* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:12.7
At ngayong araw, pag-uusapan natin yung isa sa mga nakakalungkot na tema.
00:22.2
Bukod sa mga tema dati na kolonyalismo, na nakakalungkot din siyempre.
00:30.0
Kasi mga tao ang namatay.
00:33.9
Ngayon naman, tungkol sa mga aso at yung mga kondisyon ng mga aso sa Pilipinas.
00:45.1
Lalo na yung tungkol sa dog trade sa Pilipinas.
00:52.7
At noong nasa Pilipinas ako, kasama ko yung kaibigan ko.
00:59.0
Na hindi Pilipino.
01:02.0
At tinanong niya, bakit ang daming aso sa kalsada?
01:08.9
Bakit madaming mga stray dog yung naglalakad lang sa kalsada at payat o may sakit o masama ang kondisyon ng mga asong ito?
01:24.1
Bakit walang animal control?
01:26.6
O bakit walang nag-aalaga sa mga aso?
01:33.0
At siyempre problema ito.
01:35.6
Lalo na dahil problema ang rabies sa Pilipinas.
01:41.0
At nakakalungkot din kasi siyempre hindi maganda ang buhay ng mga asong ito.
01:51.5
At hindi ko naisip na hindi ganun.
01:56.6
Hindi ganun ang sitwasyon sa ibang bansa.
01:59.0
At noong pumunta ako at tumira sa ibang bansa, hindi ganun ang sitwasyon.
02:04.7
Walang mga stray dog o sobrang konti.
02:10.2
Siyempre depende sa bansa.
02:13.3
So ibig sabihin na pagtantuko na hindi talaga maganda ang sitwasyon ng mga aso sa Pilipinas.
02:23.9
At siyempre nagsaliksik ako.
02:26.6
Naghahanap ako ng mga data.
02:31.1
At sabi sa isang source na 500,000 aso yung kinakatay taon-taon sa Pilipinas.
02:43.8
Half a million na aso ang kinakatay sa Pilipinas kada taon.
02:51.0
At yung dog meat trade sa Pilipinas ay...
02:56.6
Laganap sa Baguio, sa lungsod ng Baguio, sa hilaga ng Pilipinas.
03:03.5
At sa kasaysayan, yung pagkain ng aso ay dahil sa mga ritual o dahil sa mga pagdiriwang.
03:16.1
Pero yung mga nakaraang taon, yung dog meat trade ay ginagawa para sa commercial.
03:26.6
At hindi dahil sa mga ritual o cultural na dahilan.
03:36.5
At may mga investigasyon na ginawa at na-document na merong hindi bababa sa 25 restaurant na merong dog meat.
03:54.5
At may apat na...
03:56.6
Slaughterhouse sa Baguio.
04:00.3
At may iba't-ibang dog meat traders sa Laguna, sa Batangas, at sa Pangasinan.
04:08.8
At syempre, ito lang ang mga naghahanap ng mga investigator.
04:15.9
At pwedeng meron pang mas madami.
04:20.3
At yung ginagawa ng mga taong ito ay kinukuha yung mga stray dog.
04:26.6
At dinadala sa norte, sa hilaga ng Pilipinas.
04:33.7
At syempre, hindi maganda ang kondisyon ng mga asong ito habang nasa truck.
04:42.2
Walang pagkain, walang tubig, at syempre mainit.
04:47.2
At tinatali yung mga aso.
04:52.3
At punong-puno yung sasakyan.
04:56.6
At sabi na halos kalahati sa mga aso ang namamatay sa biyahe.
05:04.7
Doon sa loob ng truck or loob ng van.
05:09.8
At minsan, mas madami pa sa kalahati ang namamatay sa biyahe.
05:15.3
At yun, syempre bukod sa karahasan,
05:20.3
sa transportasyon,
05:25.0
pinapalo din yung aso.
05:26.6
At syempre, yung lalamunan, hinihiwa.
05:33.3
Minsan, or madalas sinusunog yung balahibo.
05:38.2
At syempre, kinakatay yung katawan.
05:42.0
Pinuputol-putol ang katawan ng aso.
05:47.6
At ayon sa gobyerno na
05:52.6
na ang Philippine National Meat Inspection Commission sabi nila na hindi ligtas kumain ng aso.
06:02.8
Na delikado kumain ng aso kasi may risk ng impeksyon tulad ng iba't-ibang parasites ng Salmonella, E. coli, at iba pa.
06:17.5
At yung pagkain ng karne ng aso,
06:22.6
ay pwedeng mag-spread ng rabies na delikado at malaking problema pa rin sa Pilipinas.
06:35.5
At syempre, nakakalungkot na ganito ang sitwasyon ng mga aso sa Pilipinas.
06:42.2
At merong batas na nagbabawal patayin at magbenta ng mga aso.
06:52.6
Noong 1982, meron yung Animal Welfare Act na bawal patayin yung aso para sa pagkain.
07:02.9
At merong penalty.
07:06.5
So, ayon sa batas, bawal ito gawin.
07:09.5
Pero syempre, yung enforcement ng batas ay ibang kwento.
07:15.1
Dahil, yun nga, ayon sa mga investigator,
07:19.1
meron silang mga nakita na restaurant,
07:22.6
na nagbibenta ng karne ng aso,
07:26.9
at mga slaughterhouse na pumapatay ng aso.
07:33.2
At yun, nakakalungkot.
07:36.9
At kung gusto nyo, pwede kayong magsaliksik pa, mag-google tungkol dito.
07:44.0
Kung gusto nyo makita yung mga litrato,
07:47.4
para makita nyo ang sitwasyon,
07:49.5
nakakalungkot talaga na ganito ang...
07:52.6
ginagawa sa mga aso sa ibang parte sa Pilipinas.
07:59.4
At syempre, ganun din ang ginagawa natin sa mga iba't ibang hayop
08:05.1
na sa tingin ko, hindi kailangan.
08:09.7
Yun lang, salamat sa oras nyo.
08:12.8
Merong transcript kung kailangan nyo,
08:14.7
at merong Patreon kung gusto nyo sumuporta sa kuyento.
08:18.6
Salamat at paalam.
08:22.6
Thank you for watching!