Close
 


ANG AGAWAN SA BWAN
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
BAKIT NGA BA DI NA SILA BUMABALIK PA? SAMA SAMA NATING ALAMIN MGA KATINAGALOG KO. SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 07:45
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Minsan napapaisip po ako kung kailan mas maunlad na ang siyensya.
00:04.5
E bakit tila ba walang kahit na sino ang bumalik at nag-imbestiga sa ating Siluna?
00:10.8
Kung gagamit ng sasakyan at tatakbo ng isang daang kilometro kada oras,
00:16.0
makararating ang tao sa ating Siluna sa loob ng anim na mga buwan.
00:21.0
Kung mas bibilisan, maaari pang ito ay marting sa loob ng tatlong buwan.
00:25.8
Samantalang kung sasakay naman ng normal na aeroplano, katulad ng isang Boeing 747,
00:32.2
aabutin lamang ng labing pitong araw bago sa buwan ay makarating.
00:36.5
Hindi na malayo ang hinaharap na ito dahil ibinabalita ko sa inyo
00:41.1
na ang mga pinakamayayaman ngayon sa mundo na wala ng paglagyan ng pera sa Earth
00:46.5
ay nag-uunahan upang maisakatuparan ang ating ngayong pagkukwentuhan.
00:51.7
Kaya sa malapit na hinaharap, malamang na masasaksihan natin ang unang ekstraktura
00:56.7
na itatayo sa ating Siluna.
00:59.2
Ngunit bakit nga ba ang mga malalaking bansa, katulad ng Russia, China at Amerika,
01:05.1
ay hindi na doon muling nagbalik pa?
01:07.9
Ito ang paliwanag ng mga sayyentipiko.
01:10.7
Wala nang unahan.
01:12.2
Nang ikadalawampu at siyam ng Julay ng taong 1969,
01:15.7
nagtagumpay ang Amerika na magpadala ng tao sa ating Siluna.
01:20.9
Ito ay si Buzz Aldrin at si Neil Armstrong.
01:24.2
Sa loob ba ng mga sumunod pang mga taon,
01:26.7
sampung mga astronot pa ang matagumpay na nakarating kay Luna.
01:31.4
Ito ay ang sumunod na misyon na ang Apollo 8, Apollo 10 at ang Apollo 13.
01:37.2
Ngunit pagkatapos nun, tila ba wala na na sumunod pa?
01:40.8
Ang huling pagbisita ng taong sa ating buwan ay ng ikaapat pa ng Desyembre ng taong 1972.
01:47.8
Ito ay dahil wala ng palakasan at pagalingan.
01:52.0
Matapos ang ikalawang digma ang pandaegdigan,
01:55.0
matagumpay na na ilabas ng Russia ang Sputnik
01:58.5
ng ikaisa ng Oktubre ng taong 1957.
02:01.8
At ng taong 1961, si Yuri Gagarin naman ang kanilang ipinadala.
02:06.8
Ito ay upang ipakita ang kagalingan nila pagdating sa usapin ng siyensya.
02:12.3
Alam naman natin na hindi nagpapatalong basta-basta ang bansa naman ng Amerika.
02:18.0
Sila ay nagpadala ng mas malaki at mas marami pang tao sa labas ng ating mundo.
02:24.0
Matapos nito ay wala nang dapat pa napatunayan pa ang higanteng bansa ng Amerika.
02:30.0
Kaya naman wala na ang humamon pa.
02:32.5
Maliban sa ngayon ay ang pinaplano na ng higanteh na bansa ng China.
02:37.8
Malamang na isa ito sa abangan nating kaganapan, mga katinagalog ko.
02:42.8
Isa pang dahilan, ayon sa NASA, ay masyadong delekado ang doon ay ang pagpunta.
02:48.5
Nakarating man masyado namang marami ang naging mga hadlang.
02:52.0
Unang naitalang sakuna ay nang masunog ang isang parte ng Apollo 1
02:57.0
na siya namang kumuha sa buhay ng tatlong mga astronot na sa buwan sana ay pupunta.
03:02.8
Sumunod naman ay nang masira at sumabog ang tangke ng hangin ng Apollo 13.
03:09.0
Wala namang nasawi, ngunit kinakailangan bumalik ng grupo
03:12.8
na hindi na isa sa katuparan ang kanilang mga misyon.
03:16.0
Nang magpractice ang crew ng Apollo 11,
03:18.5
muntik na ring magpira-piraso itong si Neil Aldrin.
03:21.8
Ito ay nang pumalpak ang isa dapat sa sana ay sasakyan nila.
03:26.0
Hindi pa kasama dito ang sakuna ng wala makapagsasabi kung maggaganap.
03:30.8
Katulad na lamang ng mga asteroid na maaaring tumama sa mga astronot na nasa buwan
03:36.8
at dahil hindi gaya sa Earth na may magandang atmosfera na nagsisilbing harang.
03:42.0
Walang ganito sa ating buwan.
03:43.6
Kaya naman katumbas ng mga asteroid ay ang tiyak nila na kamatayan.
03:48.3
Kaya naman ayon sa NASA na isa ito sa dahilan.
03:51.3
Kaya naman ayaw na nila na bumalik pa sa buwan.
03:54.8
Masyado ito na mahal.
03:56.6
Nang panahon ng dating pangulo na si John F. Kennedy, ang budget pagpunta sa buwan ay katumbas ng 7 bilyong dolyara.
04:04.3
Ngunit sa dulo ay halos umabot sa tatlong beses ang naging sumatotal ng halaga nito.
04:10.8
Ito ay katumbas ng pagsusugal ng halaga sa higit isang trilyon walumpu at walong bilyon
04:18.0
na katumbas na ngayon sa panahon natin ng labing apat na trilyong piso.
04:22.5
Katumbas po ito, mga katinagalog ko, ng tatlong taong budget ng buong Pilipinas.
04:28.2
Ito ay sugal dahil walang kasiguraduhan kung ito ay magtatagumpay.
04:33.1
At kinakailangan pa na may doble o triple ng halagang ito
04:37.6
para kung sakasakaling pumalpak ang unang plano ay makakailang ulit pa.
04:42.6
Hanggang sa ito ay magtagumpay na.
04:45.0
Dito na bumapasok ang mga pinakamayayamang tao sa mundo
04:48.9
at nagsasaliksik ng mas mura at mabilis na pamamaraan pa.
04:53.2
Ito ay upang makalarga ang mga tao palabas ng ating mundo.
04:57.8
Hindi na kailangan pa.
04:59.5
Ayon mismo sa Bansang Amerika na hindi na daw kailangan pa nila sa buwan na bumalik pa.
05:05.1
Sinasabi nila na lahat ng dapat na mapag-aralan nila tungkol sa ating Siluna ay sapat na.
05:11.1
Kaya naman hindi na kinakailangan pa na sumugal at muling doon ay bumalik.
05:16.4
Hindi naman daw sarado ang pintuan ng planong ganito
05:20.1
ngunit sa ngayon ayon sa kanila ay hindi na kinakailangan pa ito.
05:24.7
Malamang na inaabangan nila ang plano ng higante na bansa na China.
05:29.5
Ito ay kung matatapos ang problema nila sa COVID ng maaga.
05:34.1
Hindi na sila masyadong enteresado pa.
05:37.0
Ayon din mismo sa NASA na hindi na enteresado pa ang mga Amerikano sa pagpuntang muli sa buwan
05:43.2
matapos na masaksihan nila kung ano ang naroon.
05:46.8
Ayon sa survey na ginawa ng Amerika na mas enteresado na sila
05:51.2
na pag-usapan at pagkagastusan ang pagbabago sa klima o ang tinatawag nila na ang climate change
05:58.3
at sa pagpunta sa mga mas malalayo ngunit mas may potensyal pa na buwan at mga planeta.
06:04.3
Kabilang na dito ang planeta ng Mars at ang mga buwan ng Jupiter at ng Saturn.
06:10.0
Sa dami ng dahilan at mga kaganapan, ito ay ilan lamang mga katinagalog ko
06:15.0
kung bakit wala na ulit tao na bumalik at pumunta pa sa ating Siluna.
06:19.6
Taong 2022, nag-anunsyo ang bansang China na sila ay tutungo muli sa buwan
06:25.8
kung para saan ay hindi na nila niliwanag pa.
06:28.7
Ngunit maaasahan nyo na sa China nakabantay na maigi ang bansa naman ng Amerika.
06:34.8
Kasabay nito taong 2022 din, nag-anunsyo ang Amerika na ilalabas nila ang proyekto
06:40.6
na pinangalanan nila na ang Luna.
06:42.9
Ayon sa Amerika na gumagawa na sila ng mga eksperimento upang magtayo ng permanenteng lugar sa ating buwan
06:50.6
upang ito daw ay mas maayos at mas matipid nila na mapag-aralan.
06:55.6
Sa planong ito, magkakaroon na ng permanenteng base ang mga sayantipikong Amerikano sa atinaman na buwan.
07:03.6
Mas mura daw ang ganitong paraan kaysa magpabalik-balik.
07:07.3
Ito ay ang susunod natin na dapat naabangan.
07:10.6
Mga Katinagalog ko, naniniwala ba kayo na may bagong kakompetensya na ang mga Amerikano?
07:16.3
Isulat po ang inyong comments sa ilalim at sama-sama naman na atin nababasahin.
07:20.8
Mga Katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.