croatoan.
02:25.2
Ngunit walang kaguluhang na itala o kahit na ang mga katawan man lamang na nakita.
02:30.8
Matapos ang dikit sa limang daang taon,
02:33.8
magpasa hanggang ngayon ay may mga skolar pa rin na hinahanap ang katotohanan sa naganap sa nasabing naglaho na isan daan at labing limang tao
02:43.6
na lahat ay tagabayan, ang tripulante ng Maria Celeste.
02:47.6
Matapos na maglayag paalis ng Italia ang barkong Maria Celeste ng taong 1872,
02:54.0
natagpuan na lamang ito na palutang-lutang sa karagatan na sakop ng Azores.
02:59.2
Wala na ang lahat ng tripulante na sakay nito.
03:02.6
Unang inakala na pirata ang may sala,
03:05.2
ngunit ng inspeksyonin ng otoridad, ang barko lahat ng karga nito ay andoon kahit ang pera at gamit ng mga tripulante
03:13.8
at lahat ng kagamitan nila ay nasa barko pa.
03:17.0
Sa huling tala ng kapitan, wala rin na ba naag na kaguluhan?
03:21.2
Tila ba nilisa na lamang ang barko ng walang kahit na ano na kadahilanan?
03:26.2
Matapos ang higit sa dalawang daang taon,
03:28.4
walang nakaalama sa naging kapalaran ng sampong tripulante ng Maria Celeste, ang USS Cyclops.
03:36.0
Trabaho ng USS Cyclops ang magpatrolya sa katubigan ng Europa.
03:40.8
Ito ay ng panahon ng unang digmaang pandaigdigan,
03:44.0
ngunit hindi digmaan ang dahilan ng pagkawala nito.
03:47.2
Biglang naglaho sa radar ang barko at lahat ng tatlong daan na sakay nito.
03:53.2
Ito ay nang mapadaan sila sa kinatatakutan na Bermuda.
03:57.2
Pebrero ng taong 1918 na maglayag ang barko paalis ng Brazil.
04:02.2
Marso ayon mismo sa kapitan na sila ay nasa May Barbados na.
04:06.6
Matapos nito, sila ay hindi na nakita pa.
04:09.4
Walang kahit na anong dahilan, walang tawag,
04:12.0
o kahit na anong senyales na sila ay nagkakaproblema na.
04:16.0
Naitala ito na isa sa pinakamalaking pagkawala ng maramihan
04:20.0
nang walang may alam kung ano ang naging kadahilanan.
04:23.2
Ang bayan sa Juer Verde. Lang bumalik ang mga manlalakbay sa bariyong kanilang kamakainan lang na pinanggalingan,
04:30.0
nagulat sila na nawala na ang lahat ng tao sa buong bayan.
04:34.4
Pebrero ng taong 1923, naglahong parang bula ang lahat ng 600 residente ng bayan sa Juer, sa bansa ng Brazil.
04:44.0
Ang katakataka lahat ng kagamitan nila, maging andamit at pagkain nila, ay iniwan na lamang ng basta-basta.
04:51.0
Agad na nagreport ang mga manlalakbay sa kapulisan na doon mas lalong ikinataka nilang lahat
04:57.0
na walang senyales na madalian sila na umalis.
05:00.0
Ang lahat ay nasa saayos, tila ba leteral na nawala na lamang ang 600 taga bayan
05:06.0
nang walang kahit na anong nakadahilanan.
05:08.8
Ang tanging na iwan ay ang sulat sa pisara na nakalagay ay ang kataga na walang kaligtasan.
05:15.6
Ang kaso ng Dalsjo, ng ikadalawampu at siyam ng Julay ng taong 1965,
05:21.4
na sa harap ng maraming tao, naglahong parang bula sa harap nila ang tatlong magkakaibigan.
05:28.0
Ito ay sila Gary Carlson, John Oluf Dalsjo at Kyle A.K. Johansen.
05:34.2
Ayon sa mga saksi na nakita pa nila itong sumakay sa kule-asulen na Volvo.
05:39.0
Matapos noon ay wala nang nakakaalam sa kanilang kinaroonan.
05:43.6
Isa pa sa manlalakbay na nawala ng parehong araw ay itong si Hubnera Lovcvich.
05:49.4
Wala itong koneksyon sa tatlong magkakaibigan.
05:52.4
Sa pagkawala nila sa harap ng madla, tila ba walang may alam sa kanilang totoong kinakantungan.
05:59.4
Mga katinagalog ko, marami pa po na mga nakalista na mga tao na bigla na lang naglaho ng parang bula.
06:05.4
Sa ngayon po ang pinag-usapan natin ay ang maramihan at mayroong mga tao na nakasaksi.
06:11.0
Mga katinagalog ko, ano sa tingin ninyo ang dahilan ng pagkawala ng mga ito?
06:15.2
Isulat lamang po ang inyong salubin sa comment section sa ilalim.
06:19.2
Ito ay upang sama-sama na ating basahin.
06:21.8
Maraming salamat po mga katinagalog ko sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.