Close
 


Ang Planong Pagtakas Sa Alcatraz
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang Pagtakas sa Inescapable Prison Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #escape #prison #crime
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:27
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
June 11, 1962, sakay na isang rubber boat na gawa sa pinagtagpitagping raincoats ay tumakas sina Frank Morris, Clarence Anglin at John Anglin sa tinaguriang Inescapable Prison of All Time, ang Alcatraz.
00:15.0
Umaga na ng June 12, nang matagpuan na ang natutulog sa kanilang mga selda ay hindi tao, kundi mga dummy heads. Ngunit naging matagumpay nga ba ang pagtakas na ito? Ano na ang nangyari sa tatlo?
00:28.0
Kilala ang Alcatraz o ang The Rock sa pagkakaroon ng pinakamahigpit na siguridad sa lahat ng kulungan sa Amerika. Ang isla ay napapalibutan ng napakalamig na tubig at marahas na mga alon at may mga lumalangwi pa ng mga pating.
00:43.0
Sa loob ay mahigpit at marahas ang disiplina. Ito ang dahilan kung bakit tanging ang pinakanotorius na mga kriminal lamang ang pinapapasok sa Alcatraz. Kung meron mang nakakatakas sa mga kulungan, hindi naman sila nakakatawid mula sa isla at kadalasan ay nalulunod sa mga alon. Ngunit ang imposibling bagay na ito ay nagawa ng tatlong preso.
01:06.0
Samahan niyo akong balikan ng kwento ng pinakamatalinong prison escape sa kasaysayan, ang Escape from the Alcatraz. Magsimula tayo sa utak ng pagtakas, si Frank Morris. Siya ang nagsilbing engineer ng plano.
01:19.0
Pinakamatalino sa kanilang tatlo at may IQ na 133. Ipinanganak siya sa Washington ngunit naulila sa edad na 11. Nagpalipat-lipat sa mga orphanage at sa edad na 13 ay natanggap ang unang criminal conviction.
01:36.0
Siya ay nanggapan niya ng krimen tulad ng pagnanakaw at drug offenses hanggang sa masentensyahan ng sampung taong pagkakakulong. Sa una ay dinala siya sa Louisiana State Penitentiary, ngunit natakasan nito ni Morris.
01:50.0
Siya ay nanggapang 1960 sa salang pagnanakaw at sa pagkakataong ito ay dinala na siya sa Alcatraz upang doon pagsilbihan ang 14 years na pagkakakulong. Ang magkapatid na Clarence at John Anglin naman ay 2 sa 14 na anak ng mag-asawang magsasaka mula sa Georgia.
02:09.0
Mahirap at hindi permanente ang hanap buhay ng pamilya na rason upang maagang mamulat sa krimen ng pagnanakaw ang dalawa. Parehas silang nahatulan ng 35 years na pagkakakulong matapos nakawan ang Colombian Savings Bank sa Alabama.
Show More Subtitles »