Bukol sa Suso: Ito ang Lunas. - Payo ni Doc Liza Ramoso-Ong
00:56.3
Ganda ang appearance ng tinanggal na bukol o breast pagkatapos ng operasyon.
01:02.3
Marami ho kayong choices o pagpipilian pagdating sa test at gamutan.
01:07.5
Ang kailangan lang, positibo ang isip ng ating pasyente.
01:12.4
Kayo ang magdideside.
01:14.5
So, i-research nyo maigi at isipin na gagaling kayo.
01:18.8
So, ang unang nyo gagawin, magkakapa na ho sa inyong breast.
01:22.4
Kada buwan, libre ho yan. Wala naman niyang bayad.
01:26.3
So, self-breast examination ang tawag dyan.
01:29.5
Kung nasabihan kayo na meron kayong breast cancer, alam ko po, malulungkot kayo.
01:34.5
So, okay lang umiyak.
01:36.0
Siyempre, lahat naman tayo, may takot, naku, may sakit ako.
01:39.9
Tapos, takot pa tayo dun sa kung gugustuhin pa ba kayo ni mister.
01:44.2
Tapos, kasabay pa nun, paano na yung trabaho nyo, yung gastos, yung mga anak.
01:48.7
So, humanap po kayo ng makakatulong sa inyo.
01:51.5
So, ito yung magulang kapatid at saka yung mga kaibigan na tunay na.
01:56.3
Tutulong sa inyo.
01:58.5
At, kailangan ipaliwanag nyo sa inyong mga anak kahit maliit pa sila.
02:03.0
Siyempre, may takot din sila eh. Baka sila maulila.
02:07.0
So, ipapaliwanag nyo, hindi, may gamutan, gagaling ako.
02:10.7
So, ito po, para malaman kung kayo ay may breast cancer, punta ho kayo sa inyong doktor.
02:17.8
Yun ang una nating gagawin.
02:20.4
Ngayon, paano nyo malalaman yung simptomas?
02:23.3
Una sa lahat, kailangan, alam nyo, may mga pagbabago.
02:26.3
Ano ba doon sa inyong breast?
02:28.2
Nangangapal ba yung balat?
02:30.0
Aba, bakit parang may nag-dimples?
02:32.3
O parang bumalik? Parang nagkaroon ng uka?
02:35.9
O kaya yung inyong utong, titignan pareho?
02:38.6
Para bang nagsugat?
02:40.5
Parang mainit ang pakiramdam doon sa inyong dibdib?
02:43.5
May lumalabas ba doon sa inyong utong?
02:47.0
Meron bang parang blood or white na lumalabas?
02:49.8
Tapos, dumani ba yung sugat doon sa balat ng inyong breast?
02:54.9
O kaya makikita nyo?
02:56.3
Aba, bakit parang may bumukol?
02:58.6
O kaya naman, parang bumaliktad yung inyong utong o yung inyong nipple?
03:04.1
O kaya parang nag-iiba yung shape?
03:07.1
Tapos, yung balat ninyo, tignan nyo ba, bakit parang naging dalanghita?
03:11.1
Parang nagkaroon ng butas-butas?
03:14.0
Tsaka talaga, kaya gusto ko magkakapa kayo buwan-buwan.
03:17.6
Halimbawa, gawin nyo kada 15 o katapusan, may makakapa talaga kayong bilog na parang holen.
03:25.7
ipatanggal natin yun.
03:27.7
Ngayon, pag nakapa na yan, hihinga na kayo ng mga test ng inyong mga doktor.
03:33.5
Huwag kayong matatakot sa test kasi isip nyo lahat, ah, x-ray radiation.
03:38.4
Hindi naman, e gaya nga nung self-breast exam,
03:42.2
libre naman yan, kakapain nyo lang.
03:44.2
Mammogram, mahina lang po ang x-ray radiation yan.
03:48.0
Ultrasound, sound waves yan, walang radiation.
03:52.2
Yung MRI, hindi rin radiation.
03:54.9
Ah, energy po yun, radio waves, walang x-ray radiation.
04:00.4
Biopsy, syempre, sasabi ng doktor, oh, kailangan natin malaman anong klase ng cancer kasi iba-iba pa rin ho yung cancer.
04:09.2
So, huwag ho kayong matatakot, huwag kayong magtatago, pumayag ho kayo sa biopsy.
04:14.7
Huwag kayong maniniwala sa kapitbahay na kapag tinusok, aba eh, baka kakalat.
04:20.6
Hindi po, kasi tatanggalin na rin naman yung pinakabukol.
04:24.9
After ilang days.
04:25.9
So, yun na hong doktor nyong magpapaliwanag, siya na ho magsasabi may stages yan, para lang yun sa gagawing gamutan.
04:34.4
So, huwag naman ho kayong matatakot doon.
04:37.4
So, unang gagawin, patanggal.
04:39.4
Kaya, ipa-opera natin sa isang surgeon.
04:43.4
Meron ho mga libring surgeon sa mga gobyernong ospital.
04:48.4
So, ang tawag doon, lumpectomy.
04:50.9
Tapos, may iba pa.
04:52.9
Kung tinanggal yung inyong breast,
04:54.9
o opera, siyempre, alam ko po, takot kayo sa radiation, chemotherapy, at immunotherapy.
05:02.9
So, huwag kayong matatakot yan. Ipapaliwanag naman sa inyo.
05:05.9
Pwede naman hong tanggalin yung pinakabukol lang.
05:08.9
So, lugar lang ho yun.
05:11.9
Pwede rin naman yung buong breast.
05:14.9
Pero, huwag kayong matatakot kasi pwede naman niyang pagandahin.
05:18.9
Pagkatapos ng opera, meron mga doktor na pinapaganda actually yung...
05:24.9
Kung paano ho nagpapaganda yung breasts yung mga tao ngayon, ganon din ho yung gagawin nun.
05:29.9
So, kung sanay naman yung doktor, kaya niyang gawin yun.
05:35.9
So, may mga simple na opera lang.
05:38.9
Tapos, sabi ko, pwede rin naman yung lugar lang, yung pinakabukol lang.
05:43.9
Tapos, sinasamahan nyo ng radiation therapy.
05:46.9
May isa pa pong doktor, yung tinatawag nating rad-onco, o yung oncologist.
05:51.9
So, lalagyan lang niya ng beams, x-ray beams.
05:53.9
Doon sa inyong dibdib.
05:55.9
Para mapatay lang po yung mga cells na hindi na kailangan.
06:01.9
Huwag po kayong matakot sa radiation.
06:03.9
Kasi, oo, may x-ray beam yun.
06:06.9
Itatapat doon sa inyong dibdib.
06:09.9
So, ito po ang tawag dyan, linear accelerator.
06:12.9
O, sila yung gumagawa din ng brachytherapy.
06:15.9
So, ipapaliwanag na lang ho ng inyong doktor.
06:18.9
Ngayon, yung mga side effects niyan, pansamantala lang.
06:22.9
So, pag tapos na ho yung radiation, hindi nyo na rin mararamdaman.
06:26.9
Siyempre, expect nyo naman, kahit naman kayo natrangkaso,
06:31.9
talagang parang medyo pagod kayo, medyo mamumula lang yung skin, pero babalik naman ho yan.
06:39.9
Tapos, sa iba lang, medyo yung braso nila mas lalaki.
06:43.9
Huwag po kayong matakot kung lumaki yung braso.
06:46.9
Kasi naman, meron hong mga physical therapy na pwedeng gawin.
06:50.9
Massage, lalagyan ng masikip na parang medyas, at ipapa-exercise kayo para medyo hindi lumaki yung ating braso.
07:00.9
At saka, hindi naman ho lahat lumalaki talaga yung kanilang braso, a few lang.
07:05.9
May sinasabi din na chemotherapy.
07:08.9
Gamot naman, pwedeng iniinom lang, o pwede ilalagay doon sa inyong veins, o doon sa inyong intravenous, kung ibig sabihin.
07:19.9
Idadaan sa swero.
07:21.9
So, yung mga gamot na yan, huwag po kayong matakot dyan.
07:26.9
Kasi, pag natapos na ho yung cycle, cycle ho ang tawag doon.
07:31.9
Alam ko, medyo mahuhulog yung buhok nyo.
07:34.9
So, bago pa mahuhulog yung buhok nyo, ihandaan nyo na ho yung wig nyo.
07:38.9
Tutubo naman ho ulit yung inyong buhok.
07:41.9
Medyo pagod lang, so magpapahinga lang kayo afterwards.
07:45.9
Tapos, medyo parang nasusuka.
07:47.9
So, mas kakain kayo ng mga mas malalambot, o yung mabilis kainin.
07:52.9
Pero, sabi ko nga, pansamantala lang yan lahat dahil babalik naman.
07:59.9
Tapos, meron din ho tayong tinatawag na hormone therapy.
08:05.9
So, titignan lang, kasi di ba ang hormone ng babae, ang tawag doon estrogen, progesterone.
08:10.9
So, titignan lang kung positive or negative kayo.
08:13.9
Ang problem lang nyo doon, parang nag-menopause kayo ng maaga.
08:16.9
Pero, kung talagang menopause na kayo, di okay na yun.
08:19.9
Wala namang problema doon, kasi nag-menopause na talaga kayo eh.
08:23.9
Tapos, may tinatawag din yung mga immunotherapy, kung kailangan kayong bigyan ng mga Herceptin.
08:31.9
So, halos nadidinig nyo yan sa lahat ng mga kakilala nyo.
08:35.9
So, ano ba yung mga kakainin ninyo?
08:38.9
Iwas lang doon sa matatamis, mamantika, sobrang daming mga karne at baboy.
08:44.9
Mas gusto natin yung makakainin nyo.
08:46.9
Maraming gulay at prutas, kasi nandyan lahat ng anti-oxidant na kailangan nyo.
08:54.9
Kailangan natin ng mga isda na maraming omega 3 fatty acid, kasi anti-inflammatory yun.
09:00.9
Katulad ng ating mga bilis, mga tamban, tuna.
09:06.9
So, yan ho yung mga galunggong.
09:09.9
Yan yung mga mas kakainin natin.
09:12.9
Tapos, lahat ng gulay, maganda ho sa inyo.
09:15.9
Kailangan kumainin kayo ng mas marami-raming protina.
09:18.9
Katulad ng itlog, mga tokwa, tofu, tsaka mga beans, mga munggo.
09:24.9
Kasi maganda yan sa ating katawan.
09:27.9
Lahat ho ng gulay, prutas, isda, makakatulong.
09:32.9
Pati na yung mga pampalasa natin, mga garlic, sibuyas.
09:37.9
Hindi nyo naman talaga kailangan mag-multivitamins.
09:41.9
Kasi minsan ipapahinto sa inyo for a time yun, sandali.
09:44.9
Mas gusto natin yung galing talaga sa tunay na pagkain.
09:49.9
Pag sinabi din mga complementary medicine, may mga tiyatawag na meditation
09:53.9
para maalis yung stress din nyo.
09:56.9
Tapos, iisipin nyo na gumagaling kayo.
10:00.9
So, isipin po 98% gumagaling sa breast cancer.
10:06.9
Kasi ang dami nyo ng choices ng gamutan.
10:08.9
Pag walang pera, pumunta sa mga DOH, hospital, government,
10:12.9
hospital ng inyong city, ng inyong LGU o ng inyong provincial hospital.
10:21.9
Pag hindi kayo miyembro ng PhilHealth, hanapin nyo yung social worker ng hospital na yun.
10:28.9
At tutulungan kayong magpa-miyembro.
10:31.9
Pwede nyo rin hanapin yung inyong mga mayor o kaya yung city health officer ng inyong city.
10:40.9
Para ma-guiden kayo or matulungan kayo saan kayo pwedeng magpa-opera.
10:46.9
Sa mga asawang lalaki, suporta ang kailangan ng mga misis sa trabahong bahay.
10:53.9
Tapos, kausapin nyo palagi.
10:56.9
Tsaka, kailangang marinig niya na nagsusuport kayo.
10:59.9
Tsaka, gusto nyo pa siya kahit nga nangyari ito.
11:03.9
Humingi ng tulong sa inyong mga magulang, kapatid at sa inyong mga anak.
11:08.9
Kasi, kaya naman.
11:10.9
Kaya na nilang tumulong.
11:12.9
Ipaliwanag sa kanila para maging part sila ng inyong paggaling.
11:17.9
Huwag hong magtatago.
11:18.9
Magpakita agad sa inyong surgeon.
11:21.9
Pag-isipan mabuti paano yung gamutan.
11:25.9
Huwag hong matatakot.
11:27.9
Lakas ng loob ito.