Baby Oil: Para sa Mukha, Buhok, Labi, Paa at Stretch Marks - Tips ni Doc Liza Ramoso-Ong
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.5
Ang topic natin, baby oil. Murang pampaganda ng buhok, ng kutis, ng kuko, ng talampakan at iba't ibang gamit nito.
00:12.3
Napakarami hong gamit ng murang baby oil. Iisa-isahin ko ito sa inyo.
00:18.7
Doon sa mga nagre-reklamo na napakakati ng kanilang balat.
00:23.9
Kasi ang baby oil ay panggamot sa tuyo, magaspang at makating balat.
00:29.3
Di ba may iritasyon tapos kakamuti natin maigi? Kasi napakakati.
00:35.1
So pag nagkamot, magfi-flakes na ito o mga ngaliskis.
00:40.2
So ang mangyayari, gagaspang na yung balat.
00:42.9
Tsaka yung mga bata, nakikita din natin doon sa lampin may diaper rash o kaya na sunburn.
00:50.0
Maaaring makatulong itong baby oil kasi nakakapagpampalambot, nakakabasa o moisturize ng balat.
00:58.7
Kaya makakatanggal ng pangangati at para hindi magtuklap, para kuminis ang ating balat.
01:05.7
Paano gagawin ito? Kapag bagong ligo tayo, tuyuin ang bahagya ang ating balat tapos lagyan natin ang baby oil.
01:14.9
So yun yung magsisilbing moisturizer ng ating balat.
01:20.1
Kapag gusto naman natin na mag-shave o mag-ahit ng ating binti, ng kilikili at sa lalaki, ng balbas.
01:27.0
Kung wala ho kayong shaving cream at meron kayong tagong baby oil, pwede rin gamitin ito sa ating pag-shave o pag-ahit.
01:38.5
Sa mga babae, mahal ang pantanggal ng make-up pero kung meron kayong baby oil, yan ang gamitin ninyo.
01:46.0
Tsaka hindi ba usungay ng tattoo lalo na sa mga bata?
01:49.5
Naku, huwag nyong tuklapin ng walang baby oil kasi masasaktan ang inyong mga anak.
01:55.2
So pwede ang baby oil.
01:57.0
Diba ginagamit din natin ito kapag mahirap tanggalin ang band-aid na dinikit doon sa ating balat.
02:06.2
Para gumanda naman ang iyong labi, kumuha ng isang kutsaritang baby oil, lagyan ng kalahating kutsaritang sugar at yan ang ipapahid mo doon sa iyong lips para hindi nagbabalat-balat ang iyong lips.
02:20.7
Pwede mong gawin yan three times a week.
02:24.4
Pag nagmamasahe, adult.
02:27.0
O baby man, pwede ang gamitin ang baby oil pang masahe.
02:32.4
Alin ba dito ang paa ninyo o talampakan ninyo?
02:36.4
Pero marami sa atin, naging problema ko rin ito, nagbibitak-bitak yung paa.
02:41.7
So ang ginawa ko, pagkaligo, tuyuin mabuti ang paa tapos lagyan ng baby oil.
02:47.1
At pag matutulog na kayo, pahiran muli ng baby oil at magmedyas para ma-sealed yung inyong paa doon sa oil.
02:57.0
Kaya hindi kumalat doon sa inyong kubrekama.
03:01.1
Yung mga babies na iyak ng iyak dahil sa diaper rash,
03:05.8
pag magpapalit na kayo ng lampin, hugasan muna ang kanilang puitan, tuyuin at saka lagyan ng baby oil.
03:14.4
Lagyan para hindi ma-absorb yung mga dumi na galing sa diaper.
03:20.2
Kasi kawawa naman kapag may diaper rash.
03:22.6
Ganon din pag nag-swimming ang mga bata, lalo na sa beach.
03:27.0
Pagka-sunburn, makakatulong din ang paglalagay ng baby oil pagkatapos ng maligo.
03:35.0
Ito, mahal ang panlagay na lotion doon sa mga stretch marks, lalo na sa kababaihan.
03:42.3
So, ang baby oil ay pwede niyong ilagay doon sa inyong stretch marks.
03:46.9
Medyo mapapaganda niya yung stretch marks.
03:52.1
Sa mga may problema ng very dry hair,
03:55.7
pag kaligo ninyo o bago maligo, pwedeng maglagay muna ng oil.
04:00.4
Tapos pag i-blow dry, pwede rin lagyan niyo ng kaunting oil.
04:05.0
O kaya naman, imbis na hair gel ang gagamitin niyo na mag-fiflakes,
04:10.0
pwedeng panlagay ang oil para hindi freezy yung buhok.
04:14.2
Yung tikwas-tikwas, lagi ko rin itong ginagawa kasi nga freezy yung buhok ko.
04:20.4
Ito din, problema sa Pilipinas.
04:22.6
Maraming batang may kuto.
04:24.6
Kahit yung mga adults nagkakakuto.
04:27.7
So, ang gawin natin, lagyan natin ng baby oil.
04:30.3
Walong oras muna yung baby oil doon sa inyong ulo.
04:35.8
At the same time, mas mabilis din tanggalin yung mga lisa at kuto kasi dudulas na yun.
04:41.5
Tapos, after 8 hours, shampoohin nyo ng anti-kuto shampoo
04:46.0
para mamatay na nang tuluyan yung mga kuto doon sa ulo ng bata o ng adults.
04:54.6
problema natin, diba?
04:56.6
Minsan may hangnails dito sa ating kuko.
04:59.8
O kaya, very magaspang naman yung gilid-gilid ng ating kuko.
05:04.4
Makakatulong din ang baby oil.
05:06.3
O kaya, para hindi kumalat yung cutex sa pagmamanicure,
05:10.1
pwede nyo rin lagyan sa gilid ng baby oil.
05:13.1
Yan ang gamit ang baby oil doon sa ating mga kuko.
05:19.2
Doon sa mga tao, ito.
05:21.6
Isang ENT ang nagturo sa atin ito.
05:24.2
Si Dr. Jim Di Maguila.
05:26.6
Problem din ito kung naramdaman nyo.
05:28.8
Ako, naramdaman ko ito.
05:30.2
Medyo humina ang pandinig.
05:35.1
Tapos, pag sumakay ako ng elevator
05:37.1
o kaya mataas na lugar o ng eroplano,
05:41.3
parang lumolobo yung tenga ko.
05:43.5
Yung pala, marami ng naipong tutuli.
05:46.4
So, ang tawag ko doon, impacted serumin.
05:49.8
Para lumambot yung nanigas na tutuli doon sa inyong tenga,
05:55.2
Ganito ang pagpatak.
05:56.7
Ituturo ko sa inyo, kumuha ng tuwalya o nang mababang unan, tumagilid.
06:01.2
Medyo hilahin pataas yung inyong tenga
06:04.2
para lalabas doon yung butas.
06:08.2
Ipatak 3 to 5 drops doon sa butas ng tenga.
06:13.2
Tapos, manatili ng mga 2 to 3 or 5 minutes na nakatagilid
06:18.2
para maabsorb yung baby oil na nilagay ninyo.
06:23.2
yung kabilang tenga naman.
06:25.2
Siguraduhin lamang na hindi butas ang inyong ear drum.
06:28.2
So, dapat na check up na beforehand yung inyong tenga na buo pa ang inyong ear drum
06:34.2
para magawa ninyo.
06:36.2
Minsan naman, hindi sinasadya. May pumasok na insekto doon sa inyong tenga.
06:42.2
Tapos, ang likot-likot niya doon sa loob.
06:44.2
So, hindi kayo mapakali.
06:46.2
Katulad ng sinabi ko,
06:48.2
gawin nyo ulit yung ganitong procedure
06:52.2
at mailabas yung foreign body doon sa inyong tenga.
06:58.2
So, yan yung mga gawain ng baby oil.
07:02.2
So, ito mga mura pero makakaganda sa inyo.