01:05.6
Nangunguna sa pangangalakal sa Pilipinas ang mga Chinese, sumunod ang mga kaharian ng Cambodia, Ciampa at Siam.
01:14.1
Noon pa man ay matatawag na sibilisado ang mga isla sa Pilipinas.
01:18.1
Mayroon ng mga balangay, may mga pinuno at mga batas na sinusunod.
01:22.6
May sariling relisyon, kultura at organisadong ekonomiya.
01:29.6
Nang unang narating ni Magellan ang Pilipinas, ngunit hindi nagtagal, ay namatay siya sa Mactan noong April 1521.
01:36.6
Dahil sa panghihimasok sa away sa pagitan ni na Lapu-Lapu at Zula.
01:41.1
Taong 1528, sinundan nang sa Avedra Expedition ang paglalakbay ni Magellan.
01:46.6
Narating nila ang Lanusa Bay, malapit sa Surigao.
01:50.1
Hindi nakauwi siya sa Avedra sa Mexico, na noon ay kolonya na ng Espanya at namatay sa paglalakbay.
01:57.6
Isa sa mga pinakamahalagang ekspedisyon ay sumunod noong 1542, pinamumunuan ni Ruy Lopez de Villalobos.
02:05.6
Narating nila ang Sarangani Island at dito ipinagutos niya ang pagdatanim ng mais.
02:11.6
Pinangalanan niya ang leite bilang Las Filipina, bilang pagpupugay sa noon ay Crown Prince na si Philip II.
02:19.1
Kuling paglalakbay na nagresulta sa tuluyang pananatili ng mga Espanyol sa Pilipinas,
02:23.6
ang Legazpi-Ordaneta Expedition.
02:26.6
Si Miguel Lopez de Legazpi, ang tanging binigyan ng hari ng Espanya,
02:31.1
ng titulo bilang Adelanto de Filipinas.
02:34.6
Naging madali ang pagsakop sa watak-watak na isla ng noon ay Las Islas Filipinas.
02:40.1
Hindi dahas ang naging pangunayang sandata na ginamit ng mga kongkistador o mananakop, kundi cruz.
02:47.1
Sa ilalim ng Reducion del Pueblos, pinangunahan ng mga pari ang pagtatag ng mga pueblos o mga bayan.
02:54.1
Sa bawat pagtatag sa isang bayan ay kasama ang pagtatag ng simbahan.
02:58.6
Naging basihan din ng yaman ng isang lugar ang pagkakaroon ng magandang simbahan.
03:03.6
Naging pabor ito pareho sa gobyerno ng Espanya at sa simbahang Katoliko.
03:08.1
Mas mabilis na napag-isa ang Pilipinas at napapalaganap ang Kristyanismo.
03:13.1
Ngunit ang relisyon natin noon ay animistik o nagsasambah sa mga anito, mga kahoy at bato.
03:19.6
Ngunit paano tayo nakumbinsing mag-iba ng relisyon?
03:22.6
Karamihan sa ating mga paniniwala ay hinalo ng mga Espanyol sa paniniwala ng Kristyanismo.
03:28.1
Stratehya ito upang maramdaman natin na hindi natin iniiwan ang nakaugaliang paniniwala.
03:33.6
Ngunit hinahaluan lamang ito ng bago.
03:36.6
Dahil hindi tayo nagkaroon ng iisang kultura bago sinakop ng Espanya,
03:41.1
hindi rin natin tinawag ang sarili na Filipino.
03:44.1
Indio ang naging tawag sa atin ng mga Espanyol.
03:47.1
Ang tawag na Filipino ay ginamit lang noong unti-untinang nagkakaisa ang bansa.
03:52.6
Matagumpay na na pa sa ilalim sa kapangyarihan ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 years.
03:59.1
Nakita ang paglago ng ekonomiya at pagtanggap nating mga Filipino sa kultura ng Espanya.
04:05.6
Nagtayo na mga paaralan ang mga Espanyol,
04:08.1
ngunit naging eksklusibo ang edukasyon sa mga mayayamang angkan.
04:12.1
Higit sa lahat, naging marahas sila sa ating mga Indyo.
04:16.6
Taliwas sa kadalasan nating naririnig,
04:19.1
hindi tayo naging bulag at bingi sa mga karahasan ng mga Espanyol.
04:23.6
Nagkaroon ng iba-tibang pag-aalsa laban sa mga Espanyol simula pa noong 1565.
04:29.6
Ngunit dahil wala tayong pagkakaisa, mabilis itong natalo.
04:33.1
Walang nasyonalismo ang mga Pilipino dahil wala tayong iisang pagkakakilandan.
04:38.6
Habang nangyayari ito, ay unti-unti naman na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas.
04:43.1
Sabay dito ang pagkakaroon natin ng mga middle class.
04:46.6
Ang mga middle class na ito ay mga natives ng Pilipinas na nagkaroon ng sapat na pera.
04:51.6
Nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga anak nila.
04:55.1
Nagkaroon rin tayo ng mga Pilipinong pari.
04:57.6
Nagbunga ito sa pagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng mga Pilipinong pari at mga priling Espanyol.
05:03.6
Ang mga Pilipinong pari ang unang nagtulak sa ideya ng nasyonalismo.
05:07.6
Naging banta ito sa mga Espanyol.
05:09.6
Nagresulta ang takot na ito sa pagkakaugnay ng tatlong pari na sina
05:13.6
Father Mariano Gomez, Father Jose Burgos at Father Jacinto Zamora o ang Gomburza sa Cavite Mutiny.
05:21.6
Hinatulan sila ng kamatayan.
05:23.6
Ang Cavite Mutiny ay nagugat sa hindi tamang pasahod sa mga Indio.
05:28.6
Ang pagpatay sa Gomburza ay nagsilbing hudyat sa pagkabuo ng nasyonalismo at ng revolusyon.
05:35.1
Dagdag pa rito, ang mga anak ng middle class o ang mga ilustrado ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa.
05:43.1
Unti-unti tayong namulat sa liberal na pag-iisip.
05:46.1
Bukod sa mga natutunan nila sa edukasyon sa ibang bansa,
05:49.6
ang mga middle class din kahit na may mga lupa ay naging alipin sa mga prayle.
05:54.1
Kung maaalala natin sa kwento ni Rizal, naging mahirap ang kanilang pagsasaka
05:58.6
sapagkat pataas ng pataas ang buwis na binabayaran sa mga prayle.
06:03.1
Ito kasama ang edukasyon ang naging mitsa sa kanilang pagkabulat.
06:07.6
Ngunit ang nais ng mga ilustrado at mga negosyante ay reforma lamang.
06:12.1
Kaya tangulang samahang na buo sa Espanya ay mga reformista na ang nais ay maiparating sa inang Espanya ang nangyayari sa Pilipinas.
06:20.6
Noong 1889, naitatag sa Espanya ang La Solidaridad.
06:24.6
Ngunit hindi naging matagumpay ang reform movement.
06:27.6
Nang umuwi si Rizal sa Pilipinas, itinatag niya ang La Liga Filipina kung saan naging miyembro si Andres Bonifacio.
06:34.6
Noong nalaman nito ng mga Espanyol, inakusahan si Rizal ng pagdadala ng ipinagbabawal na babasahin
06:40.6
at ipinatapon siya sa dapitan.
06:43.1
Nahati sa dalawa ang La Liga, ang Kuerpo de los Compromisarios para sa Reforma,
06:48.6
habang itinatag naman ni Andres Bonifacio ang Katipunan, na ang nakikitang solusyon ay revolusyon.
06:56.1
Madalas nating naririnig na hindi naging pabor si Rizal sa revolusyon.
07:00.1
Hindi siya naging pabor sapagkat para sa kanya ay hindi pa tayo handa noon.
07:04.1
Gayunpaman, hindi ito napigilan.
07:07.1
Noong August 23, 1896 ay isinagawa ang Sigaw sa Pugadlawin, senyales na nagsimula na ang revolusyon.
07:15.6
Kasagsagan ng pakikipaglaban para sa kalayaan, nahati sa dalawang paksyon ang Katipunan,
07:21.1
ang Magdiwang at Magdalo.
07:23.1
Ninais ng Magdalo na palitan ang Katipunan ng panibagong gobyerno,
07:27.1
ngunit ang Magdiwang naman ay iginiit na sapat na ang Katipunan
07:31.1
sapagkat kompleto naman ito sa pagkakaroon ng konstitusyon.
07:34.6
Ang Magdalo ay pinamumunuan ng pinsan ni Emilio Aguinaldo,
07:38.1
samantalang ang Magdiwang ay pinamumunuan ng uncle-in-law ni Andres Bonifacio.
07:43.1
Sa Tejeros Convention, idineklaran na dapat magkaroon ng bagong gobyerno.
07:48.1
Inihalal si Bonifacio bilang Secretary of Interior,
07:51.1
ngunit kontra dito si Daniel Tirona dahil hindi abogado si Bonifacio.
07:55.6
Lubos na nainsulto si Bonifacio at sinabing walang visa ang eleksyon.
08:00.1
Muling nagpatawag ng eleksyon si Bonifacio,
08:02.6
ngunit mas pinaburan ng mga ilustradong kasapi ang Republika sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo.
08:08.6
Nalaman ni Aguinaldo ang pag-oorganisa ng meeting ni Bonifacio,
08:11.6
naghalit siya at ipinahuli ito.
08:14.6
Nilitis si Bonifacio at pinaslang kasama ang kanyang kapatid sa salang treason.
08:20.1
Si Andres Bonifacio, bagamat walang formal na edukasyon,
08:23.6
ay siyang naging matibay na leader ng revolusyon.
08:26.6
Sinusunod at nire-respeto at higit sa lahat, siya ay kasama ng mga ordinaryong Pilipino.
08:32.1
Alam niya ang kailangan ng masa, kasapi siya ng mahihirap.
08:37.1
Ngunit sa pagpalit ng leader ng revolusyon,
08:39.1
nawala rin sa atin na nagnanais ng kalayaan ang laban.
08:43.6
Napunta ito sa kamay ng mga ilustrado.
08:47.1
Ipinagpatuloy ang revolusyon hanggang sa narating ni Aguinaldo ang biyak na bato.
08:52.1
Dito niya isinulat ang mga reforma na nais daw nating mga Pilipino.
08:56.1
Bumalik rin sa reforma ang ipinaglalaban,
08:58.6
sapagkat ito naman talaga ang orihinal na gusto ng mga ilustrado.
09:02.6
Pinirmahan nila ang Pact of Biyak na Bato noong December 15, 1897.
09:07.6
Sa ilalim nito, tinuldukan nila ang Philippine Revolution
09:11.6
kapalit ng pera at voluntary exile sa Hong Kong,
09:14.6
at pangakong masusunod ang reformang nais nila.
09:17.6
Noong sumunod na taon, 1898, sumiklab ang Spanish-American War,
09:22.6
May 1, 1898, nang maganap ang Battle of Manila Bay
09:26.1
at naging matagumpay ang Amerika laban sa Spain.
09:29.1
Nabalitan nito ni Aguinaldo sa Hong Kong.
09:31.6
Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas at muling itinatag ang gobyerno militar
09:36.1
habang sinusubukan na makipag-usap sa Amerika.
09:39.1
Habang nangyayari ang lahat ng ito,
09:41.1
hindi tayo tunigil sa paglaban para sa kalayaan.
09:44.1
Kumalis man si Aguinaldo at idineklara ang pagtatakos ng Philippine Revolution,
09:49.1
at tayong mga ordinaryong Pilipino ay patuloy na naghangad ng kalayaan.
09:53.1
Ngayon, sa ilalim ng nagbabadyang pananako,
09:56.1
panibagong lab na naman ang ating kakaharapin.
09:59.1
Sa kabila nito, idineklara ni Aguinaldo ang Philippine Independence noong June 12, 1898.
10:05.1
Ngunit, una pa lamang ay nakahanda ng mabigo ang pangalawang revolusyon.
10:09.1
Ito ay dahil sa literal na backstabbing na nangyayari sa gobyerno ni Aguinaldo.
10:14.6
Natalo si na Aguinaldo at tuluyan itong nanumpa sa bandila ng Amerika.
10:19.6
Ngunit ang pagsuko ng pwersa ni Aguinaldo ay hindi nangangahulugang pagsuko ng mga Pilipino.
10:25.1
Si Aguinaldo lang ang nanumpa ng katapatan sa bandila ng Amerika,
10:29.1
ngunit sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas ay nagpatuloy tayo sa pakikibaka.
10:34.1
Sa Luzon ay ipinagpatuloy ni General Miguel Malvar at General Vicente Lucban sa Samar ang pakikipaglaban.
10:41.1
Itinayo naman ni Macario Sacay ang Tagalog Republic na may sariling konstitusyon at nakuhan niya ang puso ng karamihan.
10:48.6
Tinawag pa siyang Hero of the People.
10:51.1
Sa Luzon noong 1907 ay pinamunuan ni Salvador Felipe ang pag-aalsa.
10:55.6
Nagkaroon din ang moral resistance sa Mindanao.
10:58.6
Hindi naman nabigo ang Amerika na tuluyang kunin ang loob nating mga Pilipino.
11:02.6
Bagamat may mga hindi mabuting polisiya, nagpatayo sila ng paaralan,
11:07.1
mga relays ng tren upang mapabilis ang produksyon, pinalago ang ekonomiya, at nangako ng kalayaan.
11:13.6
Hindi ni nais ng Amerika na gawing kolonya ang Pilipinas sapagkat magiging responsibilidad nila ito.
11:19.6
Dagdag pa dito, nangangahulugan nitong tayo ay dadagsas sa Amerika at hindi ito ang nais ng mga negosyanteng Amerikano.
11:26.6
Para mapanatili ang kontrol sa Pilipinas ay sinigurado nilang nakadepende sa kanila ang ating ekonomiya,
11:33.1
maging ang produkto ang gusto natin.
11:35.6
Tumagal ng ilang taon ang mga economic treaties sa Amerika, at noong 1992 lang umalis ang base militar nila sa Pilipinas.
11:43.1
Sa ganitong paraan, nasa ilalim pa rin tayo ng Amerika, ngunit hindi bilang kolonya.
11:48.6
Upang masigurado na tuluyan nilang nakuha ang puso nating mga Pilipino,
11:52.6
ibinigay nila ang matagal na nating minanais, ang kalayaan.
11:56.6
Sa ilalim ng Commonwealth ay ipinaramdam ang unti-unting pagsasarili ng Pilipinas,
12:01.1
ngunit naudlot ito nang dumating ang mga Japon, panibagong grupo ng mananakop.
12:07.1
Sa ilalim nila, naging lubos na mahina ang ekonomiya ng Pilipinas.
12:11.1
Katulad ng Amerika, sinubukan din nilang kunin ang puso natin,
12:14.6
ngunit masyado na tayong loyal sa mga Amerikano at hinintay natin ang muli nilang pagdating at pagliktas sa atin.
12:21.1
Hindi naman tayong nabigo dahil bumalik nga ang mga Amerikano.
12:24.6
Taong 1946, nang official na may deklara ang kalayaan ng Pilipinas.
12:29.1
Ngunit, naging malaya nga ba tayo?
12:31.6
Sabay sa pagsasarili ang pagkakaroon ng sunod-sunod na presidente,
12:35.1
ngunit nanatili ang impluensya ng Amerikano sa ating politika.
12:39.1
Sa ilalim ng anim na Pangulo ay natamasa ng mga Pilipino ang demokrasya,
12:43.1
ngunit noon paman ay biktima na tayo ng korupsyon sa gobyerno.
12:47.1
Hindi nakapagtataka na kahit may sariling pamahalaan ay hindi tumigil ang mga rebeliyon.
12:52.1
Lumipas ang panahon at kasabay nito ay nasaksihan ng mga Pilipino
12:55.6
ang iba't ibang presidente ng umupo.
12:57.6
Bawat isa ay may bahid ng korupsyon sa gobyerno.
13:00.6
Paulit-ulit tayong humingi ng pagbabago.
13:03.6
Sa bawat eleksyon, lagi nating iniisip na itong pipiliin natin ay ang sa palagay nating magbabago ng bansa.
13:10.6
Ngunit hanggang ngayon, tila hindi tayo umusad.
13:13.6
Dumadami pa rin ang naghihirap at nagugutom.
13:17.1
Ngunit kung meron mang positibong pagbabago sa atin,
13:20.1
ito ay ang pagmamahal natin sa sariling kultura.
13:23.1
Dahil wala na ang mga dayuhan,
13:25.1
natutunan na nating kilalani ng ating pagka-Pilipino
13:28.1
at pag-aralan ang ating sariling wika.
13:31.1
Ipinakita natin sa buong mundo na kaya nating magtagumpay sa iba't ibang larangan
13:35.1
katulad ng athletics, boxing, singing at maging sa Olympics.
13:40.1
Natuto rin tayong maging matatag,
13:42.1
daanan man tayo ng bagyo, lindol at pagpotok ng bulkan.
13:46.1
Bumabangon pa rin tayo at matapang pa rin na humaharap sa hamon
13:49.6
habang patuloy na nangangarap ng maayos na bukas.
13:52.6
Nagpapakita lamang ito na ang mga Pinoy mula noon hanggang ngayon ay matapang.
13:58.6
Nakayanan na nating patalsiki ng mga mananakop,
14:01.6
makipagdigma para sa kalayaan at magpatalsik ng mga korap na leader.
14:06.6
Sigurado akong kakayanin natin mga Pilipino ang susunod pa ng mga kabanata.
14:11.6
Pero ano kaya ang magiging laman ng mga kabanatang ito?