Close
 


KABUNYOG CULEX SOLIMAN, MALUPIT SA KATOTOHANAN 01/31/2023: CHACHA!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
KABUNYOG CULEX SOLIMAN, MALUPIT SA KATOTOHANAN 01/31/2023: CHACHA! #EnzoRecto #BUNYOG #AttyRPT
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 30:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang araw mga kabunyog, magandang hapon, magandang tanghali.
00:22.0
Sumayaw muna tayo ng Chacha.
00:25.0
Yan ang ating pag-uusapan ngayon mga kabunyog, mga kababayan.
00:29.0
Sa Kulek Suleiman ang makulit sa katotohanan.
00:33.0
Mag-uusap na naman tayo at lilinawi na naman natin ang issue.
00:38.0
At syempre maghahatid tayo ng katotohanan sa ating mga kababayan.
00:43.0
Pag-usapan natin ito, yung gustong sayaw ng mga congressman natin.
00:48.0
Ang daming problema ng Pilipinas.
00:53.0
Ang daming problema ng Pilipinas.
00:57.0
Sa totoo lang, ang daming problema ng Pilipinas.
01:01.0
Pero ang mga congressman natin gustong magsayaw.
01:05.0
At ang gusto nilang sayaw ay Chacha, Charter Chains, babaguhin po ang ating saligang batas.
01:14.0
Gusto nilang pakialaman ang saligang batas.
01:17.0
May mga plano po dyan sa House of Representatives para dito sa Chacha.
01:23.0
At ang nakakapikun po dito mga kababayan sa pagbabago ng saligang batas...
01:29.0
May mga sinasuggest doon o pinapanukala doon na una, baguhin ang term limit ng Presidente.
01:39.0
Pwede na daw tumakbuli ang Presidente sa susunod na election.
01:43.0
5 taon tapos another 5 years isang reelection.
01:48.0
Tapos daw ang Presidente at Vice President binuboto ng isahan.
01:54.0
So yung mga amendments doon, mga political amendments, may nagsasabi baguhin din yung mga economic amendments ng ating Constitution.
02:04.0
So ito ang pinagkakabalaan ng ating mga mambubutas.
02:09.0
Butas na butas na nga ang bulsan ng bayan sa kanila.
02:12.0
Butas na butas na rin ang upuan nila sa Kongreso.
02:17.0
Ayaw na nilang tumayo sa kapangyarihan. Sila na ang nakaupo kaya butas na ang silya ng kanilang kapangyarihan.
02:24.0
Butas na butas na rin ang bulsan ng taong bayan.
02:27.0
Kaya ito ngayon ang gusto naman nilang butasin yung ating saligang batas.
02:33.0
Saligang batas na gustong butasin ang mga hudas at mga balasubas sa Pilipinas.
02:40.0
Para tayong tumutula dito mga kabunyog mga kababayan.
02:44.0
So pag-usapan natin yan.
02:48.0
And then nakita niyo po, babyahi na naman si Marcos Jr. sa Japan.
02:55.0
At yung kanyang anak naman na si Vincent ay special assistant na ng house speaker ng kanyang tsuhin.
03:03.0
Tapos napakalaki po ang problema natin sa smuggling.
03:08.0
Naghihirap ang mga magsasaka. Pinatawag na po yung mga diumano na sangkot sa smuggling.
03:16.0
Ipinatawag na po dyan sa House of Representatives sa pagdinig sa Kongreso.
03:22.0
Pagdinig na naman, pagdinig hanggang pakinig.
03:25.0
Bandang huli absuelto lahat yan, wala makakasukan.
03:28.0
So ang daming problema ng bayan.
03:32.0
Smuggling, problema sa magsasaka, trabaho, presyo ng bilihin.
03:38.0
Ayan po ang ating problema.
03:40.0
Pero ang ating mga mambabatas, kumakasan na naman, nagpaplano na naman.
03:45.0
Babaguhin ang batas.
03:48.0
Alam niyo ba mga kabunyog mga kababayan, sa tingin niyo ba batas ang dapat binabago sa Pilipinas?
03:55.0
Ano ba ang dapat baguhin sa Pilipinas?
03:58.0
Batas o palitan natin yung mga hudas at balasubas?
04:03.0
Ayan na, nagrarahim pa.
04:05.0
Ano ba ang dapat baguhin?
04:07.0
Yung saligang batas o itong mga hudas at balasubas?
04:10.0
Tingin ko, ang dapat na mapalitan, hindi naman yung saligang batas o konstitusyon.
04:16.0
Maganda ang ating konstitusyon, ang ating 1987 konstitusyon.
04:22.0
Ang kailangan palitan dito, yung mga politiko na natin talaga.
04:26.0
Dahil sobrang kapal na po ng mukha.
04:29.0
Ang mga magnanakaw, wala namang nakukulong.
04:32.0
Ang mga anomalya, nakakarindi na, nakakakilabot, smuggling na nga lang noong nakara, nakita niyo no?
04:39.0
E nasasangkot po dyan, napangalanan po dyan, yung business partner po.
04:48.0
Ayon sa mga balita, ng kapatid mismo ng First Lady, ni Lisa Marcos, na si Martin Araneta.
04:59.0
Ngayon, business partner niya si Michael Ma.
05:05.0
Ayon sa mga balita.
05:07.0
At yan, nakita din natin sa isang research.
05:10.0
Doon sa isang research natin na yang si Michael Ma ay nag-o-opisina doon sa floor sa isang building kasama kay Lisa Araneta.
05:23.0
Yung opisina nila ni Lisa Araneta.
05:25.0
At the same time, yung law office niya, marami doon sa nagtatrabaho sa kanyang law office, ay nagtatrabaho doon sa kumpanya ni Michael Ma.
05:35.0
Ayon po yun sa zoom in ng mga info.
05:38.0
Bukod doon, yung si undersecretary ni Marcos Jr., yung France Imperial, nakita rin, nakonektado din doon kay Michael Ma.
05:51.0
Kaya gusto natin makita, yan yung paliwanag, yan yung gusto natin marinig na paliwanag.
05:57.0
Ang laki ng problema sa smuggling, tapos nasasangkot itong bayaw, bayaw ng pangulo na business partner, yung sinasabing pinatawad sa smuggling.
06:10.0
Yung hearing tungkol sa smuggling, pinatawag itong si Michael Ma.
06:14.0
O diba may article din si Ramon Tulpo tungkol dyan.
06:18.0
Ngayon, yan nga ang mga problema, pagihirap na magsasaka, smuggling, sobra-sobrang importation.
06:26.0
Tapos ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng ating mga mambabatas ay yung charter change o pagpapalit ng Constitution.
06:34.0
Yan yung talagang nakakalungkot.
06:38.0
Sinasabi natin, kailangan ba sa panahon ngayon yan ang atupagi nila? Papalitan ang Constitution. Tapos isa sa mga congressman Don Gonzales na nagpo-propose ng amendments sa Constitution natin.
06:56.0
Ang isa sa nabasa ko doon ng amendments, pwede na uli tumakbo ang Presidente, pwede siyang mare-elect. Tungkol na naman sa kapangyarihan, pagpapahaba ng kapangyarihan. Kaya ang sakit na sa ulo.
07:10.0
Ang liwanag na nga ng 1987 Constitution, 6 na taon lang ang term ng Presidente at hindi na siya pwedeng mare-elect o tumakbo uli.
07:20.0
Pero tinatangkapong baguhin. Kaya grabe naman itong kagahaman ng mga nag-iisip na ito. Sa gitna ng napakalaking problema ng bayan, ito ang naiisip nila.
07:32.0
Marami pa doon. Tapos ang mga mayor daw gagawin ang mga local official. 5 years na daw ang isang term at isang reelection na lang. So 5 plus 5, 10 years. Kung dati siyang taon pero tatlong term, magiging 10 years na. Madagdagan pa ng isang taon.
07:52.0
At makakatipid sila kasi isang election 5 years na. Matindi talaga ang ating bayan. Kaya saan pa natin pupulutin ang Pilipinas, hindi na lang sa Kangkuha kundi sa Kumunoy, itong mga hudas at balasubas at mga tamad na ito ng mga congressman at mga mambabatas, ganito pa ang iniisip sa gitna ng katakot-takot na problema ng bayan natin.
08:17.0
Yan lang ang punto natin. Alam niyo kung sa mga legal-legal aspect ng Constitution na yan, napakasimple lang naman sa sabihing ko. Kung sa sarili kong opinion, bago niyo palitan yung saligang batas, magsilayas na muna kayo dyan mga hudas.
08:35.0
Yun lang dahil kahit anong ganda ng batas kung mga hudas at balasubas pa rin ang nakaupo sa gobyerno, wala rin. Papunta pa rin tayo sa impyerno. Real talk yun.
08:48.0
Kahit nagpo-propose pa ng federalismo, sila Robin Padilla dyan, hahatiin ang Pilipinas sa federalism, gagawin pitchapay, e nandyan pa ang political dynasty. Ano ibig sabihin ng political dynasty? Iisang pamilya, iilang pamilya ang nagahari ng politika sa isang lugar, isang bayan, isang probinsya.
09:12.0
At kahit sa ating pambansang politika, kahit sa nasyonal, pumasok na ang political dynasty, pamilya na yan, sila sila lang din. Kulang na nga lang, sabi ko sa isang vlog ko kasama si sir Art at si sir Ago, dun sa isang vlog kanina sabi ko, kulang na nga lang pati pusa, daga, daga nila sa bahay, pusa, aso, patakboy nila sa politika.
09:37.0
Katakot-takot ang problema natin sa political dynasty. Nagahari ang iilang pamilya, sila sila, nanay, tatay, magkapatid, magama, magina, mag-asawa, sila ang governor, sila ang vice governor, sila pa ang congressman, pati konsihan ng bayan sila, pati barangay captain sila.
10:00.0
Tingnan niyo ang senado natin, dalawang magkapatid na kayetano, Pia at Alan, hindi pa tapos ang termong isa, pumasok na isa. Sinugapa na po ang posisyon eh. O ganon din ang mag-inang Bilyar, hindi pa tapos ang term ni Sintya Bilyar, nagsenador na rin ang anak niya Mark Bilyar. Disugapa din sa kapangarian, anuman tawag natin doon.
10:25.0
O diba magkapatid na Estrada, JBE Ejercito at Jingua Estrada, magkapatid. Anong tawag din natin diyan? Disugapa din. O B24 lang ang senador natin, magkapatid, mag-ina, magkapatid, anong susunod diyan?
10:43.0
Anong sinasabi natin kung pinag-uusapan natin pagbabago sa konstitusyon o cha-cha, charter change, tingnan mo ang political dynasty hindi maipasa ang anti-political dynasty na batas sa kongreso.
10:59.0
E yun nga lang ang liwaliwanag ng nakalagay sa konstitusyon na dapat magsagawa ng batas laban sa political dynasty. Nakalagay yan sa 1987 konstitusyon. Pero ilan taon na po ang ating konstitusyon? 1987, 1997, 2017.
11:20.0
So 36 years na ang ating konstitusyon pero wala pa ring anti-political dynasty law na pinapasa ang kongreso. Kasi provision po yan sa konstitusyon kailangan niya ng enabling law or specific na batas.
11:39.0
Kasi constitutional provision yan, buong buo yan. So bakit after 36 years, 36 na taon, hindi pa na isusulong ang batas na lumalaban sa political dynasty?
11:54.0
Simple lang ang sagot. Kasi mga hudas at balasuba sila yan. Hindi sila magagawa ng batas na lalaban sa kanilang interes kahit nasa konstitusyon yan. Tapos ngayon maririnig natin charter change, cha-cha, gusto na nilang magsayaw sa impyerno.
12:13.0
Ano pa ang mangyayari sa bansa natin kung ang naririnig natin ang katakot-takot na anomalya tapos ito ang daming dapat atupagin na mas matitinong batas na dapat ipasa, ito ang ipapasa.
12:30.0
Itong charter change, waste of time. Tapos aksaya sa pera ng bayan, may nagpo-propose po yan ng constituent assembly, constitutional convention, wala rin eh.
12:48.0
Kung hudas at hudas at mga balasubas din ang magbabago ng batas, kahit anong ganda ng batas, eh kung hudas sila, di hudas pa rin. Magkakaletsi-letsi pa rin ang bansang Pilipinas.
13:02.0
Napapalitan ang batas pero hindi napapalitan ng politiko. Pinalitan ng batas, maganda ang batas pero magnanakaw pa rin ang politiko. Pinalitan ng batas pero magsak pa rin ang ating katarungan. Bulok ang ating judicial system.
13:18.0
Pinalitan ng batas pero walang nakukulong na magnanakaw. So anong silbe ng pagpapalit ng saligang batas? Walang silbe para sa bayan. Walang pakinabang para sa mamamayan.
13:32.0
Sino makikinabang sa sinasabi nilang pagpapalit ng 1987 Constitution na maliwanag? Di ang mga politiko sila makikinabang kasi alimbawa Presidente sinasabi doon from 6-year term na hindi pwedeng ma-elect ulit, gagawin na lang 5 taon at pwede ulit siyang tumakbong Presidente.
13:58.0
Magiging 10 years kung saka-sakale, 10 taon isang dekada na naman. Pabor na pabor sa politiko, Presidente at vice president. O ganon din ang mayor, congressman, governor, bukal, council ng bayan, mga local official. Ang term niyan 3 taon.
14:17.0
3 taon isang term tapos 2 beses pwede ang reelection sa kanila. So 9 years, 9. 2 beses ma-reelect ang mga mayor, governor. Pero sa pino-propose na panukala, isang term na lang po, 2 term ang mangyayari.
14:36.0
So 5 plus 5, 10 years. May 10 years si mayor, governor, congressman. Tapos isang reelection lang. Nakatipid pa sila sa election. Dito ang tua ang mga politiko. Anong pakinabang ng mamamayan dyan? Walang!
14:55.0
Walang pakinabang kaya maikli o mahaba ang termunyon nila. Walang pakinabang kasi mga magnanakaw pa rin sila. Mandarambong pa rin, bulok pa rin ang sistema.
15:10.0
Ang 1987 Constitution ang ganda nang nakalagay dyan. Napapatupad ang mga nakalagay doon, justice, equality, opportunity, humane society, ang gobyerno nga mismo noong nakarang Duterte administration ang lumabag sa katakot-takot na paglabag sa human rights.
15:35.0
Ang nakalagay sa Constitution natin, Bill of Rights, ginalang ba yan? E pag pinag-aralan po natin ang 1987 Constitution, napakaganda ng mga nakalagay dyan. Pag binasa mo at sinunod lang po ng ating mga politiko, mga namamahala, mga leader natin sa gobyerno, magandang magandang nakalagay sa Constitution.
15:58.0
Maganda ang batas pero ang mga nagpapatupad, mga hudas. Kaya hinuhudas ang bayan. Anong nangyayari sa ating bayang Pilipinas? Nagkakaletsi-letsi. Nagkakaletsi-letsi na ang bayan natin. Yan talaga ang nakakalungkot.
16:18.0
Ang dami pwedeng pag-isipan na mahalaga ang mga batas na makakatulong. Bakit kaya magkaroon sila ng batas na paipitin pa ang batas sa smuggling, laban sa smuggling.
16:31.0
O kaya isang batas pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa, pagbibigay ng puhunan sa mga vendor, maliit na mga mamumuhu ng Pilipino, mga tendero. Yan! Kung ganyan ang mga batas.
16:48.0
E hindi. Ang batas na ginagawa ito, charter chains. Wala tayong mapapala. Sila lang ang may mapapala dito mga kababayan, mga kabunyog. Diba? Ang liwanag.
17:01.0
Sabi ni Roniel Paiba Senyor, paano kaya kung may taong magtayo ng grupo na imbis ng mga adik ang pinapatay ay ang kurakot na politiko naman. Masahol pa sa adik ang mga yan, pera ng taong bayan ang ninanakaw. Sana may ganoon din.
17:19.0
Parang mga liquidation squad yan. Labag naman yan sa batas. Alam ko nung panahon ni Popoy Lagman, naalala niya si Popoy Lagman, Alex Boncayo Brigade, pumapatay po yan ang mga politiko, mga abusado.
17:35.0
Kaya na po ngayon. Pero labag sa batas din yan. Pero yan nga po. Nakakalungkot kasi talagang kawawang-kawawang Pilipinas.
17:49.0
Balasubas ang mga mambabatas para lamang sa kanilang kapakanan ang kanilang ginagawa. Sadly, we are ruled by criminal syndicates. To the point na mga criminal na, mga sindikato na. Tingnan niyo ang smuggling, sabwa-sabwatan.
18:06.0
Sabwa-sabwatan. Malala ba kayong makakapag-smuggling ang mga yan kung walang kasabwat yan sa Bureau of Customs, walang kasabwat sa Department of Agriculture? Ang masakit diyan pati ang bayaw ng Pangulo, ang kapatid ni Liz Araneta, nasasangkot pa diyan.
18:21.0
Kahit noon pa man may smuggling. Sa lahat ng aspeto ng gobyerno natin. Magsabi kayo ng departamento, Department of Health, Agriculture, Philippine National Police, Armed Forces, Department of National Defense, halos lahat po korupsyon.
18:41.0
Alam niyo nakakalungkot. Hindi na maka-inangbayan tayo. Hindi na tayo alos makarecover talaga. Wala pang isang linggo may anomalya. Wala pang isang linggo may anomalya na naman. Kung hindi sangkot sa mga korupsyon ay sabwatan ang mga nababalitaan natin, wala namang nakukulong.
19:03.0
Sa totoo lang talaga, hindi naman sa pagiging reklamador, ang dami talagang napakalalaking problema ng Pilipinas. Kaya tayo baon na baon sa kairapan. Yung pagtaas lang ng presyo ng bilihin, hindi maliwanag.
19:17.0
Paano ba bababa sobrang taas ng bilihin? Yung sibuyas nga hindi pa rin nasusolusyonan. Yung asukal, ang ani ng mga magsasakay, yung overpriced na laptop sa DepEd may nakakulong na ba dyan? Billion din po yan.
19:35.0
Yung National Corn Program, hindi rin may paliwanag. Billion din yun. Pilihealth yung nakaraan, may anomalya doon. Billion din po yun. 15 billion. Wala. Bumalik ang signal.
19:48.0
Ano yun? Billion na nakawan. Tapos ganito, papalitan na naman ng... sila nalang kaya ang palitan na tayo lumayas na sila sa pwesto nila. Di ba maliwanag naman yan mga kababayan, mga kabunyog, kahit kayong mga pulangaw?
20:08.0
Kahit anong ganda ng batas kung magnanakaw din, kung mga balasubas din na uupo, wala pa rin, ganoon pa rin.
20:38.0
Kaya medyo lumipat na lang ako ng pwesto. So yun ang problema. Yung problema natin, lumayas ako sa Pilipinas, yun ang malaking problema ninyo.
20:55.0
Ayaw ko sa Pilipinas pero ayaw ang palayasan ng mga magnanakaw, mga balasubas sa gobyerno. Di kaya mas tamang isipin natin yung mga huda sa gobyerno ang lumayas na?
21:08.0
Karekla-reklamo, ang daming problema ng Pilipinas, bakit charter change ang pinag-uusapan? At ang ilalagay doon ng mga provision pa bursa sa kanila term limit nila para magkaroon sila ng mas malaking kapangyarihan.
21:26.0
Felicity Vine Grace, gawin mo daw positibo, kaya ang comment nyo baka gusto niya magnanakaw, sabihin nyo maganda po yan ang positibo. Oo, para sa kanila kasi hindi positibo na binabati ko sa mga magnanakaw.
21:39.0
Parang ang positibo sa kanila nagahari ang magnanakaw. Kaya nag-utak po lang ako na ito. Kung sino yung mga magnanakaw yun ang positive sa kanila. Wala, baligtad na po ang charge ng utak ng mga yan.
21:51.0
Mga Felicity Vine Grace, pulang-aumayn, sabi ni Aloida Season Truto, oo mga pulang-aumayn, kakalungkot po na ganyan ang pag-iisip ninyo.
22:01.0
Kaya tayo nagre-reklamo dito, nagbablog tayo dito para ipalam sa tao, bakit nyo binabago ang batas, ang saligang batas, ang tinutinunang batas eh.
22:10.0
Ang ganda-ganda naman ng batas eh, ang problema natin hindi batas, kundi yung mga balasubas, yung mga hudas, yung mga magnanakaw, yung mga kurakot, yung mga nasasabwata, yung mga abusado.
22:23.0
Yun ang problema ng Pilipinas eh, yung nagpapatakbo ng gobyerno natin.
22:28.0
Kaya yung mamamayan tayo, hirap na hirap na, magsabi kayo ng issue na hindi totoo, na sinasabi natin dito sa vlog natin, smuggling, lahat ng mga korupsyo na sinasabi natin sa vlog natin, lahat yan totoo eh.
22:41.0
Nababalita yan, may mga dokumento yan.
22:44.0
O, yung pagtas ng presyo ng sibuyas, nang bilihin, totoo yan eh, hindi naman yan invento lang eh.
22:51.0
O, yung mga anomalya sa laptop, yung mga anomalya sa fertilizer, yung mga anomalya mga nakawan, yung mga smuggling.
22:59.0
Diba, ang dami, yung mga pagsasangkot sa mga drugs na mga general daw, sabi ni Abalos.
23:05.0
O, lahat ito totoo eh.
23:07.0
Hindi naman ito ini-invento lang eh.
23:09.0
O, ito ba ang larawan ng matinong gobyerno? Hindi.
23:12.0
Yung utang ng Pilipinas, P13 Trillion ang utang ng Pilipinas.
23:17.0
Fake news ba yan? Hindi yan fake news. Tignan nyo. O, saan napunta yan?
23:22.0
Kaya sinasabi natin dito, bakit batas ang babaguhin? Bakit saligang batas? Bakit konstitusyon?
23:28.0
Paano? Gusto nila pahabain na naman ang kapanggaria nila.
23:31.0
Diba, gra, parang sobrang kapal na ng mga muka, to the point na napaka tindi na nga ng korupsyon, sila na nga ang nakikinabang, pati yung batas.
23:40.0
Papakialaman, saligang batas para pahabain ang kanilang mga termino? O kung ano mga plano nila? Kung federalism or what?
23:48.0
O, hahati-hatian ang Pilipinas? Maghahari lalo ang mga political dynasty?
23:55.0
Eh yun nga lang ang hamon natin eh, yung political dynasty na yan eh.
23:58.0
Ewan ko sa mga pulangaw na to kung saan ayaw kayo dyan. Payag ba kayo?
24:03.0
Mag-asawa, magpapamilya, magkapated, buong angka na.
24:06.0
Kompletos rekados na, sila na lang may hawak ng kapanggarihan.
24:10.0
Governor, vice governor, congressman, tignan nyo yung mga politiko sa mga probi-probinsya.
24:16.0
Totoo naman yan eh. Hindi ba yung totoo mga pulangaw? Sige ha!
24:20.0
O yung nag-comment dola, hindi daw positive ang ating sinasabi. Eh talagang negative ito, diba?
24:26.0
Bakit natutuwa ba kayo dyan?
24:28.0
Kagaya yung political dynasty, anti-political dynasty na batas, naipasa ba yan? Hindi. At hindi nila rin ipapasa kasi apektado sila dyan.
24:38.0
O, diba?
24:40.0
O, Lucio S. Soleta Jr., tama ka idol, salamat po ha.
24:50.0
Leia Campo Martinez, correct. Diba? O, kita nyo na? Salamat po ha.
24:57.0
Yung iba kasi nating mga kababayan hindi makaintindi.
24:59.0
O, Rolly Marquez, hello po kabunyog watching from Guan, USA. Salamat po.
25:04.0
O, Jimmy Divera, good day Sec Gen Kulex. O, sir Jimmy salamat ha.
25:09.0
Kanina nag-usap kami ni sir Jimmy Divera.
25:11.0
O, Raimundo Barcoma, noon pa ganito ang problema? Opo noon pe, mula noon hanggang ngayon.
25:19.0
Tapos ang pinagdidiskitahan ng mga mambabatas, Constitution, 1987 Constitution, ang tinutinunyan eh.
25:27.0
Kung hindi sila nagnanakaw, kung sila ay gumagawa ng tama, kung ang iniisip nila ay interes ng bayan at sila ay hindi payaman ang payaman at nakikita natin nakikinabang ang bayan, kailangan bang bagoy ng Constitution?
25:41.0
O, kapag papagandahin ang servisyo sa ospital, kailangan bang bagoy ng Constitution? Hindi naman eh.
25:47.0
O, kapag magkakaroon tayo ng maraming industriya dito, magkakaroon tayo ng mga polisiya halimbawa ng pambansang industrialisasyon, kailangan ba ng Constitution? Hindi.
26:00.0
Kapag kailangan ipagulong ang mga kurakot magnanakaw, kailangan ba nating bagoy ng Constitution? Hindi na, nandyan na yan. Nandyan na yan ang sinasabi ng ating Constitution, walang abusado. Dapat ang pera sa lapi ng bayan ay iniingatang mabuti at ginagasto sa tama.
26:20.0
Nasa Constitution ang Commission on Audit, ang paggalang sa karapatang pantao. Kailangan bang baguhin ang Constitution? Hindi na eh. Nakalagay na yan sa ating Constitution.
26:34.0
Ang paggalang at proteksyonan ng pamahalaan ang karapatang pantao. O yung pagpapriority sa laylayan ng lipunan, yung mga mahirap, nasa Constitution na yan eh. O di ba, maganda ng batas ang saligang batas eh.
26:52.0
Ang saligang batas ang may problema, ang talagang problema na natin, itong ating mga leader na sinasangayunan ng mga bugok na panatikong Pilipino na mga pulangaw.
27:05.0
E ngayon, tuong tuwa kayo ngayon, iaano na nila eh. Isusulong na nilang charter change na yan. Ano bang pakinabang ng bayan dyan? Wala! Ngahanan naman tayo dyan eh. Bandang uli sila na makikinabang, papalitan yung term limits nila para hahaba ang mga pwesto nila?
27:23.0
Di ba mga gahaman? Halimbawa ang isang pamilya, ang isang karaniwang trapo o political dynasty, baka lolo-lolo pa nila, tatay-tatay pa nila yung mga mayor-governor hanggang minamanan na lang nila yan eh.
27:39.0
O tignan nyo, halimbawa sa kamarines Sur, si Bilya Puerte, minanan niya sa tatay niya yun. At si Bilya Puerte ngayon, yung dalawa niyang anak na batang bata, governor. Governor yung isang anak, yung isang anak congressman at siya naman congressman din.
27:56.0
O example ko lang yan. Kahit naman halos sinong politiko, tignan nyo sa Isabela, kahit saan halos po political dynasty ang nakikinabang. O tignan nyo halimbawa sa Kabite, tignan nyo sa Kabite.
28:12.0
O senador si Bong Rebilla, yung asawa niya congressman, silahan niya Rebilla. Yung kapatid yung strike Rebilla, mayor. Yung anak na si Jolo Rebilla, vice governor. O pati partylist binalasubas eh, pinasok pa nila ang partylist. O agimat partylist. O di yung Brian Rebilla mukhang congressman na rin.
28:33.0
O isipin nyo yan. Anong tawag nyo dyan? E di political dynasty yan. O bakit walang batas laban sa political dynasty? Ayaw magpatupad ng mga congressman, ng mga senador eh kasi maapektuhan sila. O bakit saligang batas yung gusto nilang baguin? E ang daming mga batas na kailangan.
28:55.0
Diba? Ewan ko lang kung hindi ito alam ng mga pulangaw. Magpunta kayo sa mga provinsya, mga bayan nyo. Maraming mga bayan sa Pilipinas ang mayor at vice mayor mag-asawa. At pag natapos na yung lalaki papalitan ng babae. O paninira ba yan? Fake news ba yan? E tignan nyo na lang eh kahit saan provinsya at bayan eh.
29:17.0
Tignan nyo yung mga Marcos. Presidente si Bongbong Marcos, senador si Aimee, congressman si Sandro, yung pinsa nilang mayor ng Lawag City, yung governor, yung mga bukal doon. Lahat magkakamag-anak eh sa Ilocos mga Marcos. Tignan nyo rin sa Ilocosur, tignan nyo sa Pangasinan.
29:39.0
Kailangan ko ba magsabi ng mga provinsya? Alam na alam naman natin ang political dynasty. Bawat bayan, bawat provinsya, pinaghaharihan ng ilang pamilya. Bakit hindi yan nababago? Bakit hindi yan ang baguhin, yung bulok na sistema na yan? Bakit yung Constitution ang babaguhin?
29:57.0
Yung mga pagnanakaw, dapat nga ang mga batas natin mas mabigat ang parusa sa mga plunderer. Kaya lang maganda yung batas, hindi napapatupad eh. May batas tayo ng anti-plunder law, batas laban sa pandarambong, P50M pa taas. Nakalagay sa batas hindi pwedeng magpiansa. Eh nakakapagpiansa pa rin ang mga mandarambong eh.
30:19.0
Yung mga kaso ng plunder nakakalaya, nakakapagpiansa, nakapapaikot ang batas o anong sasabihin.