Close
 


BEN | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg Papa Dudut Stories ...
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 26:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Madalas na nahuhusgahan natin ang isang tao base lamang sa itsura nila o sa kilos na pinapakita nila.
00:09.5
Hindi na tayo nag-aaksayapan ng panahon na mas makilala sila at alamin ang totoong kwento ng kanilang buhay.
00:18.0
Dear Papa Dudu,
00:21.0
Kumusta po kayo at sana po ay mabuti naman ang kalusugan ninyo sa oras na binabasa ninyo ang sulad ko.
00:28.0
Tawagin niyo na lamang po ako sa pangalang Ben, 35 years old, nagtatrabaho bilang arkitekto dito sa Taguig.
00:39.0
Matagal nang taga-pakinig ang asawa ko sa inyong programa, kaya naman naisipan ko na magpadala din ang sulad sa inyo Papa Dudut.
00:49.0
Ramdam ko kasi na may ilang kastorya tayong makakarelate sa kwentong ibabahagi ko sa ngayon.
00:57.0
At sigurado rin naman ako na may aral po itong maiiwan sa mga nakikinig ngayon.
01:05.0
Isang taon na ako nagtatrabaho noon sa Taguig nang makilala ko si Sophia Papa Dudut.
01:12.0
Hindi siya ang first girlfriend ko, pero isa siya sa mga naging girlfriend ko na seneryoso at minahal ko.
01:21.0
Ang daming nga namin naging plano na dalawa para sa future namin.
01:26.0
Kung kailan kami magpapakasal, ilan ang magiging anak namin at pati na rin ang magiging apo namin noon ay pinagplanuhan na rin namin.
01:40.0
Nang mga panahon na yon ay sigurado na akong si Sophia ang nag-iisang babae na gusto kong makasama sa panghabang buhay.
01:50.0
Nangako pa ako sa sarili ko na siya na ang huling babae na mamahalin ko.
01:56.0
Kaya lang Papa Dudut may pangyayari sa buhay natin na magiging dahilaan para mabago lahat ng matatagal ng plano na nagawa natin.
02:07.0
Dahil bago matuloy ang plano naming magpapakasal ni Sophia, minawian siya ng buhay dahil sa sakit na lupus.
02:17.0
Hindi naging madali para sa akin ang mga pangyayari na yon Papa Dudut.
02:24.0
Lalo na at kasama na si Sophia sa lahat ng plano ko sa buhay.
02:30.0
Kahit panga isang taon na ang lumipas noon, pakiramdam ko ay parang kahapon lang ang mga nangyari.
02:39.0
Kaya naman nag-decide ako na magvakasyon muna sa probinsya kung nasaan ng isa sa mga pinakaklaus kong pinsan na si Allen.
02:48.0
Mainit naman ang naging pagtanggap nila sa akin lalo na ng nanay niya.
02:54.0
Pero napansin ko noon ang isang babae na nagkukulong sa isa sa mga kwarto nila.
03:01.0
Pinsan, sino yung babae na nandun sa kwarto na yon? Pag-uusisa ko. Ah, Serena yon, asawa nung kapatid kong namatay mahigit dalawang taon nang nakakaraan.
03:14.0
Dito na rin siya nakatira sa amin kasi wala na siyang ibang kamaghanak.
03:18.0
Huwag mo na lang din siyang masyadong pansinin kasi medyo may problema siya sa pag-iisip.
03:24.0
Pero hindi naman malala, medyo nagkaroon lang ng mental breakdown.
03:29.0
Kumain ka na pinsan para makapagpahinga ka na rin, anyaya niya.
03:34.0
Papadudod sa totoo lang ay medyo nawiwerduhan ako sa babaeng Serena.
03:40.0
Napansin ko kasi na buong araw lang siyang nakakulong sa kwarto niya.
03:45.0
Tapos may oras na bingla na lamang siyang sumigaw.
03:50.0
Kaya napasugod na rin ako sa kwarto niya papadudod.
03:54.0
Nakita ko na lang si tita na may pinapainom na gamot sa kanya.
03:58.0
Hindi ko na nga rin napigilan ang sarili ko na silipin siya noon sa kwarto dahil sa pagwawala niya.
04:05.0
Ang sabi ni Allen ay gamot daw yun na pampakalmaan na sa tingin ko naman ay effective dahil kumakalma rin talaga si Rena.
04:13.0
Bago gumabihan ay nakita ko pa siya sa kusina na bungubulong o nagsasalita ng mag-isa na parang may kausap.
04:21.0
Magalaw ng taong parang wala sa normal na pag-iisip.
04:25.0
Pero aaminin ko na sa kabila ng pagiging weird na tingin ko sa kanya ay hindi ko maiwasan humanga sa taglay na ganda ni Rena papadudod.
04:36.0
Kaya naman isang araw ay naglakas na ako ng loob na lapitan nagkausapin siya.
04:41.0
Gusto mo ng tinapay?
04:43.0
Sa'yo na lang tong isa. Nilagyan ko yan ng durian jam aloko sa kanya.
04:49.0
Bakit ko naman tatanggapin yan?
04:52.0
Close ba tayo pagsusoplada ni Rena?
04:56.0
Umm kasi narinig ko kanina na binubulong mo na nagugutom ka na.
05:03.0
Masama kayang malipasa ng gutom.
05:06.0
Sige ka baka mabutas ang bituka mo tapos magkaroon ka ng kanser pag bibiro ko sa kanya.
05:13.0
Grabe ka naban kanser ka agad?
05:16.0
Hindi ba pwedeng ulcer muna?
05:19.0
Sige na nga kukuni ko na itong isang tinapay.
05:21.0
Salamat nakangiting sabi niya.
05:25.0
Ang ganda mo pala kapag nakangiti ka bulong ko.
05:29.0
Anong sabi mo?
05:31.0
Tanong niya habang may laman at tinapay ang bibig niya.
05:34.0
Ha? Wala ang sabi ko.
05:37.0
Ano ang presko pala talaga ng hangin dito?
05:40.0
Saka ang sarap itong pandesa lalo na ng durian jam?
05:43.0
Tugon ko.
05:45.0
Papadudot yun ang unang pagkakataon na nakalapit ako kay Rina at nagkausap kaming dalawa.
05:51.0
Narealize ko na mas maganda pala siya.
05:54.0
Talaga sa malapitan.
05:56.0
Lalo na kapag gumingitina ang mga labi niya.
06:00.0
Makinis ang kutis niya hanggang balikat ang medyo makapal niyang buhok.
06:04.0
Sinkitin ang mga mata at pang toothpaste commercial ang ngipin niya.
06:09.0
Siguro kung maaga ko lang siyang nakilala at hindi ko alam ang tungkol sa nakaraan niya
06:14.0
ay baka niligawan ko na kaagad siya.
06:18.0
Masarap din siyang kausap dahil sa malambing niyang boses, Papadudot.
06:22.0
At pati ako ay napapangiti kapag nakikita kong tumatawa na siya sa mga simpleng joko.
06:28.0
Ewan ko ba pero ang gaan ang pakiramdam ko ng mga oras na kasama at kausap ko siya, Papadudot.
06:36.0
Parang noon lang ulit gumaan ng ganon ang pakiramdam ko.
06:41.0
Noon lang ulit akong umiti at nangyari lahat ng iyon.
06:45.0
Nang makita ko na kahit papaano ay napapangiti ko rin si Rina, Papadudot.
06:51.0
Papadudot na sundaan ng mga araw at oras na nagkakausap kaming dalawa ni Rina.
06:57.0
Kahit nga paulit-ulit ang topic namin ay ayos lamang.
07:01.0
Nang dahil sa kanya ay naramdaman ko na unti-untin ang nagkakaroon ng kabuluhan
07:06.0
ang mga araw ko sa probinsya ng pinsang kongsi Alen.
07:10.0
Kung dati halos gabi-gabi akong umiiyak at parang wala akong kaplano-plano sa kinabukasan.
07:16.0
Nang mga panahon na iyon ay unti-unti ko nang naramdaman.
07:20.0
Ang excitement na gumising sa umaga at mag-almusal kasabay si Rina.
07:25.0
Hindi na rin kasi siya madalas na nagkukulong sa kwarto
07:28.0
at hindi lang ako ang nakakausap niya kung hindi pati na rin sina tita at Alen.
07:34.0
Hindi na siya nagwawala at palaging maayos na akong magsalita.
07:38.0
Kapansin-pansin talagang pagbabago sa mga kilos na sa mga ngiti niya.
07:44.0
Hindi ko na rin siya nakikita na nagsasalita ng mag-isa
07:48.0
at may mga oras na nakikita ko siya naghihintay sakin sa may likod ng bahay.
07:53.0
Alam ko na kahit pa paano ay nararamdaman ko rin na masaya siya
07:57.0
sa tuwing nagkakausap kaming dalawa pa padudut.
08:01.0
Um, Rina, if you don't mind,
08:04.0
okay lang ba na itanong ko kung anong dahilan ng pagkakaroon mo ng nervous breakdown?
08:09.0
Pero kung ayaw mong pag-usapan natin yun, okay lang din sakin.
08:13.0
Pag-uusisa ko.
08:15.0
Ayos lang sakin na magtanong ka.
08:18.0
Huwag ka na mag-alala.
08:20.0
Two years ago, okay naman ako.
08:22.0
Normal lahat sakin at sigurado ako na mentally stable ako kasi
08:27.0
masaya ako kasama ang asawa ko at anak ko.
08:30.0
Kaya lang muna nang maaksidente sila
08:32.0
dahil nabangga ng isang kotse ang tricycle na sinasakyan nila.
08:36.0
Nagbago nang lahat sa buhay ko kasi pareho silang namatay.
08:40.0
Tapos nalaman ko na lasing pala yung driver ng kotse na nakabangga sa tricycle.
08:46.0
Siyempre nagsampa ako ng kaso
08:49.0
pero may isang beses na sumugod yung driver dito sa bahay
08:53.0
at nagkataon na nag-iisa lamang ako noon.
08:56.0
Pinagbantaan niya ako na kapag tinuloy ko ang kaso laban sa kanya,
09:00.0
susunod ako sa mag-ama ko sa kabilang buhay pag kukwento niya.
09:05.0
Grabe naman yung tao na yun.
09:08.0
Sobrang sama niya.
09:10.0
Napapailing na kumento ko.
09:12.0
Kaya nga natakot talaga ako para sa sarili ko
09:15.0
pero tinuloy ko ang kaso
09:17.0
hanggang sa mabalitaan ko nila na biglang namatay yung driver dahil sa stroke.
09:21.0
Mula noon pakiramdam ko may tao sa paligid ko na gustong malakit sakin.
09:26.0
May mga oras na biglang na lang ako mahihirapang huminga
09:29.0
at yung feeling na parang ayaw ko nang mabuhay sa mundo na to
09:32.0
kasi nag-iisa na lamang ako
09:34.0
at walang nakakaintindi sakin ang wika pa niya.
09:39.0
Alam mo, mas maintindihan ko na ngayon yung dahilan kung bakit nagkakilala tayong dalawa.
09:45.0
Namatihan din kasi ako ng girlfriend last year lang.
09:49.0
Siguro nga'y mag-iba tayo ng bigat na pinagdadaanan sa buhay
09:53.0
pero maniwala ka sakin.
09:57.0
Hindi ka nag-iisa, Rina, dahil
09:59.0
naiintindihan kita at ang bigat na nararamdaman mo dyan sa dibdib mo
10:03.0
ang wika ko.
10:05.0
Papadudod madalas talaga ay may malalim na dahilan
10:08.0
kung bakit nagtatagpo ang landas ng mga tao para magkakilala,
10:13.0
magkausap at magkasama sila.
10:16.0
At siguro ang dahilan kung bakit parehong magaanang loob namin ni Rina sa isa't isa
10:20.0
ay pareho rin kami halos ng pinagdaanan sa buhay.
10:24.0
Alam namin yung pakiramdam ng mawala ng minamahal,
10:28.0
kung gaano kasakit ang maiwan
10:30.0
at ang pakiramdam na parang mag-isa ka na lamang sa mundong ito.
10:35.0
Nang mga oras na yun ay mas naiintindihan ko na si Rina
10:38.0
at naniniwala ako na mas mahirap ang pinagdaanan niya kumpara sakin.
10:44.0
Dalawang mahal niya sa buhay ang magkasunod na nawala sa kanya.
10:48.0
Pati na ang katarungan na para sa asawa niya ay naglaho na lang din na parang bula.
10:55.0
Nang mamatay ang driver ng kotsek na gindahilan,
10:59.0
nang pagkawala ng mga minamahal nila,
11:02.0
kaya namuhay siya sa takot na baka pati siya ay mapahamak pagdating ng panahon.
11:09.0
Pero nang sabihin ni Rina sa kalagitnaan ng pag-uusap namin
11:13.0
na handa na rin siyang mawala sa mundong ito
11:15.0
para makasama na niya ang pamilya niya ay pinayuhang ko siya
11:19.0
na kailangan niyang magpakatatag.
11:22.0
Dahil alam ko na may mga tao pa rin na nagmamahal sa kanya
11:26.0
at umaasa na muli siyang babalik sa dating matatag na si Rina.
11:31.0
Papadudut, kaya lang hindi naging ganon kadali ang lahat.
11:36.0
Dahil may mga oras na inaatake ng nervous breakdown si Rina,
11:41.0
lalo na kapag hindi siya nakakainom ng gamot.
11:44.0
Pare-pareho lang kayo.
11:46.0
Lahat kayo walang pakialam sakin pag wawala ni Rina.
11:51.0
Lumabas noon ang pinsang ko para bumili ng gamot na pampakalma ni Rina.
11:55.0
Ako lang ang naiwan para bantayan at subukan na pakalmahin siya.
11:59.0
Nalapit ako sayo, hindi kita sasaktan.
12:03.0
Ayaan mo lang akong makalapid sayo ha, ang wika ko.
12:06.0
Ayoko, dyan ka lang sa kinakatayuan mo, sigaw niya.
12:11.0
Nalapit pa rin ako kasi gusto kitang yakapin.
12:14.0
Magkaibigan tayo, hindi ba?
12:16.0
Kaya mahalaga ka.
12:18.0
Mahalaga ka sa akin, ang wika ko naman.
12:22.0
Sinasabi mo lang yan kasi naaawa ka sa akin, ang sabi pa niya.
12:27.0
Sinasabi ko to kasi yun ang totoo.
12:30.0
Eto, nakalapit na ako sayo, yayakapin kita ha,
12:33.0
para mas maramdaman mo na hindi ako nagpapanggap lang,
12:37.0
ang wika ko pa.
12:40.0
Lahat naman kayo pare-pareho lang.
12:42.0
Pinagtatawanan nyo lang mga ko.
12:45.0
Naaawa kayo sa akin sa bandang huli, basta nyo na lamang akong iiwanan.
12:49.0
Alam ko kagaya ka na nila, aalis ka at iiwanan mo rin ako ben,
12:53.0
naiiyak na sigaw niya.
12:56.0
Kung may ibang tao man na nakasakit sayo,
12:59.0
huwag mo kong itulad sa kanila kasi kahit kailan hindi ko gagawin yun sayo.
13:03.0
Hindi kita sasaktan at basta nung hindi kita iiwanan.
13:06.0
Pangako yan Rina, kaya huwag ka nang umiyak,
13:10.0
huwag ka nang matakot,
13:12.0
wala nang sino ma nang makapananakit pa sayo,
13:15.0
ang wika ko.
13:17.0
Papadudot na lamang ko mula sa pinsang kongsi Allen na ulilan ng lubos si Rina
13:22.0
bago niya mapakasalaan ang kapatid niyang si Robert.
13:25.0
Namatay rao ang nanay nito sa sakit sa puso at ang tatay naman niya
13:29.0
ay napatay ng bandido nang minsan itong umakyat sa bundok.
13:34.0
Marami rao pinagdaanan na pagsubok si Rina bago nito nakilala si Robert.
13:40.0
At si Robert rin halos ang nagbigay ng bagong dahilan kay Rina
13:44.0
para mas maging matatag pa.
13:47.0
Kaya nang maaga itong mawala kasama ang nag-iisang anak nila,
13:52.0
ay halos panawa na ng baid si Rina dahil kinang Robert na umiikot ang mundo nito.
13:59.0
Yun din ang dahilan kung bakit hindi pinabayaan nina Allen si Rina Papadudot.
14:04.0
Bait naman daw talaga ito lalo na ng pakasalaan ni Robert at mga kasama nina Allen sa bahay.
14:10.0
Kahit kailan ay wala silang naging problema sa pakikisama kay Rina
14:15.0
at tinuring na nga nila itong tunay na parte ng pamilya nila.
14:19.0
Dahil alam nila na yun din ang gusto ni Robert na gagawin nina Allen Papadudot.
14:26.0
Kahit na napapangiti at napapasaya ko si Rina sa mga oras na magkasama kaming dalawa,
14:33.0
alam ko na hindi pa rin siya tuluyang magaling mula sa pagkakaroon niya ng nervous breakdown.
14:38.0
Wala namang kahit anong sakit ang mabilis na pagalingin.
14:41.0
At isa nga sa mahabang gamutan ay ang sakit na nag-iwan ng hindi magandang alaala
14:46.0
na pwedeng magdulod sa atin ng trauma o depression.
14:51.0
Mula nang mawala ang girlfriend kong si Sophia ay nakaranas talaga ako ng matinding depression.
14:57.0
Yung pakaramdam na walang sino maa lang nakakaintindi ng sakit na nararamdaman ko noon.
15:02.0
Gusto ko na mag-isa lamang ako dahil naniniwala ako na sarili ko lang ang makakatulong sakin.
15:08.0
At umabot pa ako sa punto na naisip ko na sundan na lamang si Sophia sa kung saan man siya naroon.
15:15.0
Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil una sa lahat yun ang pinakamaling bagay na naisip kong gawin sa talang buhay ko, Papa Dudut.
15:26.0
Alam mo Ben, pareho kayo ni Rina na hindi naglalagay ng asukal sa kape.
15:31.0
Ako kasi hindi pwede na walang gatas at asukal ang kape ko.
15:35.0
Wika ng pinsang kong si Allen.
15:38.0
May kanya-kanya naman kasi tayong panlasa pagating sa kape.
15:42.0
Pero tama ka, pareho nga kami ng gusto ni Rina pagating sa lasa nito ang sabi ko.
15:50.0
May gusto ka ba sa hipag ko? Diretsong tanong ni Allen na bigla kong kinaubo.
15:57.0
Sorry insa na bigla ba kita sa tanong ko.
16:00.0
Napatawa pang wika niya.
16:02.0
Eh hindi naman kunwaring tugon ko.
16:06.0
Ayoko na rin kasing magpaligwi-ligwi pa kaya dineretso ko na ang tanong ko.
16:10.0
So ano, may gusto ka ba kay Rina?
16:13.0
Alam mo pinsan, wala namang problema sakin kung magkagusto ka sa hipag ko.
16:19.0
Kasi matagal na rin patay ang kuya ko.
16:21.0
Pero sana pag-isipan mo mabuti kung anuman ang balak mo kay Rina ha, muling wika niya.
16:27.0
Kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng masamang intensyon sa hipag mo.
16:32.0
Tugon ko naman.
16:34.0
Alam ko naman din yun eh para namang hindi kita kilala.
16:37.0
Alam ko kung paano ka ramespeto ng babae kaya nga natuwa talaga ako nang makita ko na nagiging close kayo ni Rina.
16:44.0
At hindi na rin ako makikialam pa kung sakali man na, alam mo yun, magkapalagayan kayo ng loob.
16:51.0
Ang sa akin lang ay sana huwag mong sasaktan si Rina.
16:54.0
Kasi masyado na siyang maraming pinagdaanan na mabibigat na pangyayari sa buhay niya.
16:59.0
At saka hindi pa talaga siya mentally stable.
17:02.0
Kung hindi mo siya balak na seryosohin, huwag mo na sana siyang paasahin at saktan lang sa bandang huli.
17:09.0
Wika pa niya.
17:11.0
Papadudot ng mag-decide ako na magbakasyon sa probinsya nina Allen ay wala pa talaga akong maayos na plano sa buhay ko.
17:19.0
Kaya nga bigla na lamang akong nag-file ng indefinite leave sa trabaho ko.
17:23.0
At sinabi ko sa mga boss ko na kung kailangan na nila akong palitan kasi hindi pa ako bumabalik ay malaya silang gawin yun.
17:31.0
Hindi na rin kasi ako umaasa na may babalikan pa akong trabaho.
17:35.0
May sapat na ipon din naman ako para sa sarili ko at sigurado ako na hindi ako mahihirapan na humanap ng trabaho pagbalik ko ng Maynila.
17:45.0
Gusto ko lang noon ng bagong ambience at malayo sa lugar na puno ng mga alaalan namin ni Sofia.
17:53.0
Gusto ko lang maramdaman na mas mapag-isa at bala ko rin talagang magkulong sa kwarto o sa mundo na bubuuin ko sa probinsya na yon.
18:02.0
Pero lahat yun ay nagbago ng makilala ko si Rina.
18:06.0
Makiramdam ko ay biglang nagkaroon ng bagong purpose ang buhay ko.
18:10.0
Yun ay ang purpose na tulungan siyang makaahon mula sa nag-aalon na kalungkutan ng pag-iisa, Papadudot.
18:19.0
Ben, may tanong ako sa iyo. Bakit ang bait mo sakin? Dahil ba naaawa ka sakin? Tanong ni Rina.
18:29.0
Siyempre hindi. Saan mo naman nakuhang ideya na yan? Wika ko.
18:35.0
Wala lang. Alam ko naman kasi na yun ang madalas na nararamdaman ng mga taong nakapaligid sakin.
18:42.0
Kung hindi sila naaawa, naiinis sila o kaya ay natatawa kasi ang tingin nila sakin ay isang baliw, malungkot na pagngiti niya.
18:55.0
Huwag mo nga sabihin yun, Rina, dahil alam mo na hindi totoo yan. Marami naman kasing hindi nakakaalam ng mga pinagdaanan mo sa buhay
19:04.0
at hindi natin maiiwasan ang mga tao na husgahan tayo sa kung ano lang ang nakikita nila sa atin.
19:10.0
Pero sige, sasagutin ko ang tanong mo. At aaminin ko sa iyo na gusto kita at sobrang espesyal mo para sakin ang wika ko.
19:19.0
Ben, baka ang ibig mong sabihin na aawa ka lang sakin ang wika pa niya.
19:26.0
Hindi aawa ang nararamdaman ko at sigurado ako dun. Espesyal ka dito sa puso ko.
19:33.0
At kung pahihintulutan mo ko, gusto kong patunayan sa iyo yun. Gusto kong makita mo na seryoso ako sa nararamdaman ko.
19:42.0
Kailaniligawan kita at ipapakita ko sa iyo na totoong mahalaga ka sa buhay ko, Rina.
19:49.0
Ang sabi ko, paano kung mapagod ka? Paano kung magsawa ka na suyuin ako?
19:59.0
Alam mo naman ang sitwasyon ko, hindi ba? Magulo pa rin ang isip ko hanggang sa ngayon.
20:06.0
Ni sarili ko nga, hindi ko maintindihan. Paano mo pa magagawa na intindihin ako? Medyo naiiyak na tanong niya.
20:15.0
Magagawa ko yun kasi mahal kita. Basta magtiwala ka lang sakin.
20:20.0
Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo kaagad ako. Ang gusto ko lang ay bigyan mo ko ng kahit na kaunting tiwala mo at sana isubukan mo na buksan ang puso mo para sakin. Tugon ko.
20:32.0
Papadudot matagal ko ng alam noon na tuluyan nang nahulog ang loob ko kay Rina.
20:38.0
Noong una, sinubukan ko pa yung pigilan dahil sa naging asawa siya nang namaya pa ko ng pinsan.
20:45.0
Kung hindi dahil alam ko na hindi magiging madali ang lahat sa aming dalawa.
20:49.0
Natakot din kasi ako na baka nami-misunderstand ko lamang ang nararamdaman ko.
20:55.0
Baka akala ko ay mahal ko na siya pero awa lang pala ang nararamdaman ko.
20:59.0
Awa dahil pareho kami ng pinagdadaanan sa buhay.
21:03.0
Pareho kaming naiwan at nasaktan ang dahil sa mga taong sobrang naming minahal.
21:08.0
Kaya hindi kaagad ako nagtapat sa kanya at ninaangko na lamang sa simpleng pakikipag-usap at pag-aalala ang nararamdaman ko.
21:17.0
Pero papadudod kapag ang pag-ibig na ang nararamdaman natin ay nagsisimula ng umapaw dito sa ating puso.
21:25.0
Mahihira pa na tayong pigilan yun.
21:27.0
At yun nga ang nangyari sakin.
21:30.0
Kaya naman pinagtapat ko na kay Rina ang lahat ng tungkol sa nararamdaman ko kahit na wala ko ang kasiguraduhan sa isasagot niya sakin.
21:39.0
Kahit ramdam ko na may katiting din siyang pagtingin sakin.
21:43.0
Takot ako na masira ang nasimula naming magandang pagkakaibigan.
21:48.0
Takot ako na bigla niya akong iwasan dahil sa pagtatapat ko sa kanya.
21:53.0
Pero sa bandang huli halos tumundag ang puso ko sa tuwa.
21:57.0
Nang marinig ko mula sa kanya na gusto niya rin ako.
22:01.0
At inaasahan ko nang marinig din mula sa kanya na takot pa siya na sumubok ulit na pumasok sa isang relasyon.
22:10.0
Papadudod naintindihan ko si Rina sa nararamdaman niyang takot noon.
22:14.0
Hindi naman kasi talaga biro ang makipagrelasyon sa taong hindi mentally stable.
22:19.0
Tapos pareho pa kami na dumaan sa ganoong stage.
22:22.0
Pero isasabi ng kailangan na mas magpakatatag at alam ko na ako yun papadudod.
22:28.0
Kaya nga kami pinagtagpon ng Diyos para matulungan namin ang isa't isa na muling makabangon.
22:33.0
Kaya ako dinala ng Diyos sa buhay ni Rina para maging dahilan ulit para magpakatatag siya.
22:40.0
Kaya pareho kami ng pinagdaanan dahil nakatadhana talaga na magkakilala kami hanggang sa magmahalan.
22:47.0
Papadudod tinuloy ko ang panliligaw ko pagkatapos kong magtapat kay Rina.
22:54.0
Wala naman akong pagtutol na nakuha mula sa pinsan ko o kahit pa kay tita.
23:00.0
Kilala naman daw nila ako na seryoso pagdating sa relasyon kaya tiwala sila na hindi ko sasaktan si Rina.
23:09.0
Hindi nagtagal ay naging girlfriend ko na rin si Rina at ngayon nga ay ilang taon na rin kaming nagsasama bilang mag-asawa.
23:16.0
Kapiling ang aming nag-iisa at pinakamamahal na anak.
23:20.0
At bawat araw na kasama ko silang mag-ina ay palagi kong pinagpapasalamad sa puong may kapal.
23:26.0
Dahil sila ang tangin dahilan kung bakit natuto akong muli na lumaban sa buhay.
23:32.0
Alam ko papadudod na marami ang kagaya namin na nakakaramdam ng matinding depression sa panahon ngayon.
23:40.0
Marami kasi ang pwedeng maging dahilan ang pagiging mentally stable.
23:45.0
Kung hindi pa tayo handa na makipag-usap sa ibang tao at buksan sa kanila ang mga bagay na gumugulo sa atin,
23:52.0
sana ipatuloy pa rin tayo na maging matatag.
23:55.0
Dahil kung pakaramdam natin na wala tayong sino ma na pwedeng maging kakampi,
23:59.0
kapitan natin ang mga sarili natin at ang puong may kapal.
24:03.0
Na anumang oras ay pwede nating lapitan at nasalan.
24:07.0
Hanggang dito na lamang po ang sulat ko papadudod.
24:12.0
Yours truly, Ben
24:16.0
Maraming salamat Ben sa pagsulat mo dito sa aking YouTube channel.
24:21.0
Ramdam ko na maraming kastorya natin ang nakaka-relate sa kwentong binahagi mo.
24:27.0
Lalo na't hindi talaga biro ang magkaroon ng nervous breakdown o depression.
24:34.0
Hindi madali ang aminin yun sa ating sarili pati na rin sa ibang tao.
24:39.0
Pero nagawa ninyong pagtagumpayan ni Rina ang lahat nang magkasama kayong dalawa.
24:46.0
Kaya naman dalangin ko na mas patatagin pa ng puong may kapal
24:51.0
ang pagsasama ninyo ng iyong pamilya.
24:55.0
Hanggang sa muli ako po ang inyong sipapadudod.
24:59.0
Huwag kalimutan na mag-like, share and subscribe.
25:03.0
Maraming salamat po sa inyong lahat mga ka-online.
25:33.0
Mga problemang kaibigan
25:39.0
Dito ay pakikinggan ka
25:46.0
Sa Papadudod Stories
25:50.0
Kami ay iyong kasama
25:58.0
Dito sa Papadudod Stories
26:02.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
26:11.0
Dito sa Papadudod Stories
26:15.0
May nagmamahal sa'yo
26:23.0
Papadudod Stories
26:29.0
Papadudod Stories
26:36.0
Papadudod Stories


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.