Close
 


Bakit sobrang daming nakakatakot na mga statwa ang lugar na ito sa Japan? More than 800 statues!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang mga lifelike statue na ito ay replika ng mga totoong tao. Ginawa ito base sa kanilang mga larawan. May mga local pa na nagsasabi na ang mga rebultong ito ay nagiging buhay pagsapit ng dilim. Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS* #awerepublic Bak
Awe Republic
  Mute  
Run time: 07:09
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
2016, Toyama, Prefecture, Japan.
00:03.4
Habang bumabiyahi ang photographer na si Ken Oki,
00:06.7
ay nadiscover niya ang isang nakakakilabot na lugar.
00:10.7
Puno ito ng mahigit 800 na malabuhay na mga rebultong.
00:15.4
Ang mga lifelike statue na ito ay replika ng mga totoong tao.
00:19.9
Ginawa ito base sa kanilang mga larawan at nagmula pa sa China.
00:24.8
Ang isang rebultong ito nga ay para talagang totoong taong nakatitik sayo.
00:29.9
May nakangiti, may seryoso,
00:32.4
may isa naman na nawala na ang muka
00:35.4
at marami sa kanila ay halos matabunan na ng mga damo.
00:39.8
May mga lokal pa nga na nagsasabi na ang mga rebultong ito
00:43.7
ay nagiging buhay pagsapit ng dilim.
00:46.9
Nako, paano kung mag-isa kang mapadpad sa lugar na ito?
00:51.1
Tiyak nakakaripas ka ng takbo.
00:53.8
Pero ang tanong, bakit kaya napakaraming rebulto dito?
00:57.7
At sino ba ang mga taong ito na ginawan ng rebulto?
01:01.6
Yan ang ating pag-uusapan ngayon.
01:11.0
Si Ken Oki o kilala sa tawag na Yukison ay isang photographer.
01:15.9
Bumabiyay siya para maghanap ng mga lugar na itinuturin niyang unreal environments.
01:21.3
At siya nga ang nakatuklas sa isang lugar na puno ng naglalakihang rebulto.
01:26.9
Bagamat nakaramdam ng takot sa kakaibang tanawing kanyang natuklasan,
01:31.1
hindi naman ito tinakbuhan ni Yukison.
01:33.5
Sahalip ay binigyang buhay niya ang mga batong rebulto
01:37.2
nang ibahagi niya ang larawan ng mga ito sa mundo.
01:40.6
I-penose niya ang mga larawan sa kanyang Twitter account.
01:44.0
Ang lugar pala na kanyang nadiskubre ay dating isang parke.
01:48.3
Ito ay matatagpuan sa bayan ng Usawanu sa Toyama Prefecture ng Japan.
01:53.6
Nasa isang nayon ito na pinangalan ng Furiai Shikibutsu no Sato.
01:58.3
Ang literal na kahulugan nito ay ang nayon kung saan matatagpuan ang mga Buddhist statues.
02:04.5
May dalawang bahagi ang parke.
02:06.6
Ang unang bahagi ay puno ng mga rebulto ng Buddhist deities.
02:11.1
Samantala, sa isang bahagi naman ay matatagpuan ang rebulto ng mga hayop na kumakatawan sa zodiac signs.
02:19.0
Matatagpuan din sa bahaging ito ang mga rebulto ng mga tao.
02:23.4
May mga naka-Amerikana pa at may mga pangalan.
02:26.6
Kung iyong titignan nga, tila ba sila ay nakatitig sayo?
02:30.8
Ang creepy, di ba?
02:32.2
Sa unang bahagi ng parke ay matatagpuan ang rebulto ng taong may-ari ng daan-daang rebulto.
02:39.5
Sino kaya siya?
02:40.6
Bago tayo magpatuloy, ikaw ka awesome!
02:43.1
Mahilig ka rin ba sa mga katatakutan?
02:45.6
Pakicomment po ng yes or no.
02:47.9
Siya si Mutsuo Furukawa, ang founder ng parke.
02:52.2
Si Mutsuo ay isang mayamang businessman sa kanilang lugar.
02:56.2
Kabilang sa kanyang mga negosyo ay mga restaurants at ospital.
03:00.4
Sa totoo lang, wala naman talagang mahiwagang dahilan kung bakit niya naisipan ang proyektong ito.
03:06.4
Sa katunayan, simple lamang ang kanyang hangarin,
03:09.7
ang makapagpatayo ng isang parke na magiging isang tourist attraction.
03:14.4
Kung saan ang mga pamilya at mga bisita sa kanilang bayan ay maaaring makapagpahinga sa piling ng kalikasan.
03:21.4
Pero bagamat simple ang hangarin, hindi simple at madali ang pinangarap na parke ni Mutsuo.
03:27.9
Ayon sa Daily Mail, gumastot si Mutsuo ng 6 billion yen noong 1989 para gawin ito.
03:34.4
Katumbas ito ng humigit kumulang 2.9 billion pesos sa ating pera ngayon,
03:39.4
kasama na ang informasyon ng isang parke.
03:42.4
Isang chinong eskultor ang inatasan ni Mutsuo para gawin ang mga rebulto.
03:47.4
Pero alam mo ba, ang mga rebultong hugis tao ay base talaga sa mga totoong tao
03:53.4
at ito ay mga kapamilya at kaibigan ni Mutsuo.
03:57.4
Ang iba din ay mga staff at nakatrabaho niya sa kanyang negosyo.
04:01.4
Nagpadala pa si Mutsuo ng larawan ng kanyang mga kaibigan, kapamilya o katrabaho
04:06.4
para gayahin ang eskultor sa China.
04:09.4
Ang ipinadala niya ay mga litrato ng nakaharap, nakatagilid at nakatalikod na tao
04:14.4
para masigurong kuhang-kuha ang tamang itsura ng mga gagawing rebulto.
04:19.4
Talaga namang naging metikuloso ang proseso sa paggawa ng mga rebulto
04:23.4
na sinasabing inabot ng tatlo hanggang apat na taon
04:26.4
bago mailagay ang mga rebulto sa parke ng 4EI Shikibutsu no Sato.
04:31.4
Paunti-unti ay ibiniyahi ang mga ito sakay ng barko mula China patuloy.
04:36.4
Walang malinaw na dahilan kung paano pinili ni Mutsuo ang mga taong pinagawan niya ng rebulto.
04:42.4
Pero tiyak na mga espesyal na tao ito para sa kanya dahil ginawan pa talaga niya ng rebulto.
04:48.4
Nung mapanayam ng vlogger na Tokyo Lens ang tagabantay ng parke noong 2019,
04:53.4
sinabi niyang marami sa mga taong ito ay buhay pa.
04:57.4
Nung mamatay si Mutsuo noong taong 2012,
05:00.4
tila napabayaan na ang parke. Unti-unting nilamon ng mga nagtataasang damo ang bawat rebulto
05:07.4
at sa paglipas ng panahon ay tila nabaon na rin ito sa limot.
05:12.4
Buti na lamang ay natuklasan ito ng photographer na si Yukison
05:16.4
at simula nang maipakita niya ang kanyang mga larawan ng 800 rebultong parke
05:21.4
ay nabuhay ang turismo dito.
05:23.4
Well, natupad naman ang hangarin ni Mutsuo sa pagkakaroon ng parke.
05:28.4
Ngunit sa ibang paraan nga lang.
05:30.4
Maraming tao ang bumibisita sa parke hindi para magrelax,
05:34.4
kundi para makita ang malabuhay ng mga rebulto.
05:38.4
Ang parke ay maaaring bisitahin sa umaga para mas makita ang lawak ng likas na tanawin
05:44.4
at para lubusang mamangha sa laki at dami ng mga lifelike na rebulto.
05:49.4
Pero inire-recomenda rin ang pagbisita dito pagsapit ng dilim.
05:53.4
Pagkakataon ito para maranasan mo kung totoo nga ba ang sinasabi ng iba
05:58.4
na tila buhay na nagmamasid ang mga rebulto.
06:02.4
Ayon nga sa ibinahagi ni Yukison,
06:04.4
habang nililibot niya ang parke para kumuha ng mga larawan,
06:08.4
ang pakiramdam niya raw ay tila may gumagalaw.
06:11.4
Kaya matapos niyang kumuha ng larawan ay agad siyang umalis nang hindi lumilingon.
06:17.4
At sa itsura ngayon ng parke,
06:19.4
sa halip na marilaks ang tao ay mukhang bibilis yata ang tibok ng kanilang puso,
06:24.4
kaya hindi talaga pwede ito sa mga mahihina ang loob.
06:28.4
Pero para sa mga gusto ng adventure,
06:30.4
may mga suwisyon din na magandang bisitahin ang parke kapag bilog ang buwan.
06:35.4
Ang mga aninong nagmumula sa mga rebulto ay nagbibigay ng ilusyon
06:39.4
na tila sinusundan ka ng mga ito.
06:42.4
Napasama na nga ang parkeng ito sa listahan niya.
06:45.4
ng mga nakakatakot na lugar sa Japan.
06:49.4
Ikaw ka awesome!
06:50.4
Gusto mo rin bang bisitahin ang mahigit 800 na rebulto
06:53.4
ng 4EI Shikibutsu no Sato?
06:56.4
Pakilagay ang inyong opinion sa comment section.
06:59.4
This is your Ate O from our Republic.
07:01.4
Hanggang sa muli and stay awesome!