Close
 


MARCOS JR., BABYAHE NA NAMAN SA JAPAN AT FRANCE!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
MARCOS JR., BABYAHE NA NAMAN SA JAPAN AT FRANCE! #informador #EnzoRecto #BUNYOG #AttyRPT
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 29:38
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
💕💕💕
00:30.0
💕💕💕
01:00.0
💕💕
01:30.0
💕💕💕
02:00.0
💕💕💕
02:30.0
💕💕💕
03:00.0
💕💕💕
03:30.0
💕💕💕
04:00.0
💕💕💕
04:30.0
💕💕💕
05:00.0
💕💕💕
05:30.0
💕💕💕
06:00.0
💕💕💕
06:02.0
💕💕💕
06:08.0
💕💕💕
06:10.0
💕💕💕
06:24.0
💕💕
06:26.0
... Bakit? Ang iba bang pinuno ng ibang bansa kapag nagbabiyahe kasama ang speaker ng House of Representatives nila? Dapat ang speaker ng kamara lagi nandun siya sa kamara kasi siya ang speaker. Hindi siya byahe ng byahe."
06:46.0
... Ang paliwanag niya ni Marcos Jr. kailangan niya isama si Martin Rumualdez kasi pag may tanong tungkol sa batas ng Pilipinas, si Martin Rumualdez ang sasagot kasi speaker siya ng kamara.
07:03.0
Halimbawa ang negosyante magtatanong anong mga legislative reforms ang ginagawa ng Pilipinas? Bakit hindi ba yan masasagot ng mga kasama niya?
07:18.0
Kung kasama niya doon ang Secretary of Finance o trade secretary, kaya namang sabihin ng Secretary of Finance kung ano ang legislative reforms o batas na bago.
07:33.0
Halimbawa sa mga forum nagtanong ang audience, ano ang mga legislative reforms ang sinusulong sa Pilipinas na conducive sa foreign investments? Kailangan bang speaker ng kamara ang sumagot ng tanong na yan?
07:50.0
Kasi yun yung logic, yun yung sinasabi ni Marcos Jr. Bakit kasama niya lagi ang speaker ng kamara? Para daw pag may tanong tungkol sa mga batas na ipinapasa ng kongreso kaugnay sa foreign investments ang magpapaliwanag si Martin Rumualdez.
08:12.0
Kailangan bang speaker ng kamara ang magpaliwanag? Hindi ba pwedeng yung Secretary ng Department of Finance, hindi ba alam ng Secretary ng Department of Finance ang mga batas na pinasa para sa investments?
08:30.0
Kaya niya yung sabihin, kaya niya yung ipaliwanag. Kahit si Marcos kaya niya nang sagutin yung tanong na yan, bakit kailangan pa?
08:43.0
Hindi ba nung panahon na sila yung nakaupo sa Malacanang, nung panahong diktadura pa tayo, biyahe dito biyahe doon yan, saan nag-aral yan sila Marco, sila Amy, sila Irene, di ba sa abroad? Nung mga bata pa sila nandyan sila sa Malacanang pero nung mga nagbinata na sila hanggang sa nag-aral na sa abroad yan at gastos ng pera ng bayan yan.
09:10.0
Kaya sanay talaga sila sa luho, sanay sila sa biyahe, biyahe dito biyahe doon. Pero siyempre nung hindi na sila nakaupo sa palasyo sa Malacanang medyo nagkontrol na yan ang mga biyahe, sarili ng gastos nila yan. Bukod pa sa hindi sila makatontong sa US kasi wanted sila doon.
09:28.0
Hindi ito chismes. Sa interview mismo ni Tunying Taberna kay Marco, noon nung panahon ng eleksyon, tinanong siya bakit siya hindi pumupunta ng US kasi sabi niya mayroon nga sa kanilang warrant of arrest. Ayaw din naman nilang mapahiya sila na pag tungtong nila doon ng kanyang pamilya, huhulihin sila.
09:50.0
Ngayon kasi may immunity na sila, diplomatic immunity na. Kasi presidente ka ng Pilipinas, alanga namang aristuhin ka. O ngayon parang biglag, ano na ngayon, ang sarap ng magbiyahe.
10:06.0
Kasi nasanay sila nung mga panahon na nasa palasyo sila, nung panahon ng kanyang ama, sagot ng bansa ang lahat ng biyahe nila. O ngayon, balik na sila sa ganoon. Sagot na ng bansa, sagot na ng taxpayers money. Charged na sa taxpayers money ang biyahe nila.
10:22.0
So bitbit na ang pamilya. At hindi lang yan. Yung kanyang pinsan na si Martin Romualdez, bitbit din. Si Martin Romualdez din, bitbit din ang asawa niya. Ang asawa niya si Hieda Romualdez.
10:36.0
Totoo congresswoman yun. Congresswoman, tingog sinirangan party list. Pero kailangan bang kasama mo yung asawa mo? O ganyan. Kaya ang nangyari, ang nangyari talaga, ano ito, jangket ang tawag doon, ang termino doon jangket.
10:57.0
Nung biyahe sa Davos, aside sa kasama niya ang presidential assistant si Anton Lagdameo, si Anton Lagdameo kasama ang asawa niya si Don Solveta. Nung mga unang pictures si Don Solveta, parang akala mo official siya ng gobyerno, nandun siya sa mga sessions sa Davos.
11:17.0
Ay nung may nag-comment, ano bang ginagawa diyan ni Don Solveta? Biglang hindi na pinapakita si Don Solveta. Ganoon din si Hieda Romualdez. Nung una kasama lagi sa press release, ito yung kasama, kasama si Hieda Romualdez.
11:30.0
Nung sunod na mga listahan, unsi na lang yung linalabas na lista. Unsi lang daw yung nakaregister sa loob, 18 lang yung official delegation. Pero nung mga una, wala naman ang pangalan ni Don Solveta. O, di ba?
11:47.0
Kaya ito, sigurado tayo, sa biyahe sa Japan, ang Japan ngayong Pebrary. Tapos sa June naman ang France. Hindi yan yung biyahe ngayong taon. Hindi lang yan. Yan lang yung confirmado na.
12:02.0
Pero marami rin yung mga ano na inaayos pa yung mga schedules. Kaya matindi to mga akabonyo. Matindi to.
12:12.0
Kaya paano masusolusyonan ang problema ng bayan? Ang dapat munang gawin, at buti naman sana kung transparent sa mga biyahe na yan. Walang transparency yung mga biyahe na yan, mga akabonyog. Alam naman natin yan.
12:26.0
O, yun ngang biyahe sa Singapore. Yung biyahe sa Singapore, medyo tipid yun kasi Singapore lang naman. Anlapit lang naman nun. O, nang tinatanong, magkano ba ang gastos sa biyahe sa Singapore? Anong sabi ng palasyo ng Malacanang? Hindi kailangang idetalye ng presidente ang ginastos sa biyahe sa Singapore.
12:46.0
Wow! Bakit naman hindi? Pera niya ba yun? Pero ba ni Marcos yun? Kinakailangan ng accountability at transparency sa mga biyahe na yan. Di po ba? Hindi niya naman pera yan.
13:02.0
Kung sarili niyang pera yan, wala tayong pakialam na maging transparent siya sa mga biyahe. Pero pera natin yan. O, mayroon na naman magsisingit yan. Oy Inso, ingit ka lang. Ator ni Tomotorco, ingit ka lang. Sorry.
13:19.0
Pero nakapunta na ako ng kami ng Japan, ang pamilya ko. Nakapunta na kami ng France. Pero sarili namin gastos. Ako dalawang beses na ako nakapunta ng France. O, kami ng pamilya ko nakapunta na dyan. Kaya hindi kami naiingit dyan. Bumiyahe kami dyan, sarili namin pera. Hindi naman ako ano ng gobyerno.
13:39.0
Yun. Kaya mayroon na naman ingit ka lang Inso. Hindi po yan sa ingit. Tayo yung nagmamalasakit dahil pera ito ng taong bayan. Pera natin ito eh. Pera natin ito.
13:55.0
Nito lang January, nito lang January sabi ng staff ko, sir ang dami po, ang taas na po ng babayaran nating mga buwis. Nag-renew kami ng mga business permits. Ang mahal.
14:09.0
So ibig sabihin mga kabunyog, grabe, pahirap ng pahirap ang buhay natin. Tinataga tayo ng mga babayarang buwis, taxes. Tapos yan lang ang pupuntahan. Biyahe dito, biyahe doon. Dapat nag-a-assess na.
14:25.0
Worth ba ang mga nagiging biyahe? Kasi nakawalong bansang biyahe na siya. Panahon na para i-assess mo. Worth ba ang mga biyahe? Doon sa walong bansang pinuntahan mula noong June hanggang January, pinakahuli yung Davos, Switzerland.
14:43.0
Sige nga, ano na bang mga output doon? Ano na bang resulta? Mayroon na bang mga pumasok na investments? Dapat ganoon. Pero hindi, biyahe talaga. Ngayong February Japan, sa June France.
15:01.0
Mayroon na bang sabihin yan lang ang biyahe niya ngayong 2023? Hindi. Marami pang invitations, ini-schedule pa daw kung alin ang pagbibigyan. So talagang plano yatang sa 6 na taon yatang pagiging presidente nito ng Pilipinas, uubusin yata buwan-buwan may pupuntahang bansa.
15:21.0
Mga kabonyog? Dalawang issue, magkano bang ginagastos yan sa bawat biyahe? Hindi naman nila sinasabi. Hindi sila transparent. Ang malinaw lang nating nakikita, andaming bitbit o andaming kasama.
15:37.0
Na kahit hindi naman kailangan, sa biyahe na yan. Bakit kailangang bitbit mo yung pamilya mo, yung anak mo? Diba? Kasama niya yung dalawang anak, si Sandro Marcos. At saka ang sabi, si Sandro Marcos daw kailangan kasi siya ang proponent ng maharlika.
15:55.0
So siya yung nagpapaliwanag tungkol sa maharlika. Itong si Sandro Marcos. Ay palusot na naman si Marcos. Palusot na naman si Marcos Jr. Bakit? Pinag-usapan ba sa APEC? Sa Bangkok? Pinag-usapan sa Asean Summit? Pinag-usapan ba yung maharlika? Wala pang maharlika noon.
16:15.0
Pinag-usapan ba sa United States ang maharlika nung nagbisita sila doon? Hindi. Ang sadya niya noon, UN General Assembly, hindi naman tungkol sa maharlika. O bakit kasama si Sandro Marcos Jr.? O, kasi ang palusot niya, kailangang kasama si Sandro Marcos kasi ito yung proposed author. Isa ito sa mga authors ng maharlika.
16:35.0
O pero yung maharlika, diniscuss lang sa Davos. Pero kasama si Sandro Marcos sa lahat ng lakad niya. Hindi naman maharlika ang topic doon. Diba? Si Martin Rumaldes kasama rin dahil kailangan daw ipaliwanag yung mga pagbabago sa legislature ng Pilipinas.
16:53.0
Hindi. Aminin niya na lang magpapalusot pa siya. Vacation grande yun. Junket ngay yung mag-i-enjoy ka sa mga biyahe na naka-charge sa pera ng gobyerno. Yun ang tawag doon, junket. Diba?
17:11.0
Ang problema lang, hindi sana tayo dapat magpunan nito. Halimbawa yung mga artista nakikita mo biyahe na biyahe sila kung saan. Nakikialam ba tayo? Natural hindi. Pera naman nila yan. Anong pakialam natin sa mga artista na yan?
17:31.0
Kahit pa saan sila pumunta, kahit pa ilang beses sila bumiyahe yung mga celebrities, wala tayong problema dyan. Pera nila yan. Private na pera yan. Pero ito, pera natin ito mga kabunyog. Kaya yung mga nagsasabi dyan, bakit ka nag-ingit-ingit? Eh bakit, hindi ba tayo mag-ingit-ingit sa ganito?
17:55.0
Una, hindi transparent. Pangalawa, kitang kita mo naman na ang mga kasama sa biyahe, bit-bit buong barangay kahit hindi naman kailangan sa biyahe na yun. Diba? O. Kaya tayo na. At pangalawa, ang daming problema sa bansa.
18:11.0
Itong issue ng agricultural smuggling, matindi ito ha. Matindi itong issue ng agricultural smuggling. Matindi, mga kabunyog. Nadadawit ang pangalan ni Lisa Araneta Marcos at yung kanyang kapatid na nagnangalang Martin, Martin Araneta.
18:29.0
O, ito palang Martin Araneta na ito, business partner ang isang nagnangalang Michael Ma, isang Chinese national. Ay, itong Michael Ma, isa dun sa mga pinatatawag ng kongreso, kaugnay sa agricultural smuggling.
18:44.0
So, kung business partner ito ng kapatid ni Lisa Araneta at maraming pictures, mga kumakalat nga yung pictures na ano eh, katabi ni Lisa Araneta, itong Michael Ma na ito na involved sa agricultural smuggling.
18:56.0
At kasama sa Davos, Switzerland. Mayroon pa rin itong picture kasama si Bongbong Marcos Jr. O, ay yung agricultural smuggling napakalaking problema ng bansa natin ngayon.
19:08.0
Kaya si Stella Kimbo, yung congresswoman ng Makati, sabi niya, hindi ko maintindihan, ekonomista ako. Economista ako pero hindi ko maintindihan.
19:18.0
Confused ako. Wala namang shortage ng sibuyas pero ang nangyayari ang taas ng presyo ng sibuyas. Bakit?
19:27.0
Ngayon lumalabas isa sa mga dahilan, agricultural smuggling.
19:33.0
Mga kabunyog, malamang ito ang lumalabas, bumibili, nag-iismagel ng mga sibuyas. Mura ang bili nun kasi ismagel. Tapos i-stack muna. Pero bibili rin ang mga sibuyas galing sa mga magsasaka natin. Mura ang bili.
19:53.0
15 pesos per kilo to 50 pesos per kilo. I-stack yun. Iho-hoard. Itatago. Saka ngayon ilalabas. O diba? Ang tindi talaga.
20:05.0
O ngayon, ibig sabihin, pahirap talaga sa atin itong agricultural smuggling. Ang problema, nasasangkot ang pangalan ng Araneta at Marcos dito.
20:14.0
Yan muna ang asikasihin ng Marcos Jr. Hulihin niya muna ang mga agricultural smugglers. DA Secretary siya. Ngayon, pag medyo nang kita niyang ayos-ayos na ang problema ng bansa, o sige na bumiyahi ka na. Yung kailangan-kailangan na biyahe lang. O yun.
20:31.0
Hindi naman natin sinasabing walang biyahe. Hindi naman pwede na walang biyahe. Pero ang sinasabi natin, una, yung napaka-importante lang na biyahe. Pangalawa, ayusin muna ang mga internal na problema ng bansa. Saka bumiyahe.
20:46.0
Ito dapat yung guideposts. Tawag doon, guideposts. Kailangan bang bumiyahe ng Presidente? Oo. Hindi naman pwede walang biyahe. Pero piliin lang yung napaka-importante.
21:01.0
Pangalawa, ayusin muna ang mga problema ng bansa bago bumiyahe. Parang yung babiyahe ka hindi magiging issue na iniiwan mo ang problema ng bansa. Biyahe ka ng biyahe samantalang grabe ang problema ng bansa. Panloob internally na hindi nareresolva.
21:21.0
Hindi pwede yun. At pangatlo, magtipid sa biyahe. Hindi naman kailangan na magtipid na yung tutuluyan mo. Nakakahiyana. Head of state ka, head of government ka ng Pilipinas, murang-mura ang hotel na rinerentahan mo. Huwag naman.
21:35.0
Pero huwag mo naman bitbitin yung buong barkada. Yung buong barangay. Huwag mo naman bitbitin.
21:42.0
Alam nyo, wala rin itong pinagiba nung panahon ni Duterte. Si Duterte noon pag bumabiyahe, bitbit pati mga artista ang sumuporta sa kanya. Alam nyo yung pumunta sila ng Russia.
21:55.0
Pumunta ng Russia si Duterte noon. May picture naglalakad sila sa Russia. May bitbit na mga paperbags. Nag-shopping sila. Sino yun? Si Cesar Montano, si Philip Salvador, si Ruben Padilla. Sigurado kasama rin rin sila mukauson, Arnel Ignacio.
22:18.0
Ganoon si Duterte noon. Yan ang bitbit niya rin noon. Bitbit niya yun. Bitbit ni Duterte noon yung kanyang mga gabinete na favorito niyang mga miembro ng gabinete.
22:31.0
Yan yung sila, Panelo, si Cusi. Sino yung mga lagi kasama ni Duterte? Siyempre si Panelo, hindi mawawalaya noon. Naiiwan si Miguel Diaz. Lagi noon, executive secretary, lagi naiiwan. Pero si Panelo, lagi kasama yan.
22:51.0
Sino pa ba? Si Belio, lagi kasama niya yan. Si Lorenzana, lagi niyang kasama yan. Yan yung ano niya. Plus yung mga artista. Sumasabit din yun. Sila Cesar Montano, si Ruben Padilla, si Philip Salvador, si Arnel Ignacio.
23:11.0
Kaya noong panahon pa ni Duterte, yung practice na yan na jangkit din, bitbit yung buong barangay din. Pera ng bayan ang gastos. Ngayon naman kay Marcos iba naman. Kasi elite ito. Elite ito e.
23:25.0
So hindi artista ang kasama niya. Hindi artista. Hindi mga vloggers. Hindi mga vloggers. Kaya maraming artista at vloggers na gastos na galit kay Marcos Jr. kasi tingin nila na budol budol daw sila. Ginamit lang sila noong panahon ng eleksyon para manalo.
23:43.0
Kaya maraming naghihinanakit na mga vloggers at mga celebrity na supporters niya. Ang hindi lang naghihinanakit si Tony Gonzaga, si Alex Gonzaga, si Paul Soriano. Kasi malapit yan. Pero yung iba na mga nagsuporta, agano na.
24:02.0
Kasi kay Duterte hindi. Kahit ka pa artista, kahit ka pa vlogger, isasama kanya. O, ganun si Duterte noon. Ito hindi. Siyempre, elite si Marcos e. Siyempre, ang bitbit niya, ang mga kasama niya, mga elite din. Lagdameo, Don Solveta, Romualdez. O, yun. Yun naman ang kanyang ano ngayon. Laging kasama.
24:22.0
E hindi nyo napapansin mga kabunyog, itong mga presidente, byahe ng byahe, laging ang gastos niyan sobra pera ng bayan. Si Duterte, midyo ang maganda lang kay Duterte, hindi masyadong nagbabyahe. Kasi binastos niya ba naman ang United States? Binastos niya ang European Union. O, pwede lang naman siyang bumiyae yun. Russia at saka China. Yun. Diba?
24:48.0
O. Salamat kay Nonong Raymond, nagsend sa atin ang star. Salamat. Sa ganun din kay Nap Tadina. Salamat Nap ha. Salamat sa inyo. So yan mga kabunyog. So ngayon, ito na nga, naka-schedule na, byahe ni Marcos Junior, Japan sa February.
25:07.0
Sa, ano naman, sa June naman, France. O yan, dalawa. Ang ganda ng mga bansang pupuntahan, ano? Sigurado tayo. Sigurado tayo, ano na, nagpapalista na naman dyan yung barangay nasasama sa kanya.
25:24.0
O, kaya lang, ang malungkot kasi, marami tayong kababayan, hindi nauunawaan. O, sasabihin pa tayo, ikaw inzo, ano ka, ingit ka lang.
25:38.0
O, ang gawin ngayon ni Marcos Junior, sagutin niya na muna itong mga issue kasi seryoso ito, itong issue sa agri-smuggling. Ano to?
25:52.0
Hindi pwedeng hindi ito sagutin ng Presidente. Nadadawit ang pangalan nila dito. Ako hindi ko hinuhusgahan na sangkot nga sila sa agri-smuggling. Pero ang malinaw, nasasangkot, nadadawit ang pangalan nila, dapat i-clear nila yan.
26:09.0
Bakit? Kasi DE Secretary ka. Marami nga nagme-message sa akin, hindi kaya Atty. Enzo kaya kinuha ni Marcos Junior ang pagiging Agriculture Secretary at ayaw niyang bitiwan dahil nga malaki ang transactions nila dyan sa agri-smuggling.
26:29.0
So sorry hindi ko makomperma. Pero dapat talaga sangutin niya ni Marcos Junior. Wag na muna siyang magbiyahe ng biyahe. Ayusin niya muna ang problema. Una, sangutin niya muna, sangkot ba talaga sila sa agri-smuggling?
26:44.0
Pangalawa, kung hindi sila sangkot, dapat makita nating dinudurog niya ang mga smugglers na yan. Pag medyo na-accomplice niya na yan, medyo nag-normalize na ang presyo ng mga agricultural products, pwede na siyang magbiyahe.
27:00.0
Pero hanggat hindi niya nalilinaw, sangkot ba ang pamilya nila ng asawa niya sa agri-smuggling? Pangalawa, sangkot man o hindi, dapat durugi na yan, sugpuin niyang agri-smuggling. Yan ang dapat na gawin. Yan ang unang unahin.
27:22.0
Wag na muna ang biyahe sa ibang bayan. Ano yan? Alin bang napaka-importante ang mga biyahe na yan? Bakit? Malaki na ba ang naitulong sa bansa natin? Sa walong bansang napuntahan niya, naka-experience na ba tayo nang biglang pagpasok ng dayuhang foreign investors? Parang wala.
27:47.0
Baka mas marami pa nga ang lumalabas e. Hindi po ba? Anyway mga ka-bunyog, ito lang po muna. Maya-maya po alas-gis sa Enzorecto po, kape at pintuhan tayo doon mga ka-bunyog.
28:08.0
Okay? So sige po, alas-gis sa Enzorecto po, kape at pintuhan. Sige mga ka-bunyog, tayo po dito sa Atorney Ricky Tumutorgo FB page at Youtube channel. Dito po itinataguyod natin ang katutuhanan, ipinaglalaban po natin ang interes ng nag-iisa nating mahal na inang bayan.
28:28.0
Pakishare po nito mga ka-bunyog para makarating sa iba po nating mga kababayan. Ito po ang ating mga napagusapan dito sa ating talakayan. Mabuhay po tayo mga ka-bunyog.
28:58.0
Ito po ang ating mga kababayan. Mabuhay po tayo mga kababayan. Mabuhay po tayo mga kababayan.
29:28.0
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.