Close
 


GOROSEI GUMAGALAW NA REN! 1073 | One Piece Tagalog Analysis
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button.
Chapter 1073 Episode 1049
EneruReview PH
  Mute
Run time: 08:01
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
Lumabas na nga ang spoilers para sa paparating na chapter 1073, at may title nga daw itong paparating na chapter na
00:08.3
Miss Buckingham Stassie. Bale ang unang ang impormasyon sa spoilers e nagpatuloy daw yung huling scene sa last chapter,
00:15.6
which is yung paglalaban nila Stassie at Rob Lucci. Doon nagkaroon nga daw ng konting palitan itong dalawa na to ng mga
00:22.4
atake, e nagtagumpay pa nga rin daw itong si Stassie na makagat si Rob Lucci sa leeg, na nagresulta sa pagkakatulog niya.
00:30.6
So kung inaakala nga natin na si Stassie na ang may kontrol ng mga Seraphim dahil sa natulog na nga itong si Lucci,
00:37.1
e nagkakamali nga tayo dahil similar nga lang yung hierarchy niya kay Lucci, kaya hindi niya pa rin mautusan itong mga Seraphim.
00:45.3
Sa part nga na itong maikling paglalaban nila Lucci at Stassie e nireveal na nga rin na yung sekretong tinawagan ni Vegapunk
00:51.9
naka-aliansa daw nila e ito palang si Stassie. So semi-confirm na nga ito sa last chapter.
00:58.1
Bale itong part naman ng pagpapatulog ni Stassie kay Rob Lucci e parang what a turn of events, diba?
01:04.6
Kumbaga karma yung nangyari kay Rob Lucci, dahil during Water 7 Arc nga e tinrydor nila si Iceberg,
01:11.4
na nireveal na mga miyembro pala sila ng Cipherpole Agents, similar sa nangyari sa kanya ngayon sa Egghead Island Arc,
01:18.8
kung saan e siya naman yung tinrydor ni Stassie. Ang sumunod namang impormasyon sa spoilers e nakalabas na nga daw
01:25.2
itong sila Lilith at Edison sa Labo-Pace. Pero bago pa nga daw makapagbigay ng orders itong si Lilith sa mga Seraphim,
01:32.7
e bigla nga daw siyang inatake na itong Seraphim na Mihawk. Buti na nga lang daw at naagapan yun ni Zorro,
01:39.0
at pinigilan itong Seraphim na Mihawk. Nagkaroon nga daw ng maikling palitan ng atake itong dalawa na to,
01:45.6
na nauwi sa pagkakagulat na itong Seraphim na Mihawk sa lakas ni Zorro. Sa kabilang banda naman e similar nga rin yung nangyari,
01:53.4
dahil bago nga rin makapag-utos itong si Edison sa mga Seraphim, e bigla rin siyang inatake na itong Seraphim na Jinbei,
02:00.9
na siya namang pinigilan ni Sanji. Sa part nga na itong magiging laban nila Zorro at Seraphim Mihawk plus yung Sanji versus Seraphim Jinbei,
02:09.2
e kahit nga kontrolado na nila Lilith at Edison yung pagkumand sa kanila, e masasaksihan pa nga rin natin itong laban na to sa mga susunod na chapters,
02:18.6
since yung uling informasyon nga sa spoilers e related sa kanila. Bali sasabihin ko mamaya kung bakit.
02:25.0
Ang sumunod na informasyon naman sa spoilers e bigla nga daw napunta yung scene sa Sphinx Island,
02:30.3
kung saan e nalaman nga natin na matagumpay na nadepensahan nila Weavel at Bakin itong Sphinx Island.
02:36.6
Pero dahil nga daw sa tulong ni Admiral Greenbull e nadakip nga daw niya itong si Weavel.
02:42.1
At dahil nga sa nakita naman natin na papunta na itong si Marco sa Sphinx Island sa mga past chapters,
02:47.8
e humingi nga ng tulong itong si Miss Bakin sa kanya, na iligtas daw yung anak niyang si Weavel,
02:53.8
since anak naman daw ito ni Whitebeard. Nung marinig nga daw yun ni Marco e nag-alinlangan siya.
02:59.8
Nung makita nga ni Miss Bakin itong pag-aalinlangan ni Marco, e sinabi niya sa kanya na totoo ang anak daw ni Whitebeard itong si Weavel,
03:07.6
kahit itanong pa nga daw ito ni Marco kay Dr. Vegapunk. Bali itong informasyon nga na to sa spoilers e masasabi kong napaka underrated,
03:15.8
pero napaka malaman, dahil finally nga e nalaman na natin kung saan pumunta itong si Admiral Greenbull pagtapos niyang matakot kay Shanks sa Wano.
03:25.1
Hindi pala siya umuwi at nagsumbong sa Gorosei patungkol kay Momonosuke, so we assume na pagtapos niyang mapalaya sa Wano e binigyan siya ng order ni Sakazuki na dumerecho sa Sphinx Island,
03:37.1
since nahihirapan nga yung mga pinadala niyang Marines dito dahil madali nga lang yung napabagsak ni Weavel.
03:43.6
Bali na poportray ko nga dito na parang binabawi ni Oda itong tingin natin kay Admiral Greenbull,
03:49.4
siyempre katakot-takot na pagpapahiya yung inabot niya sa Wano, na I'm sure e ang tingin ng marami sa kanya e siya ang pinakamahinang Admiral.
03:58.2
Kaya naman ang matalo at madakip nga si Weavel e parang pagbabawi nga ito sa unang impresyon natin kay Greenbull,
04:05.4
since ang introduction nga kay Weavel e kasing lakas nga daw siya ng batang Whitebeard.
04:10.3
Sa part naman netong sinabi ni Ms. Bakin na totoong anak daw ni Whitebeard sa Edward Weavel,
04:15.4
na kahit itanong pa nga daw ni Marco kay Dr. Vegapunk e tumataas nga ang tsansa na literal ngang clone ni Whitebeard etong si Weavel.
04:23.4
Dahil out of all characters nga na pwedeng banggitin ni Bakin para sa kumpirmasyon na anak nga ni Whitebeard etong si Weavel,
04:30.7
e bakit kay Dr. Vegapunk pa? Pwede namang sa ibang old generations gaya ni LaGarpe, Sengoku at iba pa, diba?
04:38.4
So nakakapagtaka lang. Sa part naman netong probably e pagtulong ni Marco kay Ms. Bakin na sagipin etong si Weavel,
04:45.4
e mukhang ang magiging senaryo nga e yung nabanggit ko sa mga past chapters, na possible nga na yung magiging all out war
04:52.4
e magaganap sa Elbaf o dito sa Wiener Island. Dahil possible nga na kung pumayag etong si Marco na tulungan si Ms. Bakin,
05:00.9
at possible na dalhin ni Greenbull etong si Weavel sa nagaganap na laban nila Blackbeard at Raffalgarlo sa Wiener Island.
05:08.2
E all out war talaga ang mangyayari. Kumbaga magiging Garp, Kuzan, Greenbull, Blackbeard, Raffalgarlo, Edward Weavel at Marco
05:17.9
ang magiging kalahok sa all out war. Bawat isa nga sa kanila e may kanya-kanyang pakay na paniguradong nakakabaliw kung maghaharap-harap sila.
05:26.9
Si Garp nga e naisagipin etong si Kobe, si Kuzan naman e paano niya i-maintain yung aliansa nila ni Blackbeard kung kasama sa conflict
05:35.2
etong Marines. Si Greenbull naman ang representative ni Sakazuki sa Absolute Justice. Si Blackbeard naman e obviously nawala siyang pake sa mga karakter na makakalaban niya.
05:45.6
Si Raffalgarlo naman e paniguradong maiipit sa labanan na to. Pero I'm sure nakakampihan siya ni Marco since representative nga siya ng mga New Generations.
05:56.1
At etong si Edward Weavel naman e walang kakampihan sa kanila since galit nga siya kay Blackbeard, same as sa mga Marines at kay Marco.
06:04.4
Kaya naman kung magkataon nga at mangyari to, e paniguradong isa to sa pinaka nakakahipe na moment sa One Piece.
06:11.6
Anyway ang huling impormasyon nga sa spoilers e nakita daw natin sa huling panel etong si Kizaru, papunta pa nga rin daw siya sa Egghead Island.
06:20.3
Pero may kasama nga siyang isang Gorosei sa barco. At etong Gorosei nga daw na to e etong matandang may peklat sa muka at nakadreadlocks ang buhok.
06:29.0
Bali ni Reveal nga daw ang pangalan niya na si Saint Jigarcia Saturn. So dito na nga papasok yung unang impormasyon sa spoilers na to.
06:37.7
Dahil although kontrolado na nga ni Lalilit at Edison yung mga Seraphim, since sila na nga ang may pinaka mataas na authority sa kanila,
06:45.7
e dahil nga sa pagdating na etong isang Gorosei sa Egghead Island, e siya pa nga rin ang makakapag-utos sa mga ito.
06:52.4
Dahil yung mga Gorosei nga ang pinaka mataas sa hierarchy sa pagkuman sa mga Seraphim. Kaya naman panigurado na sa susunod o sa mga susunod na chapters,
07:02.3
e dadating na talaga etong si Kizaru sa Egghead Island. Pero I wonder kung paano siya matatakasan etong sila Vegapunk?
07:09.9
Lalaban ba ng harapan etong sila Luffy kay Kizaru? O may trauma pa rin sila sa nangyari sa Sabody Archipelago Art at tatakasan nila etong si Kizaru?
07:19.4
Balik kung may idea nga kayo sa kung anong gagawin nila Luffy sa pagdating ni Kizaru e e-comment nyo na yan sa ating comment section sa iba ba para mapag-usapan na natin yan.
07:29.2
Sa part naman ng iba pang nilalaman na etong chapter 1073 e pag-uusapan na nga lang natin eto sa mismong chapter review natin,
07:37.4
siyempre once na lumabas na yung full chapter. So yun lang, Peace!


Become a patron
We love our supporters! :)

© copyright 2023. Do not copy or reproduce content or audio without prior written authorization. Scraping and republishing our data is a copyright violation. We put a lot of hard work and TLC into this website -- please don't copy or publish our content without permission.