Close
 


Ang Planong Pagtakas Sa Alcatraz
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang Pagtakas sa Inescapable Prison Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #escape #prison #crime
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:27
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
June 11, 1962, sakay na isang rubber boat na gawa sa pinagtagpitagping raincoats ay tumakas sina Frank Morris, Clarence Anglin at John Anglin sa tinaguriang Inescapable Prison of All Time, ang Alcatraz.
00:15.0
Umaga na ng June 12, nang matagpuan na ang natutulog sa kanilang mga selda ay hindi tao, kundi mga dummy heads. Ngunit naging matagumpay nga ba ang pagtakas na ito? Ano na ang nangyari sa tatlo?
00:28.0
Kilala ang Alcatraz o ang The Rock sa pagkakaroon ng pinakamahigpit na siguridad sa lahat ng kulungan sa Amerika. Ang isla ay napapalibutan ng napakalamig na tubig at marahas na mga alon at may mga lumalangwi pa ng mga pating.
00:43.0
Sa loob ay mahigpit at marahas ang disiplina. Ito ang dahilan kung bakit tanging ang pinakanotorius na mga kriminal lamang ang pinapapasok sa Alcatraz. Kung meron mang nakakatakas sa mga kulungan, hindi naman sila nakakatawid mula sa isla at kadalasan ay nalulunod sa mga alon. Ngunit ang imposibling bagay na ito ay nagawa ng tatlong preso.
01:06.0
Samahan niyo akong balikan ng kwento ng pinakamatalinong prison escape sa kasaysayan, ang Escape from the Alcatraz. Magsimula tayo sa utak ng pagtakas, si Frank Morris. Siya ang nagsilbing engineer ng plano.
01:19.0
Pinakamatalino sa kanilang tatlo at may IQ na 133. Ipinanganak siya sa Washington ngunit naulila sa edad na 11. Nagpalipat-lipat sa mga orphanage at sa edad na 13 ay natanggap ang unang criminal conviction.
01:36.0
Siya ay nanggapan niya ng krimen tulad ng pagnanakaw at drug offenses hanggang sa masentensyahan ng sampung taong pagkakakulong. Sa una ay dinala siya sa Louisiana State Penitentiary, ngunit natakasan nito ni Morris.
01:50.0
Siya ay nanggapang 1960 sa salang pagnanakaw at sa pagkakataong ito ay dinala na siya sa Alcatraz upang doon pagsilbihan ang 14 years na pagkakakulong. Ang magkapatid na Clarence at John Anglin naman ay 2 sa 14 na anak ng mag-asawang magsasaka mula sa Georgia.
02:09.0
Mahirap at hindi permanente ang hanap buhay ng pamilya na rason upang maagang mamulat sa krimen ng pagnanakaw ang dalawa. Parehas silang nahatulan ng 35 years na pagkakakulong matapos nakawan ang Colombian Savings Bank sa Alabama.
02:24.0
Ilang beses nilang sinubukang tumaka sa Atlanta State Penitentiary kaya ay pinatapon sila sa Alcatraz.
02:30.0
Ang panghuli at kadalasan ay nakakalimutan sa listahan ng mga nagplano sa pagtakas na ito ay si Allen West, isang habitual criminal na 20 beses nang naaresto bago tuluyang makulong dahil sa pagnanakaw ng kotse no 1955.
02:46.0
Katulad ng tatlong launa ay tinangka niya ring tumaka sa dating kulungan kaya napadpad sa Alcatraz.
02:52.0
Dahil sa paulit-ulit nilang pagbisita sa kulungan, naging magkakilala na ang apat. Mas napadali pa ang lahat ng pagtabihin ang kanilang mga kulungan.
03:00.0
Nagkaroon sila ng pagkakataon upang makapag-usap tuwing gabi kung kailan walang gwarja.
03:06.0
Dito na nila sinimulang buuhin ang plano. Sa Alcatraz ay may mga working stations kung saan nagtatrabaho ang mga inmate. Dito din nila ginugugol ang halos lahat ng kanilang oras.
03:17.0
Mula dito, paunti-unting nag-ipon sila Morris, West at dalawang Anglen ng mga materiales.
03:23.0
Kabilang sa mga materiales ay ang pinatulis na kutsara na ginamit upang palakihin ang butas ng ventilation ducts sa ilalim ng kanilang lababo.
03:32.0
Para itago ang ginagawa mula sa mga gwarja, gumawa sila ng pecking drills mula sa cardboard.
03:38.0
Para hindi naman sila marinig, ay pinapatugtog ni Morris ang kanyang accordion tuwing music hour sa celda.
03:45.0
Ginawa nila ito hanggang sa magkasya sila sa butas ng ventilation ducts at makaakyat sa itaas ng kanilang cellblock, kung saan may espasyo upang gawin ang kanilang mga gagamitin sa pagtakas.
03:57.0
Dito, gumawa sila ng homemade makeshift drill mula sa mga kutsara at lumang lagari.
04:03.0
Pinagtagpitagpirin nila ang mga nakaw at donated na raincoats upang gumawa ng isang rubber boat at mga life jacket.
04:10.0
Tinunaw nila ang rubber gamit lang ang hot pipes na nasa taas ng kanilang cellblock.
04:16.0
Gumawa rin sila ng saguan mula sa pinagtagpitagpingkahoy.
04:20.0
Upang hindi mahalata na wala sila sa mga higaan, ay gumawa sila ng dummy heads gamit ng mga papel, toothpaste, sabon at may pintura pa na parang totoong ulo para siguradong hindi magtataka ang mga gwarja.
04:34.0
Noong June 11, 1962, ay nakompleto na nila ang mga gamit at isinagawa na nila ang pagtakas.
04:41.0
Mula sa kanilang ventilation shaft, lumusot sina Morris at dalawang anglin sa lumang utility corridor sa likod ng cellblock.
04:48.0
Sa kasamaang palad, noong oras na ng pagtakas, nadiskubre ni Alan West na tumigas ang sementong nilagay niya sa palibot ng vent na dadaanan niya.
04:58.0
Noong napalaki niyang muli ang daanan, ay nakaalis na ang mga kasamahan niya, kaya bumalik na lang siya sa pagtulog.
05:04.0
Hindi na hinintay ng tatlo si West at mula sa utility corridor ay inakyat nila ang cellblock roof at ginamit ang ventilation shaft upang makaakyat sa bubong ng kulungan.
05:15.0
Upang matanggal ang takip ng ventilation shaft, ay ginamit nila ang ginawang drill.
05:20.0
Muntik na silang mahuli na marinig ng gwardya ang ingay ng pag-alis ng takip ng shaft, ngunit ipinagsawalang bahala ito ng gwardya.
05:28.0
Para makababa, ginamit nila ang isang malaking exterior pipe at nagslide pa ilalim.
05:33.0
Inakyat nila ang pader na may barbed wires, at sa wakas ay narating ang gilid ng isla.
05:39.0
Kumunta sila sa bahagi ng isla kung saan hindi nakakarating ang ilaw mula sa kulungan.
05:44.0
Nilagyan nila ng hangin ang rubber boat gamit ang isang corsentina, isang musical instrument na ninakaw sa isang inmate.
05:52.0
Inaabod sila ng 10 o'clock bago tuluyang nakasakay sa kanilang bangka at makaalis sa isla.
05:58.0
Ang direksyon nila ay papuntang Angel Island, ang isla nakatabi ng Alcatraz.
06:03.0
Ayon kay Alan West na nagbigay ng detalye ng kanilang pagtakas, mula sa Angel Island ay lalanguy sila patungong Marin County at doon ay magnanakaw ng damit sa isang retail store.
06:14.0
Sinabi niya rin na magnanakaw sila ng sasakyan upang makaalis, ngunit walang report na may ganitong krimen na nangyari noong gabing tumakas ang tatlo.
06:23.0
Umaga na ang June 12, 1962, habang isinasagawa ang routine check ay nadiskubre ng mga gwardya na natutulog pa sina Frank Morris at ang magkapatid na Ang Lin.
06:34.0
Huli na nang malaman nila na ang natutulog na ito ay mga dummy heads na lamang at ang tatlo ay nakaalis na sa isla.
06:42.0
Noong madiskubre na nakatakas ang tatlo, nagkaroon ng lockdown sa buong kulungan.
06:47.0
Agad na ipinagutos ang malawakang paghahanap sa mga nakatakas. Nagkaroon ng land, air at sea search na inabot ng sampung araw sa Alcatraz.
06:57.0
June 14, inireport ng Coast Guard na natagpuan nila ang sagwan na ginamit ng tatlo.
07:02.0
Sa parehong araw rin ay nahanap ang wallet na naglalaman ng detalye tungkol sa mga Ang Lin.
07:08.0
Makalipas ang anin na araw, natagpuan ang pirapirasong raft na ginamit ng mga tumakas. Sunod ay ang mga piraso ng life jacket.
07:16.0
Ngunit hindi natagpuan ang katawan ni na Frank Morris at ng Ang Lin brothers. Posible kaya na nakatawid at nabuhay sila? Saan sila nagpunta?
07:24.0
Base sa mga natagpuang piraso ng kanilang kagamitan, formal na kinumpirma ng FBI na nalunod at namatay ang tatlo.
07:33.0
Ngunit sa lungat dito ang mga sumunod na detalye.
07:36.0
Pasko ng 1962, sinabi ng pamilya ng mga Ang Lin na nakatanggap sila ng mga Christmas cards mula sa dalawa.
07:43.0
Taon-taon rin ay may nagpapadala ng bulaklak sa ina ng mga Ang Lin hanggang sa mamatay siya noong 1973.
07:50.0
At sa kanyang libing ay may dalawang matangkad na lalaki na may makapal na makeup ang dumating. Sino kaya ang mga ito?
07:58.0
Noong 1989 naman, sa lamay ng kanyang ama ay sinabi ng kapatid ng mga Ang Lin na may dalawang lalaking bumisita sa labi ng ama, umiyak at agad din na umalis.
08:09.0
Lumantad din ang nagpakilalang pinsan ni Frank Morris at sinabing inutusan siya na bayaran ang mga gwardya ng Alcatraz at magkikita sila ni Frank sa San Diego pagkatapos ng pagtakas.
08:21.0
Ngunit walang ebidensya na nagpapatunay nito.
08:25.0
Taong 1993, isa pang inmate ang umamin na tinulungan niya ang tatlo sa pagtakas, ngunit hindi siya sumama dahil hindi siya marunong lumangoy.
08:34.0
Isang John Leroy Kelly rin ang umamin bago siya mamatay na sinundo niya gamit ng bangka ang tatlo at pagkatapos ay pinatay ang mga ito upang maibulsa ang $40,000 na mula sa pamilya ng mga bilanggo na dapat ay ibibigay sa kanila.
08:50.0
Tinuro niya kung saan niya inilibing ang mga ito, ngunit walang labi na nahukay.
08:55.0
Ang pinakamatibay na ebidensya na nagsasabing nakatakas ang tatlo ay lumantad noong 2018.
09:01.0
Inilabas ng CBS San Francisco ang kopya ng isang letter na ipinadala noong 2013 sa San Francisco Police Richmond Station.
09:09.0
Ang letter ay naka-adress sa FBI.
09:12.0
Mula ito sa nagpakilalang John Anglin.
09:14.0
Ayon sa liham, tumakas siya noong June 1962 sa Alcatraz kasama ang kapatid na si Clarence at si Frank Morris.
09:21.0
Ngayon, siya ay 83 years old na at mayroong cancer.
09:25.0
Namatay na ang dalawa niyang kasama noong 2005 at 2008.
09:29.0
Ayon sa kanya, papayag siyang arestuhin ng mga pulis at makulong sa loob ng isang taon kung saan pwede siyang magpagamot.
09:36.0
Ngunit walang ginawa ang mga pulis ukol dito.
09:39.0
Isinailalim sa DNA fingerprinting ang liham.
09:42.0
At pinaimbestigahan rin sa mga eksperto ang sulat kamay.
09:46.0
Ngunit hindi matukoy kung kay Anglin nga ba ito nang galing.
09:50.0
Imposible nang mapatunayan kung nakaliktas nga ba talaga ang tatlo noong gabing iyon.
09:55.0
Pero isa lang ang sigurado na noong gabing iyon ay nakaalis sa inescapable prison
10:00.0
si na Frank Morris, Clarence Anglin at John Anglin.
10:04.0
Panoorin ang aming video tungkol sa buhay sa Alcatraz upang lubos na maintindihan
10:08.0
kung bakit ganoon na lamang ang pagpapursigin ng mga bilanggo na makatakas.
10:13.0
Hanggang sa muli.
10:15.0
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutang mag-subscribe sa Bubly Youtube Channel
10:20.0
at pindutin ang notification bell.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.