Close
 


TOTOO BA ANG SINABI NI ENRILE, DI LANG SI MARCOS SR. ANG NAGING DIKTADOR, KUNDI MAGING DIN SI CORY?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
TOTOO BA ANG SINABI NI ENRILE, DI LANG SI MARCOS SR. ANG NAGING DIKTADOR, KUNDI MAGING DIN SI CORY? #EnzoRecto #BUNYOG #AttyRPT
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 25:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Naging diktador daw kasi inaku daw ni Cory lahat ng kapangyarihan.
00:19.0
Mayroon siyang revolutionary powers. Tama si Enrique.
00:23.0
Mayroon siyang kapangyarihan bilang diktador.
00:26.0
Pero hindi niya ginamit ang kapangyarihan bilang diktador.
00:29.0
Hindi siya naging diktador.
00:42.0
Ngayon nakakita ko mga kabunyog, may programa na kasi itong si Juan Ponce Enrique.
00:48.0
Dawang ko ba hindi pa rin ito nagpapahinga si Juan Ponce Enrique?
00:54.0
Ano na nga bang edad nito?
00:57.0
Ano na ito? Matanda ng masyado ito. Parang 98 na edad ito kung hindi ako nagkakamali.
01:04.0
Mga kabunyog.
01:06.0
May binigyan itong programa ni Kibuloy sa SMNI.
01:12.0
Bayan ni Juan. Kasi Juan. Bayan ni Juan. Juan Ponce Enrique.
01:19.0
Ngayon napanood ko kapartner niya diyan ang anchor ng SMNI.
01:28.0
Yung Admar.
01:30.0
Ngayon pinag-usapan nila.
01:32.0
Nung panahon daw ni Cory, inako daw ni Cory ang lahat ng kapangyarihan.
01:37.0
So sabi ni Enrique, kaya sa totoo lang, tinatawag daw si Marco Senor na diktador.
01:45.0
Pero ang totoo daw, si Cory Aquino ay naging diktador din.
01:50.0
Yan. Inako niya daw lahat ng kapangyarihan.
01:55.0
Kaya hindi lang daw si Marcos dapat ang sinasabing diktador.
02:01.0
Kahit naman daw si Cory ay naging diktador.
02:04.0
Totoo po ba ito?
02:06.0
Totoo bang inako lahat ni Cory ang kapangyarihan nung panahon na siya ay presidente?
02:12.0
At totoo bang naging siyang diktador?
02:14.0
Inabuso niya nga ba ang kapangyarihan? Yan po ang pag-usapan natin mga kabunyog.
02:23.0
Anyway, i-play natin para may resibo tayo.
02:28.0
Ano ba talaga ang sinabi ni Enrique mga kabunyog?
02:58.0
Bakit napalitan ang Constitution after ni Marco Senor?
03:10.0
Dahil ang ginawa ni Cory gumawa ng revolutionary constitution, inako niya lahat ng mga kapangyarihan sa gobyerno maliban sa SC.
03:31.0
Siya ang naging kongreso, siya ang naging ehekutibo. Sinasabi niya diktador si Presidente Marcos.
03:44.0
Hindi niya sinasabi sa taong bayan na siya ay diktador din. Madam dictator.
03:55.0
Kaya kami nabulabog. Dahil kung hindi dahil sa amin hindi maging presidente si Cory. That is the truth.
04:09.0
Bakit mo pa kasi pinigay?
04:13.0
Ang problema dyan, ang naging advisor ni Cory sa kanyang gobyerno, karamihan kaniwa.
04:34.0
Totoo yan. Magkaniwerte. Mga haging kaibigan ko, naging isa lang ako na opposition noon. Dahil si Ernaf...
05:04.0
Sa isyo na sinabing naging diktador si Cory Aquino. Ako mga kaponyo politiko, sa mga nakakasubaybay sa akin, ako hindi ako panatiko ng mga Aquino.
05:19.0
Hindi rin ako dilawan. Hindi ako pingklawan. Sinuportahan ko si Lenny dahil siya ang nakikita kong mas maayos sana, mas matinu sanang naging presidente ng Pilipinas.
05:35.0
Tayo naman may kanya-kanya tayong sinusuportahang kandidato. Ang iba nag-isko, ang iba nag-lakson.
05:44.0
Ako ang sinuportahan ko si Lenny Rubredo. Pero hindi ako pingklawan, hindi rin ako dilawan. Ililinaw ko, hindi ako panatiko nila Cory Aquino, nila Pinoy, nila Pinoy.
06:01.0
Hindi, hindi ako panatiko. Pero sa isyong ito, sa usaping ito, naging diktador nga ba si Cory Aquino? Lumalabas dito sa pinapaliwanag ni Enrique, naging diktador?
06:14.0
Naging diktador daw kasi inako ni Cory lahat ng kapangyarihan. Mga kaponyo, yan ang sinasabi ni Enrique dyan, inako ni Cory lahat ng kapangyarihan.
06:26.0
Ang tinanong kasi nitong angkor ng SMNI na susuka tayo pag naririnig ang truth that matters nila, ang tinanong nito ni Admar Bilario, itong Admar ito ang tanong nga.
06:56.0
Q1. Bakit ang bilis na ipasa noon ng 1987 Constitution after mapalitan si Marcos Sr.?
07:21.0
Hindi niya alam ang history ng Pilipinas. Unang-una, parang ang takbo ng isip nitong Admar, nitong staff ng SMNI na pag upo ni Cory kaagad-agad ang Constitution ni Marcos pinalitan ng isang bagong Constitution.
07:49.0
Napakabilis napalitan ang kaponyo ni Cory. Pakinggan ulit natin ang tanong.
07:58.0
Q2. Bakit ang bilis na ipasa noon ng 1987 Constitution after mapalitan si Marcos Sr.?
08:15.0
Mali siya. Hindi niya alam. Hindi alam nito ni Admar bakit daw ang bilis mapalitan ng 1987 Constitution matapos mapalitan si Marcos. Bakit madali na ilusot ang 1987 Constitution.
08:33.0
Mali. Hindi niya alam. Ang Constitution ni Marcos, 1973 Constitution. Yan yung Constitution ni Marcos. Yun yung Martial Law Constitution. Sa 1973 Constitution, ito yung ginamit ni Marcos para mabigyan siya ng mga kapangyarihan ng isang diktador. Yun ang talagang diktador.
08:54.0
Binigay sa kanya ng 1973 Constitution ang lahat ng kapangyarihan. Pwedeng gumawa si Marcos ng batas. May lawmaking power siya. Nung panahon ng Martial Law, walang tayong kongreso, walang senado, walang kamara. Walang House of Senate, walang House of Representatives.
09:12.0
Dinissolve yan ni Marcos. Ang lawmaking power noon o ang pagawa ng mga batas, siya mismo ang gumagawa. Binigay sa kanya yan ng 1973 Constitution. Kaya nga ang mga batas noon na ginagawa ni Marcos ang tawag PD, Presidential Decree.
09:29.0
Yung mga batas natin ngayon, Republic Act yan. Republic Act, RA. Kasi dumaan yan sa tamang proseso. Ang nagpasanyan ay kongreso, pinasayan ang kongreso, tapos inaprubahan ng presidente. O yan. Yan ang processo ng pagawa ng batas. May kongreso.
09:50.0
At yung batas na dumaan sa kongreso na inaprubahan ng presidente, tinatawag na Republic Act. Pero nung panahon ni Marcos, wala. Lahat ng mga batas na ginagawa niya mula 1972 nung magkaroon ng Martial Law at dinissolve niya yung kongreso.
10:09.0
Dinissolve niya. Pinadlock niya yung kongreso. Siya na yung mismo gumagawa ng batas. At gaano katagal na nasa kanya yung kapangyarihan gumawa ng batas? 1972 to 1978.
10:22.0
1972 to 1978. Lahat ng kapangyarihan nasa kanya. Yung pagawa ng batas, siya mismo gumagawa ng batas. Yun yung totoong diktador. Siya rin ang ehekutibo. Walang ile-eleksyon na nun. Mahabang panahon yan. Yan yung Martial Law.
10:42.0
Ngayon ang sinasabi nitong Admar, bakit napakabilis na maipasa kaagad yung 1987 Constitution matapos mapatalsik si Marcos? Hindi po ganoon kabilis. Hindi naman pagkagaling kay Marcos nag-1987 Constitution.
11:02.0
Hindi niya alam nito ni Admar na mayroon pang Constitution pagkatapos mapatalsik si Marcos, mayroong Constitution na tinatawag na Freedom Constitution.
11:13.0
Freedom Constitution ay isang manipis lang na Constitution. Pinalitan nito yung 1973 Constitution ni Marcos. Pero hindi pa ito yung 1987 Constitution. Yan ang hindi niya alam. Hindi po mabilis na pagkagaling kay Marcos kaagad-agad pinasa ni Cory 1987 Constitution. Hindi!
11:35.0
Ang 1987 Constitution ay naipasayan February 1987. Nagplibisito noon February 2, 1987 at prinuklama yan bilang officially in effect na ang 1987 Constitution. February 11, 1987.
11:57.0
So, nagtagumpay ang People Power Revolution February 1986. So mula February 1986, hindi naman kaagad nagkaroon ng 1987 Constitution. Hindi! Hindi niya alam nito ni Admar. Bakit daw ambilis na pagkagaling daw nung mapalitan si Marcos, biglang nagkaroon ng 1987 Constitution. Hindi ganoon kabilis yun.
12:24.0
Mula 1986 nang mapatalsik si Marcos, ang 1987 Constitution na balangkas yan at naaprubahan yan ang mga tao sa isang plibisito, February na ng 1987. So one year. So matagal po yan.
12:40.0
So ano palang Constitution ang umiral sa atin mula nang mapatalsik si Marcos sa People Power 1986 hanggang 1987 February. Anong Constitution? Mayroong pong Constitution na umiral noon. Hindi pa po 1987 Constitution. Ang tawag po doon na Freedom Constitution.
12:59.0
At ano ang Freedom Constitution? Ang Freedom Constitution ay ang pumalit na Constitution sa 1973. Bakit inalis yung 1973? Kasi Marciano Constitution yung 1973. Ikalawa, diniklara ni Corrie na siya'y hindi naupo bilang presidente sa ilalim ng 1973 Constitution. Hindi! Hindi siya na-elect sa ilalim ng 1973 Constitution. Bakit?
13:26.0
Kasi ang i-prinuklama ng Comelec ni Marcos at saka yung Batasang Pambansa ni Marcos, si Marcos at si Tulintino. Sila yung prinuklama. Siyempre hawak ni Marcos yung Comelec at Batasang Pambansa noon. Si Nicanor Iniguez ang Speaker. Alam ko yun kasi nung 1986, 16 years old na ako, teenager na ako niyan. Alam ko yun. Itong si Admarang hindi niya alam yun.
13:54.0
Ngayon, nung magtagumpay ang People Power Revolution, inalis ni Corrie ang 1973 Constitution kasi Marciano yun. So ibig sabihin kung si Corrie magiging diktador, gagamitin niya yung 1973 kasi sa diktador na Constitution yun. Pero binaliwala ni Corrie yun. Inalis niya yun. Bakit?
14:14.0
Kasi under the 1973 Constitution, ang prinuklama ng Comelec at ng Batasang Pambansa ay si Marcos Tulintino. Kaya sabi ni Corrie sa isang proclamation, siya ay iniluklok ng People Power. Kaya siya, ang kanyang gobyerno ay mula sa tao.
14:39.0
People Power Revolution, hindi galing sa 1973 Constitution. So dahil hindi siya galing sa 1973 Constitution, revolusionary ang gobyerno niya. Kaya ang ginawa niya, binaliwala niya ang 1973 tapos bumalangkas ng isang pansamantalang Constitution, temporary, interim Constitution. At yan yung Freedom Constitution.
15:04.0
Pero dahil ayaw naman ni Corrie ng Freedom Constitution na yan kasi ano lang yan, pansamantala lang yan, temporary yan, bumuo siya ng tinatawag na Constitutional Commission. Itong Constitutional Commission na to, marami to, mga 50 katao yata to o mahigit pa. Itong Constitutional Commission, ito yung nagdraft ng Constitution na bago.
15:28.0
At yang draft na Constitution na bago, yan yung prenisent sa tao sa isang plebisito noong February 2, 1987. At diniklara yan, overwhelmingly ratified yan, kaya noong February 11, 1987, diniklara ng in effect ang 1987 Constitution. So yun na, February 1987, hindi si Corrie ang gumawa ng 1987 Constitution.
15:52.0
Nagbuo siya ng tinatawag na Constitutional Commission. Ang chairman noon ng Constitutional Commission si Cecilia Muñoz Palma, dating justice ng Korte Suprema. Marami yan, maraming mga members ng Constitutional Commission noon. Mga kilalang tao yan, mga magagaling na tao.
16:10.0
May mga negosyante, may mga abogado, may representative ang mga magsasaka, manggagawa. Maganda yung Constitutional Commission na naggumawa ng Constitution natin. Kaya nga maganda yung 1987 Constitution eh. Pero hindi si Corrie ang gumawa niyan.
16:26.0
Nagbuo siya ng Constitutional Commission. At pinagtiba yan ng tao sa isang plebisito. Kaya yung sinasabi nito ni Admar na bakit napakabilis, hindi. Hindi naman kaagad nagkaroon ng 1987 Constitution. Mayroong Freedom Constitution muna na ginawa.
16:45.0
Ngayon itong Freedom Constitution supposed to be dito sa Freedom Constitution binigyan dito ng power si Corrie ng isang revolutionary power nitong Freedom Constitution. Ito yung sasabihin ni Enrique.
17:15.0
... Dahil ang ginawa ni Corrie gumawa ng revolutionary constitution, inaakunyan lahat ang mga kapangyarihan sa gobyerno maliban sa SC. Siya ang naging kongreso, siya ang naging ehekutibo.
17:45.0
Sinasabi niya diktador si Presidente Marcos. Hindi niya sinasabi sa taong bayan na siya ay diktador din. Madam dictator."
18:15.0
... Binigay sa kanya yan ang Freedom Constitution kasi revolutionary ang government niya, produkto ito ng people power, revolution. E pag sinabi mong revolutionary ang gobyerno mo talagang makapangyarihan ka talaga. Pero sa totoo lang hindi ginamit ni Corrie yung revolutionary power na yan.
18:36.0
Hindi siya nag-abuso at hindi siya naging diktador. Bakit? Unang-una, lagi ko nang sinasabi ito sa mga talakayan ko. Dahil may revolutionary power siya. May revolutionary power kasi revolution yung naglagay sa kanya sa pwesto.
18:50.0
Pwede niyang kumpiskahin yung mga yaman ng mga Marcoses pero hindi niya ginawa. Instead nag-create siya ng PCGG tapos yung PCGG na yan sabi niya yan ang maghabol ng yaman ng mga Marcos. Idaan sa due process.
19:06.0
Paano mo masabing naging diktador na dapat nga sana, ako nga kung akong tatanungin, ang dapat na ginawa niya naging diktador sana talaga siya. Dapat talaga ang ginawa ni Corrie naging diktador siya. Dapat yung mga yaman ng Marcos, kinuha niya na yan, kinumpiska niya na yan.
19:21.0
Kasi nakaw na yaman naman ng mga yan. Malinaw namang nakaw na mga yaman. Mayroon siyang revolutionary powers, tama si Enrique. Mayroon siyang kapangyarihan bilang diktador pero hindi niya ginamit ang kapangyarihan bilang diktador. Hindi siya naging diktador.
19:38.0
Yung mga yaman ng Marcos, sabi niya idaan yan sa due process, kasuhan yan, mag-create tayo ng komisyon, yun ang maghabol. Idaadaan sa korte, sa prosesong legal. O anong nangyari? Natagalan. Hanggang ngayon hindi pa natin nababawi lahat ng mga ninakaw na yaman ng mga Marcos. Kasi hindi ginamit yung revolutionary powers.
19:58.0
Yan. Kaya ang isa pa, maraming mga nag-abusong mga militar, mga PC nung panahon ni Marcos. Hindi naman lahat ng mga military sumama sa People Power Revolution. Mayroon lang mga matitino na nagising, namulat, kumalas na sila ng suporta kay Marcos, sumama na sa People Power Revolution.
20:19.0
Pero mas marami pa rin ang naiwan, mga abusadong militar, mga abusadong PC na hindi naman nagbago. Sa katunayan, hindi sila kumbensido kay Cory, Marcos pa rin sila. Marami silang mga tinorture na mga aktivista nung panahon ng Marcialo. Hindi rin yun naparusahan. Hindi ginamit ni Cory yung kanyang revolutionary power.
20:42.0
Kaya itong sinasabi ni Enrique na naging diktador, baliktad. May revolutionary power si Cory, may dictatorial power siya pero hindi niya ginamit. Hindi siya naging diktador. Sa katunayan, napakaiksilang nung panahon na mayroon siyang revolutionary power. Ayaw niyang patagalin, pwede niya pang patagalin yun.
21:04.0
Alimbawa, gawin niya yun mga 3 years. Pwede. Total, revolutionary government siya. Pero anong ginawa ni Cory? Within 1 year, nagform siya ng constitutional commission. Ito yung magbabalangkas ng bagong constitution. Within 1 year yun, nagawa niya yun. So ibig sabihin, ayaw niyang patagalin yung kanyang revolutionary powers. So paano niya nasabing naging diktador yan?
21:30.0
O sige nga, ano bang mga ginawa ni Cory na ala diktador? Wala. Sa katunayan, wala nga siyang ginawa na bilang diktador. Pero mayroon siyang kapangyarihang maging diktador. Binigay sa kanya yan ng freedom constitution dahil produkto siya ng people power. Revolutionary yung government niya.
21:49.0
Ito nga yung pagkakaiba ni Duterte. Si Duterte gustong-gustong magkaroon ng revolutionary powers pero hindi niya magawa. Kasi naupo siya sa pwesto sa ilalim ng constitution, hindi people power revolution. Kaya maraming nagtutulak kay Duterte noon, mag-revolutionary government ka na. Hindi magawa ni Duterte. Bakit?
22:12.0
Gusto niya ng revolutionary powers. Gusto niya maging diktador pero hindi niya magawa kasi wala siyang revolutionary powers. Nakalagay ang kapangyarihan niya sa ilalim ng 1987 constitution, na-elect siya sa eleksyon noong 2016. Pag nagdeklara siya ng revolutionary government, babaliwalaan niya na yung eleksyon noong 2016. Unconstitutional niya ang kanyang pagupo.
22:39.0
Pero si Cory malinaw, inilukluk siya, revolution talaga ng tao. People power revolution. Mayroon siyang kapangyarihan. Kaya tama ba si Enriling sabihin may revolutionary powers si Cory? May dictatorial powers si Cory? Tama siya pero hindi ginamit ni Cory yun.
22:58.0
Ang mga ginawa niya lang, inalist niya ang mayors at governors na panahon pa ni Marcos, pinalitan niya ng OIC. Sa ilalim niya ng kanyang revolutionary powers. Kasi kailangan naman palitan. Kailangan naman naupo siya bilang presidente at mayors at governors, mga tao pa ni Marcos. Kaya naglagay siya ng OIC.
23:22.0
At isa sa kinabang ng OIC ay si Duterte kasi ginawa siya Vice Mayor ng Dabao. Mula noon lumaki na ang political career ni Duterte. Pero ang naglagay kay Duterte na maging Vice Mayor ng Dabao si Cory sa ilalim ng kanyang revolutionary powers.
23:45.0
Pero hindi rin nagtagal ang OIC na yan. 1986 lang yan hanggang 1987. Pag 1987 nagpa-election na pagkatapos magkaroon ng bagong Constitution nagkaroon na ng election. 1987-88 magkasunod na election yan. Nag-election sa Kongreso tapos nag-election din ng mga local government.
24:10.0
Kaya yan ang sagot yan sa sinasabi ni Enrique na inako ni Cory lahat ng kapangyarihan. Naging diktador nga ba si Cory? Yan ang ating paliwanag tungkol dyan. Pakishare nitong talakayan natin ngayon para mas malaman ng ating mga kababayan ang katotohanan. Mabuhay po tayo!
24:41.0
Halikan na kasama ka, bunyog. Kapag buklot ay may pag-asa. Gustong bisayas ming ganaw, isang pananaw. Sa bagong Pilipinas ang bunyog isisigaw.
25:01.0
Bunyog! Bunyog! Bunyog!