Close
 


PINAPALUSOG KO LANG ANG BUNTIS (Part 2 of 2) | Kwentong Aswang | True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
PINAPALUSOG KO LANG ANG BUNTIS (Part 2 of 2) | Kwentong Aswang | True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 32:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWETO NI PHELMO
00:17.0
Noong araw din na yun, sumama talaga ang pakiramdam ko.
00:22.0
Iniisip ko kung ano pa ang pinapakain sakin ni Tia Melba.
00:26.0
Bakit ganun ang nangyari noong niluto ko ito ng maayos?
00:31.0
Hindi naman nasunog yun.
00:34.0
Hindi naman overcooked.
00:38.0
Ang isipin pa lamang ng mga nakaraang pinipilit ipakain sakin.
00:43.0
Ang karning walang kalasa-lasa at sariwa pa.
00:47.0
Alos magsukan na ako pero wala naman akong mailabas.
00:51.0
Nawalan ako ng gana noong araw na yun.
00:54.0
Sabi ko sa sarili ko,
00:57.0
hindi na ako kakain pa ng kahit na anong karning ihahain niya sa pag...
01:03.0
bagay na ipinagtatak ako noong mga sumunod na araw.
01:12.0
Kapag karne ang handa ni Tia,
01:15.0
hindi lamang ako ng hindi.
01:17.0
Sinasabi ko na mamaya na lamang ako kakain gawa nang gusog pa ako.
01:23.0
Hinahayaan na lamang ako ni Tia Melba.
01:26.0
Basta daw bumangon ako para kumain kapag nagugutom na.
01:33.0
Noong una,
01:35.0
nagagawa ko pang bumangon at itapon ng ulam na niluluto niya.
01:39.0
Pagkatapos ay magtitiis na lamang ako sa kanin at gulay na siya.
01:43.0
Pero habang tumatagal,
01:47.0
tila ba hinahanap-hanap ko yung karnin na yon?
01:51.0
Yung lutong karne ni Tia Melba.
01:54.0
Tapos sir,
01:56.0
sobrang hinang-hina ako.
01:59.0
Kahit na ilang kanin, ilang gulay ang kainin ko.
02:04.0
Kahit na gaano karami,
02:07.0
ramdam ko ang panghintay ko.
02:09.0
Kahit na gaano karami, ramdam ko ang panghihina at biglang pangangayayat ng katawan ko.
02:17.0
Iba noong mga nakaraan,
02:20.0
nakinakain ko yung luto niya.
02:23.0
Parang kailangan ata ng katawan ko ang luto ni Tia.
02:28.0
Hanggang sa isang araw,
02:30.0
nangyayain niya akong kumain muli.
02:33.0
Bumangon na ako na parang
02:35.0
nahihipnotismo na sumunod sa kanya.
02:40.0
Alam kong mali.
02:42.0
Alam kong hindi maganda ang karne na luto niya.
02:46.0
Pero noong araw na yon,
02:48.0
matapos ang mahigit isang linggo na hindi pagkain ng karne,
02:54.0
pagkabukas na pagkabukas ni Tia Melba ng kaldero at
02:57.0
lumabas ang samyu ng usok ng niluto niya,
03:00.0
hindi ko mapigilan ang biglang pagpuno ng laway sa bibig ko.
03:06.0
Punong-puno,
03:08.0
kahit lalamunan ko na hindi ko na din magawang lunukin.
03:13.0
Nailuwa ko yung laway na ito sa lababo.
03:17.0
Baliwala lamang yun kay Tia.
03:20.0
Inihain nito ni Tia sa may lamesa at wala akong pagdadalawang isip na umupunod.
03:26.0
Kumuha ng mangkok,
03:27.0
kanin,
03:30.0
nakikita ko pa rin ang hindi kaaya-ayang itsura ng karne na
03:34.0
pinakuluan lamang sa kamatis,
03:36.0
dalhog,
03:38.0
okra at talong.
03:40.0
Walang asin,
03:42.0
walang kung anong pampalasa.
03:47.0
Nang buklatin ko pa ang karne ay ganun na ganun na rin
03:50.0
naghalo na nga ang dugo nito sa sabaw
03:53.0
at namumula pa ang loob.
03:54.0
Ang utak ko,
03:57.0
gusto nang masukas sa hindi kaaya-ayang amoy na nalalangap ko sa sabaw pero,
04:02.0
ang katawan ko,
04:04.0
nanginginig pang sinasalok ang sabaw at karne
04:08.0
habang inilalagay sa plato ko
04:11.0
na para bang may isa akong paboritong ulam na
04:15.0
matitikman ulit na hindi ko natikman sa mahabang panahon.
04:20.0
Tanong ko,
04:21.0
tanong ko kung paano ko binulatlat ang mahilaw na karne.
04:26.0
Maluhaluwa akong hinigop ang sabaw na noon ay magkahalo na nga
04:31.0
ang dugo at taba o mantika ng baboy.
04:34.0
At nang hinigop ko yun,
04:37.0
napakapangit ng lasa.
04:40.0
Kadiri,
04:42.0
para akong kumagat ng sariwang karne sa panahon
04:46.0
at nanginigup ko,
04:47.0
para akong kumagat ng sariwang karne sa palengke.
04:52.0
Parang gusto kong sabihin kay Tia Melba na
04:56.0
sana ay hindi na lamang niya niluto yun.
04:59.0
Pati yung amoy,
05:01.0
para pangang galing kulungan at hindi nahugasan ng maayos yung amoy.
05:07.0
Pero wala.
05:09.0
Wala ako sa sariling kinakain ang bawat parte lang naman ng baboy.
05:14.0
Ultimong yung sabaw na mamula-mula at naninilaw ay naubos kong higupin.
05:21.0
At mas kaya ang buto na napakatigas pa
05:25.0
at nagdidikitan pa ang hilaw na laman.
05:28.0
Ninatngat ko yun.
05:33.0
Noong magsimula ng magkalaman ang tiyan at sigmura ko,
05:38.0
andun yung kilabot na nandidiri ako pero
05:41.0
hindi ko mapigilan.
05:44.0
Hanggang sa mapansin ko na lamang naubos na ang lahat.
05:48.0
Ang ulam, ang kanin, ang gulay.
05:52.0
Si Tia Melba ay nakatitig sa akin.
05:56.0
Yung bibig niya ay halos umabot na sa tenga niya sa pagnitinon.
06:01.0
Yung mga mata niya na titig ng pananabik,
06:05.0
na parang may masamang balak at natutuwa dahil
06:08.0
na isa katuparan niya na ito.
06:12.0
Gaya ng sabi ko,
06:14.0
alam kong may mali pero hindi ko magawang tumigil.
06:18.0
At nang umabot na sa puntong wala nang natira,
06:23.0
para akong bumalik sa ulirat,
06:26.0
nalasaan at naamoy ko na yung tila na tuyong sebo sa lansa ng dugo
06:32.0
sa lalamunan at dila ko.
06:34.0
Napatayo ako, tumakbo sa lababo,
06:39.0
at pinilit kong isuka lahat ng kinain ko pero,
06:43.0
sa hindi ko malamang dahilan,
06:46.0
walang lumalabas.
06:51.0
Pinilit kong isuka ng isuka dahil
06:54.0
sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko noon.
06:57.0
Pero wala talagang nangyari.
07:00.0
Umiiyak na ako.
07:02.0
Nang maramdaman ko yung biglang pag-aplos
07:06.0
ni Tia sa mismong sinapupunan ko.
07:10.0
Sabay-bulong nito sa akin na,
07:13.0
Para sa sanggol yan, Ia.
07:16.0
Maniwala ka.
07:18.0
Mainam yan para sa kalusugan ng sanggol.
07:23.0
Sabay-himas pa nitong muli sa sinapupunan ko
07:27.0
at sinabihan ako na maya-maya ay magiging maayos din.
07:30.0
Kapag natunawan na ako ay magpahinga lamang daw ako noon.
07:34.0
Aalis daw siya ulit at may gagawin lamang sa bayan.
07:38.0
Babalik na naman siya kapag malapit na maghapon.
07:44.0
Naiwan akong nakaupos sa mahagdan ng bahay,
07:48.0
paakyat sa papag.
07:50.0
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko noong mga panahon na iyon.
07:55.0
Nablang ko.
07:56.0
Noong umalis si Tia Melba,
08:00.0
doon na ako bumalik sa ulirat.
08:03.0
Ang hindi ko maintindihan noon ay hindi ko naisip na umalis,
08:08.0
lumayo,
08:10.0
o tumakas na sa puder ni Tia Melba na
08:13.0
parabang takot ako na wala nang mapunta noon.
08:17.0
Basta,
08:19.0
mahirap may pariwanag sa akin.
08:21.0
Kagaya siguro ng ibang senders niyo,
08:26.0
baka mababa ang dungan ko at mabilis lamang akong mahimnotismo o maloko.
08:31.0
Mga ganon.
08:34.0
Kahit nga sa relasyon ko kay Roman, di ba?
08:37.0
Kung wala pang makakapagising sakin sa katotohanan.
08:44.0
Sa loob ng ilang linggo,
08:46.0
paulit-ulit lamang na ganon ng sitwasyon.
08:51.0
Yayayain ako ni Tia Melba na kumain.
08:54.0
Mandidiri ako pero kakain at kakain pa rin ng hinahain niya sapag.
09:00.0
Kakainin ko,
09:02.0
masuso ka,
09:04.0
pero walang lumalabas.
09:08.0
Hanggang sa mapansin ko na lamang isang araw,
09:12.0
sa tigil ko,
09:13.0
magdadalawang buwan na ang sanggol sa sinabubunan ko.
09:17.0
Grabe na ang tinaba ko.
09:20.0
Yung hita ko ay dumoblina.
09:23.0
Yung braso ko ay napakabigat at napakahingalin ko na nun.
09:29.0
Kung dati-dati ay nakakapa ko pa ang leeg ko pero nun,
09:33.0
hindi na.
09:35.0
May paghakbang pababa ng hagdan.
09:38.0
Hirap na hirap ako.
09:39.0
Inaabot ako ng mahigit isang minuto.
09:43.0
Tamad na tamad na rin akong bumangon na kung minsan na eh,
09:47.0
halos nakahiga na lamang ako buong araw.
09:54.0
Hanggang sa isang araw, Sir Seth,
09:57.0
tanda ko na umaga yun.
10:00.0
Hindi mapakalis si Tia Melba.
10:03.0
May binabalat ito na kung ano at ang sabi nito.
10:06.0
Ilang araw umano siya mawawala.
10:10.0
Tinanong ko kung ano ang problema pero sabi lamang nito ay,
10:14.0
may aasikasuin lamang umano siya sa bayan.
10:18.0
Ayon sa kanya,
10:20.0
mga dalawa o tatlong araw lamang naman siyang mawawala.
10:25.0
Humingi ito ng pasensya sakin.
10:28.0
Walang refno mga panahon na yun kaya wala siyang maiiwang karne.
10:32.0
Pero kung gusto ko umano ay, may dumada ang tendero ng isda sa kalsada.
10:39.0
Kabilin-bili na ni Tia Melba.
10:42.0
Nakong hindi isda.
10:44.0
Tanging gulay lamang sa may taniman niya
10:48.0
o sa jardin niya ang ulamin at lulutuin ko.
10:54.0
Huwag na huwag umano akong magtiwala sa ibang luto.
10:57.0
Basta ang importante, alagaan ko ang sanggol.
11:03.0
Sayang naman umano yung mga naggagastos niya sa pagkain sakin
11:06.0
para sakapakanan ng nasa sinabubunan ko.
11:11.0
Tumangulamang ako at hindi ko na nagawang magtanong ba.
11:15.0
Nakikita ko na naiinis o naiirita siya.
11:19.0
Yung tipong ayaw niya akong iwan.
11:22.0
Yung gusto niya akong isama pa sa akin.
11:24.0
Pero hindi pwede.
11:28.0
Muli niyang hinimas ang tiyan ko.
11:31.0
At sinabing babalik siya.
11:34.0
Babalikan niya ako para sa sanggol.
11:38.0
Sinabi ko na lamang na magingat siya at ayun na.
11:42.0
Nakatulog ako nun.
11:44.0
Hindi ko na naisip na hintayin yung nagtitinda ng isda sa kalsada
11:47.0
kaya nagluto na lamang ako ng gulay.
11:51.0
Yun ang inunan niya.
11:52.0
Yun ang inulam ko sa apunan.
11:55.0
Tapos ay sumapit ang gabi at nakatulog ako.
12:01.0
Kinaumagahan, bumangon ako na maaga para maglaba.
12:07.0
Naging normal ang unang araw na yun na wala si Tia Melba.
12:12.0
Noong sumapit ang pagkatapos ng tangalian,
12:16.0
para naman akong hindi mapakali na nagkahanap ng karninon.
12:20.0
Sa tuwing naiisip ko na dapat kanong oras ay nakapagluto na si Tia ng karne.
12:26.0
Nagsisimula na naman akong maglaway.
12:29.0
At nararamdaman ko na rin ang parang pagirita o paghapdi ng sinapupunan ko.
12:36.0
Sinubukan kong mahiga, matulog.
12:40.0
Pero paikot-ikot lamang ako sa higaan.
12:44.0
Hirap na rin akong huminga nun.
12:46.0
Kaya sa unang pagkakataon, Sir Seth,
12:50.0
naisipan kong bye-bye ng lugar.
12:53.0
Sa ilang linggo at buwan kong hindi paglaba sa paglayo sa lugar ni Tia,
12:59.0
naisipan ko na magliwaliw sa palengke nun.
13:03.0
Siguro, kahit makakita lamang ng tindahan ng barbecue
13:08.0
o makabilin ng karne at makapagluto, ayos na.
13:11.0
So ito na nga. Medyo hinihinga naman ay nilakad ko na lang ang palengke.
13:18.0
Ngayong alam ko naman kung nasa nito.
13:21.0
Dahil kahit papano ay matandain naman ako sa mga kalsada at lugar.
13:26.0
Tsaka nung bata pa ako na pumupunta dun.
13:29.0
Hindi naman nagbago yung pwesto ng kung anong lugar dun.
13:35.0
Marami pa namang mga karne at mga kalsada.
13:38.0
Marami pa namang mga karne noong hapon na yun pero hindi nasariwa gawa ng anong oras na rin.
13:46.0
Nagtingin-tingin lamang ako hanggang sa nakahanap ako ng nagtitinda ng barbecue.
13:54.0
Dahil sa tingin ko ay nakakatamad na magluto, ay bumili ako dun ng tuhog-tuhog.
14:00.0
Tinake out ko tapos sumuwi na.
14:02.0
Lingid sa kaalaman ko sir sa, meron na palang nakakita o nakakilala sakin nun.
14:09.0
Bagay na ipinagpasalamad ko naman.
14:13.0
Pero yung araw na yun, tinitingnan lamang niya ako dahil nga nagdadalawang isip pa siya kung ako yun dahil sa laki nga ng tinaba ko nun.
14:23.0
Umuwi ako.
14:25.0
Pagkarating ko sa bahay, nagsaing.
14:28.0
Matitigan ko pa lamang ang steak ng barbecue.
14:32.0
Laway na laway na ako nun.
14:35.0
Kumain ako.
14:37.0
Yun na ata ang pinakamasarap na pagkain ko.
14:41.0
Ewan ko ba, sobrang ginhawa ng pakiramdam ko.
14:46.0
Yun yung masasabi kong tunay na karne na gusto ko talagang kainin sir Seth.
14:51.0
Sa ilang buwan kong hindi pagkain ng karne na nga,
14:54.0
ang pagkakaluto, halos maiyak ako at nasisipon pa ko habang kumakain.
15:02.0
Naubos ko ang isang kalterong kanin.
15:10.0
Habang nagpapatunaw,
15:12.0
bigla akong nakaramdam ng pananakit ng chan.
15:16.0
Parang sasama ata yung chan ko nun.
15:19.0
LBM.
15:20.0
Nung una ay tila nag-iinit lamang na
15:24.0
parabang gumagapang yung init sa may bewang ko.
15:27.0
Tapos napaka-hap din ang chan ko.
15:31.0
Pinakiramdaman ko at ang akala ko pa nga ay sira ang karne na kinain ko pero
15:36.0
napaka-imposible naman gawa ng
15:39.0
wala naman akong naamoy nakakaiba.
15:42.0
Mas parang sira pa nga yung binibigay ni Tiamel ba sa akin.
15:45.0
Makalipas pang ilang minuto, yun na,
15:50.0
tuluyan ang sumama ang chan ko.
15:53.0
Dali-dali akong pumunta sa palikuran para magbawas nun.
15:58.0
Pasensya na sir Sat sa mga nakikinig, lalo na sa mga kumakain.
16:03.0
Pero naging kakaiba ang dumi na inilabas ko sa mga kumakain.
16:08.0
Pero naging kakaiba ang dumi na inilabas ko sa mga kumakain.
16:15.0
Pero naging kakaiba ang dumi na inilabas ko sa mga kumakain.
16:18.0
Meron na ba ditong nakakita o nakaamoy ng dumi ng asong may parvo?
16:23.0
Yung kulay abo? O mala dinuguan yung kulay?
16:28.0
Tas parang yung texture niya ay hindi mo talaga maintindihan.
16:32.0
At yung amoy niya na parang malansa.
16:34.0
Tapos amoy sinunog na plastic.
16:38.0
Gano'n na gano'n.
16:40.0
Pasensya na sa mga listeners natin kung na-describe ko pa.
16:45.0
Pero hanggang ngayon kasi tuwing ikinikwento ko ito sa anak ko o kung kanino man,
16:50.0
naaalala at naaamoy ko pa rin talaga.
16:53.0
Kumaga, damay-damay na.
16:59.0
Naging ganun man ang kinalabasan ng dumi ko.
17:02.0
Tila ba gumaan ang pakiramdam ko?
17:06.0
Parang may nailabas ako sa katawan ko na malinon.
17:11.0
Ikalawang araw.
17:14.0
Maagang maaga akong nagising na parang may sapat na lakas.
17:19.0
At ang unang hinanap ko kaagad.
17:22.0
Karne.
17:24.0
Parang dun palang ako nagsimulang magli at makahanap ng kalayaan.
17:28.0
Wala pa si Tia Melba.
17:32.0
Maaga akong naglakad sa palengke.
17:35.0
Pumaasok ako ng palengke at tamang-taman na marami pang mga sariwa.
17:41.0
Namili ako ng namilinon.
17:44.0
Habang wala ang tia ay susulitin ko ako.
17:48.0
Nung patapos na ako sa pagbili,
17:51.0
eto na Sir Seth,
17:53.0
may humarang sa aking bigla.
17:55.0
Nagulat ako nang makita ko na dalawa sila.
18:00.0
Sila Ana at Baste.
18:03.0
Hindi nila totong pangalan.
18:05.0
Sila ay mga schoolmate ko sa bayan.
18:08.0
Ay nga sa kanila ay kahapon pa nila ako nakikita nun.
18:12.0
Nagdalawang isip pa silang lapitan ako pero,
18:15.0
ay nga,
18:16.0
tumedyo nakasigurado ay sinalubong nila ako.
18:19.0
Sinabi ko nga nabuntis ako at tinanong nila kung saan ako nakatira.
18:24.0
Sinabi ko na lamang na satyahin ko na palagi kong nakakasama sa bayan.
18:30.0
Kilala naman nila si tia pero hindi nila alam kung saan nakatira yon.
18:34.0
Kumaga nakikita lamang nila sa eskwelahan kapag magkakasama kami.
18:41.0
Matapos makapagkamustahan,
18:44.0
nagpaalam na ako.
18:45.0
Sinabi nila na kapag wala daw akong gagawin,
18:48.0
ay pwede akong tumambay doon sa kanila.
18:52.0
Tumangon naman ako.
18:55.0
Pagkauwi ay nagluto ako,
18:57.0
kumain.
18:59.0
Nainjay ko talaga yung araw na yun sa pagkain ng tunay na sariwang pagkain ng tao.
19:05.0
Pero katulad nung nakaraang gabi,
19:08.0
sumama na naman ang tiyan ko makalipas ng ilang oras.
19:11.0
At may nailabas na naman akong dumi na hindi kaaya-aya nun.
19:16.0
Pero mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.
19:21.0
Umaliwalas ang isip at hindi na ako tulog lamang ng tulog maghapon.
19:27.0
Dahil nga sa kinahaponan,
19:29.0
bored na bored ako sa bahay.
19:31.0
Umalis ako saglit.
19:33.0
Gusto ko lang makipagkamustahan sa mga kaibigan ko kasi syempre,
19:36.0
wala akong ibang kaulayaw sa mga susunod na buwan dun.
19:41.0
At saka hindi naman siguro ako pagbabawalan ni tiya, diba?
19:48.0
So bali, maghahapon nga ako dun.
19:51.0
Dun kami pumesto sa isang tindahan na pag-aari ng tiyahin niya.
19:57.0
Yung tiyahin niya naman na ito, Sir Seth.
20:00.0
Siguro ay gawa na din sa maidad na ay marami mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga
20:04.0
Siguro ay gawa na din sa maidad na ay marami ng kakilala sa lugar.
20:09.0
Kaya nga nung tinanong niya kung saan ako nakatira,
20:12.0
at sinagot ko yung bahay ni tiya Melba.
20:17.0
Ang sinabi niya sa akin na nagtataka nun,
20:20.0
Melba?
20:22.0
Yung nakatira sa gitna ng Pilapilan?
20:25.0
Yung papasok ka mula sa kalsada na may tindahan ni ano dyan?
20:30.0
Eh sinong kasama mo dun?
20:31.0
Siyempre napaisip ako.
20:33.0
Sino pa nga ba diba?
20:35.0
Kundi si tiya.
20:38.0
Yung sumunod na sinagot niya sa akin ay,
20:41.0
imposible o ano yun.
20:44.0
Hindi ko daw ba na balitaan na
20:47.0
mag-iisang taong pumanaw na si tiya Melba.
20:51.0
Hala!
20:53.0
Paano nangyari yun kako?
20:55.0
Tsaka ilang linggo ko nang kasama si tiya dun.
20:58.0
Pinaglolo ko ata ako ng matandang to.
21:02.0
Sabi pa nga ng mga kaschoolmate ko,
21:05.0
baka lang nagkamali ang tiyahin nila pero
21:08.0
pinagpipilitan nito na patay na daw si tiya.
21:12.0
Isa umano yun sa mga suki niya.
21:15.0
Namatay yun sa atake sa puso at dahil sa hindi naman alam na mga barangay
21:20.0
kung saan makikita ang mga kaanak na
21:23.0
maske ang mga kaibigan na Melba ay
21:25.0
hindi din nakabalita sa nangyari nun.
21:30.0
Sinagot na umano ng barangay ang dibing.
21:33.0
Hindi na ito pinaglamayan pero
21:36.0
isa ang tiyahin nila Ana at Basti sa pumunta nun.
21:42.0
Litong-lito ako sa nangyari, Sir Seth.
21:45.0
Kaya kahit nagdadalawang isip ay
21:48.0
ikinwento ko sa kanila ang karanasan ko sa bahay ng tiyahin ko.
21:51.0
Narinig kong nagmura ang tiyahin nila
21:54.0
at pagkakuha'y sabi nito
21:57.0
huwag na daw muna akong uuwi gayong pag-abi na.
22:01.0
Doon muna ako matulog sa kanila
22:04.0
at kakausapin niya ang asawa niya.
22:08.0
Nang magsara na ang tiyahin ng mga kaibigan ko
22:11.0
ay dali-dali naman nila akong inakay sa may bahay nila.
22:15.0
Doon na rin tumuloy na ako sa bahay nila.
22:17.0
Doon na rin tumuloy ang mga kaibigan ko na iyon.
22:21.0
Ayon sa asawa ni Aling Belena si Mang Nistor
22:25.0
na maalam sa mga aswang.
22:28.0
Pusibling noong hindi pa ako nakakaalis sa mga magulang ko
22:32.0
pero buntis na ako
22:35.0
ay may nakamanman sakin
22:38.0
nasundan ako.
22:40.0
Pusibilidad lamang yun, Sir Seth.
22:43.0
Pwedeng mali
22:44.0
kasi ang ipinagtataka ni Mang Nistor
22:47.0
kung hindi man siya si Tia Melba
22:50.0
kung hindi si Tia Melba ang nag-alaga sakin ng ilang linggo
22:55.0
paano na tungton nang nilalang ang bahay ni Tia Melba
23:00.0
at paano niya nasisiguradong doon ako pupunta
23:05.0
at wala na ang tiyahin ko.
23:09.0
Hindi man mapagtagpi-tagpi ang nangyari
23:11.0
isa lang ang sinisigurado ni Mang Nistor
23:15.0
sa paraan ng nilalang at pagdatyaga nito
23:19.0
malamang sa malamang
23:22.0
maalam ito sa kung anong mga dasala-tipnotismo
23:26.0
at punteriya niya
23:29.0
ang nasa sinapupunan ko.
23:33.0
Kabiling-bilina ni Mang Nistor, nalistanin ko na ang tiraan na iyon bukas na bukas din
23:38.0
habang tirik pa ang araw.
23:41.0
Susundan nila ko
23:44.0
kunin ko lahat ng gamit ko
23:47.0
huwag akong mag-iiwan ng gamit na pwedeng amuyin ng aswang
23:52.0
at kung maaari pa
23:55.0
ay doon muna ako tumira sa kanila.
23:59.0
Nagtatayuan ang takot sa pagkatao ko habang iniisip ang nangyayaring iyon.
24:04.0
Mabuti na lamang umano at hindi pa ako inabot ng limang buwan sa bahay na iyon.
24:09.0
Dahil sa limang buwan
24:12.0
halos buo na ang sangkol.
24:15.0
Lalaki na ito at magde-develop
24:18.0
kumbaga
24:20.0
kung titignan ng mga aswang ang ganito
24:23.0
pahinog na.
24:26.0
Hindi ko na alam ang gagawin ko noon kaya sa takot ay sumunod na lamang ako.
24:30.0
Nakatulog naman ako ng mahimbing at noong sumunod na araw
24:34.0
noong sumikat ng araw at matapos makapag-almusal
24:38.0
umuwi na ako.
24:41.0
Pinadalan ako nila mang nistor ng luya, bawang at asin.
24:47.0
May alam sila mang nistor pero hindi naman sila albularyo.
24:53.0
So gaya ng sinabi nila Sir Seth
24:55.0
sumusunod sila sa akin habang palakad pero malayo ang distansyo namin.
25:03.0
Dumerecho akong pumasok sa bahay.
25:06.0
Nagmamadali akong umakyat sa may tulugan namin at dumerecho sa mga damit ko.
25:12.0
Mag aal sa balutan na sana ako ng bigla na lamang may boses akong narinig sa likuran ko.
25:20.0
Saan ka galing?
25:21.0
Saan ka pupunta?
25:24.0
Paglingon ko, si Tia Melba yun.
25:29.0
Nakatayo sa sulok ng tabi ng pintuan sa taas ng bahay.
25:34.0
Namumula ang mga mata nito, dilat at bilugan.
25:40.0
Ang buhok niya ay nakatayo na akala mo ay isang walistambo.
25:45.0
Naninigas ang tuwid nitong mga daligat.
25:48.0
At ang hindi ko maintindihan at weirdong posisyon niya.
25:53.0
Ang mga daliri niya sa paalamang ang nakapatong o nakalapat sa saignon.
26:00.0
Napahiyaw ako noon sa itsura niya.
26:03.0
Sigaw ako ng sigaw habang tinatanong kung sino siya.
26:08.0
Hindi siya si Tia Melba.
26:10.0
Nanggigigil siyang dahan-dahang lumapit sa akin habang...
26:16.0
...yung daliri niya pa rin sa paa ang tanging nakalapat sa saignon.
26:21.0
Sabi nito,
26:23.0
Ano bang pinagsasasabi mo?
26:26.0
Ako to, ang Tia Melba mo.
26:33.0
Kung gano'n Tia,
26:34.0
Anong pangalan ko? Napahintos siya sa tanong ko.
26:40.0
Galit na galit itong sumigaw nang wala daw akong utang na loob.
26:45.0
Kung aalis daw ako sa araw na yon,
26:48.0
Iiwan ko sa kanya ang anak ko.
26:51.0
Hindi daw siya papayag na mawawala na lamang ang pinaghirapan niya.
26:55.0
Nanginig talaga ako sa takot nang sabihin niya yon.
27:01.0
Nalimot ko ng asin, bawang at luya na nasa bulsa ko sa sobrang takot.
27:07.0
Pero tingin ko ay yun din ang dahilan kung bakit hindi niya rin magawang makalapit ng tuluyan.
27:15.0
Walang anu-ano.
27:17.0
Bigla na yun,
27:18.0
Bigla na lamang akong nakarinig ng pagmumura sa likuran namin, sa pintuan.
27:26.0
Hayop ka!
27:28.0
Tanghaling tapat ka pa talaga human yan?
27:31.0
Napakaswapan mo para gayahin ang kumari namin.
27:36.0
Dinaluhong ni Mang Nestor ang aswang na ito.
27:40.0
Miyakap niya ito sa bewang at tinulak pa punta sa bintana.
27:43.0
Dali-dali namang sumunod si Baste at binuksan ang bintana ng iyon.
27:48.0
Pagkabukas ay pumalahaw ang sigaw ng matanda.
27:52.0
Natila ba nasisilaw ito?
27:55.0
Nakita kong lumupay pa yung balikat niya.
27:59.0
Yung tipang sobrang lakas pa niya kanina pero,
28:02.0
bigla siyang nanghina at sa isang iglap.
28:06.0
Bumalik ito sa noro.
28:08.0
Naging normal ang muka nito, Sersa, na siyang ikinagulat ko.
28:15.0
Doon ko palamang nakita ang kabuoan niya.
28:19.0
Hindi siya si Tia Melba.
28:22.0
Mukha lang, kawangis, pero noon ko lang napagtanto at nasigurong hindi siya yun.
28:30.0
Pagkabukas ay sumunod niya sa bintana.
28:33.0
Nilapitan ako nila Ana, Baste at Aling Belen.
28:38.0
At dito ay sinamantala ito ng matanda.
28:42.0
Dahil bigla niyang hinatakpasarado ang bintana.
28:46.0
At sa isang iglap, naibaliktad nito si Mang Nistor.
28:51.0
Gumapang ito ng mabilis at tumalun sa may hagdan.
28:55.0
At para itong aninong mayanyong apat na paa,
28:58.0
na tumakbo palabas ng bahay.
29:03.0
Inabol pa ito nila Mang Nistor,
29:06.0
pero bigla itong pumasok sa kakahuyan.
29:10.0
At bigla na lamang nawala, na parang bula.
29:18.0
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, pero nawalan ako ng malay.
29:23.0
Ilang araw akong sa bahay,
29:25.0
nila Aling Belen na niraan.
29:28.0
Siyempre, kumalat ang balita dahil sa tsismis nun.
29:33.0
Nilalagi naman ako na manggagamot dun hanggang sa masiguradong hindi ako nahawaan.
29:40.0
Nagkasakit ako ng ilang araw.
29:43.0
Nagpatingin ako ng isang beses sa doktor.
29:46.0
At ang sabi nito, hindi daw healthy ang klase ng pagkataba ko.
29:51.0
Para daw akong nagbibisyo,
29:53.0
para daw akong nagbibisyo habang nagbubuntis.
29:59.0
Kaya naman tumagal pa bago ako bumalik sa normal.
30:04.0
Akala ko, magiging okay na ang lahat nun, Sir Seth.
30:09.0
Pero saktong sa ikalimang buwan ko na pagbubuntis,
30:13.0
na naginip lamang ako na hawak-hawak ng isang halimaw ang tiyan ko.
30:18.0
At pagkagising ko,
30:20.0
masama na ang pakiramdam ko at dinudugu na ako nun.
30:25.0
Nangdalin ako sa ospital.
30:28.0
Wala na yung bata.
30:30.0
Parang mabaliw-baliw ako noon na walang mapuntahan.
30:34.0
Inampun ako nila aling Belen pero,
30:37.0
bilang kabayaran sa nagastos ay nagtrabaho ako sa kanila.
30:42.0
Sinubukan din akong tulungan ni Mang Nestor at aling Belen sa pag-aaring lupang na iwan ni Tia Melba.
30:47.0
Pero dahil sa kailangan ng nanay ko,
30:50.0
hindi na ako nang ialam dun.
30:52.0
Mairap na.
30:54.0
Pero ang pagkakaalam ko sa huli,
30:57.0
ay nalaman nila yun at inasikaso nila.
31:00.0
Sa madaling salita,
31:03.0
hindi na ako bumalik sa mga magulang ko.
31:07.0
Makalipas siguro yung sabihin nating,
31:10.0
maigit isang taon pagkatapos ako malaglagan,
31:13.0
natuntun ako ni Math.
31:15.0
Nabalitaan ko sa kanya na matapos kong mawala,
31:18.0
ay mabilis daw na nakapag-move on ang Ramon.
31:21.0
At ngayon ay may nobya na.
31:24.0
Noong mga panahon din na yun ay may nobya na rin si Math kaya umiwas ako.
31:29.0
Pero kahit papano ay patuloy ang pagkakaibigan namin dahil itinago niya yung parte kung saan ako naninirahan.
31:37.0
At kapag tadhana nga naman ang nagdigda,
31:40.0
isang taon pa ang nakalipas,
31:42.0
naging single na pulit siya,
31:45.0
at kami nga ang nagkatuluyan.
31:49.0
Dito sa mga sumunod kong mga anak,
31:52.0
anak namin ni Math,
31:54.0
naging maingat na ako Sir Seth.
31:57.0
Hindi ko man mapaliwana ganun ang nangyari noong nagbubuntis ako,
32:02.0
pero hindi ko na hinayaan pang malagay sa panganib ang mga supling na nabuo namin ni Math.
32:08.0
Nabunga ng aming pagmamahalan.