Close
 


SINO NGA BA SI MICHAEL MA AT MARTIN ARANETA?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SINO NGA BA SI MICHAEL MA AT MARTIN ARANETA? #informador #EnzoRecto #BUNYOG #AttyRPT
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 05:43
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:30.0
Iminungkahi ng isang mambabatas na pilitin ang sampung individual na humarap sa House Waste and Means Panel at tumugon sa mga aligasyon na sila ay sangkot sa malakihang agricultural smuggling sa mga daungan ng Pilipinas.
00:47.0
Una ng nanawagan si Sultan Kudarat 2D Rep. Horacio Suancing Jr. sa Komite na mag-issue ng subbuena laban sa mga sumusunod na broker, importer, at facilitator na SINA.
01:17.0
Operating in MICP and POM, Manuel Tan, Lea Cruz, Jun Diamante, Lucio Lim, and Jerry Tevez.
01:34.0
Batay sa kopya ng talumpati na ibinigay ng opisina ni Suancing sa media, ang sampung individual ay may mga link sa Port of Manila, Manila International Container Port, at Bureau of Customs o BOC.
01:48.0
Sa mga taong nabanggit higit na naging kontrobersyal dito si Michael Ma, isang Chinoy trader na allegedly ay business partner ng isa pa ring pamusong negosyante na nagnangalang Martin Araneta.
02:00.0
Sa pagkakabanggit sa apelidong Araneta, tila batingaw itong tumulig sa tenga ng ating mga senador. Marami ang napataas ang kilay kabilang nadito ang outspoken presidential ate na si Senadora Amy Marcos.
02:15.0
Ito ay sa kasagsagan ng biglang pagtaas sa presyo ng sibuyas sa merkado, at timing naman sa panahon ng Kapaskuhan kung saan ang sibuyas ay isa sa mga pangunahing panahog at sangkap sa bawat lutuing Pinoy.
02:28.0
Bakit kaya masyadong kontrobersyal ang tandem na ito ng dalawang negosyanteng, si na Michael Ma at Martin Araneta?
02:35.0
Paano nga bang hindi magiging kontrobersyal ang dalawa kung ang mga ito ang mismong mga pangunahing bida sa tel-drama ng nakakaiyak na sibuyas na umabot hanggang sa 600 pesos ang kada kilo sa mga palengke?
02:49.0
Nangyari ito makaraan ang tila-artipesyal o sinadyang pagkawala ng supply nito sa mga merkado. Ang itinuturong may kagagawan ay itong si Ma at ang kanyang business partner na si Araneta.
03:02.0
Si Martin Araneta ay ang nakababatang kapatid ni First Lady Liza Araneta Marcos at bayaw ni PBBM.
03:10.0
Sa mismong bibig ni Senadora Emy Marcos sa kanyang mga interviews sa media, malutong na tinuruan nito na masyadong mabait ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, dahil din ito pinahuhuli sa mga otoridad ang punot dulo ng problema sa isyo ng nawawalang mga sibuyas sa merkado, bagamat alam na alam at kilalang kilala na ito ng presidente.
03:32.0
Hoarding, ang tawag sa artipesyal na pagkawala ng isang essential product sa merkado na almost tantamount sa kasong economic sabotage dahil buong ekonomiya ng bansa at ng sambayanang Pilipino ang apektado.
03:46.0
Pero bakit tumagal pa ang problema at isyo sa sibuyas?
03:51.0
Umabot ng halos mahigit isang buwan sa kabila ng pag-iyakan ng mga mamamayan at ng mga dukhang nagtatanim ng sibuyas.
03:59.0
Mga magsasakang sumusumpa na sadyang walang krisis sa supply ng sibuyas. Nasapat ang kanilang ani at ang mga sibuyas nilang produce ay naibenta na nila sa mga tinaguriang middleman sa murang halaga.
04:13.0
In short, hoarding. Itinago ito ng malalaking negosyante para palabasing may krisis sa supply ng sibuyas at kinakailangan ng bansa na mang-import.
04:24.0
Kaya naman pala walang magawang solusyon si TBBM sa isyo ng sibuyas, bulaslas ng mga dismayadong senador.
04:32.0
Ang paglalabasan ng mga larawan ni Michael Ma at Martin Araneta kasama si Pangulong Bongbong Marcos sa social media ay isang malinaw na indikasyong galit na ang taong bayang sa katarantaduhang pangyayari.
04:45.0
Isa pang larawan ni Michael Ma kasama naman si First Lady Liza Araneta Marcos ang lumabas din.
04:52.0
Isa ito sa mga out-of-the-country official trips ni TBBM.
04:57.0
Malinaw na kasama sa official entourage ng Pangulong Bongbong at First Lady Liza Sima dahil makikita pa sa larawan na nakasabit pa kay Ma ang ID na gamit ng mga delagadong kasama sa nasabing junket trip ng presidente.
05:12.0
Isang talamak nga bang pangagago ito sa sambayan ng Pilipino.
05:17.0
Nagustuhan nyo ba ang ganitong pagtalakay? Mag-follow sa Informador FB page at mag-subscribe sa Informador YouTube channel.
05:27.0
Ang informador ay nilikha ng mga staff ni Atty. Ricky Tomutorgo aka Insorecto upang lalong lumawak ang inaabot ng pagpapalaganap ng katotohanan at labanan ang fake news at kasinungalingan.